Marso17-Gawain Sa Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GAWAIN 1 – PARTYLIST (PANGKATAN) – KAILANGANG IPASA ONLINE SA

EMAIL NG INYONG MGA GURO HANGGANG MARSO 20, 2020 LAMANG.


GAWAIN 2 – SAGOT SA GAWAING ITO SA IBABA AY IPAPASA ONLINE SA EMAIL
NG INYONG MGA GURO HANGGANG MARSO 25, 2020 LAMANG.
care@spcpasig.edu.ph
nnlazon@spcpasig.edu.ph
mmaringal@spcpasig.edu.ph

PAGBASA at PAG-UNAWA NG EDITORYAL. Basahin at unawaing mabuti ang editoryal na makikita sa


ibaba.
Pangako ng mga kandidato, panlilinlang sa mga tao
Lahat ng mga kandidato ay inaaming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Isang katotohanan na lagi na
lang may "solusyon" sa panahon ng kampanya ng eleksyon.

"Malinis na pamahalaan", "matino at tapat na taong nasa pwesto", walang kurakot na gobyerno", "libreng
edukasyon", "trabaho", "tamang sahod", "lupa", "pabahay"..... Ito na ang laging sinasabi ng mga kandidatong
nangangailangan ng boto ng manggagawa at maralita para masungkit nila ang kapangyarihan sa bulok na
pamahalaan.

Bawat isa sa mga kandidato ay nagsasabing "ako at ang aking partido ang may tunay na plataporma at
programa para maiahon ang sambayanan mula sa kahirapan". Ilang dekada na ba nating narinig na naghirap
diumano ang bansa dahil sa "maling pamamahala", dahil "hindi mga tamang tao ang naluklok sa gobyerno".

Ang administrasyon naman ay laging nagsasabing wala sa kanila ang problema kundi "hindi sapat na panahon
ng panunungkulan" ang siyang dahilan kung bakit ang mga pangako ay hindi natupad. Ang nasa administrasyon
ay sinisisi ang lahat maliban sa kanilang sarili sa mga kapalpakan.

Matagal na nating alam na ang nais lamang nila ay uupo sa pwesto para lalo pang magpayaman. Kaya nga ang
iba sa ating mga kapatid ay ginawa na lamang "pantawid-gutom" ang eleksyon dahil alam nila na walang
pagbabagong mangyari sa kanilang hirap na kalagayan matapos ang eleksyon.

Ang puno't dulo ng kahirapan ay ang bulok na sistema ng ekonomiya ng bansa na nagbunga ng bulok na
gobyerno.

Higit sa lahat, wala sa mga "super-hero" na politiko at kapitalistang partido ang kapangyarihan upang wakasan
ang kabulukan ng sistema dahil ito mismo ang pinagtatanggol nila. Ang may kapasidad lamang nito ay ang uring
may istorikal na kapasidad at kapangyarihang durugin ang mapagsamantalang kaayusan: ang uring
manggagawa.

Ang panlipunang sistema na nakabatay sa tanging pinanggalingan ay ang libreng paggawa ng masang
anakpawis, sa pag-aari ng minorya sa mga kagamitan ng produksyon, na siyang dahilan ng permanenteng krisis
ng sobrang produksyon at patuloy na kawalang kapasidad ng nakararami na bilhin ang mga batayang
pangangailangan, ang tunay na puno't dulo ng korupsyon at kabulukan ng gobyerno.

Wala sa loob ng gobyerno ang solusyon sa mga problema ng kahirapan. Ang tanging solusyon ay rebolusyon ng

Panunuring Pampanitikan at Panitikang Pandaigdig l Pahina 1


manggagawa para wasakin ang kapitalistang mga relasyon.

Subalit, ang malaking hadlang ay ang kawalan ng tiwala ng masang manggagawa at maralita sa kanilang sariling
lakas at pagkakaisa upang labanan ang mapagsamantalang mga uri sa lipunan.

Sindak na sindak ang lahat ng mga politiko na darating ang panahon na hawakan na mismo ng masa sa kanilang
mga kamay ang pagpanday ng kanilang kinabukasan. Kaya naman nagtulong-tulong ang lahat ng paksyon ng
naghaharing uri na manatiling nakakulong ang malawak na masa sa paraan ng eleksyon dahil ayaw nila na
tahakin ng masang anakpawis ang kanilang sariling landas, ang landas ng proletaryong rebolusyon.

Sanggunian: https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201002/174/pangako-ng-mga-kandidato-
panlilinlang-sa-mga-tao

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag mula sa editoryal na makikita sa ibaba.
Pagkaraan, tumukoy ng isang pangyayari mula sa nobelang El Filibusterismo na may
pagkakatulad/pagkakaugnay sa mga pahayag mula sa editoryal at isulat sa ikalawang
kolum. Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa pamamagitan ng tatlong pangungusap lamang.
Isulat ito sa ikatlong kolum. (20 puntos)

Pamantayan:
Kaangkupan ng pangyayari mula sa nobela – 2
Kaangkupan ng pagpapaliwanag -2
Wastong gamit ng mga salita –1

***ANG SAGOT DITO ANG IPAPASA SA GURO HANGGANG MARSO


25, 2020 SA EMAIL NG INYONG MGA GURO.
Pahayag mula sa Editoryal Pangyayari Mula sa El Fili Pagpapaliwanag ng
Pagkakatulad/Kaugnayan
_______________________
_______________________
_______________________
1. Ang administrasyon naman ay _______________________
_______________________
laging nagsasabing wala sa kanila _______________________
_______________________
ang problema kundi "hindi sapat na _______________________
_______________________
panahon ng panunungkulan" ang _______________________
_______________________
siyang dahilan kung bakit ang mga _______________________
_______________________
pangako ay hindi natupad. Ang nasa _______________________
_______________________
administrasyon ay sinisisi ang lahat _______________________
_______________________
maliban sa kanilang sarili sa mga _______________________
_______________________
kapalpakan _______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________

Panunuring Pampanitikan at Panitikang Pandaigdig l Pahina 2


2. Sindak na sindak ang lahat ng mga _______________________ _______________________
politiko na darating ang panahon na _______________________ _______________________
hawakan na mismo ng masa sa _______________________ _______________________
kanilang mga kamay ang pagpanday _______________________ _______________________
ng kanilang kinabukasan. Kaya _______________________ _______________________
naman nagtulong-tulong ang lahat _______________________ _______________________
ng paksyon ng naghaharing uri na _______________________ _______________________
manatiling nakakulong ang malawak _______________________ _______________________
na masa sa paraan ng eleksyon dahil _______________________ _______________________
ayaw nila na tahakin ng masang _______________________ _______________________
anakpawis ang kanilang sariling _______________________ _______________________
landas, ang landas ng proletaryong _______________________ _______________________
rebolusyon. _______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
3. Ilang dekada na ba nating narinig na _______________________ _______________________
naghirap diumano ang bansa dahil sa _______________________ _______________________
"maling pamamahala", dahil "hindi _______________________ _______________________
mga tamang tao ang naluklok sa _______________________ _______________________
gobyerno. _______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
4. Ang tanging solusyon ay _______________________ _______________________
rebolusyon ng manggagawa para _______________________ _______________________
wasakin ang kapitalistang mga _______________________ _______________________
relasyon. Subalit, ang malaking _______________________ _______________________
hadlang ay ang kawalan ng tiwala _______________________ _______________________
ng masang manggagawa at _______________________ _______________________
maralita sa kanilang sariling lakas _______________________ _______________________
at pagkakaisa upang labanan ang _______________________ _______________________
mapagsamantalang mga uri sa _______________________ _______________________
lipunan. _______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________

Maraming salamat! Mag-ingat tayong lahat at pagpalain tayo ng Diyos!

Panunuring Pampanitikan at Panitikang Pandaigdig l Pahina 3

You might also like