Balangkas NG Batayang Aklat NG Wikang Pa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paghahambing nga

mga Pangunahing
Wika sa Pilipinas
Balangkas ng Batayang Aklat ng Wikang Pangasinan

Prop. Ryden Callueng

Nelmida, Michael Thomas M.


Ramirez, Johanna Francheska H.
III – 4 BFE
I. Introduksyon
A. Batayang Historikal ng Wikang Pangasinan
B. Kultura ng Pangasinan
C. Mga Batayang Prinsipyo sa Pagtuturo at Pagkatuto sa MTB-MLE

II. Ponolohiya
A. Grafema
1. Letra
2. Hindi Letra
B. Ponemang Segmental
1. Mga Patinig
2. Mga Katinig
C. Ponemang Malayang Nagpapalitan
D. Klaster
E. Diptonggo
F. Pagpapantig
G. Ponemang Suprasegmental
1. Tono
2. Haba at Diin
3. Antala

III. Morpolohiya
A. Morpema
1. Anyo ng Morpema
a) Morpemang Ponema
b) Morpemang Salitang-Ugat
c) Morpemang Panlapi
2. Uri ng Morpema
a) Morpemang Pangkayarian
(1) Pangngalan
(2) Panghalip
(3) Pandiwa
(4) Pang-uri
(5) Pang-abay
b) Morpemang Pangnilalaman
(1) Pang-angkop
(a) na
(2) Pangatnig
(3) Pang-ukol
(4) Pananda
IV. Sintaksis
A. Pagbuo ng Pangungusap
1. Pangungusap na may Paksa at Panaguri
2. Pangungusap na Walang Paksa
B. Anyo ng Pangungusap
1. Karaniwan
2. Di-Karaniwan
C. Ayos ng Pangungusap
1. Payak
2. Tambalan
3. Hugnayan
4. Langkapan
D. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. Padamdam
4. Pautos
Batid naming magsisimula ang lahat sa isang maliit na yunit tungo sa mas malaking
posibilidad. Ganito namin nais simulan – sundan. Nais naming bigyan diin ang pag-aaral sa
Morpolohiya lalong lalo na ang wikang Pangasinan ay nakapaloob sa aglunativ na wika. Kung
titignan bilang isang aspekto tungo sa kompleks na mga ideya. Susundan ito ng semantika
upang bigyang kahulugan ang mga naiiambag na salita patungo sa pagbuo at sining ng
paglikha ng pangugusap, ito’y sintaks. Bilang pagtatapos, gagamitin ang ponolohiya gabay sa
mga salita na may ibang konotasyon at denotasyon.
Mapapansinin kung hahambingin nagiging maunlad ang isang wika. Kung ito’y
nanghihiram sa ibang taal pa na wika ngunit kung titignan sa kabilang banda mayroong mga
salita na magkapareho ngunit magkaiba sa kahulugan. Mahalang salik ang pagkakaroon ng
patuldikan na magiging gabay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang nakapaloob sa isang wika. Ito
ang nagsilbing kalakasan at yaring kahinaan.
Ang pinakamataas na antas sa kognitibong pag-unlad ay ang paglikha kaya minabuting
hindi maging didaktikong pananaw at tradisyonal na dulog. Magandang panukala ang
dugtungang salaysay na nakaugat sa tradisyon ng mga Filipino.
Ang pinakamataas na antas sa kognitibong pag-unlad ay ang paglikha kaya minabuting
hind imaging didaktikong pananaw at tradisyonal na dulog. Magandang panukala ang
dugtungang salaysay na nakaugat sa tradisyon ng mga Filipino.
Panuto:
1. Lahat ng mag-aaral ay tatayo at sa inilaan na oras ay maghahanap ng kapares
sila’y magbabahagi gamit ang salitang nabunot at isasambulat ang kanilang nagawang
pangungusap.
2. Ang mga nasa kanan ay ang tagakuha ng salita at ang nasa kaliwa ang poste ng
karunungan
Nilalayon ng batayang aklat na ito sa Wikang Pangasinan na matugunan ang
kakulangan sa materyal na maaaring gamitin ng mga gurong magtuturo sa mga mag-aaral na
ang inang wika ay Pangasinan sapagkat matagal na mula nang huling mailathala ang batayang
aklat ng nasabing wika. Ang aklat na ito’y nakalimbag sa Filipino at sa Ingles na mayroong mga
simpleng paliwanag upang agad na maunawaan ngunit mayroong ding pagpapalawig para sa
mga nagnanais pang mapalalim ang kaalaman tungkol sa Wikang Pangasinan. Sa
pamamagitan din nito, madali ring maunawaan ng mga gurong hindi nagtuturo ng asignaturang
Mother Tongue ngunit nagtuturo sa mga mag-aaral na ang inang wika ay Pangasinan upang
magamit ito sa iba’t ibang asignatura; sa mga Pilipinong nais pag-aralan ang wikang ito; at
maging sa mga dayuhan na may interes sa pag-aaral ng nasabing wika; upang mapalakas at
maging intelektuwalisado ang Wikang Pangasinan.
Upang mapagtibay at matugunan naman ang layunin ng MTB-MLE na mapahalagahan
ang unang wika ng mga mag-aaral, ang mga gagamiting halimbawa sa pagtalakay ng mga
paksa ay kontekstuwalisado sa awtentikong gamit ng Wikang Pangasinan. Sa pamamagitan
nito, hindi magiging artipisyal ang pagtalakay sa wika upang madaling maiugnay at mailapat ito
ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Dahil kadikit ng wika ang kultura’t nasasalamin naman ang
mga ito sa panitikan, ang pagsisipi ng mga halimbawa mula sa mga akdang pampanitikan ng
Wikang Pangasinan, ay hindi lamang makapagdudulot ng pagkatuto tungkol sa gramatikal na
aspekto ng Wikang Pangasinan kundi maging ang kamulatan sa kulturang ito. Nilalayon nito na
higit pang makilala ng mga guro ang wika sa pamamagitan ng pagkilala rin sa kultura nito
upang maging isa pang pundasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pagmamahal sa wika’t
kulturang kanilang pinagmulan.
Nilalayon na hindi lamang magagamit ang aklat na ito upang matutuhan ang Wikang
Pangasinan kundi mabigyang daan din ang pagpapalapit ng wika’t kultura ng Pangasinan at
patuloy pa ang pagsusumikap ng mga Pangasinense na malinang ito sa paglipas ng panahon.
Maliit ang bahagdan na sari-saring uri ng dayalektikal na varayti sa Pangasinan ayon
kay Rubino (2002). Ngunit sinasabi ni Quiros na madaling makilala ang Pangasinan at
ginagamit ito sa gitnang bahagi ng lalawigan.
Subalit kung magsasalita ka naman ng Pangasinan sa mga lugar ng Camiling [Tarlac] at
Bayan Mangatarem at paghambingin sa mga lugar na mga baybayin kagaya ng Dagupan,
pagkatapos muling paghimbihing sa mga nagsasalita sa Lungsod ng San Carlos at tiyak na
madali mong makikita ang pagkakaiba.
Sapakat ang nasabing wika sa gitnang Pangasinan ay may detalyadong paglalarawan
sa isang ispesipikong pangyayari.
Isang magandang halimbawa nito ang ulan na may kaugnayan sa pang-uri kagaya ng
maksil [malakas] or makapuy [mahina] sa ibang lugar. Ngunit sa gitnang Pangasinan, maraming
iba’t ibang katawagan sa ulan. Maaring It can be maya-maya [drizzle], tayaketek [light rain] or
ambusabos [heavy rain].
Madalas sa mga Pangasinense ay marunong magsalita ng Ilocano, Filipino at Ingles. Sa
kasalukuyan ang Pangasinan ay dominanteng wika sa kanyang probinsiya na may 48% na
bahagdan ayon sa kanilang populasyon batay sa 2000 na sensus.
Alinsunod sa batas ng ekonomiya, ang matrix ay nakasunod sa suplay at demand.
Kung ano ang pangangailangan siya ang dapat na ibigay. Ito ay nakapaloob sa pananaw na
utilitarianism. Mas pinili rin gamitin ang dominante at namamayaning wika bilang materyales sa
pagbuo ng MTB-MLE.
Iminumungkahi rin na gawing bilinguwal na edisyon sapagkat kung papansinin. Kapag
ginamit ang wikang pambansa tiyak halos lahat ng Filipino ay maaring pag-aralan ang wikang
Pangasinan. Ganito rin sa kaso ng banyaga, kailangan ibukas din sila sa posibilidad na maaring
pag-aralan ng dayo. Minabuting hindi na isulat sa Pangasinan ang materyales lalong lalo
maiintindihan ng mga Pangasinense at parang mawawalan ng saysay kung isusulat pa sa
kanilang wika ang matrix at baka dili pa maintindihan.
Kailangan paglimihan mabuti ang usaping tungkol sa Mother Based Multilingual
Education lalong lalo na kung saan nanggaling ang konsepto. Nais bigyan ng kontradiksiyon
bilang isang pagsagot sa isang posibilidad na kung ito ba ay dulot na gahum na paniniwala, dili
naman kaya huwad na konsepto ipinasok at pilit na isinusubo sa mga Filipino.
Una, mapapansin na ang Mother Tongue – pagbubuo bilang konsepto ay isang
representasyon na ang Ina bilang unang kausap ng sanggol sa kanyang pagsilang. Ngunit sa
mga tagapanguna at tagapagsulong ng MTB-MLE wala bang nagtangka dili naman na
idistrungka itong paniniwala. Nais kong magtangka at magbigay ng inisiyal na salin.
Halimbawa:
Inang dila – galling sa lengua na nangangahulugang dila samantalang Inang wika ay taglay ang
estetika sa pagsasalin ngunit parang mas sumagi sa isip ang Filipino.
Mahaba itong usapin at kailangan ng masalimuot na pag-aaral para makabuo ng isang
estandardisadong pagsasalin, ito’y isang larawan na dapat kuhaan.
Pundamental ang wika sa iba’t ibang aspekto bilang behikulo sa paggamit sa iba’t ibang
larang. Kaya dapat paigtingin, pagyamanin, at pangalagaan ang iba’t ibang katutubong wika.
Alinsunod din sa Saligang Batas : 10533
SEC. 4. Enhanced Basic Education Program. — The enhanced basic education program
encompasses at least one (1) year of kindergarten education, six (6) years of elementary
education, and six (6) years of secondary education, in that sequence. Secondary education
includes four (4) years of junior high school and two (2) years of senior high school education.
Magsisimula ang pagkatuto na hindi na magmamaliw na pag-unawa sa kanilang wikang
lubos na naiintindihan. Ang MTB-MLE ay naglalayon ng “Unang-Wika-Muna” at paglipat sa
wikang pambansa tungo sa universal na wika. Ito’y nagbubukas mas malaking posibilidad na
mas maipahayag ng isang mag-aaral ang kanyang sarili na mas malapit sa kanyang puso na
hindi natatakot magkamali at nababawasan ang intimidasyon upang hindi malimitahan sa
kanyang naiisip na esensiyal sa pagpupunla sa pundasyon sa pag-aaral.
Ang MTB-MLE ay dulot ng panibagong kurikulum sa programa ng K-12 lalong lalo na sa
upang maisakatuparan ang “ Ang bawat bata ay nagsusulat at nagbabasa” sa unang baitang.
Dito nga makikita natin na magiging interaktibo ang klase at buhay ang partisipasyon
tungo sa kolaborasyon at kooperasyon. Marami ang mahahalinang pumasok, nabawasan ang
hindi nag-aaral. Mabubuksan din paglago sa malawak na akses at kakayahan na mas itaas ang
antas ng pagkatuto.
Nakita rin ang apat na aspekto ng debelopment sa wika, kognitibo, akademiko, at sosyo-
kultural. Matibay na pundasyon ng pagkatao, may kritikal na pagtatasa ng isip at mulat sa
kalagayang nangyayari sa pook na kinabibilangan.
Sapagkat, ang pagkamatay ng wika ay pagkamaty din ng kultura at pagiging banyaga
sa isang bansa !

You might also like