Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Edukasyon

Talumpati ni  Farah Grace Jimena


Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga
paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang
kailangang maangkin ng mga kabataan.

Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung
saan ating pag-uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga
kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating
Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga
mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong
ating inaasam.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag-unlad ng agham sa


ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng
cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating
pamumuhay, lalung-lalo na ng mga kabataan.

Kahit saang dako ka man ngayon tumingin, marami ng mga internet café ang
nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi
maikakaila na halos lahat tayong mga nag-aaral sa pribadong paaralan ay
umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang
paraan?

Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral. Katulad
sa mga pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na
mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka
lang ng yahoo, encode mo lang ang topikong hinahanap, mag-antay ka lang ng
ilang segundo, binggo na! Makikita mo na ang hinahanap mo.

Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa


mga panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag-antay ng ilang
buwan maipadala at tumanggap lang ng sulat. Sapagkat sa isang text lang,
minuto lang aantayin mo… tanggap kaagad.
Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga
teknolohiyang makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito
gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa halip na
magresearch para sa assignment… DOTA, counterstrike, YM at Facebook ang
inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipag-textmate ang pinagkakaabalahan.

Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan. Ang siste,
nakikipag-textmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa klase bagsak si
nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga
magagandang quotes, mag-a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala
sa huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng
paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya. Tsk tsk tsk…

Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw


ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng
pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama
ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang
tao sa lupit ng kahirapan.

Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng


mga paniniwala’t kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga
ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga
dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga
dayuhang ang piniling mag-asawa ng isang Pilipino nang dahil sa ating kultura.

Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba,


masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating
mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong
uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag-unlad. Magkakaroon ng
matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang
makinang na daan sa pakikipagkaibigan. Dito nalilinang ang mga kakayahan na
sangkatauhan. Nahahasa rin dito ang tiyaga ng mga kabataan sa pagkamit ng
tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na
palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga
kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal
na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at intelektwal. Sa
mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakinig, lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko,
huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad
natin. Sama-sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong
makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating
kamay ang pag-unlad na inaantay ng ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang
pag-asa ng bayan.

You might also like