Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Batay sa mga katangian na iyong itinala, ano-ano ang mga katangian ni Crisostomo Ibarra na gusto mong

taglayin bilang mamamayan ng Pilipinas? Ipaliwanag.

~ “Makabayan” sapagkat kung ang lahat ng mga Pilipino bata man o matanda ay tataglayin at
isasabuhay ang pagiging makabayan itong bansang minamaliit noon hanggang ngayon ay magagawang
tingalain at yumaman gaya ng inaasam-asam natin.

Batay sa mga katangiang iyong itinala, masasabi mo bang siya ay tunay na nagpapahalaga sa ating
kultura, tradisyon at bansa? Bakit?

~Opo, dahil ang pagiging marespeto, makabayan at makatao ay tunay na kayamanan nitong ating bayan
dagdag pa rito ang katotohanang si Don Crisostomo Ibarra’y hindi lumimot sa kanyang bayang sinilangan
kahit pa sa kanyang paniniwala ang bayang kanyang pinaglalaban at minamahal ang siya pang lumimot
sa kanya.

II.Ibigay ang kahulugan o salitang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin batay sa
pagkakagamit sa pangungusap.

May pagtatakang tiningnan ng mga panauhin si Padre Damaso dahil sa maaanghang na salitang tinuran
niya patungkol kay Ibarra. Pinagmasdan/Tinitigan

Ang kasaganaan o paghihikahos ng isang bansa ay may tuwirang relasyon sa kalayaan o pagkakalipin
nito. Paghihirap

Bago lumisan ang binata sa handaan ay tinungga muna niya ang alak na inihain para sa kanya. Ininom

Sinipat mula ulo hanggang paa ni Tenyente Guevarra si Don Crisostoma Ibarra. Sinuri

Magiliw na tumugon si Crisostomo Ibarra sa mga tanong ni Kapitan Tiago. Sumagot


I.Paunang Gawain:

Sa inyong opinion, bakit sobrang pinapahalagahan ang paggunita sa mga pagdiriwang o okasyong iyong
itinala sa graphic organizer?

~ Sapagkat ang mga nasabing okasyong ay nakaukit na sa isip at puso hindi lamang sa aming kabataan
bagkus halos sa lahat ng mga tao sa mundo. Ito rin ay turo ng aming mga ninuno bagay na aming
pinahahalagahan at ibabahagi pa sa susunod na salinlahi.

Isulat ang mga katangian ni Don Crisostomo Ibarra na nararapat na pamarisan o gayahin ng kabataan.
Pagkatapos, sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

You might also like