Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

16 Enero 2020

Portfolio #1

Kahulugan, Katangian at Kahalagahan ng Wika

I. Panimula

II. Ang Paksa


A. Pagpapakahulugan
 Mangahis et al., 2005
“Isa sa mga pangunahing sosyolek na teorya
ay ang sosyolinggwistikong teorya na
nagsasaaad na ang wika panlipunan at ang
speech (langue) ay pang-indibidwal at
binibigyang empasis nito ang pagiging midyum
o behikulo ng wika na ginagamit ng mga tao
para sa pakikipagtalastasan”

 Polo (1996)
“Mimetiko o mimetic ang tawag sa wika na may
kakayahang maging salamin ng mga
karanasang maaaring maglarawan ng buhay,
lipunan at kasaysayan at hindi isang sistema
lamang ng mga salita, kundi sistema ng
pagkakaiba”

 Labov (cited in Liwanag, 2007)


“Natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba
ng anyo at pagkakaroon ng varayti ng isang
wika dahil Walang mataas at walang
mababang anyo ng paggamit ng wika.

 Paz, et.al. (2003)


Homogenous ang wika kung parehong
sinasalita ng gumagamit nito at heteregenous
kung iba-iba ang wika ayon sa lugar, grupo at
pangangailangan ng paggamit”

 Arcenal Elyza (2014)


“Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay
ipinaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik ng
pinagbatayan ng ideya pagiging heteregenous
ng wika na pinag-uugatan sa pagkaka-iba ng
indibidwal o grupo”

B. Katangian
 Garcia, et.al (2008)
1. May sistematik na balangkas.
-nagsisimula sa tunog (ponolohiya),
salita (morpolohiya), pangungusap (sintaks)
at diskors (diskurso).
2. Malikhain
- Nagkakaroon ng pagbabago at pinag
pinagsama-sama upang makalikha ng
bago.
3. Kaugnay na kultura
-Nagiging wika at nagbibigay pagka-
kakakilanlan sa bawat kultura.
4. May lebel o antas
-Kinapapabilangan ng pormal at di-
pormal, lingua franco, kolokyal, balbal at
edukado/malalim.
5. Dinamiko/buhay
- Patuloy na dumarami, naragdagan at
umuunlad.

C. Kahalagahan
 Arcenal Elyza (2014)
1. Nagagawa nitong mapaunlad ang
isang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng salitang gagamitin
sa isang lipunan.
2. Nagkakaroon ng pagdami sa iba’t-
ibang katawagan ng mga salita.
3. Natutulungan ang mga tao na
makapamili ng mga salitang
pinakaangkop na gamitin.
4. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan
at pagkakaisa ang lahat ng tao dahil
kung wala ito mawawalan ng saysay
ang sinasabi.
5. Napapalawak nito ang iskorling
pananaliksik.

III. Ang Natutunan


SA PAGPAPAKAHULUGAN
Ang aming natutunan sa pagpapakahulugan ni Mangahis et. Al , 2005
sa barayti ng wika, ang sosyolinggwistiko ay isang teorya kung saan ipinahiwatig
nito na may malaking ginagampanang tungkulin ang wika at ito ay nagsisilbing
midyum ng na ginagamit ng mga tao sa pakikipagpalitan ng salita mula at
patungo sa mga taong nakakasalamuha. Sa pagbibigay pansin ni Polo (1996)
ipinapahiwatig katulad ng teoryang ang teorya ng wika na naangangahulugang
sumasalamin ang wika sa totoong karanasan ng buhay. Sa pagpapakahulugan
ni Laboy (cited in Liwanag 2007) natutunan namin na natural lang ang
pagkakaiba sa anyo ng wika dahil ibat-iba ang mga taong gumagamit nito sa
ibat-ibang pamamaraan. Nahihinuha namin sa pagpapakahulugan ni Paz et.al
(2003), na may dalawang klase sa tawag ng paggamit ng wika, ito ang
homogeneous na nangangahulugang nagiging tapat ang paggamit sa wika at
heterogeneous kung nagkakaroon ng pag-iiba-iba sa wikang ginagamit. Sa
karagdagang pagbibigay kahulugan ni Arcena Elyza (2014) natutunan namin na
pinagbatayan ng konsepto ng pagiging heterogeneous ng wika ay dahil sa
pagkakaiba ng indibidwal o pangkat. Sa paglalahat ay sumasang-ayon kami sa
mga naturing pagpapakahulugan ng mga may akda patungkol sa barayti ng wika
dahil batay sa mga pagpapaliwanag nila ay aming nahihinuha na ito’y talagang
makikita o mapapansin sa ating lipunan.

IV. Kongklusyon

V. Mga Sanggunian
Antonio, L. F., Mangahis, J. C., Nuncio, R. V., & Javillo,
C. M. (2005). Komunikasyon sa akademikong
Filipino (Batayang aklat sa Filipino 1). Quezon
City: C&E Publishing, Inc.
Arrogante, J., Garcia, L., Torreliza, T & Ballena, A.,(2007).
Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Mandaluyong City. National Book store.

Arcenal, E. (2014, November 10). Kahulugan at kahalagahan


ng barayti ng wika. Retrieved from https://prezi.
com/i4z0t3z1zic0/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
barayti-ng-wika/

Labov, W. (1970). The Study of Language in its Social


Context. Giglioli, Language and Social
Context. London: Cox and Wyman.

Paz et.al. (2003). Varyasyon o Barayti ng Wika Homogenous


at Heterogenous na Wika. Retrieved from https://
www.academia.edu/37505370/varyasyon_o_
Barayti_ ng_Wika_Homogeus_at-Heteregenous_ng
_wika

Liwanag, L. (2007). Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon


ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo
at Pananaliksik. The Normal Lights: Journal
on Teacher Education, (1)1, pp. 229-245

You might also like