1, City of Dasmariñas, Cavite 4114 http://dasma.pcu.edu.ph/
February 4, 2020
Ginang Socorro Rosario "Corie" Fule Poblete
Mayor Silang, Cavite
Mahal na Mayor Poblete:
Isang pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Grade 11 HUMSS T – Naomi na magsasagawa ng programa patungkol sa aming panukalang proyekto para sa mga batang nasa lansangan. Kaugnay nito, maaari niyo po ba kaming pahintulutang mag libot sa bayan ng Silang upang hikayatin ang mga batang nasa lansangan na sumama sa amin−sa Philippine Christian University sa Dasmariñas. Nais namin silang tulungan at turuan. Sa tulong ng programang ito makakapag aral sila, mapag tutuunan ng pansin ang kanilang kalusugan, at magkakaroon sila ng maayos na pamumuhay. Malaking tulong po ang inyong pag sangayon upang maisakatuparan ang programang ito. Maraming salamat po at nawa’y makamit namin ang positibong tugon ninyo kaugnay ng kabilingang ito! Lubos na gumagalang, Mariela Cristino Kinatawan ng Pangkat (09472757057)
Binigyang pansin ni,
G. Zion Job Fagaragan Guro sa Filipino sa Piling Larangan Sampaloc 1, City of Dasmariñas, Cavite 4114 http://dasma.pcu.edu.ph/
February 4, 2020
Mga estudyante sa Senior High School
Philippine Christian University Dasmariñas, Cavite
Mahal naming mga Kamag-aral:
Maalab na pagbati! Magsasagawa po kami ng programa upang tulungan ang mga batang nasa lansangan. Inaanyayahan po namin ang inyong pagsuporta sa layuning makatulong. Nangangailangan po tayo ng mga boluntaryo upang pangasiwaan ang pangyayaring ito. Kung maaari ay magbigay na rin ng donasyon gaya ng mga lumang textbooks, story books, at iba pang pinaggamitan o lumang gamit sa pag aaral. Kaugnay nito, nais din po naming humingi ng tulong pinansyal sa pagbili ng mga kakailanganing gamit sa pag aaral gaya ng mga lapis, papel, notebook at iba pa na makakatulong para sa mga bata. Ito po ay isang malaking tulong upang masagip at mabigyan ng gabay ang mga batang ito. Lubos po ang aming pasasalamat sa kahit anong halaga na inyong maibibigay. Dalangin po namin ang inyong pagsupporta sa amin. Lubos na gumagalang, Mariela Cristino Kinatawan ng Pangkat (09472757057) Sampaloc 1, City of Dasmariñas, Cavite 4114 http://dasma.pcu.edu.ph/
February 4, 2020
H. B. Lotilla Construction Company
San Vicente 2 Silang, Cavite
Mahal na Captain Herber Lotilla:
Isang maligayang pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Grade 11 HUMSS T – Naomi sa paaralang Philippine Christian University sa Dasmariñas, Cavite na magsasagawa ng programa patungkol sa aming panukalang proyekto para sa mga batang nasa lansangan. Nais po ng programang ito na tulungang makapag aral ang mga bata, turuan silang mag sulat, mag basa, mag bilang katulad ng mga normal na bata sa kanilang edad ngayon. Magkakaroon din po kami ng feeding program para sa kanila, at hihingi rin po kami ng tulong sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) upang mas lalong magabayan at matulungan pa ang mga batang ito. Kaugnay nito, nais po naming humingi ng tulong pinansyal sa pagbili ng mga pagkain at tubig na kakailanganin para sa feeding program na gaganapin tuwing Biyernes at Sabado sa paaralan ng Philippine Christian University sa Dasmariñas, Cavite. Kahit ano pong halaga ay malaking tulong para sa kabutihan ng mga bata. Dalangin po namin ang inyong pagsupporta sa amin. Lubos na gumagalang, Mariela Cristino Kinatawan ng Pangkat (09472757057) Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay isang programa upang sagipin at tulungan ang mga batang nasa lansangan. Ito ay tumutukoy sa pagkalap ng mga bata para tulungang makapag aral. Nais din ng programang ito ang pagbibigay ng libreng pagkain o pagkakaroon ng “feeding program” para sa mga ito nang sa gayon ay magkaroon ng malakas na pangangatawan at kalusugan ang mga bata. Sa tulong din ng Department of Social and Welfare Development o DSWD, mabibigyan ng gabay ang mga bata sa kanilang paglaki. Mailalayo sila sa mga illegal na gawain gaya ng paggamit ng droga, pagnanakaw, at iba pa.