Letter To Parents For Corona

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga magulang,

Kalinisan, kalusugan at tamang nutrisyon ang mainam pa din na pamamaraan upang makaiwas tayo
sa corona virus. Mas malusog ang katawan ay mas malakas din ang ating immune system. Upang
mapaigting ang kalinisan at kalusugan ng ating mga mag aaral ay minabuti po nating gawin ang mga
sumusunod.

1. Simula sa lunes ay mainam po na pag suutin ng masks ang inyong mga anak.
2. Pagbaunin ang inyong mga anak ng maliit na bote ng alcohol, pakilagyan po ito ng pangalan.
Sa mga mag aaral mula grade 3 hanggang grade 9 ay maari nila itong ilagay sa bag nila
palagi. Samantala mula Nursery hanggang grade 2, ang alcohol na kanilang dadalhin ay
iiwanan sa classroom para makontrol ng guro ang paggamit. Iniiwasan po natin ang
aksidente na baka mainom ng bata ang alcohol.
3. Kung ang inyo pong anak ay may lagnat, ubo at sipon ay mainam na po munang magpagaling
sa bahay. Magkakaroon tayo ng make up class para sa kanila kung kinakailangan.
4. Patuloy po nating kukunin ang temperature ng ating mga mag aaral.

Inaasahan namin ang inyong kooperasyon.

Maraming salamat po.

HPS Management

You might also like