Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

”Anti-Hazing Law, palamuti nalang ba?

A”

Isa na namang estudyanteng namatay nang dahil sa hazing na mula sa


Unibersidad ng Sto. Thomas noong ika-17 ng Setyembre nang matagpuan iniwan sa
bangketa sa Balut, Tondo ang katawan nito.

Marami na ang umaasa na matatapos na ang ganitong gawain ng mga taong


kasapi sa fraternity. Sapagkat ang akala nila'y marami na ang magbabago o matatakot
na gumawa ng karahasan o anumang uri nang pananakit sa Initiation Rites na nauuwi
sa pagkamatay ng ibang miyembro ng fraternity.

Ayon sa aking mga nakalap na detalye, sapilitan si Horacio Castillo Jr na isinali


sa Aegis Juris fraternity dahil sa katunayan hindi pumayag ang kaniyang mga magulang
ngunit puwersahan na sinali ng grupo ang biktima. Ang huling paalam nito sa mga
magulang niya ay magkakaroon ng welcome rites ang grupo upang ipapakilala raw siya
kasama ang mga baguhang miyembro sa kanilang frat. At kinabukasan matapos ang
gabing iyon ay nagulat na lamang ang kaniyang mga magulang nang sila ay
makatanggap ng text na ang kanilang anak ay nasa Chinese General Ospital at
nabalitaan nilang patay na ito.

Sa tingin ko'y wala na ngang silbi ang Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing
Law. Kahit na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa, patuloy pa rin itong
nilalabag. Mistulang bato at walang puso na ang mga gumagawa nito siguro dahil gusto
rin nilang maghigante at iparanas ang ganitong ritwal sa mga kasapi.

Itigil na ang ganitong kaugalian. Di naman kailangan pang saktan ang bawat isa
na nais sumali para lamang sabihin na sila'y kasapi ba rin. Maaari namang idaos ito na
wala man lang nasasaktan. Kaya't kung maaari ay alisin na lamang ang madugong
initiation rites.

You might also like