Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PURONG PINOY o FIL-FOREIGN Athletes?

Isang malaking tanong kung bakit mayroong halong dugong bughaw ang ating mga pambatong
atleta. Mayroon tayong isyu ngayon patungkol sa ating pinapambato pagdating sa larangan ng sports.

Ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) ay nagkakaroon ngayon ng
kritisismo tungkol sa mga atletang nakakuha ng gintong medalya para sa Pilipinas sa 28 th South East
Asian Games.

Dahil nagkandaripas nilang nakuha ang limang gintong medalya galing sa Singapore Showcase
nagbigay tanong sa mga Filipino kung bakit FIL-AM ang mga lumaban at hindi Pinoy, lalo na’t ang apat na
manlalaro ay may lahing Amerikano na pinamunuan ni Eric Cray at Karla Richardson.

Marami ang kwestiyon kung bakit hindi na lang purong Pinoy ang maglaro dahil Pilipinas naman
ang inirerepresenta, dapat ay ipagmalaki ang lakas ng purong Filipino.

Ngunit hindi ba ang FILIPINO-AMERICAN ay may dugong Pinoy pa rin? Kaya naman ay may
karapatan pa rin ang Pilipinas na ipagmalaki ang mga atletang dugong bughaw.

“Why not? If basketball can do it, if football can do it, if it’s not bad, why it be bad for track and
field and other sports? Basta may Filipino blood” ani ni Juico, presidente ng Patafa.

You might also like