5,000 Pogi Points Ni Von - Spee

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 179

-1-

-2-
Prologue

Wag ka nang umalis. Sabi ko sa sarili ko. Wag na siya umalis.


Pero next scene, alam kong aalis din siya. Pinilit kong maniwalang spur of the moment lang ‘to. Pagkagising ko
bukas, balik siya sa isang common na pangalan na lang na lagi kong nakikita. Walang epekto sakin. Wala rin naman
akong epekto sa kanya. Hindi niya ako kilala. Hindi ko siya kilala. Ganun lang. Masyado lang akong apektado.
Ngayon. Naiinggit ako. Sana ako na lang. Pero ngayon lang ‘to. Paggising ko bukas, wala nang epekto. Hindi na
nakakabaliw. Tuloy ang buhay kong walang highlights. Ordinary. Monotonous. Routine. Highlight na sakin ‘tong na-
hook ako sa pagbabasa ng kwento niya. Kung kelan lang may update. Ilang linggo ko din ‘to pinagpuyatan.
Pinwesto ko ang sarili ko sa loob ng kwento niya. Napapangiti tuwing nababanggit ang expression niya.

Gusto kita makilala. Sabi ko sa sarili ko. Gusto ko siya makilala.


Pero next scene, alam kong hindi ko siya makikilala. Kung sino man siya.
Ngayon, alam kong gusto ko siyang makilala.

Nagpunta ako sa random thoughts thread at nagtype:


Sa ngayon, isipin mong random thought lang ‘to. Pero sa future, siguro next year o after five years, pag naalala mo,
isipin mong ngayon, naging handa akong mahalin ang isang random na tao. Naging handa akong mahalin ka.

Ayoko ng ganitong pakiramdam eh. Malay ko ba kung sino ka. Tapos iniisip kita. Mula umaga hanggang gabi.
Iniimagine kung paano kita makikilala. Iniimagine na naglalakad tayo, namamasyal, kwentuhan. Ikwento mo din
sana sakin lahat. Sana alam ko din yung mga alam nila tungkol sayo. Pero hindi ko alam kung paano. Kung saan
magsisimula. Tsaka, dapat ba? Wala naman akong lugar eh. Wala rin naman kasi ‘to sa lugar.

Pero ang sarap mo yatang kasama eh. Ang sarap mo yatang mahalin. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung idea
na yun. Pero pakiramdam ko, ang sarap mo yatang makilala. Ang saya isipin na darating yung mga araw na normal
na lang sa’tin magkamustahan. Sa text, sa AP, sa personal. Hoy musta. Hoy ano na. Hoy kita tayo. Hoy gala tayo.
Mga ganun. Pero saan kita hahagilapin. Isa ka lang username. Isa lang din akong username. Ayokong
magimbestiga. Para naman akong ewan nun. Nagustuhan kita ng ganyan. Ganyan na lang. Wala ng dagdag
kaalaman.

Mukha akong ewan.

--------

Kinabukasan, tanghali na nagising si von_spee. Abot sa laptop, silip sa AP, bangon, ligo, kain, pasok sa school.

-3-
Chapter 1.

Magandang araw sa inyong lahat. Gusto ko lang mag-share ng kwento ko. Bago lang ako dito sa AP. Natuwa ako
kasi andami palang kwento dito. Ang sarap basahin. Nainspire ako magsulat. At mag-share din. Nangyari ‘to last
year lang. Pero nagsimula pa three years ago. Nung second year college ako. Sana magustuhan niyo.

Isa akong advertising student. Syempre. Hindi naman pwedeng dalawa akong advertising student. Hehe. Biro lang.
Ang school ko sa university belt. Graduating na ako. Na-delay ng isang taon. Kaya limang taon ako sa college. Ayos
lang. Masaya naman eh. Napagalitan ng todo sa bahay nung bumagsak. Pero pinag-aral pa din. Wala eh. Na-enjoy
masyado ang barkada. Natutong manigarilyo. Mag-inom. Mag-cutting class. Mag tong-its nang walang humpay sa
dorm ng mga kaibigan. Nagkasubukan pang mag marijuana. Pero dalawang beses lang. Ang kulit kasi nung isa
nilang ka-dorm eh. Architecture naman yun pero ibang school. Nag-aadik. Eh nakakasama kamin mag-inuman.
Kaya ayun, sinali kami sa trip nila. Pero yun lang yun. Subok lang. Defensive syempre baka may makabasang pulis.
Hehe.

Masaya ang buhay college ko. Masaya lalo nung nagkaroon na ako ng mga barkada. Kung ano anong trip.
Tuksuhan. Ligawan. Mga love team. Extension ng hayskul. Hindi naman kami kasi hirap sa mga subjects. Gusto kasi
namin ang ginagawa namin. Kaya no pressure. Sa deadline lang talaga nagkakagipitan. Pero ayus naman.

Madalas nung second year, wala na kaming subject mula lunch hanggang gabi. Hanap ng magagawa. Eh ano pa nga
ba. Inuman sa bilyaran. Kung saan sampu piso bawat laro. Bayad mesa kami. Dito ako natuto talaga manigarilyo.
Kasi dati subok subok lang na patago. Eh ayun, natuto na rin. Experiment pa ng iba’t ibang brand ng yosi at klase ng
pagbuga ng usok. Astig na! Red horse dito, granma dun. Uuwing lasing na naka bukas na ang polong uniform.
Sasakay sa FX kasama ang isa pang kasabay umuwi at mag-uusap ng kung ano anong kapraningan sa likod.
Bangengeng lalakbayin ang ma-trapik na Magsaysay, Kalentong, Crossing, Pasig. Bagsak sa higaan at kinabukasan,
pahirapan gisingin. Sigaw na lang ni mama ang alarm clock. Alarm clock na hindi natitinag.

May mga panahon din nun na mag-isa lang ako. Minsan mas gusto kong mag-isa ako. Tahimik. Kahit nasa gitna ng
kung tawagin namin eh freedom park. Kahit maingay ang mga estudyante sa paligid. Minsan naman nasa library
lang ako. Nakikipagkwentuhan sa mga libro. Minsan naman naglalakad lang sa kung saan saan sa Recto, Sampaloc,
Quiapo. Kung saan dalhin ng paa. Ng hangin. Ng aligagang mga tao.

Hay college. Andaming nangyari sakin jan. Ikukwento ko sa inyo lahat. Pero hanggang dito muna. May lakad pa
ako. Salamat!
--------------------------------------
May bago palang story. Ma-welcome nga.

TS, welcome sa AP! Thanks sa pag-share ng story mo! Interesting!

Maya-maya.

Thanks von_spee sa pag welcome. Bukas siguro ulit or sa isang araw yung karugtong.

Naks. Ambilis niya magreply. Pero mamaya na ako sasagot. May pasok pa ako. Pero ayos, may bago na naman
mababasa.

-4-
Chapter 2.

Guys salamat sa mga nagcomment. Nakakatuwa kasi hindi ko iniexpect na may magbabasa at magcocomment pa.
Itutuloy ko na ang kwento ko.

Nung first year college, puro lang kami kalokohan. Halu-halo pa ang mga klasmeyt ko nun, mula pa sa iba-ibang
course. Aral minsan, gala minsan, parang ugali ko nung hayskul na hindi siniseryoso masyado lahat. Tamang gets
ang lesson, ayos na. Lagi kong kasama nun si Dino at Albert. Psychology ang course ni Dino, si Albert ka-course ko.
Mga free section kami pero sa anim na subjects ko nung 1st sem, at sa pito nung 2nd sem, eh kaklase ko sila.
Kwela, kumbaga may sariling section kaming tatlo na kami lang.

“Uy ba’t di kayo pumasok sa ibang subjects?” tanong nung isang taga block section.
“Tinatamad na kami mag-aral eh,” sagot ko na seryoso ang mukha.
“Oo nga eh, parang wala naman kaming kinabukasan sa ibang subjects. Walang kwenta. Kaya hindi na kami
pumasok. Baka mag-drop na lang kami,” dagdag ni Albert.
“Kung ako sa’yo, magdrop ka na rin. Itong subject na lang na’to pasukan natin,” kumbinse ni Dino.
“Ha, eh kailangan makapasa dun di ba para makapag-second year?” nagtataka yung estudyanteng hindi namin
alam ang pangalan.
“Sabi lang nila yun. Wag ka maniwala sa lahat ng sinasabi ng school. Ikaw pa rin magdesisyon para sa sarili mo,”
nakatitig si Albert habang sinasabi.
“Seryoso ba kayo? Parang ayoko nga nung subjects na yun eh. Napag-aralan ko na yun nung hayskul.”
“Pag-isipan mo. Ikaw din, sige ka,” sabat ko.
Pagkatapos ng thirty minutes nang pagtritrip sa clueless na kaklase, wala pa rin si prof. Naglabasan na yung iba.
“Tara na! Hindi na dadating yun.”
“Uy paano ba mag-drop ng subject?”
“Tanong mo sa dean. Dapat daw dumiretso sa dean eh,” sagot ko, tapos tumayo na kaming tatlo. Si Albert,
pinatong ang upuan ng prof sa ibabaw ng mesa. Sabay sigaw, “DISMISSED!”
Tawa kami nang tawa paglabas.

Pero sa kahit isang klase namin, hindi kami nag-absent. Ang image namin, mga loko-loko. Mahilig magtanong sa
prof ng kung anu-ano. Pinag-initan ng mga prof nung simula ng sem, pano ang gugulo namin sa harap. Imbes na
yung nasa likod daw ang magugulo, kami pa daw ‘tong ang iingay. Pero pagkatapos ng prelims, kasundo at
kabiruan na namin lahat ng profs, kahit yung isang napaka-terror.

“Uy ang gagaling niyo ah! Taas ng grade!” sabi nung klasmeyt namin na nabanggit ko kanina. “Ganyan pala talaga
pag nag-drop ng ibang subjects, naka-focus lang sa isa kaya ayos ah!”
“Syempre naman!” sabi ni Dino.
“Next sem siguro mag-drop din ako ng ibang subjects. Kinausap ko na kasi yung dean eh, ayaw pumayag nung
sinabi kong isang subject lang ititira ko muna ngayon sem. Hindi daw pwede yun.”
Nagtawanan kaming tatlo, gulat na gulat si klasmeyt, hindi alam bakit kami natatawa.
“Mga loko-loko talaga kayo. Anong nakakatawa?”
“Wala, bakit ka naniwala sa dean na hindi pwede? Kausapin mo ulit.”
“Sige, next week na. Tawa kayo nang tawa jan. Pero idol ko kayo! Una na ko!”

Dumating ang midterms. Dumating ang finals. Dumating ang kuhanan ng class cards. Naks! Pwede kaming maging
dean’s listers!

-5-
“Sa lahat ng eskwelahan, dito lang yata kailangang i-apply para maging DL. Langya,” reklamo ni Dino.
“Yaan mo na. Para may discount sa tuition,” sagot ko.
“Ayos ‘to. Ang talino pala natin eh no. Yun na ba yun? Ganun lang kadali maka-1.25? Pisong piso,” sabat ni Albert.
Tawanan kami.

Same old same old nung second sem. Walang masyadong kakaiba. Bukod sa paminsan-minsang inuman na hindi
naman hardcore inuman kasi alam pa sa bahay ang sked ko kaya bantay na bantay ang pag-uwi ko. Wala nang
bago. Swimming nung bakasyon na. Sa Pansol lang, pahirapan pang magpaalam sa bahay. Tapos nun, kanya-
kanyang buhay muna. Uwing probinsya yung dalawa. Ako naman, madalas kasama mga klasmeyt nung hayskul. At
nung gabi bago ang first day ng second year, hindi ako nakatulog. Excited. Hindi mapakali. Madami na kasing major
subjects. Tsaka mga bagong kaklase na. Sabi ko kay Albert, magkita muna kami sa gate ng school para sabay kami
papasok ng classroom. Syempre, hindi dapat mukhang loner.

Kinabukasan, dama ang lamig ng ala-sais at ng aircon ng fx byaheng Quiapo, dun ako nakatulog.

“Boy, Quiapo na! Boy! Huy gising!”


Istorbo naman oh. Hirap akong gumawa ng tulog eh!
“Boy hoy!”
At yun na. Dapat sa Mendiola lang ako, umabot pa akong Arlegui. Tatlo na ang text ni Albert, late na raw kami.
Reply, para ng jeep pabalik ng Recto.
“Hoy Bert, ano balita?”
“Eto late na tayo. Ga-go. Tara na!”

Ang haba ng pila sa elevator. Eh 7th floor pa kami, No choice. Mag-hagdan. Pagpasok ng classroom, madami pang
nakatayo. Ayos, wala pa atang prof.

“At ang first day funk Hogwarts award goes to you!”


Nagulat kami sa lakas ng boses ng isang bakla naming kaklase nung second sem. Ka-course din pala namin.
“Award kayong dalawa! Umagang umaga, mga hagardo versoza!”
“Uy, Brando, musta?” bati ni Albert, natatawa.
“Wow pare, Brando talaga ha. Churv!” sagot ni Brando. Na Brenda din hindi lang sa gabi, pati sa umaga.
Nagtawanan ang ibang mga kaklase. Sa pamamangka ni Brando, eh nagkakila-kilala na kaming magiging
magkakabarkada hanggang fourth year.

------------------

-6-
Sa kabilang side ng mundo, may isang von_spee ang nag-type:

Uy may update pala. TS, ang saya ng college! College pa lang ako, kaya nakakaaliw basahin kwento mo. Kelan ang
next update?

Balik sa kabilang side ng mundo, may TS na nag-type:

Bukas, von_spee. Thank-you sa pagbabasa. Lagi ka nauuna ah!

Oo nga ano, dalawang beses na akong naunang magcomment sa thread niya. Nagkakataon na online ako. After ng
comment ko, mga comments naman nila collegekiddo, cholengcometa, greggyscorned, sundo_dickinson at
dbeckham. At kung sino-sino pa.

Sinara ko na ang laptop, kumain ng masarap na alfredo, at pumasok sa school.

-7-
Chapter 3.

Si Faye. Isang babae. Magandang babae. Gandang hindi pang-commercial. Gandang hindi pa-cute, hindi pa-
tweetums. Gandang masarap ipinta.

Tumutugtog sa isip ko ang Dreams ng Cranberries pag kasama siya. Nag-dodorm siya sa may uste. Madalas din
kaming barkada tumambay dun. Taga Alaminos siya talaga, sa may Hundred Islands. Ilang beses na din kami
nagplano pumunta dun. Pero syempre, bilang mga estudyante at napakagastos ng course, hindi natutuloy dahil
hindi lahat may naiipon.

Si Faye. Sabi ko sa sarili ko, kung makikipagcommit ako, babae sana. Iyon kasi yung gusto kong i-explore nun. Iyon
din kasi yung hindi komplikado sa bahay at sa school. Normal kumbaga. Sa mata ng marami. Hindi pa rin naman
kasi ako nagkakaron ng matagalang girlfriend.

Syempre, alam ko naman sa sarili ko na minsan, nagkagusto na ako sa isang lalake. Napapatingin kapag may poging
dumadaan. Pero ganun lang. Hindi nakasentro sa kilig yung buhay ko nung simula ng second year. Napapaisip lang
minsan. Na sana nga, kung papalarin magkagusto sa isang tao ulit, eh sana sa babae.

Si Faye yung naging babaeng yun. Naging love team kami bago matapos ang first sem. Lagi kasi kami magkasama.
Kasama ang buong tropa pero mas kakwentuhan ko siya. Mas madalas asarin. Mas madalas pansinin.

Kaya naging madalas kami tuksuhin. Syempre okay lang sakin kasi gusto ko naman siya. Nung huling gabi ng first
sem, pinanood namin ang pagdilim habang nakaupo sa soccer field.

“Mag-exhibit tayo.”
“Sige.”
“Kahit pareho tayong hindi marunong mag-drawing.”
“Hehe, oo nga. Tingnan mo yung buwan oh. May halo.”
“Ganda, ganja.”
“Siraulo!”

Ganja ang tawag namin sa kanya. Katunog kasi ng last name niya. Tinawag din siyang etz. Expression niya kasi.
Tinawag din siyang tootsie roll. Paborito niya kasi.

Naramdaman kong gusto niya din ako. Parang oo, gusto niya nga ako. Kaya ako nalito nung biglang hindi daw pala.
Nalasing lang ba ako ng ilang buwan kaya ako nag-assume. Hindi rin. Kasi alam ko naman kahit papano, masaya
siya pag magkasama kami. Siguro siya ang nalito.

Binigyan ko siya ng bulaklak nung Valentine’s. Pagkatapos ng unang subject, nagmadali kami ni Albert na
pumuntang Dangwa para makamura, madami pang masasama sa bouquet. Ayon sa ibang barkada, hindi pa raw
siya nakakatanggap ng bulaklak. Ayon din sa ibang barkada, eh may nagbabalak ding magbigay sa kanya ng
bulaklak. Aba, unahan na ‘to. Kaya karipas kami pabalik ng school pagkabili. At dun sa hallway sa 7th floor, dun ko
inabot. Hindi mawaring hiya ang naramdaman ko. Hindi din matago ni Faye yung ngiti niya. First time niya raw
makatanggap. Ayos, nauna ako!

-8-
Nung pauwi na ako, nag-text siya.

uy salamat! nauwi ko yung bulaklak. mantakin mo yun, nauwi ko!


Sender: GANJA!

Nahihiya kasi siya at namumrublema kung paano iuuwi kasi malaki, tsaka isa pa, hindi daw siya sanay magdala. Lalo
nang naglalakad lang siya pauwing dorm.

Ngiting ngiti naman ako sa likod ng fx na sinasakyan ko. Napatingin pa sakin yung mag-syota sa harap ko, at yung
babae may dala ding bulaklak. Yabang ng isip ko kasi mas malaki yung binigay ko kay Faye. Nakinig ako sa love
songs buong gabi.

Nang sumunod na full moon, nag-text siya.

tignan mo yung buwan!


Sender: GANJA!

Nang sumunod na linggo, na-conclude kong wala akong lugar sa puso niya.

“Sila na nga anuber!!!”


“Nino?”
“Ay ayaw pa i-press release!!!”
“Ang kulit, sino nga Brando?!”

Sila na pala nung isang upper class. Isa-isang lumubog ang hundred islands sa isip ko.

“O ano meron?” gulat na tanong ni Nova pag-akyat niya sa dorm at nakapwesto na kami nila Albert at iba pa sa
sahig at nag-iinom.
“Sabog ang puso,” sagot ni Albert.
“Basted,” sagot ni Melvin, isa pang ka-tropa.
“Basted eh hindi naman nanligaw!” sabi ni Nova habang pumupwesto na sa paligid ng mga bote ng beer.
“Korekong! Kekembot na nga lang ang vagal vagal pa! Kaloka!” sabi ni Brando.

Oo nga naman. Sige, iinom na lang ang lungkot. Nagpakalunod kami nung gabing yun. Ilang kalye mula samin eh
nakita naman daw ng isa pang barkada si Faye kasama ang official boyfriend. Inom pa.

“Unofficial ka lang. Kaya isang gabi kalang mag-drama jan,” payo ni Nova.

Hay nako, Faye. Siguro kung naging tayo, ibang iba ang daloy ng kwento ko ngayon.

-------------------------------

-9-
Oh my life is changing everyday
Every possible way
Though my dreams, it’s never quite as it seems
’cause you’re a dream to me
Dream to me

Sa kabilang side ng mundo, mahimbing na natutulog ang isang von_spee. Sa panaginip niya, nakita niya si Faye
Wong na kinakanta ang Dreams.

Bukas na niya mababasa ang update.

- 10 -
Chapter 4.

Hindi ko inaasahang magiging masyado akong apektado nung nagka-boyfriend si Faye.

May isang beses nung patapos na ang second year, nakatingin lang ako sa kanilang dalawa nang ilang segundong
umabot ata nang two minutes. Ang sakit. Gusto kong ibalibag lahat ng cds sa Powerbooks sa Megamall. Doon kasi
sa part na yun ko sila nakita nang syempre, hindi inaasahan.

Hindi niyo ako nakita nun, Faye. Nagtatawanan kayo. Nagbibiruan siguro. Habang tumitingin ng mga libro.

Nagdecide akong lumabas na lang. Umuwi na. Pero paglabas ko, hinintay ko pa kayo. Nagmukha akong stalker.
Tumayo lang ako sa may escalator habang medyo sumisilip sa inyo sa loob. Nung palabas na kayo, umakyat na ako.

Masakit na ewan yung pakiramdam, Faye. Hindi ko napaghandaan yung nakita ko. Although naka-set na sa utak ko
na wala na nga talaga akong pag-asa sa’yo, hindi pa pala ako handa sa ganong eksena. Buti na lang hindi niyo ako
nakita. Pano kung nakita niyo ko, magmumukha lang akong ta-nga. Obyus na hindi okay sakin yung eksena.

Hanggang pagsakay ko sa fx, patuloy na nagple-play sa utak ko yung kayong dalawa sa arts section ng Powerbooks.
Pang music video nga itsura ko eh. Pero wala na akong pakialam. Malungkot akong umuwi. Malungkot akong
tumulala sa kung saan-saan. Malungkot akong naupo sa sahig ng kwarto ko, pinagmasdan lahat ng nakasulat sa
pader, lahat ng kalat, lahat ng papel, lahat ng pwedeng pagka-abalahan ng mata.

Eh langya, may picture ka palang nakadikit sa pader ko, Faye. Pictures natin sa Tagaytay nung nagpunta yung klase
natin dun. Ang ganda ng pagkakahangin ng buhok mo nun. Buti nakuhanan ko.

Habang nakatitig ako sa picture mo, makulit na nagpatuloy na umeksena yung eksena. Yung tawanan niyo. Yung
itsura niyo na magkasama. Naalala ko yung dati. Yung dati na tayo lagi ang magkasama. Nag-uusap tungkol sa kung
anu-anong tungkol sa sining at sa buhay. Sa freedom park, sa soccer field, sa dorm.

Kung pwede lang manapak ng kahit sino ginawa ko na. Ang sarap siguro nun no? Yung may bigla ka na lang
sasapakin. Yung tamang nakatambay lang tapos bigla mong uupakan. Pwede rin na maghamon ka muna, na
biglaan din, para patas naman. Kahit ano. Basta gusto ko lang ng bugbugan.

Lalong lalo na nung mga panahong iyon, Faye. Ang sarap makipagbasag-ulo. Tama lang naman yung ganun eh.
Tama lang di ba? Akala ko lang kasi ako yung gusto mo. Para akong nabaligtad. Parang ang daya.

Pero wala rin naman kasi akong ginawa.

Nag-third year tayo, tinanggap ko na lang lahat. Nagsimula na akong mag-move on. Naks naman. Kasi talagang
wala na sa lugar kung isyu pa rin sa’kin yun eh. Pag naglalakad-lakad ako sa Sampaloc pag gabi, medyo hindi na kita
naiisip. Pero kapag full moon, natatalo ako at naiisip ko pa rin yung text mo dati.

- 11 -
Sabi ni Nova, pinuproblema ko yung mga hindi naman dapat problemahin. Tama nga siya. Kaya sinet ko na sa utak
ko na hindi na dapat malaki ang impact mo sakin. O ninyong dalawa kapag magkasama kayo.

Minsan pinangalanan ako ni Brando ng “closure.” Yun daw kasi ang kailangan ko. Nawawala na daw ako sa focus sa
subjects. Napapadalas din kasi ang inom. Ang cutting class lalo na kapag magka-klase tayo sa subject. Closure daw
ang hindi ko naasikaso. Hindi ko inasikaso.

Isang gabi nung tumambay tayo sa freedom park, doon ko sinabi sa sarili ko na, tama na. Isa-isa nang
nagpaalaman. Kayo ng boyfriend mo, sa ibang direksyon. Kami nila Albert, sa kabila. Nung medyo malayo na kami,
napatingin ako sa buwan. Ang ganda. Nasabi ko tuloy, “ang ganda nung buwan. Oy teka si Faye...”

Sabi ni Brando, “Imvierna ka, may jowa na yun! Witit na!”

Oo na.

Pagkatapos ng chapter ni Faye sa buhay ko, doon na nagsimula ang maraming first time. Bukas ko na itutuloy.
Maraming salamat!

----------------------------------------

Paulit-ulit binasa ni von_spee ang dalawang huling updates habang kumakain ng california maki.

- 12 -
Kapag malapit na magsara ang mall, half the price na ang mga sushi sa sushihan sa gitna ng foodcourt kung saan
regular na dumadaan si von_spee. Kung 3rd day na siyang puro maki, sashimi, gyoza, malilito siya ng ilang segundo
at maiisipang mag-mama burger o papa burger o kaya poutine.

O kaya, magju-Jugo juice na lang siya o kape at maglalakad pauwi.

Pagdating ng bahay, tatanggalin niya yung sapatos niyang pwedeng chucks, adidas, nike, mexico 66, k-swiss,
skechers o kaya tsinelas lang o sanuk.

O kaya, hindi niya muna mahuhubad ang sapatos niya at magmamadali siyang pumuntang washroom kasi naiihi
na. Pagkaihi, ngingiti muna sa harap ng salamin, huhubarin ang hindi nahubad na sapatos, papasok ng kwarto at
huhubarin yung polo shirt niya o tshirt. Tatanggalin ang butones at bubuksan ang fly o mga butones din ng
pantalon niyang maong o corduroy o khaki. O kaya shorts.

Tapos nun kukuha siyang plain white shirt o plain green shirt o plain yellow shirt o plain blue shirt. Tsaka dadampot
ng shorts. Kukunin sa bag ang laptop at ipapatong sa pulang laptop table at i-o-on. Kukuha ng Dr. Pepper sa ref at
uupo na sa sofa.

O kaya, matutulog na.

- 13 -
Chapter 5.

Magandang araw sa inyo! Kanina, naisipan kong bumisita pala sa friendster, mahirap na baka mahuli sa uso. Hehe.
Nakita ko mga lumang pictures. Mga lumang testi. Nakita ko ulit yung isang tao. Siya yung ikukwento ko. Isa sa mga
malalaking isyu nitong college life ko.

Siya si Jet (hindi tunay na pangalan). Taga Cebu (hindi tunay na lugar). Mas matanda saki ng isang taon (tunay na
edad). Lalaki siya (hindi tunay na gender. Joke.)

Paano kami nagkakilala? Sa chat.

Minsan may kailangan kaming i-research online sa art theory na subject. Hindi namin naasikaso kahit isang buong
linggo pwedeng gawin. Nagkatamaran kasi. Kaya ilang oras bago yung subject, dun kami nagmadaling gumawa,
pumunta sa pinakamalapit na Internet shop, at nagseryoso kunwari. Group assignment kasi.

Pero paglingon ko sa computer ng Brando, hala, nagchachat ang loko.

“Hoy! Tama na yan. Gahol na tayo sa oras.”


“Keri niyo na yin! May kinekembot lang ako ditey.”
“Hala naman Brando, table of contents na nga lang ang gagawin mo, inuma mo pa yan.”
Bigla kong inabot ang keyboard niya ang nag-type ng “gtg! Boring ka kausap!”
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! Anong ginawa mo? Ayheychu ayheychu huhu. Promising prospect pa naman
si lonelytripper88!”
“Maya na ang landi. Aral muna.”

Na-curiosity kills the cat ako. Tinandaan ko ang chatroom na pinuntahan ni Brando, at kinagabihan sa bahay,
naglogin ako.

At limang oras kaming nag-chat ni Jet.

Nagsimula sa ctc, natapos sa nytnyt. Yun yung mga tipo ng usap na walang halong malaswa. Walang no pic no
reply. Walang my pic after u. Wala ngang asl sa simula eh. Sa gitna na nagkatanungan. Walang stats, walang kahit
anong introduction. Siguro nasa mood ako makipag-usap. Siguro nasa mood din siya.

Nagkita sa cyberspace ang dalawang walang magawa at nagkataong nasa iisang chatroom at nagkataong nag-ctc
ang isa sa isa at nagkataong nag-click sila pareho.

Ang sarap niyang kausap. Dami namin naging topics. TV, pati radyo, pelikula, action figures, anime, mga lumang
tagalized cartoons sa dos, mga bakasyunan, mga banda, mga kanta. Palitan ng celfone numbers. Sa apat na oras na
yun, semi-nagiba ang takbo ng mundo.

Semi-nagalit din si mama dahil wala na raw akong itutulog. Nakita niya kasi akong kumuha ng maiinom sa ref nung
tyempong napaaga siya ng gising at maghahanda nang magluto. Matutulog na po, sabi ko. Pag-akyat ko ng kwarto,
30 minutes pa siguro kami nag-usap ni Jet.

- 14 -
Uy matutulog na ako.
Sige sige.
Pinuyat mo ko. Bad boy.
Pinuyat mo din ako eh.
Hehe, salamat nagpapuyat ka.
Sira, sige na. Logout na din ako. Napapahikab na.
Ako din. Yaaaawn. Ayun o, hikab.
Oks oks. May pasok ka ba bukas?
Ngayon ba tinatanong mo? Oo. Alas ocho.
Toinks. Dali tulog na.
Ikaw din. Thanks.
Oo, Salamat din.
Bukas ulit.
Syempre pa!

Natulog akong masaya nun. Magaan ang pakiramdam, gaan na medyo hindi ko na-experience lately mula nung
isyung Faye.

Yun nga lang, ambilis manggising ni mama. Para lang akong pumikit sandali.

“Umaga!” text ko kay Jet pagkadilat ko.

- 15 -
Chapter 6.

Umaga din.
Hehe. Aga nagising ah.
May pasok din eh. Skul ka na?
Prepare pa lang. Ikaw?
Skul na. Maayong bonethugs.
Ha?
Maayong buntag. Hehe
Ah hehe. Kala ko kung ano.
Ingat pagpasok.
Syempre! Enjoy your day.
Ikaw din.

Fx nko pa-skul.

Uy sori late reply. Byaheng ano yan?


Quiapo. Baba ako mndiola.
San yung mndiola.
Mendiola. Sa may recto. Sa may ceu, beda, dun.
Ah yung lagi may rally sa news.
Oo. Hehe. Til what tym class m?

Uy sori late reply. 5pm. Ikaw?


7pm ako ngyon. Lapit na ko skul.
Cge aral ka muna.
Cge

Naging sobrang dalas namin magkatext. Kahit na globe ako, smart siya. Naging suki ako ng klasmeyt kong
nagloload.

“Itechiwa ang ‘yong suklicious kamag-aral kong edict sa text!”

Si Brando yung nagloload.

Lumipas ang buong linggong walang humpay kami sa pagtetext. Kwentuhang meron at walang saysay. Napansin
din ng mga klasmeyt ko na meron akong pinagkakaabalahan.

“Saan tayo kakain?” tanong ni Albert.


“Sa tigbebente na lang,” sagot ko.
“Naku naman, sa lagi nating kain dun, never naman ako nagbayad ng bente lang,” sabi ni Nova.
“Wahahaha! Oo nga no! Anu kaya yung bente nilang combo?” sabi ni Melvin.
“Malaysia! Basta ako jorder lang nang jorder. Witit ko alam sino nagpauso sa inyo na tigveveinti lang there.
Windang ang beauty ni Lady Godiva nung nakahanda na ang venti ko at 35 peysows pala ang aking humble happy

- 16 -
meal,” sabi ni Brando.
“Eh sino naman yang Lady Godiva?”
“Aba sino pa edi ang inyong lingkod. Ang itay ni juday na nag-abroad at naging gurlalu.”
“Okay okay Lady Godiva. Teka, eh bakit kaya tagtipid sa pagkain ang isa jan.”
“Naman pambayad jutang sa load! Napagawa ako bigla ng listahan ng jutang at pangalan niya lang ang laman.
Kaloka!”
“Babayaran ko yun,” sagot ko.
“Sino ba katext mo palagi lately?” tanong ni Nova.
“Basta.”

Lumipas pa ang isang linggo. Isang gabi, niyaya ko si Nova maglakad-lakad sa u-belt. Pagkakain namin sa may
Dapitan, nilakad namin hanggang España papuntang Recto. Kwentuhan lang.

“Okay na kayo ni Faye no. Kitams, lilipas din,” sabi niya.


“Oo. Ganun eh. Ganun lang. Ganun na lang.”
“Emo?”
“Yata. Pero tapos na. Okay na di ba. Tsaka kasundo na rin natin yung boyfriend eh.”
“Oo nga. Next girl please. Hehe.”
“Teka teka, ambilis mo.”
“Ha?”
“Ambilis mo maglakad. Emo walk ‘to. Dapat ramdam yung hangin.”
“Marte!”
“Hehe. Hika.. ang inabot ko nang piliting sumabay sa’yo hanggang kanto...” kinanta ko bigla ang Wag Mo Nang
Itanong.
“Naisipan kong parang lotto, ang hirap manalo...” dugtong niya.
“Baliw. Hehe”
“Bakit? May sweepstakes pa ba hehe.”
“Sa bagay. Fieldchrip sa may pagawaan ng lapis... ay katulad ng buhay natin...”
“Fieldchrip?”
“Oo, para sosyal. Hehe.”
“Hahaha! Sino yang lagi mong ka-text?”
“Ayun naman pala eh! Hanep sa nakuhang timing.”
“Sino nga?”
“Kaya pala pumayag maglakad ang tamad maglakad. Fishing sa tsismis. Nakikanta pa!”
“Hehe, oo na, sino nga?”
“May aaminin ako sayo Novita.”
“Ano?”
“Pero papatayin kita pagkasabi ko.”
“Wag Doraemon!”
“Hehe.”
“Sige ako din may aaminin. Para fair.”
“Ayos. Pero ganto na lang. Sulat na lang natin. Tapos babay na, uwian na.”
“Ang korni! Pero sige hehe!”
“Sige. Babasahin pag magkahiwalay na ah.”

- 17 -
Nagpalitan kami ng mga sinulatang papel ng rebelasyon. At nagbabay na.

Sinulat ko:

Novs, yung ka-text ko palagi, lalake yun. Si Jet. Oo, hindi ako straight. Magulat ka!

Sinulat niya:

May nangyari samin nung nasa kabilang dorm. Nakasama na natin uminom yun. Si Rowell.

Aba!

---------------------

Sa dorm ni Nova:

Aba!

---------------------

Sa kwarto ni von_spee:

Aba!

- 18 -
Chapter 7.

Magkalayo kami ni Jet, pero napapalapit ng text. Ng mga tawag. Ng palaging pag-uusap, parang hindi mauubusan
ng kwentuhan. Parang katabi ko lang siya pag magkatext kami. Parang nakatapat yung bibig niya sa tenga ko pag
tumatawag siya.

Parang ang baduy ko naman simulan ‘tong chapter na ‘to. Langya.

Pero totoo. Almost two months and counting, napapatanong palagi ako, ano bang meron ‘tong Bisayang ‘to. Ni
hindi makapag-tagalog ng diretso minsan.

Bdawe, kumain ka na?


Anong bdawe?
By the way. Pinaikli. Text eh.
Haha!
O anong mali dun?

Kainis yang “bdawe” na yan. Para akong ewang natatawa na natutuwa na kinikilig na nagtataka. Ano bang meron
ka Jet?

Nagpalitan kami ng picture nung 1 week pa lang kami magkausap. Ayoko pa nung una, nakakahiya. Eh ang kulit.
Ayun sige send. Nag send din siya. Pogi.

In-add niya ako at in-add ko siya sa Friendster. Pati sa Multiply kasi mas madami daw siyang picture dun. At para
mabasa ko ang blog niya. Pogi talaga.

Madalas siya tumawag sa bahay. Payphone ang gamit niya. Tig-limang pisong barya ang gamit. Di ko alam ilang
minuto bawat limang piso, nakalimutan ko na. Basta, parang ang ikli palagi ng usap namin. Pero masaya. Masaya
ako sa skul. Masaya sa kung ano mang tawag sa ginagawa namin ni Jet. Sa pagiging “textmates.” Sa pagiging
“chatmates.” Sa pagiging “phonepal.” Kulang na lang “penpal.”

Ang baduy. Grrr.

Pero nakangiti akong makakatulog pagkatapos basahin ang huli niyang text bawat gabi. Ilalagay ko sa gilid ng kama
yung celfone, at yun ang una kong ichecheck pag naalimpungatan, at pagkagising sa umaga. Minsan magtetext yun
ng ano raw ba yung text ko nung madaling araw, labo labo. Eh syempre, alimpungatan nga. Aantok antok pa.

Ayaw mo nun, ikaw ang nasa isip ko kahit wala ako sa sarili.
Haha, sira. Bolero.
Hindi ako marunong mambola. Ikaw talaga naiisip ko eh. Magagawa ko.
Oo na oo na. Ikaw din naiisip ko lagi.
Yan ang bola.
Ganon? Ang daya! Totoo yun.
Ginaya mo lang sinabi ko eh.

- 19 -
Ay ambot! Bumangon ka na! Pasok na.

Sa skul, as usual, kulitan, asaran, basagan, barahan, inuman, tambay, tong its. Pero sa singit singit ng mga
nangyayaring yan, ka-text ko si Jet.

“Nova, kami na ni Jet.”


“Kami na ni Rowell. Pero secret lang.”
“Fubu lang yan. Ito, totoo ‘to.”
“Oo, totoong textmates kayo.”
“Ouch naman nun Novita! Seryosohin mo naman!”
At habang pinag-uusapan namin yan sa freedom park, may isang malaking dahon ang nahulog sa harap namin.
“Istorbong dahon, parang pang-horror.”
“Hahaha! Pero seryoso ako, Novs.”
“Tara na nga, sabay ako sayo pa-EDSA.”

Sumakay kami ng FX pa-megamall. Uuwi siya sa kanila sa Alabang. Long trip pero ayos lang. Mahilig naman kami sa
pasikot-sikot. Sa byahe, wala akong ibang kinwento kundi si Jet. Pinakita ko pa sa kanya yung picture na nilipat ko
sa celfone ko.

“Eh pano yan, magkalayo kayo.”


“Ewan.”
“Tsaka, hindi pa kayo magkakilala nang matagal. Gusto mo na agad.”
“Ewan ko ba.”
“Pero i-enjoy mo na lang yan. Mukha ka namang tuwang-tuwa eh.”
“Opkors! Ang saya ko ngayon.”

Bumaba kami ng megamall. Kumain sa malapit nang magsarang Sbarro. Pagkatapos, naglakad pa-EDSA.

“Hatid na kita sa bus.”


“Aba dapat lang! Inangkin mo ang oras ng pagkwekwento. Kinikilig pa naman din ako kay Rowell."
“Hehe. Bukas ikaw naman. Sana magkita kami ni Jet. Puntahan natin siya.”
“Waah hindi ako tatanggi jan. Pero hello sa budget.”
“Oo nga eh. Hay Jet.”
Pagkasabi nun, isang saleslady ang natapilok sa harap namin, Muntik nang madapa.
“Hahahaha! Panira naman sa drama.”

----------------------

- 20 -
Sa kabilang side ng mundo, nagcomment ang von_spee:

TS, ang ganda ng takbo ng kwento mo. True to life ba yan? Nadadala ako. Medyo nakakarelate sa ibang parts.
Update na agad! Hehe

Balik sa kabilang side ng mundo, nagreply ang TS:

Salamat von_spee. Akala ko hindi ka na nagbabasa eh. Na-miss ko comments mo. Hehe

Aba ang TS, gumaganun pa. Nagmadaling magreply si von_spee:

Hehe, naging busy lang TS. May exams kasi eh. Di ba college ka din? Graduating? Wow! Galingan mo! Advanced
congrats! Lagi ako nagbabasa dito hehe.

Napangiti nang konti si TS bago nagreply:

Mamimiss kita pag di ka nagbasa. Hehe. Fiction lang ‘to von_spee. Pero salamat, binabasa mo. Naka-relate ka pa.
Apir! Bukas ulit ang update. Galingan mo sa exams. Tapos na ba?

Pagkabasa, dali-daling nagreply si von_spee na parang mauubusan ng keyboard:

SALAMAT TS!!!!!!!! Inspired na ako mag-review niyan. Fiction pala! Hehe. Hintayin ko na lang update. Gandang
araw! Gandang araw din sa lahat ng nagbabasa!

- 21 -
Chapter 8.

Ginawan kitang tula baby eyebugzz!


Hoy! Bkit baby eyebugzz?
Hehe, eh eye bags mo eh.
Grrr. Asan na yung tula? Pabasa!!!
Pinost ko sa multiply. Grr. Ndi nagchecheck. Kgabi pa yun!
Waah sori teka check ko.

DAHIL SA IYO
dahil sa iyo...

...gusto kung magka interes sa sining


...magpinta
...magbasa ng poetry
...matutong mag sulat ng tula
...magbasa ng magbasa
...mag isip

...manood ng artfilm
...ng amelie
...magpunta sa mga painting excbits
...sa mga galleries
...manood ng theater play

...gusto ko marinig ang kantang "minsan" ng eheads


...bumili ng album nila
...ni cynthia alexander
...radioactive sago project
...kamikazee
...pinikpikan kahit ndi ko alam kng ano yan

...gusto kong kumain ng pandesal kahit ndi sa umaga


...uminom ng kape kahit ndi ako umiinom
...mahiga sa rooftop at tumingin sa buwan
...mag post ng surveys sa friendster

...gusto kung pumunta sa MANILA


...sa PASIG
...sa u-belt

...gusto kung maging kainuman c nova


...bert
...brando

- 22 -
...melvin
...ikaw

...gusto ko maranasan ang buhay mo kahit minsan man lang

Tinawagan ko siya gamit yung landline namin, na palagi ko nang ginagawa.

Waah! Ba't mo ko ginawan nun?


Hehe bakit ba. Nagustuhan mo?
Syempre!
Gawan mo din ako.
Ha? Eh hindi naman ako magaling sa tula eh.
Pls baby eyebugzz!!!
Hehe, bakit mo gusto maranasan ang buhay ko? Hindi naman ako rich kid hehe.
Gusto ko lang ma-experience ang buhay ng boyfriend ko.
Adik! Hehe sige gagawan kita. Magugulat ka na lang.
Yahoo! Salamat! Uy iinom kami mamaya sa yatch.
Sino kayo?
Mga klasmeyts lang.
Saan yung yatch? Bar jan sa Lahug?
Ah yung isa kasi naming klasmeyt, rich kid, may yatch sila. Sasakay kami hehe.
Yatch? Baka yacht?
Ay hindi ba yun yatch? As in catch?
Yacht yun anu ka ba!
Waaah nakakahiya!!!!

Habang nakikipag-inuman si Jet sa “yatch,” tatlong oras naman akong nakasubsob sa drafting table ko at nag-
attempt gawan siya ng tula. Sa kalagitnaan ng hatinggabi at madaling araw, sa nagpapapansing tick-tock ng wall
clock, sa mahinang radyo at Mr. Chips, natapos ko din! Na-excite akong ipabasa sa kanya.

Hoy anong oras ka nakauwi?


Alasyete na. Sorry na-empty batt ako.
Lasinggero!
Hehe, sori na. Mas madalas nga kayo uminom eh.
Hehe, kahit na. May pasok ka pa.
Nasa skul na nga ako. Maayong bonethugss baby eyebugzz!
Hehe, gandang umaga din Jet, mwah! Wag ka pagutom pls. Kumain ng masarap pls.
Opkors! Ikaw din.
Hugs!
Hugs!

- 23 -
Buong hapon at gabi akong nag-abang ng text niya o tawag, kung nabasa na ba niya yung tula. Nung madaling araw
ko pa yun pinost sa multiply pero ayoko sabihin sa kanya para magulat siya.

“Winner!! May gulat factor!!! Love love love it! Naluluha atashi!” sabi ni Brando habang tinitingnan yung painting
ng bf ni Dina na isasali sa isang contest.
“Eh ang gawa mo Bert?” tanong ko.
“Basa pa, andun sa corridor. Pinapatuyo,” sagot niya.
“Andun din ang gawa ng inyong avang lingkod. I-checkitawt mo mamaya! Kabog!” dugtong ni Brando.
“Eh yung sayo Dina?”
“Asa pang tapos na yan, eh forever naman yang nasa planning stage!”
“Eh yung sayo Novs?”
“Syempre naka-ready na,” sagot ni Nova. Tiningnan namin yung gawa niya. Tinanggal yung naka-takip na manila
paper.
“Naks naman! Parang natutulog lang!” sabi namin, common na pang-asar kapag maganda yung gawa.
“Eh yung sayo?” tanong sakin ni Dina.
“Wala pa. Tara, samahan niyo ko sa Mabini. Bibili pa lang akong kahoy. Tapos Sta. Cruz tayo para sa katya. Sagot ko
na softdrinks!”
“Wow nemen. Paspasan na nemen. Kaloka ka Erwan! Vukash na ang zubmizzheen, alam mo ba yon? Puro ka kasi
text nang text sa mystery girl from Cebu! Oooops!”
“Hoy ano yang mystery girl ha?” gulat ako sa sinabi ng Lady Godiva.
“Don’t deny na!”
Nakita ko si Nova, tatawa-tawa.
“Hoy Novs!” sigaw ko sa kanya.
“At anong kinalaman ni Nova Villa ditey? Alam mo ba Nova? Hindi ako makakapayag! Sa akin dapat magsimula ang
mga chika’t intriga at mga ka-cheapang rebelasyon ng kolehiyong itey!!!”
“Ah walang alam si Novs,” sabi ko bigla.
“So sino na itong Cebuana diumano?”
“Bakit mo naman naisip na taga-Cebu?”
“Naku naman Erwan, eh wala kang jumpay kung magtanong kay Melvin kung anong Bisaya ng good morning, good
night, I love you, tulog na, kain na, ligo na, hinga na, lahat lahat na! At yun namang half-bisaya lang naman eh
pumayag na sa role bilang tagalog-bisaya dictionary ng bago mong love life! Weeeh!”
“Oo nga, so sino na yang Cebuano mo?” sabat ni Nova, na nagulat sa nasabi. Ano ka ba Novita ka! Buti na lang
hindi nila napansin at pumaibabaw ang boses ni Brando sa buong u-belt.
“SINO ANG CEBUANA LHUILLIER FAWNSHOP MO ERWAN!!!!!!!!!!!!!!!!”

--------------

- 24 -
Mula sa kung anong kaewanan, na-conclude ni von_spee na gusto na niya si TS. Ambilis naman ata von_spee. Eh
ganon eh. Baka spur of the moment lang yan von_spee. Common yan sa AP. Siguro nga. Yaan mo na. Sige
von_spee, bahala ka. Oo bahala talaga ako.

Dalang-dala si von_spee sa bawat update ni TS. Nag-emo pa siya sa may ilog nung nagsabi dati si TS na baka hindi
na niya matapos ang kwento. Na kailangan niya umalis muna. Nasabi ni von_spee sa sarili niya at sa monotonous
at boring niyang buhay na sa mga oras na iyon, naging ready siya mahalin si TS. Yun yung random thought niya
nung isang beses.

Nakakarelate siya sa kwento at gusto niya hagilapin bigla si TS at makilala. Pero username nga lang naman si TS.
Username lang din naman siya. Dapat hanggang dun na lang iyon. Hanggang sa nabasa niya itong huling dalawang
chapters.

Cebu?
Erwan?
Jet?
Bdawe?
Tula?
Fiction?

Sa mga susunod na araw, hindi na siya magbabasa ng updates.

- 25 -
Chapter 9.

Nabasa ko na yung tula mo my baby eyebugzzzzzz! Salamat!!!


Hehe. Pinagpuyatan ko yan habang nasa yatch ka.
Grrr!

siguro nag-eexist ka sa mga baryang


ginagamit mong pantawag sa payphone.

yung mga baryang yun na sasakay ng


cebu pacific byaheng maynila.

yung mga baryang yun na iaabot sken


ng mamang driver ng jeep sa espana

pero iaabot ko pala sa may ari ng sukli,


sa kolehiyalang galing uste

at ipambibili nya ng fishball at isaw,


o ipambabayad sa manggang hilaw

at iaabot ng tindera sa ******


at ipambibili ng ****** ng suklay

at ipambibili ng yosi sa recto


pero kelan yun isusukli sakin ng tindero

saan ko kaya makukuha ang mga barya


para matago na kita sa'king bulsa.

Ang corny! Ba’t ko ba nasulat yan. Kadiri!


Hehehe oks lang yun baby ko. Para sa akin naman eh. Para sa’kin, hindi yan corny.
Salamat!
Salamat din.
Sana magkasama na tayo.
Oo nga.

- 26 -
Valentine’s Day.

Isang taon na pala mula nung binigyan ko si Dina ng bulaklak. Naalala ko pa yung eksena. Pero sumagi na lang iyon
sa isip ko dahil trapik na naman sa Legarda as usual.

Si Jet, pagpatak pa lang ng alas-dose ng hatinggabi, tumawag na.

I love you I love you I love you!


I love you din!!!!!!!
Mahal mo ba talaga ako?
Oo, mahal na mahal.
Salamat. Kahit magkalayo tayo, kahit hindi pa tayo nagkakasama.
Ngayon lang ‘to Jet. Ngayon lang tayo magkahiwalay. Sa mga susunod na phase, magkasama na tayo.
Pano? Puppet ako! (ka-tono nung commercial)
Haha! Sira ulo! Pero sana, malapit na tayo magkita.
Oo nga. Happy Valentines!
I love you I love you I love you.

Patapos na ang sem.

“Five thousand plus???? Adik ka ba?”


“Eh hindi ko nga rin alam ba’t ganun eh. Nawili eh. Galit na galit nga sila mama eh.”
“Malamang naman. Kahit naman sinong magka-phone bill ng five kiyaw mawiwindang no. Tsaka hello, landline
yan. Buti sana kung postpaid na celfone. Para kang ta-nga.”
“Oo na. Kaya ayun, bawas ang allowance ko.”
“Dapat lang ‘no.”
“May pinuproblema pa ko Novs.”
“Anetch?”
“Haha, nahawak a na kay Lady Godiva.”
“Hehe, ano nga?”
“Advanced Illustration.”
“Naku wag mo na problemahin dahil for sure namang bagsak ka na dun.”
“Wow. Ang sarap mong kaibigan.”
“Hehe, di mo ba kinompyute grades mo. Midterm pa lang alanganin ka na. Late pa lagi magpasa ng plates. Gosh.”
“Arte neto. Yun na nga. Sure nang singko. Black sheep na naman ako neto.”
“Ayan kasi puro kayo inom.”
“Hoy kasama ka sa bawat inom no!”
“Oo nga, pero tinatapos ko naman muna lahat ng plates.”
“Hay. Pano na ‘to. Delayed na ako nito.”

- 27 -
Hindi alam ni mama kung saan pa huhugot ng emosyon nang malamang made-delay akong grumaduate. Namihasa
kasi silang dean’s lister ako nung mga nakaraang semestre (o di ba, semestre talaga hehe).

Ay giatay! Baby eyebugzz naman. Next year wag na babagsak ha.


Hindi na. Peksman.
Beri gud! Mwah!
Mwah! Hehe. Jet ko, kita na tayo.
Paano?
Puntahan kita jan.

- 28 -
Chapter 10.

“GUD EVNING LIDIS EN GINTLEMEN MY NIM IS LIDY GUDAYVA RIPRISINTING DA QUEN CITY OF DA SOUTH,
ZEVUUUUUU!”
“Sira-ulo!”
“Eh bakit naman kasi gogora kayong cebu nang walang kaplanuhan? Naba-bicurious ako!”
“Eto na nga, pinaplano na. Sasama ka ba?”
“Ay! Pagplaplano pa ba ‘tong maituturing eh sa Sabaday na ang alis? Pag-iisipan ko pa!”
“Mas madami mas masaya.”
“Sige na nga, kayo talaga! Kung makapilit!”
“Ngek, napilit ka na nang lagay na yun? Haha!”
“Ang totoo niyan nakaempake na atashi! Kelan magpapa-book at kailangan ko din ng booking na Cebuano!
Makapagchat nga mamaya! Asar kayo! Waaaah!”
“Okay okay. So ikaw, si Erwan, ako, si Bert ang mga sure.”
“Pwede na yan!”
“Eh si Melvin. Ang interpreter natin.”
“Ay so true ka jan Nova Liches. Go na at tawagan!”
“Okay okay.”
“Eh teka nga muna, vaket nga ba talaga major biglaan ang trip to Cebu na itey? Andun ba ang major yummy na si
John Estrada? Anong pumasok sa ulo ni Erwan at sa Cebu nagyaya? AYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!”
“Anu ba, kung makatili naman!”
“Ang Cebuana Luwilyeyyyyy Foneshop! Nakalimutan ko ng pasumandali! Kalurkey. Grand EB pala ang magaganap
na dalawa lang ang dadalo! Weeeh! At syempre, tayo naman eh aarteng parang mga napadaan lang pag
magkasama na sila, at walang sabi sabing magugulat kunwari na nakita si Erwan sa Cebu ng not one, not two, but
three friends from Manilana! At isa-isa tayong makakakita kunwari sa kanya para mabaliw hanggang maospital sa
pagkagulat ang Cebuana kung bakit andami namang kilala ni Erwan sa Cebu. Purrrrfect!”
“Wow, andami mo na naisip Brando. Tanungin mo na lang si Erwan kung ano talaga.”
“Imbyerna! Ang ganda pa naman ng moment na naisip ko, hindi man lang naaprishiyeyt!”
“Hehe, sige gawin natin yang naisip mo pag kasama na ni Erwan yung Cebuano.”
“Cebuan...”
“Cebuana pala! Ayy nalito na ko! Ikaw kasi ang gulo mo eh!”

Sa gitna ng pag-uusap ni Nova at Brando, may isang klasmeyt na dadating at sasabihing “guys, Erwan’s coming na
nga pala. I saw him na sa labas.” Nagulat sina Brando at Nova dahil hindi naman dating nakikipag-usap sa kanila
ang lalakeng klasmeyt na sa normal na araw eh kakakitaan sa bag ng keychain na bungo ng pusa. May karatula ng
jeep na nakadikit sa bag na byaheng Quiapo. Sabog sabog ang buhok na hindi pa yata nakaka-experience ng suklay.
Matutulala ang dalawa sa eksenang yun ng klasmeyt, hanggang sa mahimasmasan sila na wala na sa harapan nila
ang lalake. Dahil yun lang ang role ng lalake sa kwentong ‘to. Extra lang siya at wala talagang kinalaman sa kwento.

“Weh ‘no naman ngayon!!!” sabi ni Brando na nag-tonong Roderick Paulate.

- 29 -
Kanina pa ako nagyoyosi sa labas ng room at naririnig ang usapan nila Nova. Naku. Pano ko ba ipapaliwanag kung
bakit ko gusto pumuntang Cebu. ‘Tong si Nova, nadulas na naman. ‘Tong Brandong ‘to, ang hilig mang-intriga.
Bahala na nga.

“Ay ayan na nga siya,” sabi ni Nova nung nakita ako. “Hoy Erwan! Miting de avance na ng ating Cebu getaway!
Super excited na ang Lola Godiva mo.”
“Sasama ka na Brando?” tanong ko.
“Aba syempre! More gala more fun ngayong summer!”
“Ayos. Eh yung iba?”
“Ay wala pang reply.”
“Manlilibre ka ba ng airfare papa Erwan?”
“Hoy wala ka atang budget wag ka na sumama.”
“Ay ang sungit! Meron akong vadget! Swipe dito swipe doon, pirma sa cheke dito, pirma sa cheke doon. Gold
medallist ako ng kickboxing bilang all time high ang na-kick back kong pang tuition ngayong dadating na sem!
Kabog!”
“Maguilty ka naman sa mga ginagawa mo Lady Godiva,” pagpapa-guilty ko sa kanya.
“Pwede tsaka na ako ma-guilty! After na ng Cebu! Kailangan ko ‘to ma-experience bilang artist! Ang maging
masamang anak every once in a while! Di ba nga, everybody needs a shipwreck once in a while....”
“Loko-loko! Hehehe!”

Nag-confirm na si Bert na sasama. Si Melvin, hindi daw pwede. All set na kaming apat. Excited lahat. Ako naman,
excited at kabado. At kinikilig.

Pero teka, hindi ko sasabihin kay Jet na sure na yung pagpunta kong Cebu. Gugulatin ko na lang siya. Tatawagan ko
siya at kunwari tatanungin ko kung asan siya, exact location, ano suot niya, at bulaga! Andun na ako maya-maya sa
harap niya! Nakakatuwa! Napapangiti pa ako habang pinaplantsa ang plano sa isip ko.

Hoy Jet!
Hoy din!
Ano gawa mo?
Wala lang. Nood lang tv. Ikaw?
Wala lang din. Hanap ng makakain.
Wag ka kasi pagutom! Kumain lang ng masarap!
Hehe, oo. Ano gagawin mo sa Sabado?
Hehe, bakit, date tayo? Puntahan mo na ako dito?
Haaay. Sana nga ganun kadali eh. Eh wala pa akong budget eh.
Hehe, ipon ka na baby eyebugzz. Para makasama na kita.
Yep. Ano nga gagawin mo sa Sabado?
Ay. Di ko pa alam. Wala pang plano.
Oks.
Bdawe, ano plano mo ngayong summer?

- 30 -
Hindi ko pa din alam. Hehe

Pigil na pigil akong sabihin sa kanya na sure na akong nasa Cebu ng Sabado.

Sige na nga, manood ka na lang ng TV jan! Ayaw mo ko pansinin!


Hoy! Anong ayaw pansinin? Ang gulo mo naman.
Ay ewan! Bye!

Ayun. Kunwari inaway ko. Hehe. Gusto ko na hilahin yung oras ng flight. Gusto ko na siyang makasama. Inayos ko
na yung mga dadalhin ko. Binilhan ko pa siyang pasalubong na kung ano-ano. Teddy bear sa Starbucks kasi
nabanggit nya dati na ang cute daw. CD ng Beatles kasi nasabi niyang isa na lang yung wala siya. X-Men action
figure kasi nangongolekta siya. Etc. Etc.

Paalam ko sa bahay, magbabaksayon ng isang linggo sa may Hundred Islands. Papayagan naman ako kung sinabi ko
yung totoo pero mahabang diskusyunan pa. Bahala na kung bumagsak ang eroplano at mapatumbling sila sa gulat
at luksa pag nabalitaang kasama ako sa mga namatay. Adik na talaga ako sa bisayang yun.

- 31 -
Chapter 11. Ang Pagtatapos ng Prologue.

Guys, ito na ang ending. Pasensya na kung maikli ang kwento. Maikli lang din kasi yung panahon ng chapter ni Jet
sa buhay ko. Haaay.

Pero hanggang ngayon, palagi ko pa rin siyang naaalala. Naiisip. Iniisip. Hindi makalimutan at ayaw kalimutan.
Parang part pa rin siya ng araw-araw ko. Kahit hindi niya na malalaman.

Siya kasi eh.

Mabaliw-baliw sila Nova, Brando at Bert sa eroplano. Unang beses kasi. Sa napakaikling byahe, sinulit nila. Isa-isang
nag-washroom para daw ma-experience kung paano umihi sa himpapawid.

Ako naman, syempre alam niyo na, kabado. Talo ko pa ang tumakbo sa marathon sa lakas ng tibok ng puso.
Makikita na din kita sa wakas, sabi ko sa sarili ko.

“Makikita mo na rin sya sa wakas!” sabi ni Nova.


“Kasasabi ko lang niyan sa sarili ko,” sagot ko.
“Adik! Hehe.”
“Hay Novs. Kabaliwan na ‘to.”
“Medyo. Yaan mo na. Exciting naman eh.”
“Sa bagay. Okay kaya siya kasama?”
“Let’s see....”
“I’ll see muna. Hehe. Tapos pag okay, tsaka ko na kayo ipapakilala.”
“Eh pano ‘tong dalawang ‘to. Clueless na lalake ipinunta mo dito.”
“Bahala na. Yaan mo sila.”

In-on ko yung celfone ko paglabas ng eroplano. Nakita ko yung picture niyang nilipat ko dun. Humanda ka Jet. Eto
na ako. Ikaw ang bida sa Eat Bulaga ngayon. Ivivideo ko pa pagkagulat mo. Hehe

Maya-maya nagdatingan na ang mga text niya as expected. Una kong reply sa kanya, ano gawa mo? Maya-maya,
sumagot: dito lang sa bahay. Lagot! Alam ko address niya pero hindi ko alam malamang kung paano puntahan.

Dumiretso kami sa hotel. Nahiga sila agad pagkapasok ng room. Kala mo naman ang haba ng byahe. Eh mas mabilis
pa ata yung byahe namin kesa sa mga taga Taytay pupuntang Quiapo sakay ng napakabagal na G-Liner.

“So ano na? Anditey na tayo. Ano nang gagawin? Lamyerda na!” sabi ni Brando.
“Pahinga muna tayo,” sabi ni Bert na nakahiga at nakayakap pa sa unan.

- 32 -
“First time na kwartong may aircon at kamang may kutson?”
“Sira, may aircon din kwarto ko no.”
“Bangon na jan, gutom na atashi! Let’s paint Cebu red! Pink, orange, yellow, lemon green and powder blue!”
“Tara tara, gutom na rin ako,” sabi ko.
“Mag-shower muna ako,” sabi ni Nova.
“Ang aarte. Bilis!”

Habang kumakain, ka-text ko si Jet.

Jet ko, ano gagawin mo today?


Baby eyebugzz, punta akong mall mamaya.
Saang mall?
Sa Ayala.
Ano gagawin mo?
Libot lang. Baka meet ang klasmeyts.
Ah anong oras ka andun?
Maliligo lang ako then alis na.
Ingat ka. Text ka pag andun ka na.
Hehe, palagi naman ako nagtetext kung asan ako.
Good. Hehe.
I love you jud.
Hehe I love you Jet.
Ligo lang ako. Mwah!
Oks oks. Mwah!

“Tara sa Ayala Centre,” yaya ko sa kanila.


“Hala naman Erwan, ginawa mong Greenbelt ang Cebu. Nagpunta ba tayo dito para mag-mall?” sabi ni Bert.
“Libot lang. Then tsaka tayo maghanap ng ibang mapupuntahan. Yung Magellan’s Cross. Carcar. Ano pa ba? Bohol
pwede din.”
“Sya sya, sige.”

Sa Ayala Centre.

“Ay wala ako maintindihan! Foreign country itey! Ako ang bida sa Lost in Translation!!!!!”
“Naku Brando, ayos lang yan. Kesa malaman mong ikaw ang pinag-uusapan nila. Hahaha!”
“I soooo heychu Bert!”
“Uyy hanap tayo ng pasalubong shops.”
“Nova naman, 1st day, 3rd hour pa lang natin dito pasalubong na agad?”
“Baka lang may makita. Grrr!”
“I want kape! Ayun tara sa Starbecky!”

- 33 -
At bago pa man eh andun na si Brando nagmamadaling pumuntang Starbucks. Sa bagay, gusto ko nga ng kape at
kulang ako sa tulog dahil sa excitement. Parang ewan lang eh no. Ba’t kaya pag excited hindi makatulog. Sana
gawin na lang na kapag excited eh madaling antukin. Para pag may nakita kang tulog sa fx o bus, iisipin mo na uyy
excited ‘to. Wala lang.

Pagka-order, naupo kami sa labas. Automatic na yun, labas ng yosi, kuha ng ashtray, sindi ng yosi. Kwentuhan.
Tawanan. Pintas sa mga inosenteng dumadaan. Si Bert may dalang sketchpad, nagsimula nang magdrawing. Si
Nova, patugtog ng ipod. Si Brando, namamangka sa kwentuhan as usual, kaya hindi rin focused yung dalawa sa
mga ginagawa nila. Pero ako, si Jet lang ang nasa isip. Asan na kaya siya. Eto na talaga! Magkalayo dati, ngayon eto
na oh. Ang lapit na. Nasa iisang isla na lang. Iisang city. Iisang mall. Lingon ako nang lingon sa paligid. Baka makita
ko siya. After almost 30 minutes, nag text na siya. Hindi ako mapakali sa kaba, gusto ko pag-umpugin yung tatlo.

Nasa mall na ko baby!


Saan jan?
Eh libot libot lang. Hehe. Mamaya mit ko klasmeyts ko.
Oks. Kumain ka na?
Kakain pa lang.
Saan?
Dito ko pa alam.
Text ka kung saan ka kakain.
Hehe, opo boss. Magrereport po. Mwah!

Three hours later.

“Inom pa!” sigaw ko habang lasing na lasing na.


“Okay pa ba yan, Novs?” tanong ni Bert.
“Hoy Bert okay pa’ko. Ikaw okay ka lang? Gagu!”
“Gagu ka din! Sige tagay pa! Ayos!”
“Eh gagu ka pala eh. Kampay pa!”
“Langya Erwan, ala-singko ng hapon. Cebu. Inuman. Adik ka rin eh no!”
“Eh ano naman Bert? Magpakalunod pa tayo!”
“Mga lasingger-z! Hindi ko na kaya! Pass na atashi!”
“Hoy Godiva! Anung pass pass. Inom pa! Ikaw din Novita!”
“Ay ako pa hinamon mo Erwan.”
“Beri gud Nova! That’s my bestfriend! Ang alam lahat ng tungkol sakin!”
“Meganon????!!!! Novita ano yung lahat ng alam mo kay Erwan? Jinteresting!!! Parang gusto kong mapakinggan
yang mga juicy chika bago ako tuluyang mabangenge ever!”
“Oy Novs, ano yan ha? Share niyo naman!”
“O Nova, share mo daw! Ano daw bang alam mo sa’kin? Langya, bat nga ba tayo andito sa Cebu ngayon?”
“Erwan, lasing ka na huy. Kung ano-ano na naiisip. Anong alam ko sa’yo.”
“Kwento na Nova! Nang sumarap pa lalo ang inuman. Ginawa nating watering hole ang Cebu. Itodo na yan Novs.”
“Huy Erwan, seryoso ka ba? Ikukwento ko?”

- 34 -
“Ayun! Alam na! May lihim nga ‘tong dalawang ‘to! ANO!!!!!!????????”
“Brando, Bert, Nova, oo na. Yang Cebuana Lhuillier na yan, Cebuano yan. Hindi Cebuana! Tang-ina siya.”

Three hours earlier.

Asan ka na Jet?
Dito pa din mall. Bakit?
Anong bakit? Reporting syempre. Hehehe. Mwah mwah!!! Saan ka kumakain.
Hindi ko pa alam Erwan.
Text mo ko pagkumakain ka na ha.
K.

Thirty minutes later.

Asan ka na Jet? Kumakain na ang baby ko?


...
Uy Jet! Saan ka na?
...
Mwah! Text ka pls.
Erwan, bumalik ka nang Manila. Wala kang mapapala dito. Sorry. Wag mo na ko i-text kahit kelan. Goodbye.

The End.

--------------------------------------

- 35 -
May isang bigkuya na nagcomment:
Ambilis nga ng story! TS, nakakabitin. Pero ouch naman. Bakit ganun?

May isang skykingmaterial na nagcomment:


TS! Waah bitin! Ano nangyari? Bakit naggoodbye?

May isang jaycee na nagcomment:


TS, may continuation pa? Ano reason ni Jet?

Pero hindi madali kay TS na tapusin talaga ang kwento. Na-realize nyang masakit pa rin pala. Akala niya, naka-
move on na siya at kaya na niyang i-kwento lahat. Pero hindi pa pala. Minahal niya kasi yata talaga si Jet eh. Hindi
niya pa rin makalimutan. Hindi niya pa kaya bitiwan yung mga salita na bubuo sa sentences na bubuo sa
paragraphs na bubuo sa huling chapter ng kwento nila ni Jet. Masakit pa.

Nang mabasa ni TS ang ilang kwento dito sa AP, andami niyang natutunan.

Natutunan niya sa Three and a Half Hours ang saya ng first love. Ng young love. Natutunan niya ang importance ng
trust. Ng pagiging totoo sa nararamdaman kahit kasabay ito ng pagkatuto sa maraming challenges sa buhay. Kaya
hanggang college, si soldier Darryl at master Jhino pa rin.

Natutunan niya sa Agent 143 na napaka-importanteng ipaglaban ang pagmamahal. Na kahit ano pang obstacle,
kahit sino pa ang kumontra, against all odds, dapat kayo pa rin. Dapat si Matt at Dan pa rin.

Natutunan niya sa Twenty Dollar Rocky na minsan, nawawala na lang ang pagmamahal. Na kahit ilang wish sticks
pa ng sigarilyo ang meron ka, hindi lahat ng wish natutupad. Ang mahalaga, minsan, nagmahalan sila Rocky at
Drexx.

Natutunan niya sa Most Valuable Player ang halaga ng pagkakaibigan sa dalawang nagmamahalan. Na kahit saan
pa sila dalhin ng tadhana, sa hardcourt man o sa ibang bansa, alam nila Mark Lopez at Kevin Huget na mahal nila
ang isa’t isa. Maubos man ang lahat ng B3 sa mundo, sila hindi matatapos.

Natutunan niya sa Lightning Train Commuters Band na hindi hadlang ang nakaraan ng isang tao para mahalin siya.
Na kahit ano ka pa dati, o ngayon, makakatagpo ka ng taong makakapareho mo ng tono. Ang magtuturo sayo para
hindi ka na sintunado. Tulad ni Jayjay at Rodney. Yung handang sumabay sayo kahit saang stop ka pa ng tren
bababa.

Natutunan niya sa The Chronicle of a Desolate na siguro nga, dadating yung panahon na dalawa yung mamahalin
ng puso. Tulad ni Migs, ikaw lang ang makakapagsabi kung sino kina Jonathan o Ivan. Kahit gaano pa sila
magkatimbang.

Sa mga nabasa ni TS na kwento, iisa lang naman talaga ang tema. Pagmamahal. Yung totoo. Pagpapakatotoo ni
Mark sa Look Closer, habang umiiyak sa kotse ni Jack. Pagpapakatotoo ni Jero sa pagmamahal niya kahit malaki
ang agwat ng edad nila sa Toshiyori.

- 36 -
Pagmamahal. Yung totoo.

Kaya kinukwestiyon ni TS ngayon ang pagmamahal niya kay Jet. Ang pagmamahal ni Jet.

Hindi na siguro niya maisusulat pa ang totoong ending.

--------------------

Sa kabilang side ng mundo, iyak nang iyak si von_spee.

Naalala niya yung araw na yun... kung paano niya titigan si Erwan na nasa may harapan lang niya.

- 37 -
- 38 -
5,000 Pogi
Points ni
von_spee
- 39 -
I. Fiction

Hindi yata malinaw kay Erwan ang ibig sabihin ng salitang “fiction.” Nagplano siyang mag-share ng kwento sa isang
forum. Na-enganyo kasi siya sa mga nabasa niya. Na-feel niyang ehem ehem, may kwento din yata ako. Kaya
pagkatapos basahin ang pang kung ilan na kwento, binuksan niya ang Word at huminga nang malalim, pinasingkit
ang mga mata na iisipin mong pa-cute, tingin sa may itaas na parang naghihintay ng idea bulb, then type.

Alam na niya kung ano ang isusulat niya.

Pero hindi niya ini-expect na mahahaluan pala ng ilang personal na elements ang kwento niya. Fiction nga kasi
dapat eh. Pero habang bumabagsak ang mga daliri niya sa bawat letter, space tab, tandang pananong, tuldok,
kuwit at tandang padamdam, eh damdamin na pala niya ang iniintroduce ng blinking cursor. True to life kumbaga.
May iniba lang na konting detalye. Pina-juicy. Pina-exciting. Dahil ba baka may makakilala sa’yo Erwan na
mambabasa? Ewan niya. Hindi na niya naisip yun nung tumagal. Kasabay ng pagta-type niya eh ang “pag-
fieldchrip” sa hindi pa naman sobrang tagal na dati. Dati lang, hindi pa isang dekada o kalahating dekada. Neto
lang.

Kaya siguro medyo sariwa pa. “I can still smell the fresh paint” sabi nga sa Titanic. “Pero hanggang ngayon, palagi
ko pa rin siyang naaalala. Naiisip. Iniisip. Hindi makalimutan at ayaw kalimutan. Parang part pa rin siya ng araw-
araw ko. Kahit hindi niya na malalaman” sabi naman ni Erwan.

Nagsinungaling siya at sinabing fiction lang yung kwento. Nagsinungaling siya at sinabing graduating student pa
lang siya.

Sa kabilang side ng mundo, may nagsinungaling din at sinabing nasa college pa lang siya. Pero hindi siya
nagsinungaling nung sinabi niyang naka-relate siya sa kwento. Hindi siya nagsinungaling nung sinabi niyang naging
ready siyang mahalin ang isang random na tao. Hindi siya nagsinungaling sa ilang bagay na yun kahit papano. Sa
tuwing makakasabay niyang online si TS, parang gusto niyang pagkasyahin ang sarili at lumusot sa green na button
sa ilalim ng username ni TS. O kaya, magpost ng kung ano-ano mapansin lang siya. Totoo yung mga iyon.

Kasi siguro na-reach niya na ang quota niya sa bilang ng lies na pwede niyang sabihin sa buong buhay niya.

Isang gabi habang kumakain sa Wendy’s kasama ang mga barkada, naisipan ni Erwan humingi ng isa pang pakete
ng hot sauce para sa chili rice niya. Andami naman niyan, na-notice nung isa. Oo nga, agree naman yung isa.

Dahil mas maanghang, mas nakakagana. Sagot niya.

- 40 -
At pagkasabi nun, napatingin siya sa labas at nag-emo ng two minutes. Naalala niya yung taong nagsabi sa kanyang
mas nakakagana nga kapag maanghang yung kinakain. Yung tao na yun ang nag-convince sa kanyang mag siling
labuyo sa halos lahat ng klaseng sawsawan. At mag hot sauce sa pizza, pasta, sizzling sisig at spareribs.

Cancel. Two minutes lang pwede mag-drama. Balik sa kwentuhan.

Pero sa kabilang side ng mundo, mahigit dalawang taon na rin yatang nagdradrama si von_spee. Dahil sa mga
nangyaring siya rin naman ang may pakana. At nito lang, parang rocket ship na nag vrrrooooooooom sa kanya ang
mga pinaggagagawa niya dati. Kaboom! Kapow! Isang taong nagbalik ng not so distant past. Past kung saan siya
ang tinaguriang kontrabida. Bad. Mean. Tsk tsk. Hindi niya alam na sobrang sakit pala ng ginawa niya.

Hindi yata malinaw kay Erwan ang salitang fiction. Hindi yata malinaw kay von_spee ang salitang truth.

- 41 -
II. TOTOO

Ang totoong Erwan, hindi na estudyante. Twenty-five years old na siya at nagtratrabaho sa isang ayos na
kumpanya. Totoo ang mga pangalan ng mga barkadang nabanggit niya. Totoo ang ilang pangyayaring kinwento
niya. Totoo ang mga lugar. Totoong nung college nangyari.... yung ilan.

Ang totoong von_spee, hindi na estudyante. Twenty-six years old na siya at nasa kabilang side ng karagatan. Siya si
Jetter. Nagtratrabaho din sa isang okay na kumpanya. Totoong siya ang tinutukoy ni TS bilang Jet. Totoong hindi
siya nagpakita sa Cebu kahit anong pilit ni Erwan hanggang sa mga huling segundo bago sumakay ng airplane
pabalik ng Manila.

Bakit?????
Bumalik ka nang Manila Erwan. Hindi ako makikipagkita sayo. Sorry.
Anong problema Jetter?
Wag ka ngang OA jan. Akala mo naman seryoso ‘tong satin. Dadayo-dayo ka pa dito.
Ha??
Wag ka na magtext ulit. Sineryoso mo masyado ‘to eh. Nag-aksaya ka lang ng pera.
Ano bang sinasabi mo?
Simple, textmate lang tayo di ba. Hanggang dun lang yun.
Eh ba’t ayaw mo makipagkita? Andito na nga ako eh! Ano bang problema?
Ikaw ang problema. Ang OA mo. Akala mo seryoso ako. Eh sorry na lang. Napagastos ka pa.
Paki mo ba sa gastos, eh gusto nga kita makita. Wala namang masama kung magkikita tayo ah.
Tama na nga. Tumigil ka na. Bumalik ka na sa inyo. Ang corny mo. Sorry.
Huy ano ka ba Jetter!
Hindi ako makikipagkita sa’yo.

Lagpas two minutes yung pag-emo na yun ah. Pero wala na siyang pakialam. Ang lapit na ulit sa kanya ng mga
pinilit niya nang layuan na nangyari dati. Nagpakabusy si Erwan sa school pagkatapos ng Cebu sembreak getaway
na ‘yun. Getaway na akala niya magiging overwhelming sa saya. Pero unang araw pa lang, inuman na dahil sa hindi
magagandang nangyayari.

Pagkabasa niya ng huling text ni Jetter, nagyaya siyang uminom. Nagulat yung mga barkada niya pero game na
game naman.

“So ano, lasingan na ‘tong first day? Itotodo ko na inom ko. May gagawin pa ba tayo mamayang gabi?” tanong ni
Bert.
“Inom lang. Yun lang ang magandang gawin,” sagot ni Erwan.
Naka-sense si Nova na may very bad na naganap. “Okay ka lang Erwan?” tanong niya.
“Syemps! Pwede bang hindi.”

- 42 -
“Oo nga naman, hindi naman moody yan para biglang ma-badtrip.”
“Tama ka Bert. Kaya inom na tayo. Wag kalimutan ang sisig at chicharong bulaklak. Ka-threesome yan ni San
Miguel.”
“Oks. Order na order na.”
Silip pa din nang silip si Erwan sa celfone. Pero hindi pinapa-obyus na may isang Jetter na pala ang hindi sumipot sa
“EB” nila.
“Yan ang very bad! Ba’t nakatulala?” napansin ni Bert.
“Wala. Tagal ng order eh. Asan na ba.?”
“Ayan na. Sigurado ka okay ka lang?” mahinang tanong sa kanya ni Nova.
“Obyus bang hindi. Inom na lang tayo. Ayoko muna ikwento. Tang-inang buhay ‘to.”

Maya-maya, halos isang oras kinwento ni Erwan ang lahat sa kanilang lahat. Lahat-lahat. Lahat, pwera kay Nova,
nagulat sa rebelasyon. Lahat kasama na si Nova, nagulat sa rebelasyon tungkol sa nangyari kanina lang.

“Pare seryoso ka?” si Bert ang unang nagsalita pagkatapos sabihin ni Erwan na Cebuano, hindi Cebuana ang
ipinunta nila dun.
“Oo.”
“Di nga?” si Bert ulit.
“Oo.”
“Talaga?” si Bert ulit.
“Oo.”
“Totoo?” –Bert.
“Oo.”
“Hindi nga? Seryoso?” –Bert.
“Oo.”
“Kelan pa?” –Bert.
“Oo. Ay oo tuloy. Dati pa,” at nagkwento na siya. Siguro naka-tatlong bote siya bago matapos ang kwento. Bago
dumating yung kwento sa part na nag-text si Jetter at sinabing hindi makikipagkita. Sinabing bumalik na lang siyang
Manila.
“Bakit? Ha? Bakit Bert? Sabihin mo nga? Kanya ba ‘tong Cebu? Ano problema niya? Siya na nga pinuntahan, siya pa
ayaw makipagkita. Ang labo. Ano ‘to? Laro?” lasing na siya.
“Ako pa tinanong mo jan Erwan. Alam mo namang hindi na bago sa’kin yang mga ganyan. Di ba nga palagi akong
basted. Baka pag sinagot ako ng nililigawan ko, dun pa ako maglasing,”
“Eh lagi ka palang basted eh! Iinom natin yan! Kampay!”
“Siraulo! Parang hindi kayo saksi ah. Hehe. Pero ngayon Erwan, ikaw ang basted. Haha! Walang sabi-sabi oh, ayaw
bigla makipagkita.”
“Siraulo ka din. Kaya nga nakakapraning eh. Ano problema nun? Makikipag-text tapos ayaw makipagkita? Tsaka
sinabi niya, bumalik na akong Manila? Edi ibig sabihin pala nakita niya ako. Gagu yun ah. Nang-one way,” lumingon
lingon si Erwan sa paligid, nasa isang bar sila na maaga pa lang pwede nang mag-inom. “Baka andito pa yun ah.
Baka sinundan ako.”
“Baka serial killer! Kilalanin mo kasi muna bago ka makipagkita. Baka pati kami patayin niyan!”
“Ga-go! Mabait yun.”
“Mabait pala eh bakit...” pinutol ni Erwan ang sasabihin ni Bert.
“Oo na.”

Patapos na yung hapon. Nagiging medyo orange na yung horizon. Kakaiba sa pakiramdam ni Erwan ang amoy ng

- 43 -
probinsiya. Kahit nasa city pa rin sila, basta hindi Manila, gusto niya yung amoy ng hangin.

Palubog na yung araw. Nag-aabang na yung dulo ng dagat sa halik ng sunset. Kakaiba sa pakiramdam ni Jetter na
makita si Erwan. May konting kaba. May konting takot. May konting lungkot. Ilang metro mula sa kung saan siya
sumisilip, tuloy ang inuman nila Erwan.

“Mabait siya. Ang alam ko mabait siya. Ang alam ko nga, mahal ko na yun eh. Ilang buwan na rin.”
“Magiging okay din yan,” sabi ni Nova na kanina pa tahimik at nakikinig lang.
“Sana.”
“Bakit daw ba hindi nakipagkita?” tanong ni Bert.
“Ba’t daw kasi sineryoso ko. Ang corny ko daw.”
Tumabi si Nova kay Erwan at umakbay. “Ayos lang yan. Siya ang nawalan hindi ikaw.”
“Ewan ko Novs. Ang alam ko, mahal ko yun. Naramdaman ko eh. Naramdaman ko din na mahal niya ako. Inom pa.”
Napansin nila si Brando na mas kanina pa tahimik kesa kay Nova.
“Brando okay ka lang? Ba’t nakatungo ka lang jan? Kanina ka pa NR, nakakapanibago.”
Umiling lang siya na parang ayaw ng atensyon.
“Hoy Lady Godiva! Ayos ka lang ba? Inaantok ka na? Damayan mo naman ako sa problema ko. Sagot ko pa naman
yang beer niyo!”
“Tumigil ka nga Erwan!” sagot ni Brando na nakatungo pa rin.
“Huy anong problema? Inindian ka din?”
Tumingin si Brando sa kanila. Lumuluha. Then nagsalita.
“Ang saklap! Ang saklap saklap! Hindi ko ‘to ma-take mga kaibigan! Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang
magulat sa bonggang rebelasyon, ang magtanong tungkol sa kabaklushan mo Erwan, o ang maglupasay sa drama
dahil sa kapapasok pa lamang na balita! HUHUHUHU!” At naiyak na ng tuluyan si Lady Godiva.
“Hala! Inaagawan mo ng acting award ang bida?” sabi ni Nova.
“Manahimik ka jan Nova. Hindi niyo naiintidihan ang pinagdadaanan ni Erwan. Napakasakit niyan. Ang maniwala.
Ang umasa. Ang ma-excite. Sa wala. Kahit shadow o eyeshadow walang naipakita ang Cebuano. I feel for you
Erwan!!!”
Kahit medyo OA ang reaksyon ni Lady Godiva, kita sa mga mata nila Bert at Nova na naniniwala sila sa kanya. Na
masakit nga. Nakatingin lang si Erwan, pero malungkot ang mata. Walang sabi-sabi, lumuha na.
“Teka ano ba yan, ang jologs ko, naiiyak pa ko. Tama na nga yan Brando.”
“Pasensya na. Naka-relate lang atashi.”
Umapaw pa lalo ng beer nang maggabi na. Bago mag-10 ng gabi, may nag-text.

Pasensya na.

Walang humpay ang reply ni Erwan sa text ni Jetter. Pero hindi na siya makakatanggap ng isa pang text.

Tumungo na lang si Erwan tsaka umiyak.

"Hay Erwan. Na-achieve mo ang rurok ng kabaklaan. Ang rurok ng lahat ng rurok. Ang maging tanga sa pag-ibig,"
sabi ni Lady Godiva.

Sa kabilang dulo ng bar, tumayo si Jetter at umuwi na.

- 44 -
III. Pasensya

Isang boring na gabi, wala akong magawa. Naiwan ako sa bahay ng buong linggo. May lakad sila Dad at Mom.
Kasama ang bunso kong kapatid na si Orange. Pumunta silang Manila, business slash leisure trip. Hindi ako isinama
kasi walang tatao dito sa bahay. At may pasok ako sa school. Madaya, si Orange nasa highschool na tapos pinag-
absent. Highschool pa lang naman daw. Kaya ako ang taong bahay. Ang dami kong naisip gawin nung umalis sila.
Gimik, inuman, house party, magpapatulog ng barkada o makikitulog sa bahay ng barkada. Manonood ng porn
mula gabi hanggang umaga.

Pero nauwi sa boredom. Malapit na ang exams kaya walang gusto makipag-inuman. Hindi din naman madami ang
barkada ko na pwedeng hatakin kahit kelan. Nagsalang na lang ako ng DVD nung unang gabi, at hinayaan lang
magplay habang nag-i-Internet ako.

Oooops. Ako nga pala si Jetter. Isang ordinaryong tao. May malalaki at maliliit na pangarap. May problema
paminsan-minsan. May ilang angst at ilang kinakabadtripan. Hindi adjective sakin ang “confident.” Mahiyain ako.
Simpleng pag-order lang sa fastfood, pinapractice ko pa ang sasabihin ko. Hindi ako madaldal. Hindi ako maingay
sa bahay at sa barkada. Hindi ata ako masyado napuri nung bata ako kaya hindi na-develop ang self-confidence ko.
Kabado ako lagi na baka magkamali. Sanay na madalas sa simple lang, sa ordinaryo, sa hindi challenging. Pero hindi
naman ako KJ. Pag katuwaan, active ako. Pero hindi nga lang bumabangka. Nakikitawa lang. Gusto ko nga palagi
ako masaya, pati mga tao sa paligid ko. Mabilis ako ma-bore.

Kaya isang boring na gabi, yung gabing yun, simula nun, dahil sa boredom, hindi na ulit ako na-bore. Naisipan kong
makipag-chat. At may nakilala ako. Si Erwan.

Tinamaan na ako sa kanya unang usap pa lang namin. Alam niyo yon? Yung hindi niyo naman pinilit magkagusto
pero parang iba talaga ang dating ng isang tao sa inyo. Sa pag-uusap namin, bigla akong madaming nasasabi. Kung
ano-anong topic. Nakapila na nga sa dami, hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. Nasa Manila siya. Ang dami
kong tanong kasi hindi pa ako nakakapuntang Manila. Gustung-gusto ko makapunta. Ang bait niya kasi ang kulit ko
sa pagtatanong. Siya naman, todo kwento na parang naging virtual tour na ng Manila ang chat namin. Pinapa-
google images niya sakin pag may binabanggit siyang lugar. Tinatanong ko kung ganun ba talaga ka-trapik sa EDSA
kasi lagi yun ang pinapakita sa traffic advisory.

Umaga na kami natapos. Maliwanag na nung nakatulog ako. Ayos lang, after lunch pa naman ang klase ko.
Napanaginipan ko pa ata ang mga kwentong Manila niya. Napanaginipan ko pa ata siya. Pero walang itsura. Alam
ko lang siya yung napanaginipan ko.

Dumaan ang mga araw. Ang nagsimula sa chat, nagtuloy sa text, sa tawagan sa celfone. Nagpalitan ng pictures.
Ang sarap niyang titigan. Kahit kuha lang sa celfone yung picture niya, malinaw na okay ang itsura niya. Hindi
basta-basta. Siya yung tipong mapapalingon ka ng pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima. O kaya baka sundan
mo pa talaga ng tingin hanggang sa maliit na siya sa malayo. Maputi, medyo singkit, medyo wavy ang buhok,
maayos ang katawan at matangkad. Siya yung tipong isasali ng college sa kung anong Mr. College Personality. Kasi
sa itsura, ang lakas na ng dating. Sa personality, masasabi kong hindi siya mababaw. May depth siya kapag

- 45 -
kailangan ng depth. At may kalokohan kapag naisipan. Kumbaga, package deal. Special package. Hindi basta-basta.
Ay nasabi ko na pala yun. Siya yung tipong lilingunin mo. Ay nasabi ko na rin pala. Basta yun si Erwan. Nang
tumagal na nakausap ko siya, na-realize kong hindi niya alam kung gaano siya ka-okay. Na parang sumisigaw na ang
buong skul nila ng “pogi!” hindi pa rin niya iisiping siya yung sinisigawan. Napansin ko rin based sa mga kwento
niya na importante sa kanya yung pamilya niya. Na kahit minsan eh madami siyang kalokohan at nagbibigay ng
problema sa bahay, hindi siya mapakali kapag hindi siya nakabawi o nakapag-sorry man lang. Marami rin siyang
plano para sa parents niya. Isa na yung i-renovate at lalong pagandahin yung bahay nila.

Ang corny pero naging kami. Nung tumagal, naging kami. Corny na masaya. Corny pero araw-araw nun, walang
humpay na magkausap kami at magkatext. Masaya.

Totoong mahal ko si Erwan.

Hanggang pumunta siyang Cebu nang hindi ko alam. Habang normal na magkatext kami, ako nasa mall, siya naman
akala ko nasa bahay nila, bigla ko siyang nakita sa Ayala Centre. Gulat na gulat ako. Ilang minuto kong inisip kung
siya ba talaga ‘yun. Siya ba talaga? Oo, kamukhang kamukha eh. Tsaka sa tuwing magtetext ako, makikita ko siyang
magrereply. Sakto yung timing. Siya nga. Anung ginagawa niya dito? Kaya ba tanong siya nang tanong kung asan
ako at anong ginagawa ko? Hala.

Totoong mahal ko si Erwan. Ang sarap pala makita ng taong mahal mo sa personal for the first time. Yung marinig
yung boses niya nang malapitan, hindi na dumadaan sa linya ng analog o digital.

Totoong mahal ko si Erwan. Pero hindi ko siya kayang harapin.

Andun lang ako sa medyo malapit na table sa Starbucks. Kita ko sila. Dinig ko sila. Sinundan ko sila. Napanood ko
kung paano siya nag-react nung sinabi ko sa text na bumalik na lang siyang Manila. Ibig sabihin, nakita ko sila.
Nagulat siya. Lumingon sa paligid. Pumasok na lang ako sa loob ng Starbucks dahil hindi ko kaya yung nakikita ko.
Bakit ko yun ginagawa sa kanya.

Mula sa loob, nakita kong tumayo na sila. Bagsak ang mukha niya. Halatang may galit o pagtataka sa mukha.
Sumunod ako. Iinom pala sila.

Napanood ko lahat.

Pasensya na.

Tumayo na ako at umuwi. Hindi ko kaya yung galit ko sa ginawa ko. Hindi ko kaya yung guilt. Hindi ko kaya makita
siyang ganun. Latang-lata ako. Sa mga nakita ko, mas narealize kong mahal niya nga ako. Mas naramdaman kong
mahal niya nga ako. Mas nagalit ako sa sarili ko. Pagkauwi ko, diretso ako sa kama. Nahiga nang walang lakas.
Walang kahit anong galaw. Medyo malalim lang na paghinga. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakahiga ako pero
andami kong gustong gawin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong magpakita. Gusto kong maging okay na. Gusto
ko siyang ilibot sa Cebu at Bohol. Gusto kong makilala ang mga barkada niya. Makainuman sila tulad ng sinabi ko sa

- 46 -
tula ko sa kanya. Waaah. Yung tula niya. Yung tula ko. Yung mga buwan na magkausap kami. Yung araw na naging
kami. Yung mga pag-uusap namin. Ang daming pumasok sa isip ko. Nakakanginig. Anu ba ‘tong ginawa ko. Ito na
yung pagkakataon na pwedeng pwede na kami magkasama. Makikita na naming gumagalaw ang isa’t isa. Hindi na
lang sa pictures. Sa Frienster. Sa Multiply.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nanghihina ako lalo.

Ito na sana yung pagkakataon. Yung mga inimagine dati.

Pero sorry talaga Erwan.

---------

Three years ago na yung mga nangyaring ‘yun. Nawalan na ako ng balita sa kanya. Naiisip ko pa rin madalas.
Hinahanap ko siya sa Facebook, pero hindi ko makita.

- 47 -
IV. AP serye

Isang boring na gabi, wala akong magawa. Worry-free kaya hindi ako sanay. Nakakapanibago na walang pending na
trabaho o deadline na hinahabol. Tamang-tama na pero parang hindi tama. Nasanay akong busy. Nasanay akong
subsob sa opisina. Pero ngayon, off peak, walang kailangang madaliin. My supervisor even gave me an advanced
approval kung gusto ko raw mag-bakasyon kahit two weeks. Pero hindi ako nagplano magbakasyon. Ayoko. Hindi
na yata ako sanay lumanghap ng sariwang hangin, hindi na yata ako sanay nang relax lang.

Matagal na rin ako sa creative team na ‘to. Pagkatapos ko ng college, dito na rin ako unang nagtrabaho. Dito din
kasi ako nag-OJT. Mukhang bilib naman sila sakin kaya ayun, swerte. After ng unang year ko dito, na-promote na
ako. Masyado daw kasi akong workaholic. Eh syempre, marami akong balak eh. Maraming dreams. Maraming
goals. Hindi man halata sa ugali ko nung estudyante pa lang ako, eh may dugong achiever yata ako. Balak ko
magkaron ng property sa kung saan saan. Sa Boracay, sa Cam Sur, sa Ilocos, sa Baguio, sa Davao, sa Cebu....
uhmmm, kahit wag na sa Cebu.

Ako nga pala si Erwan.

Isang boring na gabing wala akong ibang iniisip, naisipan kong sumilip sa PEX. Matagal na akong lurker dun.
Nagbabasa ng kung anu-ano. Mga urban legends, mga tungkol sa gadgets, sa anime, nagtyatyaga magbasa minsan
ng mga awayan na kung anu-ano lang ang pinagmulan. A few months ago, nakakita ako ng isang kwento sa AP.
Minarathon ko. Pagkatapos nun, isa pang kwento. At isa pa. At isa pa. AP serye ang term nila dun. Pag lunch time o
pag may extra hour before matulog, sumusubaybay ako sa mga AP serye. Nakakadala. Nakakakilig. Nakakaluha
minsan. Nakakarelate yung madami. Nakakapag-paalala ng mga sarili mong love story. Kaya walang sabi-sabing
naalala ko yung isang tao na special sakin dati. Wow. Bigla siyang bumalik nang may epekto pa pala. Kaya naisipan
kong ikwento siya.

Gusto ko sana, hindi totally tungkol sa kanya. Hindi niya totoong pangalan. Hindi totoong pangalan ng kahit na
sino. Hindi totoong mga lugar. Gawa-gawa. Fiction. Na may basehang mga totoong nangyari. Pero hindi successful.
Isa-isang kumatok sa isip ko yung mga nangyari bago ko siya nakilala, at nung nakilalala ko na siya. Yung panahong
seryoso pa akong nanligaw sa isang babae. Si Dina. Yung panahong basag ako dahil hindi ako ang gusto ni Dina.
Yung panahong naisipan kong magchat. Yung panahong nakilala ko ang isang Cebuano. At na-inlove ako sa kanya.
At pinuntahan ko siya. At nasaktan ako ng unang lalakeng minahal ko.

Siya at siya lang ang nasa isip ko habang sinusulat yung “Apserye” ko. Hindi pala ako nakatakas sa totoo, at na-
cancel out ang pagiging fiction ng kwento ko. Marami daw naka-relate. Marami ding sumubaybay. Pero naging
maikli lang ang takbo ng kwento. Siguro kasi maikli lang na part ng timeline ng buhay ko yung andun siya. Siguro

- 48 -
din kasi, hindi ko na rin nakayanan pang alamin yung mga bagay na hindi naman niya gustong ipaalam sakin. Ganun
na lang ‘yun.

Kaya ayokong nababakante ako sa trabaho. Kung anu-ano ang naiisip ko.

Nung sinusulat ko yun, naglakas loob na akong gamitin yung mga totoong pangalan ng mga kaibigan ko. Yung mga
totoong lugar, pangyayari. Iniba ng konti. Pero sobrang konti lang. Yung tula niya, yung tula ko. Totoo lahat. Parang
nakaakbay siya sakin habang tinatype ko ang bawat chapter. Parang nakangiti siya sa harap ko habang masasayang
eksena yung kinukwento ko. Parang naririnig ko pa rin yung tunog ng celfone ko, na puro text niya ang
dumadating. Puro tawag niya ang natatanggap. Puro boses niya. Puro tawa niya. At mga bisayang salita na hindi ko
alam kadalasan. Basta ang alam ko lang, hindi man kami nagkita ng personal, alam kong mahal ko siya. Minahal
pala. Nagbabago ang panahon.

Pero baka lang... sobrang baka lang....baka kaya ko rin nilagay yung totoong pangalan ko, yung totoong pangalan
niya... eh para baka lang ... sobrang baka lang... eh mapadaan siya dun. O may magpabasa sa kanya nun. Kasi baka
lang... sobrang baka lang.... gusto ko pa rin malaman yung totoo.

Kaya paminsan-minsan, kahit tapos na yung maikli kong “AP serye”, sumisilip pa rin ako. Kasi baka lang... sobrang
baka lang... mabaliw ang tadhana, at mag-comment si Jetter.

- 49 -
V. REMEMBER ME

Tapos na ang APserye niya. Tapos na. Parang kami. Natapos nang biglaan. Dahil sa’kin. Hindi ko alam kung ano ang
meron sa username niya nung una ko yung makita, kung ano ang meron sa title ng bagong kwento na siya ang
nagpost. Mula sa pagiging TS, nang tumagal, naging isang malaking discovery ang na-discover ko. Isang malaking
knowledge ang na-know ko. Isang malaking revelation ang na-reveal. Isang malaking guilt, isang malaking regret,
isang big time na past ang nag hello ulit.

Parang baliw ang tadhana. Sa lahat ng pwedeng maging TS, ikaw pa Erwan. Sa lahat ng pwedeng maging baging
story, kwento pa natin Erwan. Sa lahat ng pwedeng maging unang reply sa thread mo, reply ko pa Erwan. Matagal
kitang minatyagan dati after mo bumalik sa Manila. Binantayan ko ang Friendster mo, ang Multiply mo. Pero
walang updates. Wala kahit ano. Nawala ka.

Kasi nga di ba, sabi ko, wag na, umalis ka na. Hindi ko naman inakalang pati sa mga online na connection natin
mawawala ka. Nanghinayang ako. Lalo na ngayon. Mas nanghihinayang ako.

Erwan, ako ‘to. Yung von_spee. Ako ‘to si Jet, si Jetter. Magugulat ka sigurado pag nalaman mo. Ibang-iba na ako
ngayon. Madami nang nagbago.

Habang nag-popost ko ng updates sa kwento mo, nakakabuo ako ng jigsaw puzzle na hindi mo naman pinahirapan
mabuo. Andun ang pangalan mo, andun ang pangalan ko. Andun ang mga klasmeyt mo, andun ang yatch, ang
“bdawe” na hindi mo pa pala nakalimutan. Andun ang tula ko, tula mo. Andun lahat halos. Paanong hindi ako mag-
aassume na kwento natin yun? Paanong hindi ako mag-aassume na naaalala mo pa rin pala ako. Paanong hindi ako
kikiligin, mapapangiti, maaalala ka. Paanong hindi ako malulungkot, magsisisi, magtatanong sa sarili kung bakit ko
pinabayaang mangyari yung mga yun.

Anong nangyari sa’yo pagbalik mo ng Manila? Bakit hindi mo na kinwento? Tama yung ibang readers mo,
nakakabitin. Nung sinilip ko, at binasa ko nung tapos na, siguro ako na ang pinaka-nabitin. Dahil gustung-gusto
kong malaman kung ano na.

Parang sira lang di ba. Pinaalis kita. Tapos gusto kong makabalita.

Sorry Erwan. Maiintindihan mo rin.

Sobrang saya ko na nakita na ulit kita, kahit dito lang sa PEX. Sobrang saya ko na alam kong anjan ka lang. Nag-
oonline, nag-ooffline. Nagpopost, nagcocomment sa mga comments, nagbabasa ng ibang kwento at threads. Anjan
ka lang. Andito lang ako. Alam ko kung saan ka mahahagilap. Ang tagal kitang hinintay.

Sobrang saya din ako dahil alam kong naaalala mo pa rin ako.

Totoong minahal kita Erwan. Totoo lahat ng sinabi ko tungkol sa feelings ko. Hindi ako marunong magsinungaling
pagdating sa ganun.

- 50 -
Pero pasensya na talaga. Sinungaling ako.

Sana maintindihan mo. Pag nakita na tayo, sana maintindihan mo.

---------

Sa kabilang side ng mundo, may TS na nagbabasa ng comments. Napansin niyang may isang bigla na lang tumigil
mag comment. Eh ang active pa naman dati. Si von_spee. Napa-bakit kaya siya sa isip niya. Napa-ano kaya nangyari
dun. Napa-hmmmm.

Nag-type siya ng reply:

Asan ka na von_spee? Bigla ka atang nawala

At natulog na siya nang may konting kaba sa dibdib na hindi niya gaano napansin, o pinansin.

---------

Pero magkikita pa kaya tayo? Sana syempre. Optimistic naman ako eh. Umaasang magkikita pa tayo. Kasi
hahanapin kita pagbalik ko. Hahagilapin kita sa bawat sulok ng Pilipinas. Madali lang naman eh. Bakit hindi ko
simulan ngayon na ang search operation ko sayo.

Sa PEX. Andun ka. Andun ako. Isang message lang, o pwedeng umabot sa lima kung pahirapan makakuha ng
information sa’yo.

Username. Password.
Remember me?
Login.
Punta sa kwento mo. Last page.

Asan ka na von_spee? Bigla ka atang nawala

Aba aba. Hinahanap mo pala ako ah. Hehe. Erwan ko.


Type:

- 51 -
TS! Namiss mo ata ako eh. Namiss din kita. Hehe namiss ko thread mo. Naging busy lang ako. Musta? Hello sa

lahat!

Pero offline ka. Hindi green yung bilog sa ilalim ng username mo. Gusto ko na namang pumasok sa butas na yun at
silipin kung anong ginagawa mo.

Anong mga ginawa mo? Anong nangyari sa’yo? Ano ka na ngayon? Kamusta ka na? Nagtratrabaho ka na siguro.
Ako nagtratrabaho na. Alam mo, pag naaalala ko yung college, naaalala din kita. Ilang buwan din na masaya ako
dahil tayo nun.

---------

Sa isang bedroom sa isang kwarto sa Pasig, naalimpungatan si TS. Sumilip sa PEX, sa AP. Last reply galing kay
von_spee. Napadilat siya ng malaki. Hindi ininda ang nakakasilaw na screen sa madilim na madaling araw. Nag-
type:

Hoy von_spee! Ang tagal mo nawala ah. Natapos na ‘tong mukhang ewan kong kwento, ngayon ka lang
nagparamdam ulit. Anu balita? Namiss mo ko? Namiss din kita. Ayos lang ako. Busy sa work. Salamat napadaan ka
ulit. Hehe

Pareho nang green ang mga bilog sa ilalim ng usernames nila. Naisip din bang lumusot dun ni TS? Hindi. Naisip niya
lang na may kakaiba sa green na bilog na yun. Kinumpara niya sa ilang bilog na green ng ibang usernames, nila
bigkuya at skykingmaterial, nila cholengcometa at collegekiddo, nila jaycee at palakwentong si sweetgiver, pero
kakaiba yung kay von_spee. Para sa kanya, yun ang pinakamagandang green na bilog. Buhay na buhay. Hindi siya
magsasawang titigan. Adrenaline rush pag nakita niya. At matumal ang buhay pag gray lang.

Ayan ka na naman Erwan. Hindi ka na ba natuto? Nung una yung Jetter. Ngayon yung von_spee. Mga hindi mo
alam kung totoo bang nag-eexist. Hindi mo alam kung totoo bang mga tao. Hindi mo alam kung totoo ba ang lahat
ng sinasabi. O baka nag-online lang para manloko. Ingat ka na TS, sabi ni Erwan sa sarili niya.

Bumangon siya, lumabas ng kwarto, umihi at pagkatapos, uminom ng malamig na tubig. Naalala niya yung
kwentuhan nila ni Jetter dati.

Malamig na tubig? Madaling-araw?


Ang sarap kaya.
Okay ka lang?
Masarap. Try mo. Sarap sa pakiramdam. Lalo na pag mainit yung gabi.
Di ba nakakasakit ng tyan?
Bakit naman sasakit? Tsaka sa umaga, pagkagising, bago mag-almusal, sarap din uminom ng malamig na
malamig na tubig.
Ayoko niyan, sabi ng mama ko dapat daw mainitan muna ang tyan sa umaga.
Eh bakit naman, giniginaw ba yung tyan?

- 52 -
Hehe, ewan ko. Sige bukas pag naalimpungatan ako Jet, subukan ko uminom. Kape kasi ako agad pag umaga eh.
Yan ang ayoko. Sumasakit tyan ko sa kape.
Ikaw ang sira. Kape, ang sarap sarap, sumasakit pa tyan mo. Ang arte ng tyan mo.
Hehe. Basta try mo yung malamig na tubig.
Oo na oo na. I love you Jet..
I love you too baby eyebugzzz!

Nabadtrip ng konti si Erwan. Naalala na naman niya si Jetter. Hindi na daw dapat naaalala yun. Hindi na daw dapat
umiinom ng malamig na tubig sa alanganing oras at naglalagay ng siling labuyo sa lahat ng sawsawan.

Pagbalik niya sa kama, offline na si von_spee. Pero may iniwang reply.

Paanong hindi ako dadaan dito TS. You’re a hard habit to break.

-------

Sa kabilang side ng mundo, may Jetter slash von_spee na nagtitimpla ng pang-anim niyang kape for the day.

- 53 -
VI. HABIT

“Paanong hindi ako dadaan dito TS. You’re a hard habit to break.”

Pagkabasa ko ng reply niya, kumaripas ang kamay ko papunta sa loob ng bag ko kung saan natutulog ang ipod ko.
Inikot nang inikot hanggang makapunta sa mga kanta ng Chicago. Bigla kong naalalang paborito ko pala ‘to dati.
Dati na. Nung college. Nung hindi ako masaya kasi hindi ako sinipot sa Cebu ni Jetter. Siya ang nag-introduce sakin
ng mga lumang kanta. At nung college ako hanggang ngayon, naaliw na ako sa mga kanta dati. Gusto ko rin yung
mga kanta ngayon. Ang hindi ko alam eh kung gusto ko yung mga kanta sa mga dadating na bukas. Syempre hindi
pa sila nacocompose. Wala lang. Toinks.

Habit. Yan dati si Jetter. Maya’t maya ang presence niya dati, kasi hindi kami magkasama. Ramdam ko na ilang isla
mula sa Pasig, may Cebu na ninais ko dati hilahin at idikit sa Manila Bay. Sa may Mall of Asia. Gustung gusto niya
kasi makapunta sa MOA. Parang ang ganda daw. Gustung gusto niyang sumakay sa MRT at LRT. Naalala ko pa nung
tinext ko sa kanya ang bawat station. Nabaliw siya nung sinabi kong sa kabilang dulo, madali niya na
mapupuntahan yung MOA. Sa kabila naman, isang tambling lang niya nasa Trinoma na siya. At tatlong tambling
nasa SM North na.

Nabaliw din ako sa mga kwentong Zugbu niya. Hindi ko naman alam na halos mababaliw din pala ako nung
pumunta ako dun.

Pero dati na yun. Enough.

Sino bang bagong gwapo sa Your Most Handsome thread? Masilip nga. Dapat may magpost na ng picture ko dito
eh. Tsk tsk. Hehe. I-post ko kaya yung picture ni Jetter. Paramdam lang. Baka may nakakakilala sa kanya sa PEX.
Baka lang. Pogi naman siya. Pogi talaga. Inisketch at pininta ko pa siya dati. Hinalukay ko bigla ang picture niya sa
mga napaglipasan na ng panahon na parte ng inbox ng email ko. Mga year na parang kelan lang pero parang ang
tagal na.

Sayang ka Jetter. Swerte ko sana sayo. Ikaw yung boyfriend na masarap ipakilala sa lahat. Isama sa bar at
ipagyabang. Hay. Di bale. May makikita rin akong kasing pogi mo o mas pogi pa sayo.

Tama na nga. Wag na alalahanin. Enough ulit. Makapagbackread na nga lang sa Let My Heart Be Your Disco, yung
bagong AP Serye.

- 54 -
-----------------------

Sa kabilang banda, may nag-aaway. Na naman.

“Akala ko ba magkakape tayo?”


“Busy ako. Hindi pa nga ako nagla-lunch eh. Mauna ka na. I’m sorry.”
“Okay. Ako na lang ulit mag-isa.”
“I’m sorry. Busy lang talaga.”
“Palagi naman.”
“Please understand. Hindi naman palagi eh. Wag ka na nga mang-away. Hahaba lang ‘to eh.”
“Hindi ako nang-aaway.”
“Hindi? Bakit ganyan yang tono mo?”
“Bakit sintunado ba? Ano ba dapat?”
“Ewan ko sayo Jetter. Simpleng pagkakape lang na hindi natuloy. Sabi na, pag-aawayan pa.”
“Ako pa may mali?”
“Hindi. Ako ang mali. Palaging ako ang mali.”
“Ewan ko din sayo. Yun nga eh, simpleng kape, yun na lang ang time natin magkasama this whole week. Hindi pa
pwede.”
“O sige, magkape tayo. Tapos hindi ako sisipot sa meeting. Magiging unprofessional at irresponsible ako dahil
gusto mong magkape tayo.”
“So ako lang pala ang may gusto. Sige wag na lang. Istorbo pa.”
“Sa ginagawa mong ‘to, lalong nakakaistorbo.”
“Okay, sorry sa istorbo.”

Ten months pa lang sila Jetter at Adam. Nagkakilala sa trabaho. Masaya nung simula. Pareho kasi sila ng oras ng
work kaya palaging magkasama. Pero nagkaiba din. Naging minsan na lang sa isang linggo magkita. Naging madalas
ang away. Kahit maliliit na bagay, napagbubuhusan ng init ng ulo. Siguro kaya madalas uminit ang ulo nilang
dalawa kasi stressed sa trabaho. At hindi din madalas magkita. Yung pagkakape na hinihingi ni Jetter, para sa tenth
monthsary nila. Obviously, hindi naalala ni Adam. Unlike dati na hindi sila makapaghintay icelebrate ang first,
second, third, fourth monthsaries. Tuloy, parang nagkakasawaan na.

Nag-random thought si von_spee:

This is the happiest monthsary. Yeah right. It is.

Sa kabilang banda, may nakabasa bigla. At nagreply agad.

Happy monthsary sa inyo. Enjoy!

- 55 -
Pareho na namang green ang bilog nila. Ewan natin kung bakit, pero napangiti silang ilang libong miles ang layo sa
isa’t isa.

Hindi nga enjoy eh. Walang icecelebrate.

Naku, bakit? Sayang naman. Dapat masaya!

Eh ganun eh. Ayos lang. Hehe.

Pagkabasa ni Erwan ng huling reply, may nambulagang popup sa kanya. Message galing kay von_spee. May konting
kaba. Binuksan niya. At ito ang message:

YM tayo. Von_spee add mo. Thanks

Walang kadelay-delay na binuksan ni Erwan ang ym niya. Inadd si von_spee.

Umaga na sa mundo ni Jetter nung matapos sila magkwentuhan. Hapon na sa mundo ni Erwan nung nagsign out
siya.

Buong araw, sa magkabilang hemisphere, iniisip nila ang isa’t isa.

- 56 -
VII. SWERTE

“Ang gwapo mo pa rin Erwan. Mas gwapo ka pa kesa dati. Nakakabaliw ka pa rin. I wanna rape you. Hindi ko na ‘to
kinakaya. Bakit may mga katulad mong walang pakundangan kung maging gwapo. Tinodo. Makalaglag skinny
jeans. Pa-kiss nga!”
“Tumigil ka nga jan Brando. Musta na?”
“Kembyular lang. Busy palagi. Major stress palagi sa work. Buti na lang nagyaya ka.”
“Hehe, syempre paminsan-minsan dapat nagkikita-kita. Nasan na kaya si Nova?”
“Nafifeel ko, malapit na siya.”
“Si Bert?”
“Nafifeel ko, 8 kilometres pa ang layo niya. Kaya more more jintay pa tayo.”
“Gusto mo na umorder? Nagugutom na ko eh.”
“Gora! Order na! Sa lahat naman kasi ng mini reunion ng varkadahan eh bakit brunchness pa? Hindi pa talaga
ginawang luncheon. Super aga tuloy ako vumangon churv!”
“Eh syempre para buong araw tayo magkakasama. Aangal ka pa.”
“Sa bagay! Super excitement nga ako kagabi pa. Nabaliw ako sa isusuot ko. Three hours ata ako hindi makapag
decide.”
“Ang arte naman. Hehe. Kaya ba ganyan ang suot mo?”
“At vaket? Maganda kaya ang suot ko. Snobbish pero gagalangin tondo. Super neat, super now, yet classic! Pati si
Michael Kors mapapalingon!”
“Oo na oo na, maganda naman talaga. Brando, taas na ng posisyon mo ah. Kamusta naman ang lovelife mo?”
“Hmmm, makulay minsan. Color palette. Minsan mixing plate sa sobrang kulay. Minsan naman monochrome. Iba-
iba eh. Pero ngayon wala. Ganun lang naman palagi. Swertihan lang. Swerte kung hindi ka masasaktan.
AYHEYCHUUUUUU Erwan! Ang seriousness ng sinabi ko! Hmp!”
“Hahaha, ang simple ng tanong ko nag-drama ka na jan. Pero tama ka nga siguro. Swertihan lang.”
“Bakit, ikaw ba?”
“Ako pa tinanong mo. Hehe. Haaay. Order na nga tayo.”

“Huy kamusta na kayo!!!!!!!!??? At talagang hindi kayo naghintay. Ang sarap na ng kain niyo.”
“Novita!! Kamusta ka na!!! Come join our vrunch!”
“Ang arte mo Lady Godiva! Hehe. Erwan, bakit naman kasi brunch date?”
“Angal ka pa. Hehe. Order ka na. Nagutom na daw si Brando eh. Ayaw na paawat.”
“Aba aba aba aba! Atashi pa ang nagutom!”
“Hehehe!”
“Order ka na Novs. Hindi na dadating si Bert.”
“Ha? Why oh why hindi makakadalo sa piging na ito ang Vert?”
“Work. Ano pa nga ba.”
“Call centre pa rin ba siya?”
“Oo. Anyway, dali, kainan na. Mahaba pa ang araw. Na-miss ko kayo.”

- 57 -
“Nabusog ako. Kape naman.”
“Sure.”

“Ang cute cute talaga ng teddy bear ng Starbecky!!! Nasaan na nga pala Erwan yung binili mo dati para kay...”
“Tinapon ko na.”
“Waaah sorry! Lubos ang paghingi ko ng paumanhin!!! Wag kang maarte jan Erwan, don’t tell me di ka pa
nakakamove on ha. Imbyerna!”
“Bakit kailangan magmove on sa wala naman at all.”
“Ay! Meganong statement!”

“Ayan gising na ang diwa ko, ano nang gagawin natin?”


"At tulog pa pala ang diwa mo kanina eh ang dami mong nakwento Lady Godiva!"
"Wag kang kontra jan Nova Bonggangvilla! Erwan saan na ang lamyerds?"
“Kayo ano gusto niyo gawin?”
“You mean wala kang plano?”
“Sino ba mahilig magplano satin”
“In fairness!”
“Roadtrip!”
“Sige roadtrip!”
“Saan naman?”
“Tagaytay?”
“Di ko feel.”
“Baguio?”
“Witit! May appointment pa atashi vukash. Effort.”
“Eh saan na?”
“U-belt!”
“Wow. Pero wow nga! Sige sige! Hahaha!”
“Bumili na ng maraming refreshments at snacks. Ma-traffic. Hehe.”
“Traffic trip yata ‘to, hindi roadtrip.”
“Dali na! Let’s go.”

- 58 -
“Na-miss ko ‘to.”
“Ako din.”
“Atashi din syemperds”
“Buksan natin bintana. Wag na mag-aircon.”
“True. Save our planet. Namnamin ang totoong simoy ng Recto, España, Quezon Boulevard at Taft.”
“Punta tayo sa school! Hehehe.”
“Tara!”

Inexperience ulit nila ang araw-araw nilang ginagawa dati. Binisita ang building nila. Sumilip kung may prof silang
makikita. Pero wala. Pero Andun pa din ang mga memories. Ang hallways na nilakaran, tinakbuhan, inupuan,
hinigaan, tinulugan.

Nung pahapon na, nag-isip na sila kung saan magdidinner. Sa Trinoma daw. Nagulat sila nang magvolunteer si
Nova mag-drive.

“Aba syempre, ako na si Miss Independent.”

Pagkakain ng maraming pizza at pasta sa A Veneto, hindi na mapakali ang tatlo nung naisipan nilang mag-videoke.

Dating gawi. Umorder ng beer, manok, mani, sisig, garlic mushrooms at tokwa’t baboy. Solb na ang inuman,. Solb
na ang kantahan.

Si Nova ang unang kumanta.

“Eto para sa inyo guys. Namiss ko kayo promise. Sayang hindi tayo kumpleto. Sana next time andito na yung iba.”
“Dito as in dito Nova Villa???”
“Panira ka ng moment Brando. Kakanta na ako....”

Now the parking lot is empty, everyone’s gone some place


I pick you up and in the trunk I’ve packed a cooler and a two day suitcase

“Wushu! Natuto lang magdrive!

Cause there’s a place we like to drive way out in the country


Five miles out of the city limit we’re singing and you’re hands upon my knee

“Go Novs!”

- 59 -
So we’re okay, we’re fine, baby I’m here to stop your crying
Chase all the ghosts from your head I’m stronger than the monster beneath your bed
Smarter than the tricks played on your heart

“In fairness nasa tono! Hahaha!”

We’ll look at them together then we’ll take them apart


Adding up a total of a love that’s true
Multiply life by the power of three.....

“Three talaga??? Hahaha!”


“Syempre hehehe.”
“Pano sila Bert, sila Dina?”
“Oh di sige, power of 100. Baka naman kulang pa yan sa lahat ng kilala natin!”
"Ay ay ay namvavara! Natuto lang magdrive!"
"Hehehe. Na-miss lang kita Brando!"

Pagkatapos kumanta ni Nova, hindi naman nagpahuli si Brando na may nakareserve nang tatlong sunud-sunod na
kanta.

“Eto naman para kay papa Erwan.”


“Madaya ka Brando! Yung kanta ko dedicated sa ating lahat tapos yan kay Erwan lang?”
“Wag kang magulo diyan Novita Peron! Mamaya ka na. Kay Erwan ‘to. Erwan, sana, makahanap ka na ng true love.
Dahil hello, ang latest mo eh yung Cebuano slash Indianero pa. Anyway, damhin niyo ang awiting itong mula pa
centre ng universe,,, ang aking puso.”
“Ang daming pasakalye, kanta na Godiva.”
“Atat ka Erwan? Eto na nga. Madamdamin ito kaya pwede kayong pumikit para mag-senti. Hello Aranetaaaaaaa!!!!
Are you having fun?”

Naaalala mo pa ba nung una kang makita, tinanong agad kita pwede ka bang maging papa
Nagulat ka sa akin at bigla kang natawa ano ang ibig kong sabihin, ikaw ay nagtataka

“Langya ka Brando! Wahahaha!”

Pinaliwanag ko sayo, naunawaan mo


Inilarawan sa iyo ang laman ng puso ko
Papakainin, papaliguan, papatulugin at papaypayan
Papakainin ka, papaliguan pa, papatulugin at papaypayan, papaligayahin kita

“Erwan, aminin, naaalala mo ang Cebuano Lhuillier! Weeeeh! Walang maingay, kakanta pa ko.”

Ibinigay ko ang lahat ang lahat ng gusto mo ngunit bilang nagbago at ako ay iniwan mo...
Pagka’t inubos mo ang lahat ng pera ko, pagkat binutas mo magkabila ang bulsa ko
May iba ka nang mama, sumama sa kanya, agahan tanghalian, hapunan ko’y iyak
Pangalan mong inukit dito sa puso ko, tinakpan ko ng liquid paper pati pangako kong...

- 60 -
Pagkatapos kumanta ni Brando, ang sakit ng panga ni Nova sa kakatawa. Si Erwan naman, tumatawa din, pero
obyus na napa-emo nang sandali. Tuluyan na sana niyang maaalala si Jetter, pero siya na pala ang kakanta dahil
maling number pala ng kanta ang na-reserve ni Brando. Tumayo siya at kumanta agad.

I guess I thought you’d be here forever, another illusion I chose to create


You don’t know what you got until it’s gone and I found out a little too late
I was acting as if you were lucky to have me, doin you a favor I hardly knew you were there
But then you were gone and it all was wrong, had no idea how much I cared.

Nagsisikuhan sila Brando at Nova.


“Baka sa Cebu na naman tayo mauwi nito ah.”
“Truly! Nafifeel ko yan!”
“Sira kayong dalawa.”

Now being without you takes a lot of getting used to, should learn to live with it, I don’t want to
Being without you is all a big mistake, instead of getting easier, it’s the hardest thing to take
I’m addicted to you babe, you’re a hard habit to break...

“So kailangan feel na feel? Contest ito?”


“Hehehe! Ang galing ko no!”
“Oo na, halatang nagpractice! Hiyang-hiya si Eric Santos sa binuhos mong emosyon. Sayo na raw ang moment!
Hehehe.”

Madami pa silang kinanta. Nag-agawan sa mic, naghati sa kanta para fair daw, nag-duet, nalasing nang konti, past
midnight na natapos. Parang ayaw nang maghiwalay nung tatlo. Ngayon lang kasi sila nagkasama-sama ulit. Parang
ayaw nang umalis sa company ng isa’t isa.

Sa isip ni Erwan, may parang ayaw ding umalis mula pa nung bumalik sila sa alma mater nila. Naalala niya ang
hallway kung saan siya lagi nauupo o nahihiga. Ka-text o kausap si Jetter. Dun din siya nalungkot nang ilang buwan.
Dun siya nagtanong ng napakaraming tanong kung ano bang nangyari sa kanila ni Jetter. Baka nga tama si Jetter,
naisip niya. Baka nga OA lang siya at masyadong sineryoso lahat. Mula noon, natakot na siyang maging seryoso. O
sumubok na may makilala ulit.

Pero kanina habang kumakanta, may isang username ang makulit na sumasagi sa isip niya. Nakikipagsiksikan sa
pag-alala niya kay Jetter. Para ding ayaw umalis. Parang minamadali na siyang umuwi at mag-online.

-----------------

After all of these years, I’m still trying to shake it


Doin much better they say that it just takes time
Deep in the night it’s an endless fight
I can’t get you out of my mind

- 61 -
VIII. BUZZ!

Good mornin!
Good morning din!
How was your weekend?
Ayos naman. Nagkita kami ng college friends ko. Hehe.
Ah sila Nova?
Oo. Yung nasa story hehe.
That’s nice! What did you do?
Pig out. Videoke.
Wow! Nakakamiss mag-videoke!
Bakit hindi ka ba nagvivideoke?
Ah wala dito eh.
Asan ka ba?
Sa malayo. Hehe
Saang malayo?
Dito Seattle.
Wala ka pala sa pinas? Anu ginagawa mo jan?
Nagmigrate na. Hehe. Ikaw saan ka?
Dito sa Pasig!
Hehe. (Alam ko. Anjan ka pa rin pala.)
Ano work mo jan?
Ah, sa Microsoft.
Wow!!! Eh di rubbing elbows kayo ni Bill Gates?
Hehehe, nakita ko na siya sa campus.
Ang galing mo!
Nakatsamba lang ako dito. Tsaka entry level pa lang work ko. Hehe
Kahit na! Microsoft yan! Tapos jan pa di ba ang main office?
Oo. Hehe. Campus ang tawag. Malaki kasi. Tara bisita ka dito. (Gusto na kasi kita makita ulit)
Naku sana lang. Hehe. Tour mo ko jan.
Syempre naman! Hehe. (Babawi ako. Gustung gusto kasi sana kitang i-tour sa Cebu dati.)
Sige sige. Ako pala si Erwan.
(Alam ko Erwan. Ilang libong beses ko na nabanggit ang pangalan mo. Sa isip ko. Sa mga tawagan natin dati. Sa
mga text. Sa puso ko.) Hello Erwan! Hehehe.
Ikaw? Name mo?
(Ako si Jetter.)
Buzz!
(Si Jetter ‘to Erwan.)
Buzz!
Ako si Jet.
Wahehehe! Ikaw pala yung bida sa kwento ko eh!
(Ako nga.)

- 62 -
Huy!
(Ako nga yun. I’m sorry. Pinagsisihan ko na lahat. Sorry talaga)
Buzz!
Hahaha, nakarelate kasi ako sa kwento mo. Doyzkie! Yan ang name ko hehe.
Hello Doyzkie!
Hello Erwan! (Sorry ulit. Sorry talaga.)
Mula sa Doyzkie, bakit naging von_spee? Hehe natanong ko lang.
Wala lang. Hehe. Admiral yan nung world war 1. Nung napag-aralan ko nung highschool, nagustuhan ko na.
Ganda nga ng von_spee. Bakit naman Doyzkie?
Nickname ko yan. Hehe.
Ano ba real name mo? Salvador? Dominador? Diosdado?
Haha, none of the above. Hulaan mo na lang next time.
Haha sige sige.
Kumain ka na Erwan?
Yep! Inihaw na bangus! Meron ba kayo diyang bangus? Ha? Ha?
Yabang! Andaming isda dito. Seattle ‘to. Alam mo yung sikat na market na hinahagis yung mga isda? Dito yun!
Isama mo yan sa itenerary pag tour guide na kita jan. Hehe.
Syempre. Tourist attraction talaga yun.
Good! Hehe ikaw ano ulam jan? Kanin pa rin ba kinakain niyo?
Oo kanin pa rin everyday. Hehe. Sinigang na baboy ulam namin. Laban ka? Hehe. May sinigang mix kami dito!
Naks naman! Hehe. Parang nandito pa rin sa Pilipinas! Hehe. Sa Manila ba kayo dito Doyzkie?
(Cebu. Alam mo naman eh. Alam na alam mo.)
Buzz!
Sa Cebu. (Ano kayang magiging reaksyon mo.)
Cebu??? (May naalala ako bigla.)
Oo bakit? (Naalala mo ako no?)
Wala hehe. Nakapunta na ako dun.
Hmmm sa kwento mo sabi mo nga.
Oo. (Wag ka na munang sumagi sa isip ko Jetter.)
Totoong nangyari yung sa kwento? (Inaasar lang kita Erwan. Sabi mo kasi, fiction lang tayo.)
Totoo yun. Nangyari lahat yun. (Sa lahat ng PEXer, sa’yo ko lang aaminin Doyzkie.)
Ahh. (Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Sorry talaga!) Hmm e di ba sabi mo fiction?
Hindi yun fiction. Nangyari talaga yun. Sorry, nagsinungaling ako sa readers.
Wala yun! (Alam ko naman eh. Na tungkol sa’tin yun.)
Hindi ka talaga sinipot nung Jet?
Hindi. (Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung bakit.)

Pero matagal na yun. Hehe. Ayos na naman ako ngayon. (Oo, ayos na ako ngayon.)
Ah. Eh di very good. (Yun naman pala eh.)
Hehe. Thanks sa pagbabasa ah. Tsaka isa ka sa mga active magcomment.
Wala yun! Hehe. Nakakarelate kasi ako. (Nakakarelate sa kwento natin.)
Saan ka naman naka-relate dun?
(Sa lahat.)
Buzz!
Ah kasi Cebuano din ako. Hehehe. Bdawe!
Hahaha!

- 63 -
Maayong bonethugzz baby eyebugzz!!! (Ang sarap ulit itype nitong mga salitang ‘to para sayo Erwan.)
Siraulo! Hehe.
Alam mo ba kung asan si Jet?
Hindi. (Hindi ko din alam talaga kung gusto o ayaw ko na siya makita.)
May dahilan siguro siya bakit hindi siya nkipagkita. (Meron Erwan.)
Malay ko dun. Wala na akong balak alamin.
Talaga?
Oo. Ang dami na ring nangyari eh.
Na-inlove ka na ulit?
(Si Jetter lang.)
Buzz!
(Si Jetter lang ang una at so far, huli.)
Buzz!
(Pero wala na si Jetter.)
Buzz!
(Dapat pa bang alalahanin ang mga kusang umalis? Jetter, dapat ka pa bang alalahanin. Pag-alayan ng kwento. Ng
ilang oras sa bawat araw.)
Buzz!
Hep hep! Hehe andaming buzz!
Ay sorry, hehehe. (Ano na Erwan? May iba ka na bang minahal?)
Wala.
Wala? Hindi ka na nainlove ulit?
Hindi na. Kung dadating, dadating.
Sa bagay.
Kung totoo, totoo. Kung hindi, edi hindi. Ayoko nang masyadong isipin yan.
Bakit?
Hindi naman dapat masyado siniseryoso yan eh. Lalo na kung hindi ka siguradong totoo. Ikaw din ang lalabas na
loser sa huli. Habang yung isa, baka nagcecelebrate pa dahil may naloko na naman.
Hindi ka naman niloko ni Jet...
Hindi ba? Ewan ko. Ewan natin.
Baka may dahilan lang talaga yun.
Bahala na siya. Kanya na yung dahilan niya. Ialmusal niya araw-araw. Wala na sakin yun.
Pano kung makita mo siya?
(Matutulala siguro ako.)
Buzz!
Wala. Wala nang pansinan. Para saan pa di ba.
Para ituloy yung dati. (Para matuloy yung dati, kapag alam mo na lahat Erwan.)
Wag na. (Hindi ko alam.) Anjan ka naman Doyzkie eh! Hehehe
Siraulo! (Siraulo ka.)

- 64 -
IX. SINUBUKAN NI JETTER ILAGAY SA AYOS ANG LAHAT.
ANG LAHAT NGA BA?

Maraming beses pa kaming nag-chat ni Erwan. Maraming beses na inaabot kami ng ilang oras, nag-uusap ng kung
anu-ano. Gaya dati. Iba nga lang ngayon. Bukod sa hindi niya alam na ako si Jetter, eh madami na din ang mga
bagong nangyari sa mga buhay namin. Napansin ko ang differences ng kung paano kami mag-usap dati at ngayon.
Nag-mature na kami. Dati, puro school, subjects, teachers, inuman, cutting classes at mga angst sa mundo ang lagi
naming topics. Ngayon, mga plano na sa buhay, pagbili ng bagong kotse, pagbabayad ng mga utang sa credit card,
pag-iisip sa pagbili ng bahay, planong business, economy, politics at quarter life crisis. Ang sarap niyang kausap sa
mga ganyang bagay. Kahit kelan naman, masarap siyang kausap. Open sa kahit anong topic. Kahit kalokohan
paminsan-minsan. Kahit dirty secrets. Kahit pinaka-jologs na mga hilig. Nasabi ko na rin na yung mga una kong
comment sa thread niya, yung sabi ko student din ako, hindi totoo. Ayos lang daw sa kanya. Naiintindihan daw
niya. Sana Erwan, maintindihan mo din lahat. Sana.

Isang beses, sa kasagsagan ng usap namin, bigla akong may narinig na boses sa may likuran ko.
“Sino yan?” tanong ni Adam.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Saktong nag-alt+tab pa ako agad para matakpan ng ibang window yung pag-uusap
namin ni Erwan.
“Sino yang ka-chat mo?”
“Classmate ko nung college.”
“Sigurado ka?”
“Oo, paano naman ako hindi magiging sigurado sa classmate ko?”
“Sige, sabi mo eh,” sagot niya, at lumabas na ng kwarto.

Guilty ako. Ano ba naman ‘to? May boyfriend nga pala ako. Nakakalimutan ko kapag nag-aaway na kami, na
madalas mangyari. Para kasing wala eh. Dahil bihira kami magkita. Dahil madalas kami mag-away. Nakakalimutan
ko kapag kausap ko na si Erwan.

Guilty ako. Pero sa totoo lang, hindi ako gaano na-guilty. Siguro kasi, naghihintay na lang din kami ng chance ni
Adam para mag-break. Yun bang nag-aabang kung sino ang unang gagawa ng kasalanan para gawing reason. Para
hindi naman masabing biglaang break up na lang. Para hindi mahirap ikwento sa magtatanong. Na kasi niloko niya
ako eh, o kaya kasi niloko ko siya eh. Pag sinabi kasing nagkasawaan lang, parang mababaw.

Pero yun naman talaga eh. Mababaw. Mababaw ang foundation. Mababaw ang saya. Walang lalim pag
nagpapalitan ng I love you. Kumbaga, auto-populated na yung bawat dulo ng text ng I love you, Love u, Luv u. Kasi
kapag wala, may mali. Meron dapat kasi kami. Kami pa.

- 65 -
Nakakailang Hershey’s Nuggets Special Dark Mildy Sweet Chocolate with Almonds na ako pero hindi pa rin
pumapasok ulit si Adam. Baka nanigarilyo o nilinis yung kotse. Nung isang araw pa ang monthsary namin pero
ngayon lang kami nagkita.

Masaya naman kami dati. Tamang saya kaya umabot kami ng sampung buwan. Laking US siya, pero maayos ang
Tagalog. At ang pogi niya pag nag-eenglish. Masarap pakinggan.

Nagrerent ako ng apartment. May bahay yung family ko dito pero gusto kong magpractice ng independence. Nung
nasa Cebu pa kasi kami, sanay ako nang walang ginagawa. Lahat nakaready na. Pagkain, laundry, paglilinis ng
bahay, pagtatapon ng basura, pati pagdidilig nung tatlo kong cute na halaman sa bintana ng kwarto ko. (Buhay pa
kaya sila ngayon? Hmmm.)

After two months pagdating namin, nakahanap na ako agad ng trabaho. After four months sa trabaho, naglakas
loob na akong magsarili. Todo naman ang suporta ng family ko na halos sipain na ako palabas ng bahay. Tuwang-
tuwa si Orange dahil gusto niya yung iiwan kong kwarto. Siya na raw ang gagamit dun.

Exciting ang mga unang araw sa sariling humble abode. Nasa 3rd floor ng isang lowrise na condo ang unit ko ilang
minutes away lang mula downtown. Walking distance sa lahat. (Pero hindi sa Pasig kung saan andun si Erwan pogi.
Hehe) Malapit sa mall, sa market, sa main streets, sa bus stops, sa library, sa waterfront, sa mga restaurants at
coffee shops. Maganda talaga yung location. Maayos din ang facilities ng condo. May sarili nang pool at gym. Hindi
rin naman biro ang bayad. Kaya todo trabaho ako kapalit ng luho kong independent bachelor lifestyle. Naks!

At nung maging kami ni Adam, eh palagi siyang nasa bahay or ako ang palaging nasa kanila. Kasi naman, hindi lang
kami co-workers, next door neighbors pa. Sa work kami unang nagkita. Sa café. Nag-usap. Kapwa Pinoy kaya may
common denominator agad. Pero the week after ko na siya nakita sa hallway ng condo. Nabigla kami pareho at
natawa. Doon na kami nagsimulang ma-develop.

At after ten months nga, eh ayun siya sa labas, hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Ayun naman ako nasa loob
ng kwarto, kausap pa rin si Erwan.

After a week, maguusap kami ni Adam. Magdedecide pareho na hindi na nag-wowork ang kung ano mang hindi na
rin namin gustong i-work out. Magdedecide kaming mas okay na friends slash neighbors slash co-workers na lang
kami. Magdedecide na aabutan pa rin niya akong sinigang pag yun ang ulam niya, at ka-share ko pa rin siya sa
cassava cake na dinadala sakin ni mama halos every week.

After a month, magkakaroon na ulit siya ng bagong boyfriend. Ipapakilala niya sakin over dinner sa place niya. At
ayos lang sa akin. It will turn out na magkakasundo kami ng bago niya. Magiging magkakabarkada. At paminsan-
minsan, sabit ako sa mga lakad nila. Marerealize ko na tama, mas okay nga na friends na lang kami. Marerealize din
niya yun. Pero hindi na namin mapag-uusapan. Mas lalalim na lang ang samahan..

At ako, magfofocus na sa isang tao sa kabilang side ng mundo. Magiging mas masaya dahil wala nang guilt. Pero sa
gitna ng saya, may sakit minsan ng ulo. Sa gitna ng ilang oras na pagchachat, may sakit minsan ng tiyan. Dahil oo
nga pala. May napakalaking guilt na nag-aabang. Kung kelan ko mararamdaman, wala na muna akong pakialam.
Basta enjoy na lang muna sa part two ng kwento namin ni Erwan.

- 66 -
-------

Sa Pasig, may nakaisip mag-search sa Facebook. Doyzkie ang tinype. Ini-expect na may susulpot na Doyzkie. Malaki
naman ang chance. Pero ano naman kung meron. Hindi naman niya alam ang last name. Pero nag-search pa rin
siya.

At sa unang page pa lang ng search results, para na siyang binuhusan ng malamig na tubig na apple flavor sa nakita
niya.

Ikaw naman kasi Jetter. Bakit Doyzkie pa. Tsk tsk tsk.

- 67 -
X. AFTER ALL

Ilan lang ba ang Doyzkie sa mundo. At ang pinakaewang tanong eh ilan ba ang kapareho mo ng mukha Jetter? Bakit
pareho kayo ng mukha ng Doyzkie na lumabas sa search results sa Facebook? Bakit? Bakit? Explain.

All this time pala, iisa lang si Jetter at von_spee? At isama na natin si Doyzkie. Anong mahirap maintindihan dun?
Pero nakakagulat. Nakakakilabot. Jetter, ikaw ba yan? Von_spee, ikaw ba si Jetter? Doyzkie, ikaw ba si Jetter?

Kaya pala nakakarelate ka sa kwento. Kasi ikaw mismo yun eh. Pero ikaw ba talaga yan? Badtrip, naka-private ang
profile. Ang higpit mo naman sa publiko! Profile photo lang ang kita ko. At alam ko, ikaw na ikaw yan Jetter.

Langya, ang gwapo mo pa rin. Mas gwapo ka ngayon. Wala ka pa ring kupas. Ang sarap mo pa rin tingnan. Pero
bakit nakaganyan ang kamay mo sa pic? Parang may kaakbay pero solo naman. Ahhh! Naks! May nakasulat pala sa
tabi mo na “Wish you were here.” Nakakakilig Jetter! Sana para sa’kin yan. Ngayon na palagi na ulit tayo nag-
uusap. Badtrip ka. Ikaw na pala yung kausap ko hindi mo pa sinabi. Anong balak mo ha? Grrrr.

Pero paano mo ko nahanap? Biglaan lang ba? Kasi kakasimula ko pa lang ng kwento sa AP ikaw na agad ang unang
nagcomment eh. So co-incidence lang talaga siguro. Tapos paano yun, later on narealize mong tungkol sa’tin yun?
Ganun ba Jetter? Ganun ba von_spee? Ganun ba Doyzkie? Mukha kang ewan. Ang dami mo pang pangalan. Bakit
ayaw mo pa sabihin saking ikaw yan ha?

Naisipan kong mag ym pero offline ka pa. Humanda ka.

Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam na si Jetter pala si von_spee. Siya naman yun di ba? Eh parehong pareho
ng mukha. Gusto kong matalon sa tuwa. Gusto kong pumasok sa ref sa sobrang kaba. Gusto kong mag-ym agad
kami para ma-clarify na.

Kinakabahan ako. Ano kaya ‘to. Ito na ba ang continuation ng hindi natapos dati? Kailangan ko malaman kung bakit
hindi siya nagpakita. Ngayon ko na-realize na oo, kailangan ko pa malaman yun. Dahil kung anu-ano ang naiisip ko
na pwede niyang maging dahilan.

Nagfieldtrip ang past sa present. Hinayaan kong mag-senti ng ilang minuto. Sa di kalayuang radyo, tumutugtog ang
After All. Doyzkie, ikaw ba si Jetter? Doyzkie, sagot, ikaw ba si von_spee?

----------------------

Well here we are again, I guess it must be fate


We’ve tried it on our own but deep inside we’ve known
We’d be back to set things straight.

- 68 -
Eto na naman tayo Jetter. Siguro kapalaran natin ‘to. Akala ko nawala ka na. Pero ayan ka sa profile pic mo oh.
Buhay na buhay. Todo ang smile. Eyes mong hindi ko natutunang pagsawaan tignan. Lips mong kung makangiti
parang hindi alam kung paano sumimangot. Buhok mong every once in a while nag-iiba ng ayos. Ngayon naman
bagsak at may bangs ka pa. Pogi ka pa rin. Sabi na nga ba isang araw bibiglain mo na lang ako. Nabigla ka din siguro
sa Apserye natin no? Ngayong ayan ka na ulit, ayusin na natin yung naudlot dati. Kasi nabitin ako. Gusto ko pa.
Sana gusto mo pa.

After all the stops and starts we keep coming back to these two hearts
Two angels who’ve been rescued from the fall
After all that we’ve been through, it all comes down to me and you.

Gusto na kita makita. Yung ikaw na gumagalaw. Yung nahahawakan. Yung nakakausap at nakikita ng live. Hindi
cam. Hindi sa celfone. Yung magkaharap talaga. Madaya ka. Nakita mo na ako dati eh. Pero hindi ka nagpakita.
Madaya.

Kaya dadayain din kita. Hindi ko sasabihin sa’yo von_spee na ikaw pala si Jetter. Akala mo ha. Gaganti muna ako.
Hehehe. Hindi muna kita i-aadd sa Facebook. Kaya pala all this time ang sarap mo kausap. Yung sinasabi nilang
cliché na parang matagal mo nang kakilala yung kausap mo. Eh kasi naman pala, totoo. Grrr nakakainis. Ang saya-
saya ko!

----------------------

Sa kabilang dulo ng mundo, may Jetter na nag-iisip ng paraan kung paano lulusot sakaling mabisto. Hindi niya lang
alam, nabisto na siya. Wala siyang kamalay-malay na iniisip na siya sa mga oras na ‘to ni Erwan bilang si von_spee
na si Jetter na si Doyzkie. Litong-lito siya sa pinasok niyang kalokohan. Kalokohan na hindi niya alam kung may
karapatan pa siyang isipin na maiintindihan yun ni Erwan. Sana. Naisipan tuloy niyang mag-padeliver ng
napakasarap na pizzang puno ng shrimps at anchovies at capers.

----------------------

Kinagabihan sa Pasig. Kinatanghalian sa Seattle. Dalawang wireless end-users na may excellent na signal strength
ang nagtagpo. Nagkwentuhan. Normal na usapan. Pero iyong Pasigueño, may binabalak. Clueless ang Seattle boy.

Anong oras na jan?


1:18 pm. Kaka-lunch ko lang. Hulaan ko, 10:18pm na jan no?
Tumpak! Hehe. Anong kinain mo?
Tirang pizza from last night. Hehe ikaw anung dinner?
Dinuguan! Sarap! Hehe. Kumakain ka ba nun?
Ayaw!!!
(Alam ko.)

- 69 -
Hoy!
Eh ba’t ayaw mo? (Dahil may babuyan kayo dati at nagsawa ka.)
Eh nung bata pa lang ako may baboy business kami. Hehe. Nakakasawa.
Oks. Saan ka nga ulit nag-college?
Sa San Carlos.
Dun din si Jetter! Baka kilala mo siya! (Ayan mabaliw ka.)
(Kilala ko syempre ako yun.)
Hoy!
Hindi, wala ako kilalang Jetter. Baka ibang batch.
Eh pareho kayong age eh. (Hehe)
Eh di ko alam.
Pareho din kayong course. (Haha)
(Grrrr)
Hoy!
Hindi ko nga kilala. Baka hindi siya taga San Carlos talaga.
(Grrr) So sinungaling si Jetter? Ha Doyzkie?
(Oo. Sinungaling ako.)
Buzz!
(Alam ko naman na dadating yung oras na malalaman mo lahat eh. Malalaman mo na sinungaling ako.)
Buzz!
Ewan ko.
Kelan ka babalik ng Pinas? (Para makapagkita na tayo.)
Hindi ko pa alam. Sana next year. (Para makita na ulit kita.)
Next year?!! Ang tagal! Gusto na kita makita! (Oo totoo yun Jetter.)
Hehe, sige, pipilitin kong makauwi next year. Kita tayo agad. Hehe. (Totoo yun Erwan.)

Gagawin lahat ni Jetter para makauwi nga next year. Miss na din naman niya ang Pinas. Tamang-tama ang next
year. Hindi lang siya mag-iipon ng todo. Hindi lang siya mag-iipon ng vacation days. Hindi lang siya ma-eexcite.
Ihahanda din niya ang sarili niya sa pagkikita nila ni Erwan. Kasi alam niya, kahit anong mangyari, basta nasa
Pilipinas na siya, wala nang dahilan para hindi sila magkita.

Bigyan mo ako ng isang taon Erwan. Pero sana, sa loob ng one year na yun... hindi mo muna malaman yung totoo.

When love is truly right, it lives from year to year


It changes as it goes, oh and on the way it grows
But it never disappears.

- 70 -
XI. UNANG POGI POINT NI JETTER

Diet.
Pag-aralan kung paano mako-control ang pagkain ng napakadami. Ang sarap naman kasing kumain. Pero piliting
wag mag-extra rice. Iwasan ang fries. Kasuklaman ang kahit na anong gawa sa patatas. Kamuhian ang pork.
Tumakbo papalayo kapag nakakakita ng McDonald’s, Burger King, Wendy’s, Carl’s Jr., Dick’s at iba pa. Ituring na
nakakalason ang burritos at pizza. Siguraduhing wheat kung kakain man ng pasta. Diet ito. Para kay Erwan.

Nag-research si Jetter sa public library sa downtown kung paano maging effective ang diet. Halos buong araw siya
nandun kakabasa, take down notes, photocopy. Ang snack lang niya ay isang mansanas at ang pagsulyap sa
magandang architecture ng gusali. Gusaling gawa ni Rem Koolhaas, kinabaliwan ng marami. Makabago, astig.
Dapat siya rin, naisip niya, hangaan, kabaliwan, maging makabago at astig sa mata ni Erwan. Siya.

Siya na hindi pa nakuntento at nag-uwi pa ng pitong diet at recipe books. Next week, work out magazines naman.
Sa susunod, tips on porma naman. Kailangan niyang mag-improve. Kailangang-kailangan. Hindi naman bawal di ba?
Hindi naman bawal na magkaroon ng personal goal na maayos ang katawan, maayos ang itsura, maayos ang
fashion sense, maayos lahat. Hindi naman bawal iyon. At least, may gagawin siyang hindi bawal para sa sarili niya
at sa ibang tao. Baka sakaling matabunan ng hindi bawal na yon yung bawal na ginawa niya.

Nagkataong epitom eng metrosexual yuppie ang bagong boyfriend ni Adam na si Wayne. Isang dinner nilang tatlo,
nag-sampung isip muna si Jetter bago siya humingi ng advise kay Wayne.

“You’re officially my new project. I’m so excited!” ang sagot ni Wayne na muntik nang mapatalon habang
kumukuha ng crème brulee. “But I will need your full cooperation and focus Jetter, and promise, in ten months,
you’re gonna be the new guy to watch out for downtown, the new alpha male, the Rennaisance man, the man of
the world, best dressed, best new promising boy next door! Matalino ka na, maganda ang work, interested at
knowledgeable sa maraming bagay. Interesting ang personality. Hindi ko nga alam kay Adam bakit ka hiniwalayan.
At kung ikaw ang una kong nakilala...”
“Hey!” singit ni Adam. “I’m here, remember?”
“Haha sorry Adam. But our Jetter here is a catch. Too bad he doesn’t know it. Only now na... wait wait wait, why all
of a sudden nga pala Jetter you want to have this makeover?”
“Oo nga, baka ma-inlove ulit ako sayo nyan Jet ha,” singit ulit ni Adam.
“Yeah right. Naisip ko lang. These are the best years. I have a really good job and I live in a beautiful city...”
“So why not be a beautiful man din?” singit na naman ni Adam.
“Why Adam, Jetter is goodlooking. It just need to be polished,” sagot ni Wayne.
“Well, thanks Wayne. Sana nga... I am.... goodlooking.”
“You are Jetter! Don’t be negative. Don’t even be passive. Get up and be the best you can become. Unlucky are
those who don’t improve themselves. Because everyone can. At ikaw, lucky ka kasi minimal improvement na lang.”
“Are you serious? Eh bakit ten months pa kung minimal?”
“What do you expect, overnight? Of course not. It is a process. And you have to invest serious efforts on this. You
have to be dedicated and inspired. I’m sure naman inspired ka talaga. Pero okay lang if hindi mo muna ikwento,
lalo na andito ang magaling mong ex. Hehe.”

- 71 -
“Har har. But Jet, I’m excited for you too. Good luck. I’ll support you all the way. Swear.”
“Thanks Adam. Thanks Wayne.”
“No worries. But I will need help din pala from my friend. She’s a she. Just in case busy ako, she will help you. Treat
mo lang ng lunch or dinner, happy na yun. Ako naman, bantayan mo lang si Adam solved na ako. Hehe.”

Hindi na mapakali si Jetter sa mga naiisip niya. Naiimagine niya yung pagkikita nila ni Erwan. Haharap siya sa kanya
na puno ng self confidence at amoy Acqua di Gio. At mapapatitig lang sa kanya si Erwan, gently inaamoy ang
pabango niya. Na nagkataong pabango din niya. Mapapa-smile si Erwan sa isip niya. Gugustuhing yakapin siya ni
Erwan kahit nasa airport man sila o mall o restaurant. Para ipakasal ang pareho nilang pabango. Para maramdaman
ang suot na Kenneth Cole na polo niya, at blue na Lacoste polo shirt ni Erwan. Magdidikit ng bahagya ang Zara
jeans niya, at Levi’s jeans ni Erwan. Magkakauntugan ang kaliwang Onitsuka Tiger Mexico ’66 na sapatos niya, at
right black leather Converse na sapatos ni Erwan. Magtataka ang H&M boxer briefs niya, at ang Calvin Klein briefs
ni Erwan. Hindi alam kung ano ang nangyayari.

Hindi rin alam ni Jetter kung kelan lahat ito mangyayari. Hindi niya alam kung paano. Kung possible. Sana pwede.
Kasi naniniwala siyang maiintinihan ni Erwan. Kaya aayusin niya na ang dapat niyang ayusin sa sarili niya. Decided
at motivated at inspired, at supported din ng dalawang kaibigan. Gusto na niyang maging hunk.

Ilang libong miles away, hindi alam ni Erwan na ganito na ang tumatakbo sa isip ni Jetter. Ang nasa isip lang niya ay
ang mukha ni Doyzkie. Na walang kupas sa kagwapuhan.

- 72 -
XII. NASABI NA

Pogi si Erwan, given na yan. Pero sa lahat ng pogi, siya ata ang pinakasenti. Sa kalagitnaan ng pagtitig niya sa profile
pic ni Doyzkie, naisipan niyang bisitahin ang isang notebook na matagal na niyang hindi naalala. Nakatago lang
kasama ng mga lecture notebooks niya at sketch pads nung college. Notebook na Blue Feather na hindi spiral.
Ayaw niya kasing bumabakat yung kamay niya sa spring. Ito ang notebook ng lahat ng text messages ni Jetter dati.
Oo, sinulat niya isa-isa kasama ang date and time kung kelan pinadala. Kapag puno na ang inbox ng celfone niya
kasi dati, bago siya magbura, sinusulat niya muna. Madalas, sa library niya ito ginagawa. Yung tago sa maraming
tao. Tahimik. Naglalaban ang aircon at ang init ng araw sa labas. Gamit ang gel pen na black o dark blue o dark
green, isusulat niya isa isa. Kahit Hehe lang. Kumpleto pa rin ang detalye ng Hehe na ‘yun. Harap at likod ng bawat
page, halos mapuno niya ang notebook. Maliit ang sulat niya at papasang pang-Architecture student. Maayos.

Sa taas ng kabinet sa kwarto niya nandun ang kagila-gilalas na notebook. Pumatong siya sa upuan at inabot ang
kahon ng sapatos na pinaglalagyan ng kagila-gilalas na notebook. Pagkakuha ng kahon, bumaba siya at umupo sa
sahig, sumandal sa kama, at nagsimulang mag-moment sa historical accounts na sinulat niya sa kagila-gilalas na
notebook.

Buklat. Unang page. Malaking lettering ng Jetter at Erwan. Pangalawang page. List ng mga paborito ni Jetter na
nalaman niya nung minsang mag question and answer sila sa landline (na naka-contribute sa lagpas limang libong
bill nila sa telepono). Sa baba ng same page ay mga banda naman. Madami kasing gustong banda si Jetter kaya
nilista ni Erwan lahat ng nabanggit. Sa pangatlong page, dun na nagsimula ang pagmamanual transfer niya ng mga
text messages mula sa celfone na may maliit lang na memory nun. Syempre ang unang text na nakasulat eh ang
pinaka-unang text na natanggap niya.

Bulaga!

Ang kasunod,

Hulaan mo..

Ang kasunod,

Jetter ‘to. Hehe, yung naka-chat mo.

Ang mga sumunod ay ang hindi mabilang na mga masasaya, nakakakilig, getting to know, pagiging sila,
kamustahan, kulitan, napakaraming I Love You na nasabi pa sa iba’t ibang dialects ng ating bansa, mga pagsasabi
ng problema, mga pagbibigay ng suporta, mga planong masarap planuhin, mga pangarap nilang masarap
pangarapin kapag in-love na inlove.

At ang pinakahuli nga,

Erwan, bumalik ka nang Manila. Wala kang mapapala dito. Sorry. Wag mo na ko i-text kahit kelan. Goodbye.

- 73 -
Pagkatapos isulat ni Erwan ang huling text ni Jetter, tinanggal niya ang SIM card at ginupit. Out of lungkot. Sudden
burst of emotions. Nasa Manila na sila nun galing Cebu at hindi na niya kayang tumingin nang tumingin bawat
minuto sa celfone niya para icheck kung nagtext na ba finally si Jet. Hindi niya na kayang maalimpungatan maya’t
maya na madalas may luha para lang makita na wala pa rin ang text na hindi naman na talaga dadating. Matagal
bago niya naisipang mag-move on nun. Pero bago niya gawin yun, sinulat niya muna ang mga huling SMS. Yung
mga pinakamahirap isulat kasi yun yung mga pinakamalungkot. Naging handa siyang mag-move on pero hindi niya
kayang kalimutan lang ng ganun yung taong alam niyang mahal niya at mahal siya. Kahit puno siya ng pagdududa
nun, nagdecide siyang magpaka-strong at magpaka-busy sa kung ano man ang pwedeng pagkaabalahan. Mula
school hanggang nung nagtrabaho na siya. Unti-unti siyang sumaya ulit. Sa tulong ng mga kaibigan, ng masayahing
pamilya, ng mga pangarap niya. Sa tulong na din ng hope na one day, alam niyang magkikita ulit sila. At pag
nangyari yun, magsisimula na ulit siyang magsulat sa kagila-gilalas na notebook na yun.

Pero syempre, dahil sa ym sila palagi nag-uusap at lately niya lang nalaman na si Jetter si von_spee, eh hindi na siya
nag-effort na isulat talaga ang mga napag-usapan nila. Para saan ang archives. Ipriprint na lang niya yun someday
sa kapitbahay nilang computer shop kung saan madali lang makapagpa-print siya ng libre dahil ang may-ari ay si
Da-yunior na childhood friend niya na matangkad, gwapo kahit hindi nagsusuklay at palaging lasing na mahilig sa
chicharong bulaklak pag inuman at ayaw magsuot ng black kahit rakista at nakikipagsiksikan sa kung saang-saan
NU Rock Awards at Redhorse Muziklaban at naging crush pa ni Lady Godiva nung college sila kaya naging madalas
na sa bahay nila Erwan gawin ang mga projects kuno. Pero walang kinalaman si Da-yunior sa kwento. Binigyan lang
siya ng konting exposure kumbaga.

Speaking of Lady Godiva, after magbasa ni Erwan ng mga text messages, tumayo siya at kinuha ang celfone at
nagtext kay Brando at Nova. Kitakits ngayon na. Mabaog ang hindi pwede.

Wala pang dalawang oras, magkakasama na sila. Sa bahay ni Erwan.

“Effort kung effort super!!!! Ikaw na nga ang magyayaya dito pa sa bahay niyo,” sabi ni Brando inaayos ang
nagulong buhok sa harap ng salamin.
“Oo nga. Buti na lang wala akong ginagawa. Na-miss mo na naman kami?” sabi ni Nova.
“Hindi ko kayo na-miss. Si Jetter ang na-miss ko.”
Nagkatinginan yung dalawa, at nakisali si Erwan sa tinginan kaya nagkatinginan silang tatlo. Pagkalipas ng pitong
segundo, nagsalita si Brando.
“Baket mo naman namemess ang Besaya bai? Kaluka ka!”
“Sira-ulo. Bumalik na siya.”
“Saan ba nagpunta? Sa mall? Sa parke? Kaya hindi ka nasipot at ngayon eh nakabalik na. Hindi naman siya
masyadong late ah. Natraffic lang siguro or may nakasalubong na kakilala, nakipaghuntahan.”
“Seryoso, nakita ko na ulit siya. Co-accident. Hehe.”

- 74 -
“Sige co-accident ka jan. Co-accident din ba na na-miss mo siya?”
“Actually, nitong nagkita kami ulit, dun ko narealize kung gaano ko siya na-mess jud! Hehe.”
“So love mo pa rin?”
“I guess so.”
“Eh anong sabi niya?”
“Hindi niya pa alam.”
“Nyerks! Paanong hindi pa?”
“Kasi sa PEX kami nagkita.”
“Anong PEX?”

At kinwento ni Erwan ang bawat detalye.

“Sabihin mo na agad na alam mo na! Na buking ever na siya! Nakaka-excite! In fairness papa Erwan kapag lovelife
mo talaga ang issue, kulang na lang maihi atashi sa kilig ever!”
“Aba bakit Brando, hindi ka ba kinikilig sa lovelife ko?” sabi ni Nova.
“Hindi Nova Viscaya! Anung nakakakilig eh sexlife mo lang naman ang active, hindi ang lovelife.”
“At least! Eh ikaw Godiva?”
“Ikaw ang topic hindi atashi! Imvierns! O tapos Erwan, ikaw pala ang topic hindi kami. Hehe.”
“Ayun, sasabihin ko na pagnagkausap na ulit kami.”
“Why not now na? As in now na now na! Akin na itetext ko na ng Jetter alam kong ikaw yan. Awoooo!”
“Hahaha! Hindi pwede, nasa Seattle na siya eh.”
“Wow. LD pa rin kayo mula noon hanggang ngayon. Pero ngayon, longer distance relationship na.”
“Oo nga eh. Waah. Oo kung magiging kami ulit. Ang pogi niya pa rin. Isang picture pa lang na bago ang nakikita ko,
bumabagyo na ng pogi points.”
“Ganech? WAAAAAAAAAAAAAH PATINGIIIIIIIIIIIIIN! Patingin na kasi! Kainis naman oh!”
“Hahaha, sa Facebook. Hindi ko pa ina-add.”
“Patingin na!” sabay sina Brando at Nova sa pangungulit. E di ipakita.

“Grabe papa Erwan. Kung ikaw makalaglag skinny jeans, ang Jetter mo makalaglag tao.”
“Tao?”
“Makalaglag-taong naka high heels!”
“Oo nga Erwan. Ang gwapo talaga. I-add mo na para makita na ang ibang pictures!”
“Pag nasabi ko na na alam ko na.”
“Ay naku, itext mo ako agad pagkasabi mo at pagka-add mo at i-aadd ko siya agad at pagpyepyestahan ang mga
pics niya! Kaloka talaga!”
“Adik ka talaga.”
“Pero wait a minute kapeng mainit-init at masarapna pancit, why o why Doyzkie is the name of this Visayan
hunkness?”
“Nickname niya. Doyzkie actually ang pakilala niya sa’kin sa PEX. At ako naman, nag-search sa FB kahit walang last
name, at kapow! Ang mukha ni Jetter ang lumabas.”
“Ektweli Erwan, parang nakita ko na siya.”
“Ows?”
“Oo pero vague eh. Basta. Ang gwapo kasi eh. Wag mo na pakawalan yan!”

- 75 -
“Sige ba, edi tara na sa Seattle.”
“Tang-ina mo! Hahahah!”

Nauwi sa mini inuman ang gabi nila. Habang patagay na si Erwan, napasulyap siya sa sumulpot na maliit na popup
sa monitor ng laptop niya. Online na si von_spee! Wala na siyang sinayang na sandali. Pero tumagay na muna siya.
Nagsindi ng yosi. Kumuha ng yelo dahil tamad yung dalawa kumuha. Bumili ng pulutan. Nilinis ang nabasag na
bote. Natawa ng matagal sa mga patawa ni Brando. At pagkatapos nun, wala na nga siyang sinayang na sandali.
Click sa von_spee. At type ng:

Huy von_spee the Doyzkie!


Huy ka din! Maayong bonethugzz baby eyebugzz! Hehe!
Ikaw Jetter ha.
Haha, ginaya ko lang si Jetter mo.
Ang galing mo nga gumaya eh. Maniniwala na nga akong ikaw ‘yun eh.
Hala!
Hehe wala lang. Na-miss kita Jetter ko.
Adik!
Bakit Jet? Na-miss talaga kita.
Adik ka. Hehe
Mwah Jet ko!
Haha sira. Baka umasa ako niyan.
Hindi mo na kailangang umasa. Kasi mahal pa rin kita Jet.
Huy umayos ka nga. Si Doyzkie ‘to.
Tama, ayusin na natin Jet.
Huy Erwan.
Bakit ang tagal bago ka nagpakita ulit?
Okay ka lang ba jan?
Okay na ako kasi anjan ka na ulit Jet.
Ay para kang sira.
Oo na, parang sira na. Parang sira na kinwento ko pa ang kwento natin online, umasa na baka sakaling mabasa mo.
At ayun, nabasa mo nga! At eto ka ngayon von_spee. Nagulat ka no? Nung una, wala kang idea na ako ‘to, si
Erwan. Tapos habang tumagal yung kwento, na-goosebumps ka siguro dahil kwento natin yung nababasa mo no?
Erwan...
Tapos ngayon, ayaw mo pa sabihin agad na ikaw si Jetter. May pa-Doyzkie Doyzkie ka pa! Alam ko na Jet!
(Alam mo na nga.)
Huy!
(Paano na ‘to?)
Buzz!
(Di ko alam sasabihin ko.)
Buzz!
--
Buzz!
--
Buzz!

- 76 -
“Kung makapag-buzz naman! Sa lahat naman ng nakikipag-inuman ikaw ang tanging may ka-buzz jan!” sabi ni
Brando.
“Baka si Jetter na ang kausap!” sabi ni Nova. At parang makapigil hiningang tumayo ang dalawa at mabilis na
lumapit kay Erwan para silipin ang laptop. Nabitawan ni Erwan ang laptop at bumagsak sa sahig. Hindi na ma-on
pagkapulot.

“Ay! Makalaglag-laptop na rin ang Jetter!” banat ni Brando.


“Ano Erwan, siya na ba kausap mo?” tanong ni Nova.
Pero tahimik lang si Erwan, tulala. Naisip nung dalawa na nagalit dahil nasira yata ang laptop. Pero maya-maya,
ngumisi si Erwan at sumigaw,
“NASABI KO NA!!!!!!!! WOOOHOOOOOO! TAGAY PA!!!!!!!!!!! Bahala na siya mabaliw muna sa kabilang dulo ng
karagatang pasipiko na pinangalanan ni Magellan dahil tahimik ang tubig nung naglalakbay siya pero ngayon, wag
na muna matahimik si Jetter sa mga sinabi ko. Bwahaha! I love you Jetter!!!”
“Ganyan ba talaga ma-inlove yan?” bulong ni Nova kay Brando at nag-inuman pa sila hanggang alas-kwatro ng
umaga.

- 77 -
XIII. JUST AS I AM

“Nag-enroll ka na sa gym?”
“Yeah.”
“May personal trainer ka?”
“Yeah.”
“May schedule ka na sa pag-woworkout? Hindi pwedeng kung kelan lang maisipan.”
“Yeah yeah.”
“Perfect. Pero hindi kalakihang effort ang pag-gym. Marami ka pang kailangang gawing sideline na work-out
outside ng gym. Like pag-gising mo. At least 200 crunches. Same before matulog. Wag sa kama. Sa tamang mat
dapat.”
“Will do.”
“And five meals a day. Tamang dami lang. Don’t ever over eat. Don’t eat when you’re just bored. Eat when you’re
hungry lang. Forget about burgers and fries and pizza and rice and instant noodles and donuts.”
“I will miss them all.. ang lupit naman.”
“No pain no gain.”
“I know.”
“Jogging. Kahit around the block lang muna. Then two blocks next week. Then three blocks the next.”
“Okay.”
“More fruits and veggies pala ha. Mga fibers.”
“Yeah, may list na ako ng mga healthy food.”
“Very good.”
“Wag ka lang tatamarin. Sa simula I know excited ka sa results pero pag tumatagal, keep it up, hindi pwedeng
magpaliban ng workout. Once a week you get a cheat day. Pero next month mo na pwede i-avail yun. Ngayong first
month, you need to learn how to discpline. Do you smoke?”
“Nope.”
“Ver nice! Don’t you even dare. Dahil sira ang plano kahit isang stick lang. Ikaw din.”
“Okay okay.”
“Yan na muna ang gawin mo this week. Next week, I will introduce you to my friend. I’ve mentioned her di ba. She
will help me help you. So she will help you na rin. Basta yun. Para ka na niyang episode ng ng Queer Eye. Pero hindi
ka lang isang episode. Buong taon ka. All four seasons. Hehe.”
“I’m really excited. Mukha ba akong tanga sa ginagawa kong ‘to Wayne?”
“What’s mukhang tanga about it? You want a better version of yourself – anong mali dun?”
“Wala. Nakaka-excite!”
“I know! But you should be patient. I will warn you ngayon pa lang. Maraming super excited sa simula then maiisip
na lang na bakit pa sila nag-eeffort na maging ganito or maging ganyan. Eh okay na naman sila kung ano sila
ngayon. Tapos ayun, hindi na itutuloy. Nakakadisappoint. Kasi di ba, pag naisip mo na at nasimulan mo na yung
ikakaimprove mo, why stop? That’s being totally and unjustifiably stupid and passive. Yun ang mukhang tanga.
Kaya kung ayaw mong maging tanga Jetter eh wag kang hihinto. At syempre simulan mo muna. Ano ngang sabi sa
Chinatown? A thousand mile journey begins with a single step. Kaya tara, sabayan mo ko. Humakbang tayo.”
“Hahaha adik!”
“Serious, humakbang tayo forward. Dali!”

- 78 -
“Haha sure.”
“Ayan, uto-uto!”
“Arrrggh!”
“Anyway, na-dry ang lalamunan ko. May lemonade ka?”
“Wala. Si Adam baka meron.”
“Okay kukuha ako, wait ka lang dito.”

Lumabas muna si Wayne at pumunta sa unit ni Adam. Naiwan si Jetter mag-isa. Napatingin siya sa paa niyang
naka-step forward pa rin. Naalala niya yung linya mula sa isang pelikula: every step I took since the moment I could
walk was a step toward finding you. Hindi niya maiwasang mag-senti. “Toward finding you Erwan.”

“What’s that you said?”


“Ha? Wala. Kumakanta lang.”
“Weird.”
“Ano pa?”
“Anong ano pa?”
“Ano pang mga dapat kong gawin.”
“One at a time Jet. For now, yun muna gawin mo. Work-out at diet. Parang ang dali no? Pero I’m warning you: It’s
not gonna be easy. Or rather, I’m inspiring you: It’s gonna be all worth it. Hehe.”
“Thanks Wayne ha.”
“Wala yun. I wanna be a part of your improvement. Tara, nagyayaya mag-magic sing si Adam.”
“Kayo na lang. Moment nyo yan. Hehe.”
“Moment ka jan. As if namang hindi ka mainstay sa love story namin. Hehe. Tara na.”
“Hindi ako marunong kumanta, nakakahiya!”

After four hours, napagod din sa pagkanta si Jetter. Halos hindi nakakanta yung dalawa sa dami nang kanta niyang
mula sa kung anu-anong genre. Pero hindi pa rin maitago na ang hilig niya ay oldies. Hindi rin niya maitago sa sarili
niya na para kay Erwan ang ilan sa mga kanta niya.

“Cebuano nga naman! Galing kumanta! Nahihiya-hiya pa raw oh!”


“Haha, nag-enjoy lang,” sagot niya kay Wayne.
“Pero pansin mo Wayne, parang feel na feel ni Jet no? Hmmmm,” sabi ni Adam.
“Har har. Napasarap lang ng kanta. Alis na nga ako. Bahala na kayo jan.”
“Hahaha, matapos mo kaming gawing audience aalis ka na lang basta?”
“Hehe, sorry. Gabi na oh.”
“Warm summer night. Tara sa Alki.”
“Nice idea, let’s go!”
“Wahh!”

A few minutes drive lang ang Alki beach mula sa kanila. Mahabang stretch ng beach na may mga restos, at the best
ang view ng Seattle mula dito. Maliwanag pa kahit 8pm na, kaya perfect ang alis nila para panoorin ang sunset.
Pagdating dun, hindi nila malaman kung saan pupwesto dahil maganda lahat ng puwesto. Doon na lang sila sa may
malapit sa Salty’s – favorite nilang seafood restaurant doon. Para daw doon na rin sila mag late dinner.

- 79 -
Magkasandal na nakaupo sila Adam at Wayne. Habang papalubog ang araw, naisip ni Jetter na makasandalan din si
Erwan. Manonood ng sunset sa kaliwa. I-enjoy ang mga ilaw ng downtown sa kanan. Mag-holding hands sa ilalim
ng nag-oorange o nagva-violet o nagrered na sky. Sana. Someday.

Pag-ba-bye ng sun at pag-hello ng moon, tumayo na sila at naglakad papuntang Salty’s. Pinayagan ni Wayne si Jet
na maging cheat day ang first day. Kumain na raw na parang wala nang bukas. Dahil bukas, start na talaga.

Nauunang maglakad yung dalawa. Napatingin siya sa mga footprints nila. At nilingon niya ang sarili niyang
footsteps.

Step one. Para sayo Erwan. Step two din. Hanggang makailang libong steps ako. Para sa’yo lahat ng ihahakbang ko.
Papunta sa’yo. Papunta sa eksenang magkaharap na tayo. Sana mabilis lang ang one year. Lalo pa ngayong alam
mo na pala na ako si von_spee. Pero sorry. Sorry ulit. Sorry talaga. Haay.

--------

One week ding hindi nakapag-ym si Erwan. Puno ng trabaho ang work week na yun at hindi niya naasikasong
ipagawa ang laptop. Hindi rin siya nagka-time mag-ym sa work bilang workaholic siya. Pero napapa-kanta siya
paminsan-minsan. I’m leaving on a JET plane... jet jet jet... you’re a hard habit to break...

--------

Papatulog naman si Jetter na sobrang nabusog sa last supper niya: Clams Contagious, Crispy Kicked Up Calamari,
Dungeness Crab Mac and Cheese at tubig. Habang nakahiga, medyo mabigat pa rin ang tiyan, na-LSS siya sa isang
kinanta niya kanina...

I’ve had a lot of big dreams, I’ve got a lot of bad moves
I know you could walk away but you never do

Sana nga wag kang mag-walk away Erwan. Kahit na may bad moves ako.

I’m not easy to understand but you hold out your hand

Sana sana sana maintindihan mo.

- 80 -
And you say you love me just as I am, you always treat me the best that you can
You say you want me, need me, love me baby just as I am...

I want to love forever, to keep our world together


And be the best that I can be

--------

Pero maintindihan nga kaya ni Erwan? Paano kung isang beses, maisipan niyang mag-mall? Paano kung maisipan
niyang kumain sa isang restaurant? Paano kung magpig-out siya kasama sina Nova at Brando. Paano kung sa hindi
kalayuan, may makita siyang mahilig kumain sa kung saan-saan at pagkatapos ay gawan ng blog ang pagkain. Food
blogger kung baga. Contributor din sa isang magazine. Mahilig din sa photography. Sa travel. Cebuano. Paano kung
isang araw, makita ni Erwan ‘tong taong ‘to. Na ang pangalan ay Doyzkie.

- 81 -
XIV. MGA TAONG HINDI MO NAGAWANG MAHALIN.

Wala lang kasing chance. Take Raab for example. Naging textmate mo siya for a while. He even requested you to
paint him as Saint Sebastian. But you were too busy moving on. Had you gone to his place, you would have
discovered the real Raab. Masarap kasama. Masarap magluto. Ibibigay niya pala sa’yo kahit anong hingin mo. At
gagawin mo rin pala lahat para sa kanya. Kaso hindi kayo nagkita.

Mali lang kasi ang timing. Tulad ni Moe. Nagkakilala kayo dahil may common ex kayo. Pareho niya kayong niloko.
Sobrang nasaktan siya. Sobrang nasaktan ka rin. Dumating pa sa point na magkasabay kayo, reason para awayin
niyo ang isa’t isa. Hanggang sa preho niyo nang hiniwalayan yung ex niyo. At nag move on siya, nag move on ka.
Next time kayong nagkita, pareho na kayong masaya ulit. Hindi niyo alam, at hindi niyo na malalaman, na
mabibigyan niyo pala ng definition ang perfect in terms of relationships.

Dahil madamot lang ang panahon. Like that chance with Steven. You were his first kiss. He was your nth kiss. He
was discovering this world he wasn’t too familiar with yet. You were allowing him to discover that world... in your
bedroom. Pero inumaga na kayo, wala pa ring nangyayari. Kailangan mo nang pumasok sa school when you got the
chance to kiss him without forcing him. A long passionate innocent kiss for him. Just an ordinary deed for you.
Pagkatapos ng kiss na yun, nabago na ang lahat sa kanya. Next time kayong nagkita, kasama niya na ang boyfriend
niya. Kasama mo din ang boyfriend mo. Hindi mo na-realize noon na intro pala ang kiss na yun sa isang
napakagandang love song na hindi mo naman hinayaan tumugtog.

Medyo kasi asiwa. Sa pakiramdam mo, asiwa. Pero hindi mo na lang in-entertain. Masarap pa naman magmahal si
Sir Marvin, yung prof mo. Pero ganun talaga eh. Pag nag-aaral ka pa, isyu pa sayo ang age, year level, ang pagiging
student at pagiging teacher. Kapwa student lang ang pwede mong magustuhan sa loob ng school. No no ang
magkagusto sa teacher sabi ng iba. Yun din ang sabi mo kaya hanggang titig ka na lang sa kanya. Alam mo,
nahuhuli mo rin siya minsan na nakatingin sa’yo. Lalo na pag exam at nakatungo ka lang. Pag-angat ng ulo mo,
magtatama ang mga mata niyo. Pero mali yun. Kaya umiiwas ka ng tingin. At buong college life mo, umiwas ka.
Hindi mo alam, ang dami niyang kopya ng class pictures na andun ka. Hindi mo alam, paminsan minsan tinatama
niya ang ilang mali mo sa exam. Hindi mo alam, na nung nakisindi siya ng yosi sayo at nakipagkwentuhan sandali,
hindi pala talaga siya naninigarilyo. Gusto ka lang niya makausap. Alam mong gusto mo rin siyang makausap. Kaya
nagkausap nga kayo. Pero yun na ang una’t huli. Handa na pala si Lord na i-bless kayo with forever. Sayang.

Sayang nga. Tulad na lang ni Nikky. Dalawang taon din kayong magkaibigan. Hanggang maka-graduate siya at
maiwan ka sa school niyo, palagi pa rin kayo nag-uusap. May isang beses pa na dead air lang, tapos bigla kayong
napakanta ng sabay, as in sabay, ng parehong kanta, as in pareho pati linyang kinanta niyo. Ngayon naaalala mo pa
rin yung kantang yun. At kinoconsider mo yung co-incidence na yun na magic moment. Pero ikaw, matagal din
palang kinonsider ni Nikky na maging Mr. Right. Perfect wife na sana siya sa’yo. At magiging perfect husband ka at
perfect daddy. Pero naiba ang hilig mo eh. Next time kayong nagkita, pinakilala mo sa kanya ang boyfriend mo.

- 82 -
Kung pwede nga lang. Kaso very bad yun eh. Yung idea na ma-inlove ka sa isang stranger. Akala mo kasi,
nanganganak ng true love ang one night stand. Hinayaan mong maging romantic ang isang sex na dapat sex lang
talaga. Akala mo, pwede yun. Pwede nga siguro. Kasi hindi mo lang alam, si Jason ganun din ang nasa isip. Pareho
kayong nag-expect minsan ng totoong pag-ibig mula sa isang gabi ng matinding kalibugan. Kinabukasan, nakwento
mo ‘to sa bestfriend mo at ang sabi niya, adik ka. Kinabukasan, nakwento ‘to ni Jason sa bestfriend niya at ang sabi
ni bestfriend, adik si Jason. One adik plus one adik = crazy love na sana para sa inyong dalawa. Kaso hindi na kayo
na-text ulit.

Kasi hindi pala madali. Artista siya, sikat. Sinundan mo bawat teleserye niya, guestings, interview, movies, mall
shows. Bukambibig mo siya sa mga kaibigan mo na natotorete na sa’yo. Pero tama ka, pogi siya, magaling umarte,
mabait sa totoong buhay at walang kaplastikan. Pinanood mo ang isang mall tour niya at sure na sure kang
nakatitig siya sayo ng limang segundo habang kumakanta sa stage. Hindi mo rin alam na hinanap-hanap ka ng mga
mata niya nung umiba ka ng pwesto. Nung minsang nakita mo siya sa isang restaurant, hindi ka makapagpigil na
picturan siya gamit ang celfone mo. Hindi siya nakatingin kaya madali mo siyang nakuhanan ng palihim. Hindi mo
lang alam na nakita ka rin niya at kanina pa nagpapacute sayo. Pero alam mo kasing normal na sa kanya ang
maging cute. Pero hindi mo alam na pinicturan ka rin niya habang paalis ka na. Kaso buburahin ng tinatago niyang
boyfriend ang picture mo. Handa pa naman sana siyang makilala ka. Fan ka na lang forever.

Akala mo mahal mo siya. Pero hindi pala. Kasi hindi pala siya yun. Iba pala. Tulad ni Jetter na ilang taon ding laman
ng isip mo. Akala mo siya pala ang laman ng puso mo. Pero siya naman di ba? Siya nga. Pero pakiramdam mo,
dinaya ka.

Akala mo mahal mo siya. Pero hindi pala. Kasi hindi pala siya yun. Iba pala. Tulad ni Doykie na ilang taon mo ding
tinitigan ang pictures. Laman ng imaginations mo. Akala mo siya pala ang laman ng puso mo. Pero siya naman di
ba? Hindi siya. Pero pinaniwala ka kasing siya eh. Kaya pakiramdam mo, dinaya ka.

----------------

“Wayne, guess what?”


“May naka-sex kang babae?”
“Haha humor me.”
“Ano nga?”
“I’ve lost three pounds!”
“Wow! Haha, Jetter, ang konti pa lang ng nabawas mo, ganyan ka na matuwa.”
“Of course, it only proves that I’m on the right direction.”
“Then good for you. Keep it up!”
“I will!”

- 83 -
Patuloy pang nag-work out si Jetter. Nag-diet at nag-imagine na maayos na ang katawan niya. At magkikita sila ni
Erwan. Yun ang motivation niya. Yung araw na magkakaharap sila.

Patuloy silang nag-usap ni Erwan sa ym. Hindi na niya na-deny na siya nga si Jetter. Sobrang saya ni Erwan. Pinilit
siya nitong tumawag sa ym, para marinig ang boses na miss na miss na niya. Syempre, tuwang tuwa din si Jetter.
Buong magdamag silang magkausap. Pinilit din ni Erwan na mag webcam sila. Dahil hindi pa nga naman nakikita ni
Erwan si Jetter na gumagalaw. Puro pictures lang. Pero sira ang webcam ni Erwan. Pero sobrang saya pa rin nilang
dalawa. Parang nawala ang part ng past nila na hindi sumipot si Jetter. Hindi nila pinag-usapan ‘yun. Sa isip kasi ni
Erwan, ang importante, magkausap na ulit sila, okay na ulit ang lahat. Malayo man si Jetter, alam na niya kung asan
siya. Sa isip naman ni Jetter, ang importante, hindi mapag-usapan yung dati. Kung bakit siya hindi nakipagkita kahit
ilang metro na lang ang layo nila sa isa’t isa. Kung bakit kahit halos magkaharap na sila, walang Jetter na nakikita si
Erwan.

Patuloy ang mga natitirang araw na masaya sila ulit. Ilang araw na lang, may makakasalubong si Erwan. O
makakabangga. O makikilala. O makakausap.

O mamumukhaan.

- 84 -
XV. MGA TAONG AKALA MO MAHAL MO

Kasi parang perfect na ang lahat. Kaso, take for example si Cliff. Childhood friends kayo. Sabay niyong diniscover
ang mundo. Andami niyo pang pasakalye pero nung college kayo din pala ang magkakatuluyan. Walang problema.
Kilala niyo na ang isa’t isa. Pero ang totoo, hindi niyo pa pala kilala nun ang totoong mamahalin niyo. After a year,
may iba kang minahal. At hindi na kayo nagkita ulit ni Cliff.

Tulad ni Jasmine. Five years din kayo. Mula 1st year highschool hanggang 1st year college. Kung totoo ang first
love, siya ang first love mo. Pero kaya nga first dahil may second. At nung second year college na nga kayo, wala
kang ka-guilt-guilt na pumatol sa iba... sa ibang lalake.

Tulad ni Gus. Gusto mo siyang makasama sa Sagada. Ilang beses niyong pinagplanuhan ang trip na yun. Pero hindi
na bago sa relationship niyo ang plans. Maraming plans. Pero walang natutuloy. Hindi kasi siguro kayo sobrang
dedicated sa plans... at sa isa’t isa. Kahit simpleng shower na magkasabay, hindi matuloy. Ang nangyari tuloy, mag-
isa siyang nag Sagada. At okay lang sa’yo. Pagbalik niya, hindi na kayo. At may iba kang nakasama sa Sagada after
ng isang taon.

Siguro kasi wala ka nang hahanapin pa kay Brandon. Yun na eh. Siya na lahat. Parang binigay na ni Lord sa kanya
lahat. Pag nga binibigyan ka niya ng gift pag monthsary niyo, parang kay Lord din galing dahil wow talaga.
Nakakalunod. Magandang mukha, magandang pamilya, magandang buhay, magandang trabaho, magandang
future, magandang past, maganda din sigurong afterlife. Pero dahil maarte kang mag-isip, yung wala at wala pa rin
ang pilit mong hahanapin. Tsaka mo naramdaman, hindi ka pala kasama sa mga binigay ni Lord sa kanya.
Naghiwalay din kayo. At naging active na lang siya sa church at namahagi sa charity ng mga binigay ni Lord.

Minsan kasi pinipilit mo na lang din. Buong buhay mong hinintay ang isang taong mamahalin mo. Kaya nung
nakipagkilala sa’yo si Lloyd sa bar, inoverwhelm mo ang sarili mo sa kilig. Walang isang buwan, kayo na agad.
Walang dalawang buwan hindi na kayo. Kasi naman hindi love ang tawag sa spur of the moment. Hindi love ang
synonym ng kilig. Hindi love ang term sa pagkikita araw-araw. Kaya walang isang linggo, naka-move on kayo agad.
Ganun lang.

Mga taong akala natin, mahal natin.

Sa sitwasyon ni Erwan, hindi niya inakalang nag-aakala lang pala siya. Pumunta siya ng Cebu noon para sa taong
hindi niya kilala, para sa taong akala niya kilala niya. Para sa taong, nagpakilala bilang iba.

- 85 -
-----------------------

“Erwan, may appointment ka ng 5pm, interview yun for Mediaweek. Tungkol sa company natin yun as a newcomer
sa fashion industry. Just tell them good things of course, like from our usual commercial product designs and web
designs, nag-eexcell na din tayo sa fashion ads and editorials. Yung isang editorial sa magazine nila tayo ang may
gawa. Don’t forget to highlight that sa interview. Kaya mo na yan,” paalala ng manager ni Erwan.
“Kaya ko na yan,” sagot ni Erwan.
“Sabi ko nga. Kaya ikaw ang ipapaharap ko. May photoshoot yun, mag-ayos ka ng suot.”
“I’m always neat.”
“Pero gawin mong edgy, kahit ngayon lang. Para tumatak ka. Ikaw ang face ng people behind our works. Dapat
pantayan mo or pataubin ng looks mo ang works natin.”
“Haha, as if naman.”
“Anong as if ka jan. You can do it. Andaming may crush sayo sa bawat department. Pati si cleaning lady kinakausap
ang upuan mo pag naglilinis.”
“Yeah right. Sige, palakihin mo pa ulo ko. Sanay naman ako mag make-believe.”
“Ah ewan. Basta, wear something metrosexual. Pero hindi passe. Not Tim Yap, more on Becks. Go, bili na muna ng
getup!”
“Kailangan pa ba?”
“Company naman ang magbabayad.”
“Fine fine.”

After lunch, dumiretso na si Erwan sa Greenbelt at tumingin ng masusuot. Hindi naman sa kanya mahirap pumili
dahil alam niya ang gusto niya, at lahat naman bagay sa kanya. Ganon yata talaga kapag matangkad, fit,
katamtamang puti, at ang buhok nak ahit anong ayos eh bagay din. After 30 minutes ng pagsusukat, nakapili na
siya ng gusto niya at alam niyang magugustuhan ni Paggy, yung manager niya. Halos matumba sa panlalambot ng
tuhod yung nag-assist sa kanya sa shop nung suot niya na ang final getup.

Pagbalik sa office, ni-review niya ang company profile nila, naghanda ng visuals if kailangan sa interview. Handa na
ang boardroom by 3pm. Handa na din ang overhead projector. Handa na din siya sa mga sasabihin niya. This is a
break for him. He’s representing the whole company. He’d be seen sa Mediaweek, one of the best magazines to be
featured at. He’d do his best. Alam niyang confident siya. And minsan nagugulat na lang siya sa sarili niya dahil
bukod sa pagbagsak niya nung college sa isang subject, eh hindi pa siya natatalo sa contest. Sumali siya minsan ng
Mr. Personality ng school nila, nanalo siya. Sumali siya sa painting contest, nanalo siya. Sumali siya sa isang radio
station game nung hayskul, nanalo siya. Sumali siya sa isang poster-making contest nung grade school, nanalo siya.
Pati sa Bingo nung burol ng isang malayong kamag-anak sa probinsya, nanalo din siya. Pero hindi naman contest
‘to. Interview lang. Pero parang sa loob-loob niya, nararamdaman niyang kailangan niyang maipanalo ‘to. Effortless
man sa kanya manalo, pero pakiramdam niya dito, kailangan niyang mag-exert ng effort. Kabado siya.

Pagpatak ng 4:30 pm, tumawag ang isang tao (alangan namang isang pusa) ng Mediaweek at sinabing cancelled na
ang meeting sa office ng ad agency nila. Pero tuloy ang meeting sa isang restaurant. Nagsalubong ang kilay niya
dahil nakahanda na lahat. Lalong nagsalubong ang kilay niya nang sinabi na 5pm pa rin ang meeting. Whaaat? Pero
hindi siya pwedeng magboses badtrip. Cool lang dapat. Kaya no choice. Karipas siya ng alis ng opisina at nag-drive
pabalik ng Greenbelt. Sa isang restaurant dun ang interview.

- 86 -
After 20 minutes, nasa loob na siya ng restaurant. Sinabi niya sa waiter na meron siyang reservation with
Mediaweek, as advised ni Paggy at nung nakausap niya from the magazine. Hinatid siya ng waiter sa table.
Umorder na muna siya ng lemonade.
“I’m still waiting, Paggy. Nag-lemonade na muna ako pamparelax.”
“Lemonade??? Ano ka ba! Hindi remarkable. Rootbeer ang orderin mo! Yung float! Para cute!”
“What?”
“Hindi tatatak ang Lemonade. Rootbeer float! Go order na! Or ako na oorder para sa’yo!”
“Haha sira... Can I have rootbeer float instead? You have that right?... oh ayan pinalitan ko na.”
“Perfect! Galingan mo ha! Yung visuals dala mo? Malaking exposure satin yang Mediaweek.”
“Relax ka lang. Ako ang kinakabahan sa’yo eh.”
“Don’t you dare kabahan Erwan! Kaya nga hindi ako ang nagpa-interview dahil baka maihi ako sa kaba eh.”
“Okay okay. I’ll keep waiting... teka, andito na yata sila. Sige, I’ll catch you later.”
“Aryt, good luck!!! Mwah mwah! Galingan mo waaaah!”

May mga pumasok na group ng photographers. Pero hindi pala sila yung hinihintay niya. After five more minutes,
wala pa rin. Nag-washroom muna siya. Check ng mukha. Smile muna bago lumabas. Kay Jetter niya nakuha yun.
Napangiti siya lalo. Ngiting hindi scripted. Ano kayang ginagawa ni Jetter, naisip niya. Siguro tulog. Past midnight na
kasi sa Seattle ng ganung oras. “This interview is for you Jetter. Gagalingan ko para ma-expose ako. Para maipakita
ko sa’yo na nasa magazine ako. Hehe,” sabi niya sa isip niya. Naalala din niyang hindi niya pa pala naa-add sa
Facebook si Jetter. Masyado silang nag-enjoy sa kwentuhan at tawagan the past two weeks mula nung nalaman
niyang si von_spee na si Doyzkie ay si Jetter. Mamaya na lang pag-uwi, iaadd niya. Isang smile pa for good vibes at
lumabas na siya ng washroom.

Pabalik na siya sa table niya nang makita niyang may nakaupo na dun na lalake, nakatalikod na nakaupo. Huminga
siya ng malalim at nagpaka-professional ng mood. This is it.

--------

“This is it, Wayne!”


“Wow, ten pounds na! Hehehe. Ambilis mo ah. Baka naman hindi na healthy ang ginagawa mo niyan.”
“Believe me, mabilis talaga ako mag lose ng weight. Tamad lang talaga ako nun hehe. Everything is according sa
workout at mga sideline na workout, at sa diet. I’m really excited for that day na okay na okay na katawan ko.”
“Teka nga Jetter, why are you so into this? You weren’t this before naman ah. Nung kayo ni Adam.”
“Are you saying, kung ginawa ko na ‘to dati, may chance na kami pa ni Adam?”
“Hey don’t get me wrong. That’s not what I mean. Although since you’ve mentioned it, if you had started earlier, e
di sana hinahabol ka na ngayon ng mga babae at bakla dito at online. Sana todo ang bantay sayo ngayon ni Adam.”
“Well, siguro I wasn’t inspired before.”
“I knew it.”
“Knew what?”
“Sino siya?”
“Haha!”
“See? So who’s this inspiration??”
“Fine.”
“Waaah! Sino?”
“Looooong complicated story.”
“I’m all ears!”

- 87 -
Sa unang pagkakataon, kinwento ni Jetter ang lahat. Ang lahat-lahat, kay Wayne. For some reason, naramdaman
niyang kailangan niya ng ibang tao na nakakaalam ng kwento niya, ng kwento nila ni Erwan. He never expected
though na mahirap palang ikwento yung ibang parts. Enthusiastic man si Wayne sa pakikinig, nagi-guilty pa rin siya
sa mga elemento ng kwento na siya ang may pakana. Mga pagpapaniwala. Mga hindi totoo. Masarap paniwalaan.
Pero yung totoo ang sinabi niya kay Wayne. Sumagi sa isip niya na maswerte pa si Wayne, alam ang totoo. Si
Erwan, walang kamalay-malay.

--------

Mga taong mahal mo pero nagawa mong lokohin.

Sa sitwasyon ni Jetter, isa lang ang dahilan niya. Baka kasi hindi siya pansinin ni Erwan.

--------

Slow motion nating makikita ang pagbabalik ni Erwan sa table kung saan naghihintay ang isang
writer/photographer/food blogger ng Mediaweek. Excited na naghihintay sa iinterviewhin. Unang assignment niya
kasi ‘to sa Manila na may kasamang interview ng isang kilala na namang advertising company. Slow motion din
nating siyang makikitang lilingon kay Erwan nang marinig nya ang “I’m sorry to keep you wai.......”

Hinto.

Pause.

Tumigil ang mundo.

- 88 -
XVI. GINAWANG MUNDO

“D....Do....Doyzkie???”
“E....Er.....Erwan???”

--------

This next song is for those whose loved ones are far away. I hope it won’t make you cry. Just enjoy the song
everyone. This is DJ Duran, now signing off.

Pagod sa work out buong araw at ngayon kaka-shower lang, nahiga si Jetter sa kama niya. Nagmuni-muni sa kanta.
Tahimik ang mga mata niyang nakatingin sa kisame. Alas-dos na ng umaga. Tahimik ang city. May tahimik na
hangin na pumapasok mula sa bintana. Tahimik na hinahawi ang tahimik na kurtina papasok sa tahimik sa kwarto.
Tahimik ding lumilibot ang amoy ng kiwi melon oil na sinindihan niya kanina. Nagsimula nang kumanta si Terri
Gibbs...

So far away on a cold lonely night, if I could only hear your voice, then I’d be alright
Tell me that you love me, tell me that you care, I just want to hear your voice come floating through the air...

Kelan ka magiging malapit ulit Erwan?

Telephones are lonely, tell me you’re alright, I just want to feel you near when I lay down tonight

Pacific ocean lang. Dagdagan mo lang ng konting ilog, kipot, lawa, look, kung pagsasama-samahin, kapiraso lang
yun. Di ba? Nasa iisang mundo pa rin tayo. Magkaibang continent man. Magkaibang bahagi man.

I’d give everything to see your face, just to share the silence of your eyes..

Erwan, huwag kang magagalit please... Sana kapag nalaman mo na, walang magbabago. Maintindihan mo sana
please... na natakot ako na baka hindi mo ko pansinin. Baka hindi mo ko magustuhan. Balak ko naman aminin dati
pa eh. Pero natabunan na ng mga kung ano-ano. Naging masaya tayo nang sobra kaya hindi ko na nasabi sayo.
Pero hindi kita balak lokohin. Hindi ako masamang tao. Hindi ako manloloko. Hindi naman talaga ako sinungaling.
Pero, oo nagawa ko na. Sorry talaga. Pinaniwala kita. Ngayon, medyo handa na akong umamin sayo. Ayokong
dumating pa yung araw na sa ibang paraan mo pa malaman. Yung araw na makita mo si Doyzkie jan sa Manila o
kung saan man. Sasabihin ko na sayo Erwan. Bigyan mo pa ako ng konting panahon. Gusto ko lang, pag sinabi ko
na, may maayos akong mukhang ihaharap sayo. Maayos na taong magpapakilala sayo bilang totoong Jetter.

It hurts me to be wanting you like this, so tell me that you love me one more time...

- 89 -
One more time..

At umaasa yung totoong Jetter na yun, kahit alam niyang wala siya sa lugar, na kapag alam mo na ang totoo,
masabihan mo pa rin siya ng I love you. Pasensya ka na Erwan, masyado akong umaasa no? Kasi naman unang kita
ko pa lang sa’yo, alam kong ikaw na.

-----------

Unang tingin pa lang ni Erwan, alam na niyang si Doyzkie yun. Unang lingon pa lang ni Doyzkie, sure na syang si
Erwan yun.

“D....Do....Doyzkie???”
“E....Er.....Erwan???”

Hinto ulit.
Pause ulit.

Tumigil ang mundo sa kabilang side ng mundo. At pumasok si Doyzkie at Erwan sa isang mundong hindi nila
maipaliwanag. Isang mundong may lenggwaheng hindi nila maintindihan. Binary. Hexadecimal. C++. Lucid. Perl.
BETA. PHP. Isang mundong may background music na hindi nila kapanahunan. Neil Young. The Beatles. Ramones.
Bob Dylan. ABBA. Led Zeppelin. Queen. Isang mundong may mga tanong na hindi nila alam ang kasagutan. Pero
ang alam nila, kilala nila ang isa’t isa. Kilala nila matagal na. Kaya kilala nila ang mundong ‘yon. Naiintindihan nila,
minsan na nilang nasagot ang mga tanong. Alam nila, ilang taon na sila sa mundong tinamnan ng mga giant siling
labuyo plants. May ilog kung saan dumadaloy ang malamig na tubig kung sakali mang maalimpungatan silang uhaw
sa madaling araw. May isang gusaling gawa sa isang milyong coffeemakers kung maisipan man nilang magkape.
Dahil tinuruan nila ang isa’t isang kumain ng maanghang. Uminom ng malamig pagkagising. Magkape ng ilang
beses sa isang araw.

Alam nilang nakanta na nila ng sabay minsan ang mga paulit-ulit na tumutugtog.

Ang alam ni Erwan.


Ang alam ni Doyzkie.
Ang kagagawan ni Jetter.

Ang mundong ginawa ni Jetter. Dahil daw nga ba saan? Dahil daw natakot siyang baka hindi mapansin.

Welcome to that world.

“Ikaw ang iinterviewhin ko???”


“Ikaw yung taga Mediaweek??”
“Wow! Erwan, ikaw ba talaga yan?”
“Ako nga.. Doyzkie. This is not happening. Nakakagulat.”
“Oo naman! Ang tagal kitang hinanap alam mo ba.”
“Hehe, matagal din kita hinanap-hanap.”
“Kaya pala kanina pa ako kabado. Na-sense kong may mangyayaring weird.”
“Weird talaga. Kelan ka pa dumating Doyzkie?”
“Dito sa Manila? Kahapon lang. F*ck I really can’t believe this. As in f*ck talaga!”

- 90 -
“Wala akong masabi. Nagugulat pa rn ako. Ikaw nga talaga yan Doyzkie!”
“At ikaw nga din yan Erwan.”

Halt. Hindi na nila alam ang sasabihin. Gulat silang nakatingin lang sa isa’t isa. Ang mga mukhang ilang taon din
nilang pinagmamasdan. Ngayon magkaharap na sila. Hindi maitago ang ngiti sa mga mata. Hindi na rin napigilang
mas ngumiti pa ang mga lips nila. Napansin ni Erwan na talagamg kissable ang lips ni Doyzkie. Napansin ni Doyzkie
na kissable nga ang lips ni Erwan.
Tulad sa pictures nila.

“Let’s do it again,” tumayo si Doyzkie and nagpakilala. “I’m Doyzkie. Ang long lost lover mo online. Hehe,” natawa
siya at kinilig. At si Erwan, namula.
“And I’m Erwan. It’s nice to have finally met you. Hehe.”
“Para tayong ewan, Erwan. Hahaha.”
“Oo nga eh. Nakakagulat kasi talaga. Parang ewan naman tong nangyari.”
“Payakap naman oh. Mabilis lang. Ang tagal ko nang gustong gawin yun.”
“Ako din. Sige. Dito ba?”
“Okay lang ba?”
“Okay lang sakin, sayo?”
“Oo naman. Ang tagal kong hinintay ‘to. Pipili pa ba ako ng lugar. Eh eto na.”
“Sige. Hehe.”

Tumayo sila pareho at yumakap sa isa’t isa. Walang nagawa ang aircon para hindi nila maramdaman yung init sa
labas na naiwan sa loob ng damit nila. Mahigpit na yakap. Tulad ng inimagine ni Jetter, naka Acqua di Gio nga si
Erwan. Si Doyzkie rin. Napa-smile nga si Erwan sa isip niyang nang maamoy na pareho sila ng pabango. Humigpit pa
lalo ng 20% ang yakap niya. Naka-black leather na Converse nga si Erwan. At naka Mexico ’66 naman si Doyzkie.
Naghalikan nga nang bahagya ang mga sapatos nila. At walang malay sa nangyayari ang CK briefs ni Erwan, at ang
H&M boxerbriefs ni Doyzkie.

Walang kamalay-malay si Jetter na nangyayari na pala ang iniimagine niyang mangyayari in eleven months pa.
Napaaga. Perfect nga sana ang eksena. Kaso wala siya.

Pero ano naman ang alam ni Erwan na wala si Jetter. Na ang kayakap niya ay hindi si Jetter. Kung may totoong
dapat magulat sa mga eksenang ‘to, si Doyzkie dapat. Dahil matagal din niyang inimagine ang pagkikita nila ni
Erwan. Kung may dapat mabaliw, si Erwan yun. Kung may dapat magsisi, si Jetter yun.

Pagkatapos ng ilang minutong pagka-overwhelm, nahimasmasan din ang dalawa. May smile pa sa mga mukha,
naghanda na sila para sa interview. Oo nga pala, may interview pa. Pero sumingit muna ng sarili niyang
pagtatanong si Erwan.

“Kamusta ka na? Ano ba talaga work mo?”


“Madami hehe.”
“Buti pwede sa Microsoft yun. Tsaka pano mo nahahandle yan, lagi kang naka leave?”
“Microsoft?”
“Eh san ka ba nagwowork?”
“Sa Mediaweek. Contributor ako dun. Freelance talaga ako before ‘tong assignment na ‘to. Pano mo naisipan yung
Microsoft?”
“Ha? Eh saan ba naka-based ang Mediaweek?”
“Sa Cebu.”
“So yung contributions mo na articles, about United States?”

- 91 -
“Ha?”
“Eh di ba taga Seattle ka?”
“Seattle ka jan! Saan mo naman nakuha yan? Hehehe. Ang hirap talaga pag matagal na hindi nagkausap Erwan.
Tanda ko pa last usap natin. Almost two years ago.”
“Ha? Eh kausap lang kita sa YM nung isang araw ah.”
“Ha?”
“Wait. Naguguluhan ako.”
“Ako din. I’m not from Seattle. I’ve never been to the US.”
“And hindi tayo almost two years ago huling nag-usap. If hindi mo isasama yung sa YM recently, eh three years na
tayong hindi nagkakausap talaga.”
“Ang gulo. Paano nangyari yun Erwan eh ikaw yung kausap ko talaga nun. At ikaw na ikaw yan oh. Ilan lang ba ang
Erwan di ba?”
“Oo nga eh. At ilan lang din ba ang Jetter?”

Lalong naguluhan si Doyzkie sa huling sinabi ni Erwan. Jetter?

“Sinong Jetter?”

Hinto.

Pause.

Tumigil ulit ang mundo. Ang ginawang mundo.

Pero patuloy na kumanta si Terri Gibbs.

Tell me that you love me, tell me that you care...

I just want to feel you near when I lay down tonight...

- 92 -
XVII. SINONG JETTER?

“What do you mean sinong Jetter?”


“Sino ngang Jetter? Hindi Jetter ang pangalan ko.”
“Hindi ikaw si Jetter?”
“Hindi.”
“Eh bakit kilala mo ko? Tsaka bakit ikaw si Doyzkie?”
“Ha?”
“Isang tao lang si Jetter at si Doyzkie.”
“Pero si Doyzkie lang ako. Hindi ako si Jetter. Saan mo naman nakuha yung Jetter?”
“Anong saan? Eh unang usap pa lang natin Jetter na ang pakilala mo eh.”
“I’ve never used that name. Ngayon ko nga lang narinig yun eh. Doyzkie lang talaga ang palayaw ko. Ang tagal kasi
nating hindi nagkausap Erwan. Nalito ka lang siguro. Pero okay lang, walang nagbago. Kahit bigla kang nawala nun,
hindi ako nagbago.”
“Ako ang nawala?”
“Gustung-gusto ko na kaya makipagkita sayo. Lagi kitang kinukulit nun, na pupuntahan kita dito sa Manila. Sa
Pasig.”
“Kinukulit mo ako? Di ba ikaw pa nga ang hindi nakipagkita kahit pinuntahan na kita sa Cebu?”
“Pinuntahan mo ako sa Cebu?”
“Oo! Nung nandun na ako, di mo naman gusto makipagkita.”
“Pinuntahan din kita dito sa Manila. Nag-expect na makikita kita. Pero nung andito na ako, bigla ka nang hindi
nagtext. Nawalan tayo ng communication.”
“Pinuntahan mo ako dito? Eh andito lang ako. Text mo ang hinihintay ko palagi. Pero wala. Hanggang nagpalit na
ako ng number.”
“Wait, ang gulo eh. Kelan mo ko pinuntahan ng Cebu?”
“Three years ago.”
“Paano nangyari yun eh Nagkakilala tayo wala pang three years ago?”
“Ano? You’re kidding me right? Drop the act, Jetter. You have a lot of explaining to do. Sabi mo nasa Seattle ka.
Buti nakauwi ka.”
“I’m not putting up an act. Hindi ako taga Seattle. I’ve never been to the US. I’m not Jetter. Here’s my ID. Can I see
yours too? Baka hindi ikaw si Erwan ko.”

Erwan mo? Ako? Parang gusto kong mapangiti. Pero busy ako sa shooting ng pinagbibidahan kong trilogy:
Nanlalambot the Movie. Nanlalata the Movie. Hindi Makapaniwala the Movie. Trilogy na sabay sabay pinalabas.
Isang bagsakan. Walang patawad magpagulo ng isip. Parang hindi na ulit ako pwedeng magtaka bukas dahil
ginamit ko na lahat ng pagtataka ko ngayon. Ano ba ‘to, pelikula ni David Lynch? Ano ba ‘to? Ano ba ‘to?
“DOYZKIE” in bold letters, astig na typeface, ang nakasulat sa ID niya. Oo nga, ikaw nga si Doyzkie. Pero bakit hindi
mo alam na ikaw si Jetter? Mababasa na sana ng mga mata ko ang full name niya sa ilalim ng DOYZKIE pero hinila
ang paningin ko ng isang pamilyar na magandang tanawin. Ang number one tourist destination sa Cebu. Ang ngiti
niya. Ang gwapo niya talaga. Pero mas gwapo siya sa personal. Ang gwapo mo Jetter.
Pero pero pero.
Andrew Buenviaje ang nakasulat.
Explain!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba talaga ‘to? Anong uunahin kong isipin?

- 93 -
“Ermes Juancho Pinpin IV?”
“Hey! Can I have my ID back?”
“Ermes Juancho? Wow!”
“I know. Comedy.”
“No, astig nga eh. You never told me that. Now it makes sense. Erwan. Ermes Juancho. Cool.”
“I never told you kasi hindi naman ata ikaw si Jetter.”
“Hindi nga ako. Sino ba yun?”
“Ikaw!”
“Paanong ako eh nakita mo na ID ko, I’m not Jetter. What’s with that name? And bakit mali ang bilang mo? Two
years ago lang tayo nagkakilala.”
“More than three years na. College pa tayo nun.”
“Kaka-graduate ko lang nung nakilala kita sa PEX.”
“PEX???????????”
“Pinoy Exchange. Sa AP.”
“So you go to PEX?”
“Yeah, dun nga tayo nagkakilala di ba.”
“Hindi! Sa chat.”
“I rarely chat dati. Wala akong nakilala sa chat. Nalilito ka lang Erwan. Payakap nga ulit. Hehehe.”
“Why do I feel like something’s not right?”
“Yakapin kita, and it will all be right.”
“Pero...”

Pero niyakap na niya ako habang nakaupo ako. Lub dub lub dub mabibilis at malalakas at sunud-sunod na lub dub
sabi ng puso ko. Babala: hindi ka nakasisiguro sa katauhan ng poging nakayakap sayo, sabi naman ng utak ko. Oo
nga pala!

“Teka lang!”
“You mean, mamaya pwede ulit? Hehe Erwan, gulat na gulat din ako. Pero isa lang ang sure ako. Na eto na yung
matagal kong hinintay.”
“Matagal ko rin ‘tong hinintay... Jetter... pero hindi ikaw si Jetter. Sino si Jetter, Doyzkie? Bakit sabi mo hindi ka
siya? Tsaka bakit sa PEX tayo nagkakilala? Hindi dun. Sa chat talaga. At three years ago na nung pinuntahan kita sa
Cebu. May mali. May mali talaga.”
“Erwan, kung kelan naman nagkita na tayo finally, dun pa may mali.”
“Hindi ko alam pero may mali talaga. Kausap lang kita sa ym nung isang araw. For the past two weeks madalas
tayong nag-uusap. Nasa Seattle ka. Nagteleport ka lang ba? Setup lang ba ‘tong interview para makita mo ko? Wala
ka dito Jetter, nasa US ka. May mali talaga.”
“Oh yeah, the interview! I almost forgot. Pero handa kong kalimutan yan. What matters to me now eh magkasama
na tayo at last.”
“Hindi ka ba nagtataka na magkaiba ang kwento natin?”
“Nagtataka din. Pero ikaw na yan oh. Ako na ‘to. Walang nakakapagtaka dun. Nakakatuwa lang.”
“Nakakatuwa syempre. Pero ang gulo lang kasi.”
“Sige, interview muna tayo, para after nito, we have all the time para maguluhan.”
“Sure. Mukhang maraming pieces ang jigsaw puzzle natin eh. Kailangan ng mahabang oras para mapagmatch-
match.”
“Five thousand pieces. Hehe.”
“Bakit naman five thousand?”
“Ewan, naisip ko lang... Erwan ko.”

- 94 -
Sinumulan ang interview. Yung kaba na nararamdaman ko kanina, napalitan ng limanlibo pang kung anu-anong
bagay. Mga tanong, mga gulat, kasabay ng pagtitig paminsan-minsan kay Jett.... kay Doyzkie. Gulung-gulo ako pero
pag tumitingin ako sa kanya, parang andaming kumakaway na peace of mind. Lalo tuloy ako napapatitig. I’ve
always looked at you. But I’ve never looked at you this way before. Inches away. Moving. Talking. A live organism.
A live beautiful organism. Langya.

Pagkatapos ng interview na halatang minadali, mas kinabahan ako. Pakiramdam ko, may nag-aabang na kung ano.
Nagyaya siyang mag-dinner sa High Street. May gusto daw siyang i-try na grill. Para sa blog niya. “Food blogger
ako.” Hindi niya nabanggit dati yun. “It’s a result of my love for good food.” I never thought.

Texas Roadhouse Grill.


Trailboss Herb Steak. Well done.
Surf and Turf. Medium rare.
Geronimo’s Seafood Pasta Marinara.
Wild Cheese Fritters.
“Ang dami naman?”
“For my blog hehe.”
“Alright.”
“But they look really nice. Teka, picturan ko pala muna.”
“Ako din.”
“Kain na!”
“Game!”

Okay naman ang lahat sa pagkikita namin. May mga detalye lang na hindi talaga tugma. It’s time para buuin ang
puzzle.

“Mahilig ka sa maanghang?”
“Bakit mo natanong? Wala namang maanghang dito?”
“Natanong ko lang. Mahilig ka sa siling labuyo?”
“Opkors! Ikaw nag-influence sakin magsiling labuyo.”
“No, ikaw.”
“Ikaw kaya.”
“Ikaw..”

Isang piraso ng puzzle, down.

“Alam mo, pag naalimpungatan ako, mahilig akong uminom ng malamig na tubig.”
“Ano ka ba, ikaw din nagturo sakin niyan, Erwan.”
“Talaga, ginagawa mo rin?”
“Syempre.”

Isa pang piraso ng puzzle, down. Ikaw ang nagturo nun. Sa’yo ko natutunan yun.

“Kape tayo mamaya.”


“Sure. Sa’yo lang din ako natuto magkape.”

- 95 -
Good piece. Sa’kin ka nga natutuo magkape.

Napasarap ang kain ko kaya hindi ako masyado makapagtanong sa kanya. Natatakot din ako na sa bawat tanong
ko, mali na naman ang sagot niya. Nilista ko sa utak ko ang mga sure.
1. Siya ang nasa picture.
2. Doyzkie ang palayaw niya.
3. Kilala niya ako as Erwan.
4. Naging kami dati.

Ang mga hindi sure:


1. Siya si Jetter.
2. Siya ang nakilala ko three years ago.
3. Siya ang kausap ko sa ym lately.
4. Siya si Jetter na mahal ko.

“Sabi mo sa PEX tayo nagkakilala?”


“Oo di ba. Saan pa hehe.”
“Ano ang username mo dun?”
“’Wala na, nakalimutan mo na. Dapat memorable yun kasi dun mo ko unang nakilala. Yung sayo tanda ko pa eh.”

Alam ni Lord na isang hindi pala-simba at pala-dasal ang biglang nangalampag sa pinto ng heaven nung mga
segundong ‘yon. Pinagdadasal na kahit gaano kalabong mangyari, sana ang isagot niya von_spee. Na siya si
von_spee. Please Lord.

“von_spee,” sabi niya.


“Ikaw si von_spee?!!!” tumalon ang puso ko.
“Hindi. Okay ka lang ba Erwan? Hindi naman madaling kalimutan yun ah. Ikaw si von_spee.”

- 96 -
XVIII. ALL THE LEAVES ARE BROWN

“We wondered in to summertime and drifted into fall, we never thought of winter at all.”

SUMMER

Kakasimula lang ng summer nang magplano si Jetter na pagandahin ang lahat ng panget sa kanya.

Malamig ang kiss ng hangin sa pisngi ni Jetter na wala pang nakakakiss nang totoo. Malamig din ang caramel frap
sa kamay niyang wala pang nakakaholding hands n seryoso. Masakit ang tama ng sunshine sa mga mata niyang oo,
may natitigan na, may nakatitigan na nang two seconds. Sa Cebu. Noon pa. Nung mapalingon sa kanya ang
kagwapuhan ni Erwan. Yun nga lang, tulad ni Val, si Val, ang walang malay na si Val, hari ng pagka clueless si Erwan
na nakatingin na pala siya kay Jetter nung two seconds na yun.

Nakaupo at nagtatanggal ng hingal si Jetter pagkatapos mag-bike. One week na siyang nagba-bike to and from
work. Dagdag workout. Sa Kerry Park siya ngayon nakatulala. Tulala sa hindi niya pagsasawaang view ng skyline ng
downtown Seattle sa kaliwa, Elliott Bay at West Seattle peninsula sa kanan, at ng snowcapped Mt. Ranier. Sa
tuwing andito siya, parang gusto niyang yakapin ang kabuuan ng breathtaking panorama before his eyes. Pero
lately, si Erwan lang ang gusto niyang yakapin at ilagay forever before his eyes.

Patuloy pang nag-gym si Jetter buong summer. Dahil decided at dedicated at focused at inspired, umabot agad sa
20 lbs. ang nawala sa kanya sa loob ng tatlong buwan. Sa bawat pagba-bike niya sa mga pataas na kalsada sa
madami sa city, si Erwan ang iniimagine niyang naghihintay sa kanya sa taas. Effective.

AUTUMN

Hindi niya pinansin ang lumalamig na panahon. Gym. Bike. Walk. Jog pa rin. Mula sa Kerry Park, pinanood niya ang
paglalagas ng mga dahon. Ang pagtratransform nila mula mula color green to yellow o orange o red. Ito lang ang
gusto niya sa fall. Ang unang part. Pag naging maulan na at masakit na sa balat ang lamig, palagi na lang siya sa
bahay o opisina. Dahilan para bumili siya ng mga weights at treadmill. Yun lang ang buhay niya pagkatapos ng work
bukod sa minsang paglabas kasama sina Adam at Wayne. Sa patuloy na pagtulong ni Wayne at nung isa pa niyang
kaibigang babae na designer na si Genoveva, halos napalitan ng 100% ang wardrobe niya. Goodbye loose pants na
natatapakan ang laylayan. Goodbye XL shirts and polos. Goodbye 38-waistline. Goodbye baduy porma. Goodbye
fat and ugly Jetter.

WINTER

Suot ang Banana Republic Monogram Trench Coat, argyle front merino wool sweater, black Ralph Lauren corduroy
pants, black Ugg Rockville boots at Burberry wool silk washed tricolour scarf, pinanood niya mula sa Kerry Park ang
dahan-dahan o mabilis na pag-uunahan ng snow maka-landing. Kasabay nila ang isa, dalawa, tatlong luha mula sa
mga mata ni Jetter. Pinanood niya ang paborito niyang tanawin na nababalutan ng mabababang clouds at fog.
Apat, lima, anim pang patak ng luha ang sumunod.
“Isa kang skyscraper Erwan. At ako ang isang snowflake na hindi mo tinanggap.”

- 97 -
SPRING

Nahiga siya sa damuhang part ng Kerry park at binilang ang cherry blossoms sa ibabaw niya. Siguro kasing dami din
nun ang mga araw na inaksaya niya. Inaksaya nga ba? Ngayong trumiple ang “friends” niya sa Facebook, ngayong
may mga nagpapakilala na sa kanya sa mga random na lugar tulad ng grocery, public library, park, ngayong may
mga tumatabi sa kanya sa urinal sa washroom at may milagrong pinapahiwatig, ngayong naging Best Dressed siya
sa pakulong awards sa department nila sa office, ngayong isang linggo na lang ay babalik na siya sa Pilipinas,
ngayon din wala na si Erwan. Hindi naman siya nagtataka. Mag-iisang taon na rin nang huli niyang nakausap. Ang
usap of all usaps. Gabi nun sa Pasig. Umaga nun sa Seattle. Maliwanag ang moon nun sa Pasig. Naka-smile ang sun
na nagrise nun sa Seattle. Ang huling sinabi ni Erwan nun ang pinaka-pinagkuhanan niya ng inspirasyon para
maging kung ano siya ngayon.

“Panget ka.”

- 98 -
XIX. X
Sa kabilang side ng mundo nung nakaraang taon, dumating na rin sa huling piraso ng jigsaw puzzle sina Erwan at
Doyzkie. Pumagitna sa kanila ang pinagdugtong na NLEX at SLEX. At nasa magkabilang dulo sila. Yun naman kasi
ang katotohanan. Wala silang koneksyon pero kung meron man ay dalawang napakahaba at ma-traffic na highway
na walang intersection sa isa't isa. Wala madaling paraan para dumating sila sa puntong kilala nila ang isa’t isa kahit
hindi pa sila nagkakausap o nagkikita, unless may direktor ang pelikulang matagal na pala nilang pinagbibidahan. Sa
ma-traffic na Internet nangyari ang isang pausong conditional proof.

X is Y
X is Z
If Z meets X, then Z meets Y
If Y meets X then Y meets Z
But Y and Z meet
Then X is not met.

Nagkalat ang truth values sa dalawang pinagdugtong na highway. May mga nagbanggaan, mga askidenteng
pinagtakpan para hindi mapansin, hindi halatang naitupi, paikli ng paikli ang NLEX sa kabila, ang SLEX sa kabila,
hanggang nagmahalan ang dalawang walang kinalaman sa existence ng isa’s isa bukod sa ilang larawan at
pagpapaniwala. Corrupt ang modus ponens. Tama pero hindi tama. Sumisigaw ang modus tollens ng krimen. May
hindi tama. Walang tama. Binarubal ang maayos na kalsada.

Kumbaga, kinakausap tayo ng mga salitang produkto ng cloning.

Kumbaga, niyayakap tayo ng arms na gawa sa wax.

Kumbaga, hinahalikan tayo ng weightless lips na palibot-libot lang sa galaxy ng kasinungalingan.

Kumbaga, nag-iimagine tayo ng mga imaginationg walang sariling saranggola.

Kumbaga, nagpapalabas tayo ng tamod para sa kalibugang epekto ng pagtingin sa picture na phinotoshop. Walang
bakas ng original. Walang bakas ng hindi original.

Kumbaga,
si Jetter ay si Doyzkie
si Jetter ay si Erwan
kung mag-meet si Erwan at Jetter, ang ma-meet ni Erwan ay si Doyzkie
kung mag meet si Doyzkie at si Jetter, ang ma-meet ni Doyzkie ay si Erwan
pero nagmeet si Doyzkie at Erwan
therefore hindi nila nameet si Jetter.

X=Jetter
X is Jetter’s voice, Jetter’s laughter, Jetter’s Visayan accent.
X is his dreams, his sentiments, his humor
X is what made Erwan fall for him
X is what made Doyzkie fall for him

Kumbaga, sa pagkikita ng dalawa, namuhay ng ilang minuto ang truth values sa face value. Pero nawasak din yun,
nagtalsikan kung saan-saan ang 5,000 pieces ng jigsaw puzzle. At ngayong nasa huling piraso na sila, isang korteng
puso ang hindi magkasya sa naiwang vacant space.

- 99 -
XX. LET’S CALL IT A NIGHT

“Hindi ako si von_spee. Paanong magiging ako si von_spee eh ikaw si von_spee?”


“Lalong hindi ako dahil yung nakausap kong taga PEX, siya ang von_spee. At ikaw yung facebook niya.”
“Mukha ko ang nasa Facebook niya? Eh mukha mo naman ang nasa Friendster niya dati. Tapos nung nag-search
ako sa Facebook ng “Doyzkie” mukha mo ang lumabas.”
“Baka ako talaga yun kasi Doyzkie naman talaga ang pangalan ko sa Facebook. Add mo ko ah. Hehe.”
“Oo naman iaadd kita. Ah teka nga. Teka teka teka. Sa Friendster dati, ikaw talaga yung nandun. Mukha mo. At
may friends. May mga testi ang friends. Hindi nga lang sobrang dami. Pero walang clue para magduda. Kasi parang
totoo lahat eh.”
“Well, it is not true. It is never true. Kung Friendster ko talaga yun, hindi Jetter ang name ko dun, obviously.
Someone used my photos, and made a profile to pretend to be me.”
“And someone used mine as well. Paano mo nakilala yung von_spee sa PEX?”
“Nakausap ko lang. Do you go to PEX ba? Sa AP? Alternative Preferences?”
“Yeah.”
“Really? Wow! Sayang sana yung totoong ikaw na lang ang nakilala ko nun. Hehe.”
“Thanks. Pero paano kayo nag-usap? You said two years ago kayo nagkakilala. Pero a year before that, may
Friendster na siya na ikaw ang nasa pictures?”
“Wait...”
“Why?”
“Tama ka! Hindi ko naisip yan agad ah. Weird. Now this is scary. That guy who posed as us must have known me
even way back.”
“Crazy poser.”
“I know.”
“Loser.”
“Yeah.”
“You see, I don’t get it why people would do that. The fact na naisip nilang mag pose as ibang tao? The fact na
naisip nilang magpretend to be someone they are not? The fact na ayaw nilang magpakatotoo at mas pinili nilang
magtago sa mukha ng iba? Total loser. Tapos nanloloko sila ng tao, pati sarili nila. Akala nila ang galing ng ginawa
nila, akala nila makakalusot sila, akala nila may validity ang act nilang yun. Pero ang totoo, ang corny ng ginagawa
nila. Ang cheap. Do they consciously or subconsiously hate the real them kaya nila ginagawa yun?”
“Easy ka lang real Erwan. Bad trip nga yun. Two years niya akong napaniwala kung ganun. Two years akong
nagkagusto sa taong hindi pala totoo.”
“Three years naman ako.”
“Those were two successful acts, I must say. Ang galing niya.”
“And you know what, kung sino man siya, nagkausap ulit kami lately. Sa PEX din.”
“As von_spee?”
“Yeah, as von_spee. Una, nagcocomment lang siya sa story ko. Then later on...”
“Wait, story mo?”
“Yeah, nag-post ako ng AP serye dun.”
“Wow! As in? Nagbabasa ako dun minsan ah. Alin dun yung sa’yo?”
“Prologue ang title. Kwento namin ni Jetter. I used real names kaya niya nalaman na kwento namin yun. Na ako si
Erwan. Then nagka-usap na kami. Alam mo ba, sobrang saya ko nung nalaman ko. Sobrang saya ko nung nakita ko
siya,,, or yung pic mo, nung nagsearch nga ako ng Doyzkie sa Facebook. Doyzkie daw kasi palayaw niya eh. And
wala rin naman ako ma-search na Jetter. Sobrang saya namin lately nung madalas na kami nag-uusap ulit. Nasa
Seattle siya.”
“Ah kaya pala nabanggit mo kanina yung Seattle. Medyo busy na kasi ako kaya hindi na rin ako nakakabisita sa AP.
Had I seen your story, for sure makikita ko rin comment ni von_spee. Then I’d know syempre na si von_spee yun.
Yung nagpakilalang Erwan sa’kin.”

- 100 -
“What are the odds. Pero may kulang pa eh. Given na isang tao lang talaga si von_spee and yung nakakausap ko,
and yung von_spee na nakilala mo dati, bakit niya gamit ang pictures mo dati pa?”
“I know. Kanina ko pa rin iniisip. Kilala niya siguro ako.”
“Probably. Taga-Cebu siya.”
“Oh taga-Cebu din ako!”
“Then yun na nga. Kilala ka niya for sure. Or nakita na niya photos mo online.”
“Malaki ang possibility niyan. Pero wala talaga akong kilalang Jetter. So one-way lang. Darn, this is what you get
when you post too many photos online.”
“Haha. Show you assets nga di ba, and may ipagyayabang ka naman.”
“Sira.”
“And sa sinabi ko, does that mean walang asset si Jetter na ipapakita?”
“What do you mean?”
“Well, ginamit niya ang photos natin at gumawa ng mga accounts na tayo ang nandun, at oo nga pala, sa Multiply
din, ikaw din yung andun.”
“I wouldn’t be surprised kung madami pa siyang pinaggamitan ng pictures natin.”
“So yun nga, does that mean he’s not ,, you know, , good-looking?”
“Hmmm... I don’t know.”
“Kasi sa chat kami nagkakilala. Dun ko unang nakita picture mo nung nagpalitan kami ng pictures. God, that was so
college. Nababaduyan na ako ngayon. Hehe. But anyway, did he do that, did he use someone else’s photo to fool
people? To make people believe? And to make himself believe too, perhaps?”
“Yeah, perhaps. Anong picture ko ang ginamit niya?”
“Now that you asked, natatawa ako bigla kasi high school graduation picture mo yung una niyang pinakita. Sabi ko,
wala bang mas recent? Kasi college nga kami nun, and ikaw din di ba. So ayun, nagpadala ng ibang picture.
Swimming pics naman.”
“What the... ?? Swimming pictures? Kita tiyan ko? Waah!”
“Haha, yabang mo. Oo na oo na, kita ang abs mo.”
“Haha. Biro lang.”
“I must say you looked great sa pictures na pinadala niya ang ginamit sa Friendster at Multiply.”
“Adik. Tsamba lang yun.”
“Totoo naman.”
“Well thanks. You looked great too, sa mga pinakita niya rin.”
“Thanks. Too bad the person wasn’t real.”
“I know.”
“We still have to figure out paano ka niya nakilala, bakit ginamit niya ang pictures mo, and bakit niya ginamit ang
pictures ko. Tatanungin ko siya pagnagkausap kami sa ym.”
“Are you sure you’d like to do that?”
“Do I have a choice? Kahit naman sino gusto malaman ang totoo. Yung mga senators lang na bumoto na wag
buksan ang envelop nung impeachment ni Erap ang kilala kong ayaw ng totoo.”
“Haha, oo nga. Well, I’d like to know the truth too.”
“I’ll let you know agad.”
“Here’s my business card.”
“Here’s mine.”
“Thanks, Ermes Juancho.”
“Haha, thank you too Andrew.”
“This is just too weird for a first meeting right?”
“So right.”

The night was almost perfect. Dinala sila ng imbestigasyon nila sa Xocolat. Doon na rin nila tatapusin ang gabi.

- 101 -
“That was a successful interview I’d say, Erwan.”
“Thanks again Doyzkie. Make our company look good okay? Haha! Just kidding.”
“You look amazing, I mean your company looks amazing.”
“Sira.”
“I’ll give you a call kapag kulang pa. Unang assignment ko ‘to dito sa Manila. Kaya gusto ko ma-impress editor ko.”
“I wish you the best then, Doyzkie.”
“Thanks, Erwan.”

May kaunting discomfort sa pagtawag ng “Doyzkie” sa taong nakilala niya bilang Jetter, sa taong akala niya kilala
niya, sa taong akala niya mahal niya.

“So, let’s call it a night. It was nice meeting you finally, or drop the finally, it was nice meeting you for the first time,
Erwan.”
“Same, same. What a crazy way to put a face to a name. Or was it putting a name to a face? Putting a name to a
different face. Yeah, yun nga.”
“Take it easy.”
“Will do.”

Idinaan ni Erwan si Doyzkie sa Ayala. Doon na siya sasakay ng cab pauwi sa tinutuluyang pinsan niya sa QC.

Tinangka din ni Erwan na idaan sa ICU ng Makati Med ang puso niya. Pero may pasok pa siya bukas ng maaga.

Pagkauwi, naligo, nagboxers, nahiga. Natulog. Normal na tulog. Dapat.

- 102 -
XXI. REAL

Here comes the night


Once again
I'll be feeling lonely
Oh, if only things could work out like you plan
Where can love be
Tell me why it's so hard to find somebody
Who will stand by me
And take the time to understand
And show me love again

May konti pang natitirang ibon sa Pasig, at dalawa sa kanila ang nasa labas ng bintana ng kwarto ni Erwan.
Nagtsitsismisan sa mga nangyayari sa neighborhood.

“Eh itong isang ‘to, tingnan mo. Akala mo tulog pero kanina pa gising yan.”
“I know right! Bumangon nga kanina yan at pumuntang kusina. As usual para uminom ng malamig na H20.”
“Pero pansinin mo ang mga mata... may pinagdadaanan!”
“May tama ka! Not the usual papa Erwan na aktibong babangon para aktibong harapin ang aktibo niyang mundo.”
“Napapatwit nga ako sa weird morning na ito.”
“I know right! Ang tweeet ko naman ay ang bagsak na mata niya.”
“It’s twit!”
“It’s tweet!”
“Grrrr! Twit!!!”
“Tweet nga!”
“Kawangis mo’y isang ibong mababa ang lipad!”
“Mayabang ka! Ako ay isang ibong mang may layang mag-tweet! Long “e” duh! Kulungin mo at mapapa-tweet!”

Ang ingay ng mga ibon ng umagang iyon. Pero ayos lang. Gusto ko pa ngang sabayan ng malakas na radyo. Malakas
na TV. Malakas na pagbagsak ng mga pinto. Malakas na pagbagsak ng mga babasaging plato at baso. Mabasag na
lahat.

- 103 -
Nag-online ako sa ym ulit. Kinakabahang sinilip kung online si Jetter. Online siya.

Jetter.
Erwan ko!!!! Na-miss kita!!! Wahhhhh! Mwah! Hehe
..
Huy!
..
Huy!
..
Buzz!
..
Buzz!
(Hindi ko alam paano uumpisahan.)
Baby eyebugzz!!
Jet.
Huy! Hehe. Good morning jan! Maaga ka papasok? Aga pa.
Maaga ako nagising.
Oks oks. Hehe. Office pa ako eh.
Busy ka?
Para sa Erwan ko, opkors not! I’m always free hehe.
What time ka uuwi?
Siguro in 30 minutes.
Usap tayo pag-uwi mo.
Syempre naman hehe. Pero may dinner kami nila Adam eh. Oks lang? Mga 9pm na ako makauwi. 12 jan.
Sige.
Usap pa tayo please.
Prepare na ako for work eh. Sige maya na lang. Buzz ka na lang.
Uy teka lang Erwan! I love you!
..
Anjan ka pa? Yakaaaap!
..
Ingat ka pagpasok. Magbreakfast ng masarap pls.
..

(Nagtaka ako sa ikli ng mga sinabi ni Erwan sa chat. Hindi siya ganun. Malambing siya. Pero bakit ganun? Kinabahan
ako. Eto na kaya yung alam kong mangyayari pero ayoko pang mangyari? Aamin na naman ako pero sana hindi
muna mamaya. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya. Takot akong baka hindi niya na ako tanggapin. Takot ako na baka hindi
maging maganda ang reaction niya. Well what do I expect. Haaay.)

- 104 -
I want the real thing
Or nothing at all
I need someone that I can be sure will catch me
If I should fall
Someone who'll be there when I call
Then I'll know that it's the real thing
I want the real thing
To warm me each night
Someone to love me over and over
Making the future bright
Somebody who will make it all right
Just give me the real thing

Sa mga hindi kalayuang radyo kumakanta ang Kalapana. Sumagi ito sa pandinig ni Erwan. Nanlambot siya sa
kalagitnaan ng pilit pagpapaka-busy sa trabaho. Umaga pa lang. Walang lugar ang drama sa mornings ng isang
yuppie.

Sa mga hindi kalayuang radyo kumakanta ang Kalapana. Sinumbatan nito ang nakatulalang si Jetter. Nanlambot
siya sa kalagitnaan ng pilit na pag-iwas sa idea na ang sasabihin ni Erwan ay yung totoo, na bistado na siya.
Maganda ang gabi. Walang lugar ang drama sa nights ng isang promising hunk in the making.

Sa mga sumisingit na sandali nandoon ang urge na mag-online na sa ym. Iniwan na ni Erwan muna ang trabaho.
Lunch break pero mas pinili niyang maging interrogator.

1. Sino ka?
2. Ano ang totoong pangalan mo?
3. Taga saan ka talaga?
4. Tatlong taon mahigit mo akong niloko?
5. Bakit mo ginawa yun?
6. Paano mo nagawa yun?
7. Sino ka ba talaga?
8. Bakit mo ko niloko?
9. Bakit?
10. Simula pa lang ba, plano mo nang manloko?
11. Bakit mo ko pinagmukhang tanga?
12. Alam mo bang mahal talaga kita?
13. Alam mo bang mula noon ikaw lang minahal ko? Isang username sa chat na pinaniwalaan kong totoo ang lahat
ng sinabi.
14. Sino ka ba talaga?
15. Sino yung Doyzkie?
16. Bakit pictures niya ang ginamit mo?
17. Bakit mo ginamit ang pictures ko sa kanya?
18. Hanggang kelan mo ‘to balak gawin sakin?
19. Bakit Jetter?
20. Bakit mo ako niloko?

- 105 -
Tahimik lang si Jetter sa kabilang sulok ng mundo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, et ceterang patak
ng luha ni Erwan ang sumisigaw sa tenga niya at dinudurog ang puso niya. Ito na nga ang pinakahihintay niyang
ayaw niyang hintayin talaga. Bawat tanong, bawat salita, bawat question mark sa boses na nasasaktan ang tripleng
mas masakit para sa kanya.

1. Sorry Erwan.
2. Mahirap din para sa’kin.
3. Masakit din para sa’kin.
4. Hindi ko sinasadya.
5. Aaminin ko naman talaga sa’yo.
6. Hindi ako manloloko talaga.
7. Hindi ko planong saktan ka.
8. Hindi ko lang alam kung matatanggap mo ako.
9. Patawarin mo ako.
10. Wag ka magalit sakin.
11. Nagi-guilty talaga ako Erwan sa ginawa ko.
12. Mali yung ginawa ko alam ko.
13. Patawarin mo ako.
14. Mahal kita Erwan.

Madaming nalitong brain cells si Erwan sa mga narinig niya. Hindi alam kung ano ang uunahing reaksyon, emosyon,
hinagpis. Grrrrrrrrrrrrr. Huhuhuhu. Waaaaaaaaaaaaaaah. Aarrggghhhhhhhh. Hmpffffffffft. Sa gitna ng galit at sakit,
napagalaman niyang may mga heart cells din pala para kahit papano makatulong sa pag-intindi sa mga nangyayari.
Na baka, baka lang, sobrang baka lang, nangyari ang lahat dahil sa love.

Nagawa ko lang yun kasi natatakot ako na baka hindi mo ako pansinin.
Bakit? Ano bang akala mo sakin? Superficial?
Hindi naman Erwan.
Eh ano?
First time pa lang kita nakita, nagkagusto na ako sayo. Nahiya na din ako agad at natakot na baka hindi mo ako
pansinin.
Bakit hindi kita papansinin?
Eh hindi naman ako pogi.
Ha?
Hindi ako pogi. Hindi mo ako magugustuhan.
Yun ang dahilan mo kaya tatlong taon mo kong niloko?
Sorry na Erwan. Patawarin mo ako.
Alam mo ba yung pakiramdam na kahit hindi kita mahagilap dati, andun yung hope na alam kong may nagmamahal
sakin ng totoo. Na may isang tao na hindi ko man alam kung nasaan, eh alam kong mahal ako. Tapos nung nakita
ulit kita, sobrang saya ko? Para lang malaman na all this time, ibang tao yung pinapaniwala mo saking ikaw. Alam
mo ba kung gaano ka-ewan yung pakiramdam na yun? Ano ‘to? Laro? Trip? Alam mo ba na ngayon hindi ko alam
kung ano ang totoo o hindi? Yun bang buong akala ko ayan ka, ikaw yan, ito tayo, pero wala pala. Walang wala.
Erwan, patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya talaga.

- 106 -
Sa mga hindi kalayuang stereo, inasar ng Kalapana ang emosyon ni Erwan, sinumbatan naman si Jetter.

Where is the moon?


Won't it smile
On just one more dreamer
Let your beams come down
And fill my empty room
Here comes the night
But if there's still a chance
That love can find me
I'll be here
Crossing my fingers
I want to know for sure
That I can feel secure
Knowing I've found an everlasting love
And once I get that under control
Then I won't let go

- 107 -
XXII. DISASSOCIATE

Bakit ginawan mo rin ako ng profile and nagpakilala kay Doyzkie na ako?
Erwan, sorry talaga.
Bakit nga? Bakit kailangang gawan mo din ako ng profile? Bakit nagpanggap ka ding ako?
Erwan, kasi baka makita mo si Doyzkie kaya nagpakilala na ako sa kanya na ikaw.
So kapag nakita ko siya, makikilala ko siya and makikilala niya ako?
Oo.
Tapos ano? Magugulat na lang kami na hindi siya yung totoong nakilala ko and vice versa?
Sorry talaga Erwan. Hindi ko na naisip yan. Natakot lang ako talaga. Sorry.
So buong friendster at multiply mo dati hindi totoo?
Erwan totoo naman yun. Yung pictures lang at testimonials ang hindi. Totoo yung iba. Yung tula ko sayo. Yung mga
kwento ko dun, totoo lahat yun. Ako yun.
Ewan ko Jetter. Hindi ko na alam ang totoo.
Wag ka nang magalit Erwan.
Hindi ko rin actually alam kung galit ako. Kasi hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Mukha akong tanga.

Lahat yata tayo ayaw magmukhang tanga. Parang napaka-unacceptable pag pinagmukha tayong tanga ng iba. Lalo
na kung ng taong mahalaga sa’tin. Nag-sign out na lang bigla si Erwan sa ym. Iniwan si Jetter ng walang pasabi.
Hindi na rin niya kasi alam ang sasabihin. Magulo. Simple lang naman: niloko siya ni Jetter. Pero magulo. Magulo
ang isip niya.

Lahat yata tayo pag sinaktan mapapatanong ng sangkaterbang bakit. Ganun din si Erwan. Nanlambot siya sa mga
nangyayari at mga nalaman niya. Naghagilap siya ng sagot sa mga tanong na kahit binigay na ni Jetter ang sagot,
parang kulang pa rin. Hindi niya alam kung yung sagot ba ang gusto niya, o yung sabihin ni Jetter na joke lang ang
lahat at ginu-good time lang siya. Pero hindi joke eh. Totoo. Eto na yung totoong totoo pala. At overwhelmed si
Erwan in a negative way. Para siyang isinama ng tornado sa hindi niya napaghandaang joyride. Para siyang nag-
space shuttle ng twenty times at pinilit patayuin ng direcho pagkatapos.

“Kita tayo,” text niya kina Nova at Brando.

Kinagabihan nasa Music 21 na sila.

- 108 -
“Purrrrrrrrrrrrfect chiming ang videoke papa Erwan. Ilabas mo sa mga awitin ang iyong mga dinaramdam!” sabi ni
Lady Godiva pagkapasok na pagkapasok.
“So true! At samahan syempre ng kalasingan. Perfect match sa broken hearted!” dagdag ni Nova.
Pinilit nilang maging comedy dahil alam nilang matinding drama ang mode ni Erwan.
“Naman naman naman. Pang-ilang emote na ba itey para sa Cebuanech na yan? Isang Infairness Award na ang
igagawad ko sa kanya ha. Hindi mo pa nami-meet ng personal kung makaapekto siya sayo parang super ka-live in
mo na! OA na!”
“Feeling ko din OA na, Erwan. Sino ba siya in the first place? Mahal mo ba talaga siya, in the second place? Totoong
love ba yan o wala ka lang ibang mapagkaabalahan in the third place?”
“Ewan ko, ewan ko na,” sagot ni Erwan na tulala lang at lumalagok na ng pangalawang pale pilsen. “Inom na lang
muna tayo. Godiva, kumanta ka muna. Nova, kumanta ka din. Magkantahan tayo mga kaibigan.”
“Fine fine pagbigyan ang wish mo lang!” sagot ni Brando na nakahanap na ng kakantahin. “Nova, 5521, ipasok na
yan sa banga!”
Tumayo na si Brando at kinuha ang mic, nagsimula na ang intro at nagsimula na rin siyang kumanta.
“Erwan, eh ano pa nga ba, as usual, this song is for you!”

We wandered through the summertime and drifted into fall


We never thought of winter at all
How foolishly we tossed away the buttercups of time
Who’d have thought we’d have no more song to sing, hills to climb?

“Nova, anong gagawin ko?”


“Ano ba gusto mong gawin?”
“Hindi ko alam. Buti sana kung two weeks pa lang niya ako naloloko pero three years?”
“Erwan, wag ka nga masyadong OA jan. Hindi mo pa naman nakikita talaga yung tao in person eh.”
“Paano ko makikita eh iba yung pinakita niyang picture niya.”
“Oo, given na yan. Pero di ba, puro online lang kayo at tawagan. Bakit ka ganyan ka-affected?”
“Nova hindi ko naman gawa-gawa lang ‘tong dramang ‘to. Masakit talaga. Bakit ba mahirap ma-gets ng iba na
posible kang ma-inlove sa hindi mo pa nakakasama. Sa hindi mo pa nahahawakan o nakikitang gumagalaw. Sa
tingin mo ba Nova imbento ko lang lahat ‘to? Na mula pagpunta ko natin ng Cebu nung college tayo hanggang
ngayong sumulat pa ako ng kwento namin online para lang magbaka-sakaling mabasa nya yun, sa tingin mo wala
lang ako magawa all this time?”
“Pero kasi Erwan, tignan mo naman yung epekto sayo. Okay sige, mahal mo nga siya. Pero bakit parang lagi na lang
may mali. Una, hindi ka sinipot sa Cebu. Tapos ngayon after ng ilang taon mahuhuli mong hindi siya yung mukhang
inilagay mo sa utak mo. Love ba yung mga yun sa part niya?”

We summered in each other’s arms and slumbered in the glow


We never had the whisper of snow
But summer’s not forever more no matter how we tried
The trouble with hello is goodbye...

- 109 -
“Hoy palakpakan naman jan! Natapos na kong kumanta pero NR kayo jan! Novaness ikaw na ang kumanta! Papa
Erwan, jinom pa tayo.”
“Inantok kasi kami sa kanta mo Brando.”
“ABA!!!!!!!!!!!!!! Mga hampaslupa! Nag effort na nga akong mag mala-Shirley Bassey at Sergio Mendes para may
nakakaantig kayong background music.”
“Hehe, joke lang. Akin na ako na kakanta. 25516 ipasok na sa banga Godiva!”
“Sureness Novaness! Ibirit mo!”
“Syemps. Erwan as usual din, para sa’yo ‘to. Ikaw na lang lagi! Kaasar! Hehe. I love you my friend!”

Ngumiti kahit na napipilitan kahit pa sinasadya


Mo akong masaktan paminsan-minsan kahit sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan dahil naiisip ka
Di ko na kaya pa na kalimutan bawat sandali na lang

At aalis magbabalik at uuliting sabihing na mahalin ka’t sambitin kahit muling masaktan
Sa pag-alis ako’y magbabalik at sana naman

“Oh ano na Erwan! Sabi ko naman sa’yo kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na muling luluha pa!
Churva!”
“Adik. Hehe. Haay nako Brando. Ano ba ‘to.”
“Ava malay ko sa’yo. Hindi pa man din kayo nagkikita eh simula’t sapol may mga kaekekan na ang love life niyo.
Napaka-complicated na hindi naman dapat. Dapat simple lang. Dalawang nagmahalan. Away minsan. Masaya
madalas. Ganun lang. Ganun lang dapat ang lovelife. Lalo na kung totoo...”
“So hindi ...totoo ‘to?”
“Erwan, hindi naman sa ganon. Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. Makikitsismis lang kami, makikidalamhati,
makikisuporta, at magbibigay ng payong kaibigan, payong kapatid, payong nakatatanda, payong galing mula sa
labas ng relationship niyo, yung nakikita kayo from a different point of view, payong na basang basa sa ulan,
payong na polka dots o burberry. Echos!”
“Sapak gusto mo?”
“Biro lang kaibigan! Kasi naman lugmung lugmo ang mukha mo. Pogi pa din pero wawa ng itsura. Pero seryoso
Erwan, totoo ba talaga?”
“Oo.”
“Okay, then jan tayo magsimula. Alam mo namang minsan lang dumating ang true love. At dahil sabi mo nga eh
true yan, kahit na peke yung tao, eh basta true love dapat ipaglaban. Di ba?”
“So ano gagawin ko?”
“Edi wag mong gawing issue yung panloloko niya. Magfocus ka sa kung paano ka na hindi masasaktan. Kung paano
mase-save yung true love na yan. True love true love, true nga ba talaga Erwan???”
“Bakit hindi ka naniniwala?”
“Dahil nasasaktan atashi! JOKE! Hehe. Kasi Erwan, natatakot lang kami for you. Since day 1 hindi na siya naging
honest sa isang essential na part ng pakikipagkilala. Nagkainlaban na kayo’t lahat hindi pa rin umamin. Pinuntahan
mo sa Cebu pero imbes na magpakita siya dun at umamin sayo eh itinaboy ka pa palabas ng isla. Imvierna di ba?

- 110 -
Tapos ngayon sabi mo ginamit din ang picture mo para may makilalang iba? Tama ba?”
“Ginamit niya para pag nakita ko daw yung taong nasa picture, yung si Doyzkie, eh hindi kami magulat na hindi
kami magkakilala.”
“Hindi magugulat eh sa kwento mo para kang nakakita ng isang batalyong multo ng World War 2!”
“Oo no, nakakakilabot. Haaaaaaay nako. Tanginang buhay ‘to.”

Sa isang marikit na alaala’y pangitaing kayganda

“Ay kaloka! Anjan ka pa pala Innova!”


“I hate you Brando! Kumakanta pa ako! Quiet please.”

Sana nga’y pagbigyan na ng tadhana bawat sandali na lang


Sumabay sa biglang pagkabahala’t lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang di alintana bawat sandali na lang

At aalis magbabalik at uuliting sabihin na mahalin ka’t sambitin


Kahit muling masaktan

“Kahit muling masaktan guys. Bahala na. Kahit muling masaktan.”


“Sigurado ka?”
“Oo. Hindi ako galit sa kanya. Nagtataka lang ako bakit niya ginawa ‘yon. Pero sa paliwanag niya kanina, nagegets
ko naman eh. Hindi naman mahirap maintindihan kung bakit nagagawa ng isang tao ang manloko. Mahirap lang
tanggapin kapag tayo na ang niloko. Di ba guys? Di ba?”
“Ano yan Erwan, make believe? Aba kung nasasaktan ka eh pagbigyan mo muna ang sarili mong masaktan. Magalit
ka kung kailangan. Manggigil ka. Humagulgol ka jan. Hindi convincing sa’min na after all eh gusto mo pa rin siya ng
ganun ganun na lang. Remember, hindi siya ang mukhang nasa isip mo. I-disassociate mo muna ang mukha ni
Doyzkie sa pagkatao ng mahal mong Jetter. Alamin mo ang totoong itsura ni Jetter tsaka mo sabihin sa sarili mong
nagegets mo siya at mahal mo pa rin siya.”
“Face value lang pala kung ganun?”
“Hindi face value. Importante pa rin na makita mo siya. Niloko ka na niya. May karapatan kang malaman kung sino
talaga siya. Pano kung si Bentong yun, o ano, asan ang true love mo?”
“Mean!”
“Syempre joke lang yun pero nagegets mo ba?”
“Oo. Sige hihingan ko siya ng picture.”
“Okay okay. Nakakaloka! Kumanta ka na nga lang Papa Erwan!”
“Ayos, sa kalagitnaan ng emo papakantahin mo ako.”
“Ayaw mo nun, music video! Dali na! Nova, 53368 ipasok sa banga!”
“Okay okay anu bang kanta ‘to?”
“Kembot lang. Kantahin mo na lang!”

- 111 -
Napaluha na lang si Erwan sa kalagitnaan ng first stanza. Ito yung narining niyang kanta kaninang umaga. Habang
kumakanta, si Jetter at si Jetter lang ang nasa isip niya. Sa tulong pa rin ng mukha ni Doyzkie. Disassociate! Pero
ang hirap. Inisip niyang pag-uwi niya, bubrahin niya ang lahat ng pictures ni Doyzkie sa celfone niya, laptop at
tatanggalin na sa favorites niya ang multiply at lumang friendster ni Jetter. Disassociate.

Madaling araw na ng matapos sila. Totoo nga na mas mahirap magdrive ng may problema kesa nakainom. Ilang
beses nanganib ang buhay ni Erwan sa mga kasabayan niyang truck at mabibilis na bus sa EDSA. Ilang beses din
siyang napahinto sa gitna ng Ortigas Extension na nakatulala lang. Hindi siya ganun kalasing pero lumilipad ang isip
niya. Blurred ang mga green at red at orange na traffic lights. Blurred din sa memory niya pagkagising kinabukasan
kung paano siya nakauwi ng buhay.

Ala-una na ng tanghali siya magising. Sabado pero pagtingin niya sa celfone niya, limang missed calls ni Paggy, yung
boss niya. May mga text messages pero tinawagan niya muna si Paggy.

“WHAAT? Saturday and you need me to work? Paggy naman. I’m still in
bed.....Okay......WHAT???????.................Fine fine. Aryt, I’ll meet him. Sa office? Okay okay. Sige. In two hours.
Bye.”

Sa hindi niya inisip nang dahilan eh bumangon siya agad pagkatapos kausapin si Paggy at kumaripas sa pag-
preprepare. Naligo, nagshave, nagsuot ng maayos na porma, nagpabango – Acqua di Gio, syempre yun kasi yung....
erase erase. Nagmadali pumunta ng office si Erwan. Walang ibang tao. Inayos niya yung mga naiwang kalat at
magulong mga kung ano-ano. Doon kasi ang meeting. Susunduin niya lang sa Coffee Bean sa may kabilang street
yung ka-meeting niya. Before 3pm, bumaba na siya. Disassociate.

Maganda ang araw na ‘yon. A perfect day to wake up to after ng gabi ng inuman at problema. Tama lang ang
hangin, ramdam pa rin sa pisngi ang gentle na halik nito. Ramdam din niyang pinapasok ng hangin ang polo niya.
Nakangiti siyang tumingin sa blue skies. Hindi amoy polusyon ang kalye. Sa Cebu din kaya? Disassociate.

Pagpasok niya ng Coffee Bean, nakita niya agad ang table na may laptop, DSLR, clear book, libro, magazines,
Blackberry at Coffee-free Pom-Blueberry.

Disassociate.
This is work.
This guy’s not Jetter.
Disassociate.

Maya-maya, lumitaw na sa harap niya ang nakangiting si Doyzkie.

- 112 -
XXIII. HEARTBREAK BURGER, DOYZKIE AT ILANG
PANGET

Kamusta Erwan?
Ayos lang, ikaw?
Ayos lang din.
Bakit pala may meeting ulit? Kulang pa yung interview?
Ah oo, kulang pa daw sabi ng editor ko eh. Tinitext kita kaso wala kang reply. Kaya si Miss Paggy na lang kinontak
ko.
Ahh.
Sensya na ha, weekend pa naman.
Ayos lang. This is work. Kailangan hindi katamaran. Hehe.
Nice nice! I like that attitude.
Thanks Doyzkie.. err Andrew pala. Hehe.
Pareho lang yun. Doyzkie na lang.
Okay. So ano, tara na sa office?
Sure. Kunin ko lang gamit ko.
Ang dami mo atang dala?
Hehe, para kasing kulang ako pag hindi ko dala lahat yan.
Camera, laptop, syempre celfone understandable, pero may books ka din at magazines. May notebook pa.
Alam mo, I’m lucky. I get to do what I enjoy doing. Di ba sabi nga, find a job na gagawin mo kahit hindi ka bayaran?
Well this is it for me. Kaya dala ko man buong bahay ko, ayos lang. I’m having fun every minute of my work.
That’s nice to hear.
Ikaw din naman di ba?
Ako? Yeah of course. If one is inclined sa arts, tapos yun pa ang work niya, then wala na siyang mahihiling pa sa
aspect ng career. Mag-excell na lang.
Tama ka.
Stressful nga lang madalas. Pero masaya.
Baka naman ikaw lang nagbibigay ng stress sa sarili mo.
Stressful talaga. Hindi ko napapansin, stressed na pala ako. Pero okay lang. Fulfilling naman.
Tama again. Hehe. Dito na ba office niyo? Lapit lang pala.
Yeah. Tara.

Upo ka.
Thanks.
So what do we still need?
Emphasis pa sa vision ng company and sa edge niyo compared sa iba. Isama mo na rin mga influences niyo and
trends. Kaya mo na yan.
Okay, let’s begin.

- 113 -
That should be good na. Okay na yun sa editor ko. Thanks Erwan.
Thank you din. Make me look good sa article ha? Hehe. Joke.
You look good already.
(WTF)
Totoo naman Erwan.
(Disassociate.)
Oh sorry. But you really do. I should know. I’ve looked at that face for a million times.
(Hindi siya si Jetter, kahit gaano pa kaganda ang ngiti niya.)
Hehe, natahimik ka na jan.
Ah wala, sorry. Hehe. Kung ano-ano kasi sinasabi mo eh.
Have you talked to him?
Jetter? Oo.
Anong sabi?
Edi nagsosorry.
Pinatawad mo na?
Hindi naman ako mahirap hingan ng tawad. Lalo na kung... kung si Jetter yun. Pero iba kasi yung ginawa niya eh.
Hindi simpleng nawala yung hiniram na ipod o dvd. Tiwala yung nawala.
Sa bagay. Hindi ko rin alam. Parang ang ewan no, Erwan. Hehe.
Sira. Hehe. Masakit Doyzkie. Pero ganun na eh. Yun na yung totoo eh.
Oo, na hindi ako yung gusto mo pala.
Hindi rin naman ako yung gusto mo eh.
Malay mo gusto pala kita.
Sira. Tumigil ka nga.
Hehe joke lang. Professional pala dapat. Hehe. Appointment pala ‘to. Hindi date.
Ano kayang itsura niya. Yung totoong mukha niya?
No idea. Hingan mo ng picture.
Oo, pag nakausap ko siya ulit. Hindi ko na kasi kaya ituloy yung usap namin kahapon eh.
Okay ka lang ba Erwan?
Hehe, hindi. Uminom nga kami kagabi ng mga barkada ko eh.
Naku wag idadaan sa paglalasing ang problema.
Hindi naman todong inuman. Gusto ko lang makasama sila. Nag-videoke kami.
Ayos ah! Hehe. I mean, buti may kadamay ka. At videoke pa talaga ha hehe.
Oo. Kantahan lang kami.
Magkantahan din tayo. Kakantahan kita.
Sira.
Inom din tayo Erwan.
Sira.
Maglasing tayo.
O sabi mo hini dapat idaan sa inom ang problema?
Eh maglalasing naman tayo nang masaya.
Sira.
Biro lang.
Hehe.
Baka sakaling makalusot.

- 114 -
Sira.
Tara dinner na lang tayo.
O saan naman ngayon?
Dami ko pa gusto i-try dito sa Manila eh.
Sige saan mo gusto?
Ano ba gusto mong dinner?
Kahit ano. Ako pa tinanong mo. Hehe.
Sige Glorietta na lang para malapit. Lakarin na lang natin.
Sure. Saan dun?
Heaven & Eggs.

Heartbreak Hotel Hawaiian Burger


Rock You Like A Hurricane
La Dolce Vita
Fruity Tootie
Dr. Seuss’ Green Eggs and Ham
Manila Spareribs 2010

Okay okay alam ko na kung bakit madami ka na namang order.


Hehe, oo, sa blog ko.
Ayos din yang blog mo ‘no. Food blog. I like the concept.
Hindi naman ako ang unang gumawa nun.
Yeah I know. But meeting someone na merong ganyang blog, I find it passionate.
Hehe. Sabi ko nga, product of my love for good food.
Nice nice.
Bisitahin mo naman yung blog ko.
Oo ba. Ano bang link?
Text ko sayo. Hehe.
Thanks.
Aryt, kain na! Ooops teka, picturan ko pala muna. Hehe.
Oks.
Ayan kain na!
Fight! Hehe.

(Hindi ka si Jetter, Doyzkie. Wag kang maging cute jan. Wag kang maging masarap kasama. Kasamang maglakad.
Kasamang kumain. Masarap kakwentuhan. Hindi ikaw si Jetter. Disassociate.)

- 115 -
Pag nagkausap na kayo ni Jetter, Erwan, balitaan mo ako ha.
Oo. Hihingi ako ng picture niya.
Magbibigay naman siguro siya.
Oo nga. Bakit hindi mo siya kausapin? Sabihin mo din na alam mong niloko ka niya.
Hindi na. Ayos na yun. Alam na naman natin yung reason niya eh.
Mahirap tanggapin yung reason niya. Ang babaw. Pero ganito yung naging effect.
Intindihin na lang natin.
Ewan ko. Bahala na.

Hindi na nila masyado pinag-usapan si Jetter the rest of the night. Nagkape na lang sila at umuwi na rin. May gimik
pa si Doyzkie. Babawi pa ng tulog si Erwan.

Pero bago mahiga, sumilip muna si Erwan sa ym. Hindi naman mahirap mahagilap si Jetter. Palaging online.

Buzz!
Uy Erwan.
..
Erwan...
Jetter
Erwan, sorry talaga.
Puro ka sorry.
Nagawa ko lang yun kasi nga baka hindi mo ko pansinin.
Ano bang akala mo sakin.
Baka hindi mo ko kausapin nun pag nakita mo totoong itsura ko.
Ganyan ba tingin mo sakin?
Hindi naman, pero syempre. Sino ba naman ako Erwan. Intindihin mo naman ako.
Intindihin mo rin ako Jetter. Siguro naman ayos lang na magalit ako sayo di ba? Kasi alam mo ba Jetter, ang sakit!
Mula noon hanggang ngayon, lokohan lang pala? Laro lang pala?
Erwan, hindi naman ganun yun eh. Wag naman ganun ang isipin mo.
Eh anong iisipin ko? Wala na lang akong isipin? Na okay na lang lahat. Move on. Restart. Reboot. Powercycle.
Overhaul.
Wag ka nang magalit Erwan.
Bakit tumagal nang ganito katagal?
Eh Erwan, hindi na tayo nagkausap di ba?
Jetter, hindi tayo nagkausap kasi hindi mo na ko kinausap. Hindi ka nakipagkita sa Cebu. Hintay ako ng hintay ng
text at tawag mo. Nauubos ang load ko sayo pero wala.
Erwan, mahal na kasi kita nun, hindi ko alam kung pano aamin sayo. Hindi ko naman iniexpect na pupunta kang
Cebu.
Pumunta man ako o hindi, dapat sinabi mo, dapat umamin ka na. In the first placce, hindi ka dapat nagsinungaling.
Anong gusto mong gawin ko Erwan wag ka lang magalit sakin?

- 116 -
Pero hindi na napigilan ni Erwan ang sarili niya. Akala niya kaya niyang controlin pero nagsabay-sabay sa isip niya
lahat ng moments nila ni Jetter mula college, yun nga lang mukha pala ng iba ang visual aid niya sa mga moments
na yun. Akala niya may totoong nagmamahal sa kanya pero wala pala, dahil simpleng katotohanan lang, basic na
katotohanan, nagawa pang ibahin. Yung emosyong hindi niya nailabas mula ng nalaman niya ang totoo, ngayon na
ata sasabog.

Erwan, anong gusto mong gawin ko?


Sino ka ba talaga Jetter?
Sige email ko sayo picture ko.

Sa taong nasasaktan at naloko, may kapirasong urge na gumanti. Na manakit din at manloko. Para patas. Para
kwits. Kahit walang madudulot na mabuti. Magpapalala lang ng sitwasyon.

Na-send ko na Erwan.

Hindi naman kaso ang itsura eh. Pero sa ginawa ni Jetter, pumangit ang tingin ni Erwan sa kanya. Hindi niya rin
matanggap agad na ganon ang tingin ni Jetter sa kanya: superficial. Nagawa siyang lokohin ni Jetter. Nagawa siyang
itaboy dati. Tapos ngayon, gusto ni Jetter na maintindihan siya? Dumilim ang paningin ni Erwan. Naging limitado
ang kanya niyang ibigay na pang-unawa. Bawat masayang alaala nila na naiisip niya, natratransform sa
pagtatanong kung gaano ka-valid ang saya ng mga yun. Kung may totoo ba dun. Hanggang sa napuno na siya.

Sinira mo lahat Jetter.


Patawarin mo na ko Erwan. Anong gusto mong gawin ko?
Sinira mo lahat. Niloko mo ko. Anong karapatan mo ha? Ginawa mo akong tanga. Bakit sino ka ba ha? Maghanap
ka na lang ng ibang maloloko mo.
Erwan... patawarin mo na ko. Wag ka naman magsalita ng ganyan.
Bakit? Nasasaktan ka? Bakit, ako lang ba ang dapat masaktan? Tapos na Jetter. Naloko mo na ako. Matuwa ka na.
Congratulationg, ang tagal din nun ah. Hanga ako sayo.
Hindi ganun yun Erwan. Wag ka magsalita ng ganyan. Sorry na Erwan. Mahal kita Erwan. Nagsisisi ako sa ginawa
ko. Nagsisisi ako.
Mahal? Mahalin mo mukha mo. Kung pagmamahal sayo yun, eh wag na lang. Magsama kayo ng pagmamahal mo.
Panget ka kasi kaya hindi mo maipakita yang mukha mo. Panget ka.

Nag-sign out na lang si Jetter ng walang pasabi.


Ilang oras na nakatitig si Erwan sa email ni Jetter. Natuyo na ang luha. Pero hindi pa rin niya binubuksan ang naka-
attach na picture.

- 117 -
XXIV. OFFLINE

Erwan... Sorry na pls...


Pero offline si Erwan.

Erwan! Buzz! Patawarin mo na ‘ko. Usap tayo. Anong gusto mong gawin ko?
Pero offline si Erwan.

Nagsisisi na ako Erwan. Alam kong maling mali yung ginawa ko. Pero bigyan mo pa ako ng chance. Pls Erwan.
Nagawa ko lang naman yun kasi ayokong mawala ka. Kasi unang araw pa lang na nagkausap tayo, palagi na kita
iniisip. Erwan pls...
Pero offline si Erwan.

Sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry
Pero offline si Erwan.

Mali ako Erwan. Give me another chance para maging tama. Mahal kita Erwan. Di ba sabi mo mahal mo din ako?
Mahal kita!!!!!! Erwan pls naman. Mag-usap ulit tayo. Wag ka na mawala ulit. Ang tagal kita hinanap. Nagkamali
ako talaga na di umamin sayo dati. Pero wag mo ako iwasan pls Erwan. Wag pls.
Pero offline si Erwan.

Lumipas pa ang mga araw. Halos bawat oras sumisilip sa ym si Jetter para tingnan kung online si Erwan. Pero hindi
na sila nagkausap pa. Hindi na sila nagpang-abot pa. Sa mga susunod pang mga araw, weeks, months, wala nang
online na Erwan na madadatnan si Jetter. Wala nang green na bilog sa ilalim ng username ni Erwan sa PEX. Hindi
sila magiging magka-Facebook. Walang reply na matatanggap si Jetter sa mga emails niya kay Erwan. Kasi siguro,
sabi nga ni Erwan, panget siya.

Isang beses na lang at hahayaan na niya muna si Erwan. Isang huling silip sa ym. Isang huling attempt. Pagkatapos
nun, lalo pa niyang aayusin ang sarili niya. Maghahanda sa pag-uwi niya ng Pilipinas sa susunod na taon. Yung
napag-usapan nila ni Erwan. Tuloy pa rin yun. Itutuloy pa rin niya. Pero sa ngayon, isang huling hope muna na
magka-usap sila.

- 118 -
Baka invisible lang si Erwan.

Sana nababasa niya. Mas okay nang invisible lang siya kesa offline talaga.

Erwan, sana anjan ka. Sana online ka. Sana makipag-usap ka sakin. Pls pls pls. Mahal kita Erwan. Kahit
nagsinungaling ako, mahal talaga kita. Kahit ibang mukha ang nakilala mong ako, maniwala ka, yun lang ang hindi
totoo. Lahat totoo na. I understand kung magalit ka, pero Erwan sana hindi magtagal. Sana kausapin mo na ulit ako
agad. Sana mapatawad mo na ako. Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit. Pls
Erwan, sana gusto mo pa din na maayos tayo. Gagawin ko kahit ano para lang matama yung mali ko.
Pero hindi online si Erwan. Hindi rin siya invisible. Ilang araw na. Sa kabilang side ng mundo, andun siya kasama ni
Doyzkie.

Ilang araw na. isang gabi, patulog na dapat si Erwan pero hindi siya matigil sa kakaisip kay Jetter. Ayaw niyang mag-
online. Gusto niya mag-online. Hindi niya alam ang gagawin niya. Kapag nag-online siya, aawayin niya lang si Jetter.
Ayaw na niya makipag-away. Lalo lang lumalala yung nararamdaman niya. Bumangon siya, naligo, nagbihis, ang
tinext si Doyzkie. Magkita daw sila.

Sa Watering Hole sa EDSA sila nagkita.


“Lasingan ba?”
“Siguro.”
“Sige lang, Erwan.”
“Sensya na ha. Ikaw pa nayaya ko.”
“Eh sino pa ba magdadamayan kundi tayong mga naloko.”
“Inom lang tayo. Wag na muna natin yun pag-usapan.”
“Sure.”
“Kwento ka Doyzkie.”
“Sige ba. May tatlong magkakapatid na baboy.”
“Adik!”
“Yung isa, nagtayo ng bahay na gawa sa straw. Hinipan ng wolf!”
“Hahaha!”
“Yung pangalawa, gumawa ng bahay na gawa sa wood. Nahipan din ng wolf!”
“O tapos?”
“Hindi mo alam?”
“Haha edi gumawa ng bahay na semento yung pangatlo.”
“Mali! Ano ka ba. Yung pangatlo hindi na lang nagtayo ng bahay. Para wala nang hipan ang wolf!”
“Hahaha siraulo!”
“Ang ganda talaga ng ngiti mo Erwan.”

I’m holding on your rope got me ten feet off the ground
And I’m hearing what you say but I just can’t make a sound...

- 119 -
“Bolero.”
“Totoo. Hindi ako marunong mambola. Honest lang.”
“Sira. Yung blog mo di mo pa sinisend yung link.”
“Ay oo nga pala. Sige text ko na sayo ngayon. Tatlo yan ah. Food blog, travel blog at collectibles blog.”
“Ayos ah.”
“Oo, hehe. Mga interests ko.”
“Si Jetter din mahilig sa collectibles. Action figures.”
“Ako din.”
“Tsaka mahilig din yun magtravel.”
“Ganun ba? Hehe. Hilig ko din yun.”
“Sige check ko mamaya pag-uwi.”
“Pag-uwi mo sa bahay ko?”
“Sira ulo. Hahaha.”
“Biro lang. Hindi pwede dun. May ibang tao, Pinsan ko.”
“Ano ang hindi pwede?”
“Hehe joke lang Erwan. Baka sa inyo pwede. Hehe.”
“Hindi pwede Doyzkie.”
“Alam ko.”
“Ano kaya ginagawa ni Jetter ngayon?”
“Hapon dun. Baka nasa work.”
“Baka nga. Haaay nako.”
“O akala ko ba hindi na muna pag-uusapan.”
“Oo nga pala. Sige inom pa. Kwento pa. Gusto ko pa ng pulutang fries. Hehe.”
“Sige kuha pa tayo.”

You tell me that you need me then you go and cut me down but wait
You tell me that you’re sorry didn’t think I’d turn around and say

“Nag-sorry siya. Pero ewan ko, parang walang nagagawa yung kakasorry niya.”
“Pero baka sincere naman siya.”
“Alam ko sincere siya. Alam kong nagsisisi talaga siya. Pero hindi ko alam kung paano ko tatanggapin.”
“Relax ka lang. Magiging okay din yan Erwan.”
“Sana nga. Ewan ko.”
“Smile!”
“Ang sarap mo talagang titigan.”
“Hoy lasing ka na. Hehehe.”
“Sorry, hehe.”
“Ibang topic na. Hehe, sabi mo wag pag-uusapan eh. Banggit ka nang banggit.”
“Oo na. Takpan mo na lang mukha mo. Para hindi ko maalala.”
“Ganun? Sige.”

- 120 -
“Sira, ginawa mo naman. Joke lang. Kaya ko ‘to. Hindi ikaw si Jetter. Hindi ikaw si Jetter.”
“Hindi ako si Jetter. Hindi ako si Jetter. Ikaw si poging Erwan”
“Nyanyanya.”
“Haha para kang bata.”
“Bata pa naman ako ah.”
“Sa bagay. Pag namatay tayo, sasabihin ng lahat, bata pa tayo.”
“Oo nga haha. Pero pag puro kalokohan, sasabihin ng lahat na matanda na, umayos na dapat.”
“Tama. Weird no.”
“Oo weird. Weird lahat.”
“Oh hep hep! Smile ulit! Nawawala na naman yang maganda mong smile.”
“Lasing na ata ako. Hehe. Pakiramdam ko ang kapal na ng pisngi ko oh.”
“Haha, mukha nga. Papisil nga.”
“Hoy chansing!”
“Chansing sa pisngi?”
“Malay ko ba.”
“Baka ako pa chansingan mo.”
“Ang yabang!”
“Hehehe lasing na tayo.”
“Oo nga, tara uwi na tayo.”
“Paano ka uuwi lasing ka.”
“Susko, ilang beses na akong umuuwi nang lasing. Kaya yan.”
“Delikado mag-drive.”
“Kaya ko yan.”
“Ako na magddrive.”
“Marunong ka?”
“Syempre.”
“Sige ikaw na.”
“Saan?”
“Anong saan?”
“Saan kita ihahatid?”
“Doon kung saan hindi pwede. Hehe mahirap na. Sa bahay namin.”
“May tao ba sa bahay niyo?”
“Naku, wag mong isiping swerte ka Doyzkie, walang tao ngayon dun.”
“Hahaha, yabang mo ah. Baka ako pa ang dehado.”
“Langya, sige tignan natin. Hahaha.”

That it’s too late to apologize, it’s too late


I said it’s too late to apologize, it’s too late

- 121 -
“Nice song.”
“Yeah, it’s too late to apologize Jetter.... it’s too late.”
“Is it too late Erwan?”
“Di ko alam Doyzkie. Wag na nga pag-usapan di ba.”
“Ang gulo mo rin eh no. Adik. Hahaha.”
“Ako pa ngayon ang adik. Ako na nga tong mas lasing. Ako na nga tong pinagmamaneho sa sarili kong auto.”
“Ikaw na nga rin ang pinakapoging pinagmaneho ko.”
“Bolero ka talaga.”
“Ikaw ang pinakapoging lasing.”
“Magdrive ka na lang jan, bolero. Ano kayang ginagawa ni Jetter, Doyzkie. Nanloloko na naman? Gumagawa na
naman ng profile?”
“Baka iniisip ka rin ngayon.”
“Sigurado ka?”
“Ewan ko. Siguro.”
“Doyzkie, haaaay. Wait. Disassociate. Malapit na tayo. Kanan ka sa next na kanto.”
“Okay.”
“Disassociate. Grrr. Sa black na gate. Okay. Dito na. Ano kayang ginagawa mo jan Jetter? Iniisip mo nga ba ‘ko ha?
Ha? Ha?”
“Praning.”

I’d take another chance, take a fall take a shot for you
And I need you like a heart needs a beat but that’s nothing new
I loved you with a fire red, now it’s turning blue

And you say sorry like the angel heaven let me think was you
But I’m afraid...

Inalalayan na ni Doyzkie ang hindi na makapaglakad ng derecho na si Erwan papasok ng kwarto. Pagkahiga ni
Erwan sa kama, hinili niya si Doyzkie, na napahiga rin. Nakatitig lang si Erwan kay Doyzkie. Nakangiti. Ngiting
parang hindi nakainom. Maya-maya, naramdaman nal ang ni Doyzkie ang kamay ni Erwan sa pisngi niya. Hinihimas.
Habang nakatitig pa rin sa kanya at nakangiti. Nakatitig na rin siya.

Parang ninakawan sila ng pagkakataon nang makatulog na lang silang nakatingin sa isa’t isa. After ng isang oras,
nagising si Doyzkie. Nakita niya si Erwan na ganun pa rin ang posiyon. Ang lalim na ng tulog. Pwedeng pwede na
niyang gawin ang plano niyang pagnanakaw ng mga gamit at kotse ni Erwan. Pero syempre hindi niya plano yun.
Pwedeng pwede na niyang gawin ang plano niyang pagnakawan si Erwan ng halik. Pero syempre, plano man niya
yun, hindi na natin alam. Basta ang nasa isip ni Doyzkie, hindi pwede.

Bumangon siya ng dahan-dahan kahit alam niyang hindi magigising si Erwan kahit maglulundag siya sa kama.
Pumunta siya sa bathroom at naghilamos. Ang sarap ng dampi ng tubig sa mukha niya. Naisipan na lang niyang
magshower. Pagkatapos, lumabas siya na presko na ang paikramdam. Pero nahihilo pa rin. Ramdam niya ang
mahinang aircon na nagtulak sa kanya para mapa-senti sandali. Naupo siya sa kama at tumingin kay Erwan.

- 122 -
Sa tahimik na liwanag ng lampshade, sa tahimik na amoy ng citrus scent, sa tahimik na pagkakahimbing ni Erwan,
sa tahimik na serbesang nasa sistema niya, naglaro ang isipan ni Doyzkie. Nakaisip ng masasayang bagay. Mga
masasayang byahe. Mga masasayang pangyayari. Mga biruan. Mga food trips. Mga araw-araw na pagkikita. Mga
pagsundo sa trabaho. Mga date at panonood ng sine. Mga..... Biglang tumunog ang celfone niya.

Naputol ang paglalakbay ng imagination ni Doyzkie. Nagreply siya sandali sa nag-text. At muling tumingin kay
Erwan. Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na siya, pinatay ang lampshade, lumipat sa sofa sa gilid ng kwarto, at
doon nahiga. Kasi bawal. Kasi hindi pwede.

Tumunog ulit ang celfone niya. Binasa niya ang text at nagreply. Oo, kasama ko siya. Bukas na lang.

-------------------------

It's too late to apologize, it's too late


I said it's too late to apologize, it's too late...

- 123 -
XXV. MILLIMETRE

Nagising ako sa tunog ng ulan. Ten am. Maulan na umaga. Maulan na hangover. Pero parang hindi naman masakit
ang ulo ko. Inalog alog ko ang ulo ko, hindi masakit. Weird, wala akong hangover. Hinila ko lahat pabalik ang mga
nangyari kagabi. Naalala kong hinatid ako ni Doyzkie. Asan siya?

Wala siya sa kisame kung saan ako nakatitig.

Wala siya sa labas ng binatan kung saan galit ang ulan.

Andun siya sa sofa, tulog pa. Syempre napatitig na naman ako sa kanya. For a couple of minutes, hinayaan ko ang
sarili kong maniwala na siya si Jetter, at walang kasinungaling naganap.

Tapos nun, bumangon na ako sa reality.

Hinayaan ko muna siyang tulog. Lumabas ako, nag-luto ng breakfast.Sunny side up na may basil at parmessan at
olives. Fried rice na may Spam, egg, mushroom, at mixed veggies in oyster sauce. Sausages. Kape. Orange juice.

Teka, effort naman ata masyado. Baksa sabihin niya masyado ko siyang winiwelcome sa bahay. Sa buhay ko.
Tinago ko ang sausage sa microwave. Pinasok ang orange juice sa ref. At kumuha na lang ng tubig.

Nag-shower ako pagkatapos. Habang nagshashampoo, narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko.

“Andito ako.”
“Saan?”
“Banyo!”

Pagkasabi nun, narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng banyo. Waaah, hindi ko nailock. Hindi naman kasi ako
sanay maglock ng banyo sa sarili kong kwarto.

“Gago naliligo ako!”


“Whoah sorry!!!”

Walang shower curtain dahil may salamin na pinto. Kaya para akong isda sa aquarium na wala nang naitago kay
Doyzkie. Pagkatapos niyang mag-sorry, nakatingin pa rin siya. Ibahin ko nga ang sitwasyon. For sure yung iba,
magtatakip. Eh nakita na niya eh. Ginawa ko, humarap pa ako lalo sa kanya.

“Ano sabay ka maligo?”


“Sorry...”

At lumabas na siya. Hehe. Ano ba yung nangyari. Nginitian ko pa siya pagkaharap ko. Siya na ang nataranta. At
ayun, lumabas na nga.

- 124 -
Iba ang tingin niya sakin pagkalabas ko ng shower. Naka-towel lang ako. Sa isip-isip ko, bahala siya diyang hindi
mapakali. Hehe. Kumuha ako ng boxers at nagpalit sa may gilid niya. Ewan ko kung napalingon siya. Kumuha ako
ng white na sando at sinuot din. Halatang natuod na siya sa pagkakaupo dun. Sabi ko na lang, kung gusto niya ring
maligo.

“Nag-shower na ako kagabi.”


“Gusto mo magpalit ng damit muna?”
“Pahiram na lang muna ng tshirt.”
“Sige.”

Kumuha ako ng tshirt at inabot sa kanya.

“Ayan.”

At ang gago, tumayo sa harap ko. Tumitig. Tsaka hinubad na parang nangaakit ang suot niyang polo. Bawat
butones, ambagal buksan. Ang ganda ng katawan ni Doyzkie. Ngayon ko lang nabigyan ng atensyon. Bigay hilig
naman siya sa atensyon ko. Tinaas niya ang kamay niya para isuot ang tshirt. Ang ganda ng abs at chest niya. Ang
ganda ng braso. Ang kinis. Five seconds niya nang suot ang tshirt pero nakatitig pa rin ako sa kanya. At
nakakamagnet pa rin yung tingin niya.

“Tara kain na tayo,” sabi ko. Baka kasi kung saan pa mapunta ‘to.
“Sure,” sagot niya, nakangit pa rin.

Habang papunta sa kusina, parang narinig ko siyang bumulong. Parang “bawal” yung narinig ko. Pero hindi ko na
pinansin. Gutom na rin ako kahit katawan pa rin niya yung image sa isip ko.

“WOW!!!!!!!!!! Ang sarap naman ng breakfast!”


“Hehe, sige kain na.”
“WAIT! Syempre pwede bang ito hindi ko picturan. Eh luto mo ‘to.”

Kinuha niya ang camera niya at pinicturan. Kumain na kami pagkatapos.

Maya-maya, kinuha ko na din ang sausage at pineapple juice.

Pinicturan niya rin bago kainin.

“Hoy normal na sausage lang yan.”


“Anong normal eh luto mo.”
“Haha.”
“Special sausage. Kasing special mo.”
“Siraulo.”
“Ang sarap ng sausage mo Erwan.”
“Syempre. Haha.”

- 125 -
Nagtawanan pa kami at kwentuhan. Nanood ng DVD. Nagkape sa veranda habang nanonood ng hindi pa tumitilang
ulan. Sa isip-isip ko, wag ka na munang tumila ulan.

Teka! Disassociate nga di ba. Tumila ka na ulan! Sigaw ng utak ko. Tumila ka na para pwede ko nang pauwiin ‘to.
Stranger ‘to. Hindi ‘to si Jetter! Hindi!!!!

Pumasok si Doyzkie sa loob. Maya-maya, mula sa vernada, nakita ko na siya sa baba, sa garden, naliligo sa ulan at
tinatawag ako.

“Tara ligo tayo!!!!!!! Ang tagal ko tong hindi nagawa!!!!!!!!”


“Haha, sige teka,” sagot ko. Mamaya na nga yang disassociate na yan. Hindi pa kasi ako nakakaligo sa ulan.

“HINDI PA?????”
“Hindi pa nga, first time ‘to.”
“Wow! Asan ang childhood mo Erwan?”
“Eh ayaw ako paglaruin sa ulan, magkakasakit daw.”
“Haha, sakit lang yan. Ligo lang!”
“Hehehe! Teka, may kukunin ako.”

Kumuha ako sa ref ng dalawang latang beer.

“Nice idea. Hehehe.”

Naupo kami sa basang bermuda grass at uminom sa ilalim ng mga patak ng ulan. Ang saya.

“Hoy nabasa na yang pantalon mo! Paano ka uuwi?”


“Ako uuwi? Hahaha!”
“Ayos. Sira ka talaga.”
“Hehe, biro lang. Papatuyuin muna. O pahiram ng shorts. O pantalon.”
“Sure sure hehe.”
“Maya na isipin yan. Mag-enjoy lang tayo. Ang saya ‘no, Erwan.”
“Oo Doyzkie, hehe.”

Sa isip ko, sana hindi na matuyo ang suot ni Doyzkie. Ang ganda ng katawan niya talaga sa basang tshirt. Ang sexy
ng basang maong niya. Sana palagi na lang ding basa ang buhok niya. Sana palaging ganito.

- 126 -
“Hala sige titig pa! Matutunaw na ako niyan eh. Haha!”
“Haha, sorry. Nag-eenjoy lang.”
“Oo nga, ang saya eh. Kakantahan na kita Erwan.”
“Naku lalong uulan!”
“Cebuano ‘to! Magaling kumanta!”
“Sige nga.”

Tumayo siya, nagsimulang kumanta at tinaas pa ang mga kamay.

OLMOS PERADISE!!!!!! achimboda deo nunbusin


Nal hyanghan neoui sarangi onsesang da gajindeutae

In my life! nae jichin sarme kkumcheoreom


Dagawajun ni moseubeul eonje kkajina saranghal su itdamyeon

“Hahaha siraulo ka talaga Doyzkie.”


“Hoy favorite ko ‘to. Ang ganda di ba. Tsaka para sayo ‘to Erwan ko!!! Ahhh Erwan pala. Para sayo to pareng
Erwan.”
“Haha sige tuloy.”

Bamhaneul byeolbitgateun uri dulmanui areumdaun kkum Paradise


Neowa hamkkehandamyeon eodideun gal su isseo to the my Paradise
Ang pogi mo Erwan! Ang sarap ko kasama!
Tteonaboneun geoya dallyeoganeun geoya loving you forever

“Bow!”
“Hahaha. Ang galing mo Junpyo!”
“Hahaha! Apir!”

Nahiga kami sa damuhan.

“Sino ka ba Doyzkie?”
“Ako si Doyzkie. Sino ka rin ba Erwan?”
“Ako naman si Erwan. Haha, bakit ang saya natin.”
“Oo nga, hindi naman tayo magkakilala talaga. Hindi pwede. Bawal.”
“Disassociate.”
“Whatever.”
“Tama, whatever.”

Hindi namin napansin na ubos na ang beer. Na tapos na ang ulan. Ang napansin ko lang, 0.37 millimetre na lang
ang pagitan ng mga labi namin. Tinanggal ko ang kapirasong distansyang ‘yun, at hinalikan ko na siya.

- 127 -
XXVI. KISS

KISS. Yun na nga ang nangyari samin ni Doyzkie. Or yun na nga ang ginawa ko sa kanya – sa lips niya. Lips na nasa
mukha ng nakilala kong Jetter.

First kiss. First kiss ko sa mukhang iyon.

Sino ang hinalikan ko? Nakapikit kasi ako eh. Hindi ko alam, si Jetter ata. Oo na, si Doyzkie.

Nakapikit din ata siya. Sino ang ginantihan niya ng kiss? Si Jetter ata. Oo na, ako.

Kami ang naghalikan pero baka si Jetter ang hinalikan namin.

Totoo yata yung sinasabi ng iba na meron at meron kang mahahalikan na talagang match sa lips mo. Yung kiss na
okay talaga. Yung unang dampi pa lang, gusto mo na. Tapos habang tumatagal, lalo mong nagugustuhan. Lalo
mong hinahalikan. Lalo mong finifeel yung lips ng kahalikan mo. Yung lips ni Doyzkie.

Four minutes? Five minutes? Ten minutes? Fifteen? Hindi ko na nabilang. Ang alam ko lang, parang panaginip, wala
akong control. Parang panaginip, walang tama o mali. Parang panaginip, bigla na lang natatapos. Matagal man o
hindi. Natatapos din.

Gusto ko pa sanang tumambay sa sitwasyong yon, pero naramdaman kong humiwalay na siya sakin. Pagdilat ko,
nakatingin siya sa mga mata ko. Glued. Nailang ako. Napatingin ako sa labi niya, bumuka yun at meron siyang
sinabi. Pero hindi ko narinig. Nakatingin lang ako sa lips niya. Siguro naniniwala akong pag nahalikan mo na ang
isang tao, may instant connection na kayo. Hinagilap ko sa lips niya ang instant connection na yun. Sa isang iglap,
ginusto kong maging solid yung instant connection na yun. Para mahawakan ko. Para maitago ko at maingatan.
Maibulsa, para hindi na mabawi. Or maitanim para tumubo pa, at mamunga ng marami pang happy moments.
Habang nagsusulputan ang kung ano-anong thought bubbles sa isip ko, isa-isa naman yung pumutok sa paghawak
ni Doyzkie ng braso ko. Finally narinig ko rin yung dalawang beses na niya yatang sinabi.

“Hindi pwede. Bawal.”

Tumayo siya, lumabas ng gate. Napaisip ako, walk out ba yun? Eh basang-basa pa siya eh. Tumayo ako at sinilip
kung umalis na ba talaga siya. Pero andun lang pala siya, sa labas, nakaupo sa sidewalk.

“Hoy! Oo na bawal na. Tara na, patuyo na tayo.”


“Sorry Erwan.”
“Wag ka magsorry.”

- 128 -
Kung bawal talaga, kung hindi talaga pwede, ako ang dapat na mag-sorry. Inusisa ko bigla ang utak ko habang nasa
shower siya. Bakit nga ba bawal? Inisip ko kung may konting kirot ba sa sikmura na may iba akong nahalikan at
hindi yung taong alam kong mahal ko. Sumisingit yung kapirasong idea na hindi ako guilty sa ginawa ko. Sumisingit
din yung isa pang kapirasong idea na baka si Jetter ang nasa isip ko kaya ko nagawang halikan si Doyzkie. Mas gusto
ko yung latter. Kasi mas understandable yun.

Paglabas ni Doyzkie sa shower, nakabihis na siya. Sapatos na lang at ready na siyang umalis. At ayun na nga,
nagpaalam ng aalis.

Awkward na rin kasi eh.

Hinatid ko siya sa Shangri-la. Wala nang ulan, pero basa pa din ang daan. Sa loob ng sasakyan, kinukumutan ako ng
aircon ng romantic thoughts. Mga eksenang magka-holding hands habang nagmamaneho. Mga eksenang may
nililingon sa passenger seat, at hinahalikan pag red light.

Pero cancel. As of now, stranger ang status ni Doyzkie.

Pero oo nga naman, nagkagusto na rin ako sa stranger.

Pero kahit na, sabi nga niya, bawal. Cancel.

Niyaya ko pa siya magkape pero next time na lang daw. Tahimik lang siya the whole ride. Wala rin naman ako
maisip na pag-uusapan. Aminado ako, naumay ako nang kaunti sa usapang Jetter at panloloko. Nawalan tuloy ako
ng kwento.

Pag-uwi ko, nahiga ako sa sofa kung saan natulog si Doyzkie. Ewan ko pero I just felt the need to. Or the “want” to.
I just wanted to. At nakatulog ako.

At nagising ako. Nagising akong hindi makahinga. Pagdilat ko, nasa bibig ko pala ang bibig ni Doyzkie. Nililibot niya
ang dila niya sa loob ng bibig ko. Sa harap at likod ng mga ngipin ko. Umiikot-ikot sa dila ko. Hawak pa niya ang
baba ko. Hinalikan niya ako sa mata. At sa kabila ko pang mata. At pagkatapos nagising ulit ako.

Nagising akong walang makitang liwanag. Narinig ko na lang ang boses ni Doyzkie na sinasabing “ang sarap mo
Erwan.” Naramdaman ko na lang na naka-blindfold pala ako. At nakatali ang mga kamay at paa ko. Naka-Vitruvian
man position ako na may naramdaman na lang akong dila sa inner thigh ko. At pagkatapos nagising ulit ako.

Nagising akong may nakayakap sa likod ko. Mahigpit na yakap na parang away humiwalay. Ramdam ko ang
paghinga sa batok ko. Ramdam ko ang nakayakap din na hita sa hita ko. “Doyzkie.. iinom lang akong malamig na
tubig...” sabi ko. “Si Jetter ako,” sagot niya. At nagising ulit ako.

- 129 -
Nagising akong lumalangoy. Blue ang tubig. Blue ang paligid. May dumating ang isang school of fish. Hmmm, seven
schoold of fish ata dahil bumuo sila ng mga pangalan. D O Y Z K I E. Napangiti ako. Sumulpot bigla si Doyzkie sa
pagitan ng letter Y at letter Z. Nagulo ang formation ng mga isda. Lumangoy sila sa paligid ni Doyzkie mula ulo
hanggang paa, at ngayon, isang malaking university of fish na sila at bumuo ng heartshape kung saan nasa gitna si
Doyzkie. Ngumiti si Doyzkie. At nagising ulit ako.

Nagising ako sa isang park. Malamig ang paligid. Tanaw mula sa park na yun ang isang magandang city. Parang
pamilyar, pero hindi ko matandaan. May isang lalakeng nakatalikod sakin, at nakatingin sa kawalan. Nilapitan ko.
Tinatakbo ko ang maliit na distansya namin pero ambagal ng takbo ko at hirap akong umusad. Unti-unti unting
lumingon ang lalake, pero hindi ko maaninag ang mukha. Pero tinawag ko siyang Jetter.

At nagising ulit ako. Madilim na. Umuulan na naman. Naramdaman kong sumakit ang katawan ko sa
pagkakaposisyon ko sa sofa. Lumipat ako sa kama at nahiga ulit. Tiningnan ko ang celfone ko at may mga text mula
kung kani-kanino. May isang galing kay Doyzkie. “Thanks. I’m home na. Thanks ulit.” Nag-reply ako. “Anytime.”

At nakatulog ulit ako.

- 130 -
XXVII. IF I SHOULD DIE THIS VERY MOMENT I
WOULDN’T FEAR FOR I’VE NEVER KNOWN
COMPLETENESS LIKE BEING HERE WRAPPED IN THE
WARMTH OF YOU LOVING EVERY BREATH OF YOU STILL
IN MY HEART THIS MOMENT OR IT MIGHT BURST
COULD WE STAY RIGHT HERE UNTIL THE END OF TIME
UNTIL THE EARTH STOPS TURNING WANNA LOVE YOU
UNTIL THE SEAS RUN DRY I’VE FOUND THE ONE I’VE
WAITED FOR

“I totally missed it!”


“I know! Saang puno ka ba kasi sumilong?”
“Doon sa kanto ng Maple at Oak streets. Sa punong aratilis there.”
“Aratilis? You’re so cheap talaga. Pwede naman sa mangilan-ngilan pang natitirang pine trees dito sa subdivision!”
“Doon na ako inabutan ng ulan eh.”
“Ayan na-miss mo tuloy. It was sooooo romantic!”
“They kissed right?”
“They so did! Nakahiga pa sila sa garden!”
“Romantic nga!”
“I know right!”
“So sweet! I’m so gonna twit this.”
“I already did TWEET it.”
“Then I’m gonna TWIT it again.”
“That’s gonna be like late news.”
“Fine fine!”
“The early bird catches the worm, remember?”
“I’m gonna wait na lang for more kissing scene.”
“Ako din!”

- 131 -
Nagising na naman si Erwan sa ingay ng mga ibon sa labas ng kwarto niya. Bumangon siya at dumirecho sa kusina.
Uminom ng malamig na tubig, nagsalang ng kape sa coffeemaker, pumunta sa banyo at umihi. Naghubad ng damit,
pumasok sa shower at ginulat ang sarili sa malamig na tubig. Gising Erwan, sabi niya sa sarili niya. Okay, edi
gumising, sagot niya sa sarili niya. Gumising sa katotohanan.

Pero sa kabilang side ng Metro Manila, kanina pa gising si Doyzkie. Ay, hindi pa pala siya natutulog. Bakit? Hindi
lang siya makatulog. Buong gabi niyang ginawa ang mga sumusunod na bagay, “in no particular random order” sabi
nga ng isang host.

UNA. Nagtransfer ng more than one thousand photos sa computer mula sa memory card ng camera niya.

PANGALAWA. Nag-ayos ng more than 300 photos na nakatambak sa external hard drive niya, nilagyan bawat isa ng
frame at watermark.

PANGATLO. Nag-post ng limang bagong entries sa food blog niya. Limang bagong nakainang lugar. Dalawa dun,
kasama niya si Erwan.

PANG-APAT. Nag-approve ng thirty-seven friend invites sa Facebook.

PANLIMA. Nagbasa ng printed version ng kwento ni Erwan sa AP.

Pagkatext niya nung gabi kay Erwan na nasa bahay na siya, pinatay niya ang celfone niya. Sa mga ganitong gabi na
tutok siya sa mga bagay na gusto niyang gawin, ayaw niya ng istorbo.

Lalong ayaw niya ng isang istorbo slash reminder sa nag-iisang rule na siya mismo ang nag-set sa sarili niya.

Hindi pwede. Bawal.

Kaya hindi muna siya natulog. Dahil sa mga oras na ‘yun, walang bisa ang rule. Walang power to rule over him.
Dahil na rin sa mga nangyari mula nung isang gabi. Hindi niya muna pinansin ang rule-rule na yan.

PANG-ANIM. Inisip niya si Erwan buong magdamag.

--------------------------

- 132 -
Lunes.
Rush hour.
Trabaho.
Focus.
Busy.
Goals.
Yan ang mga katotohanan ngayon ni Erwan. Mga bagay na hindi pwedeng mayanig. Ng kahit ano. Ng kahit sino.

Lunes.
Pero wala gaanong trabaho. Nagtataka siya at naninibago. Wala siyang magawa. Walang deadline. Walang
minamadaling tapusin. Walang kailangan nang umpisahan. Pag nasa desk niya siya, hindi siya sanay gumawa ng
ibang bagay bukod sa trabaho. Kahit Facebook hindi pa ata nabubuksan sa computer niya dun. Outlook lang para
sa office emails ang binubuksan niya, walang gmail o yahoo mail. Walang pagsilip sa PEX. Walang distractions.

Pero wala namang ididistract dahil wala siyang ginagawa. Naisipan niyang buksan ang Facebook. Hindi naman
bawal. Login. Walang updates. Logout. Naisipan niyang sumilip sa PEX. Sa AP. Most handsome guy – walang pogi
talaga lately. AP serye – walang bago. Question and answer – tinatamad siyang sumali. Random thought – hmmm,
nag-type siya – I miss you von_spee. Post.

Nagulat siya sa napakarandom na random thought niya. Ni hindi niya pinag-isipan. Sumulpot na lang basta at
pinagalaw ang mga daliri niya para ma-type yun. Tuloy, ayun, naisip niya bigla si Jetter.

Nag-sign in siya sa YM. Muntik na siyang mapa-atras sa dami ng offline messages ni Jetter. Mula sa iba’t ibang
araw, mga pag-sosorry, pagpapaliwanag, hiling na mag-usap sila. Mga pagmamakaawa. Mga linya ng kantang gusto
nila. Mga alaala ng dati nila. At di mabilang na I love you.

Kumatok sa isip niya ang I love you. Nakasanayan na niya na kapag nag I love you si Jetter, mag-a-I love you din
siya. Hindi dahil nakasanayan na. Dahil kasi yun naman yung nararamdaman niya. Dati.

Tinanong niya sa isip niya kung hanggang ngayon. Tumalikod siya sa screen, at humarap sa glass wall kung saan
tanaw ang isang part ng Maynila, kita ang Manila Bay, ang Mall of Asia, ang sangkaterbang mga barangay ng
Makati at Manila at Pasay, ang magandang formation ng ulap. Bata pa lang siya, mahilig na siya sa mga
overlooking. Tuwing may pagkakataon, tumatambay siya sa kahit saang merong panoramic view. Nung college
siya, nawili siyang tumambay sa apartment nila Nova na may rooftop na pwede nilang tambayan. Kita doon ang
halos buong Manila - ang pier, ang smoky mountain, ang taft, ang españa, recto, quiapo, lahat halos, halos lahat.

At pag nasa ganung sitwasyon siya, may peace of mind siya.

- 133 -
Sa pagtalikod niya sa mga offline messages ni Jetter, hinintay niyang ibigay sa kanya ng bird’s eye view ng lungsod
ang sagot sa tanong niya. Kung may pagmamahal pa ba. Kung andun pa rin ba yun. O nagbago na, nawala na.
Nawala na kasabay ng pagkawala ng tiwala. Pero bakit ganon, parang hindi naman siya galit talaga. Halos mabaliw
siya sa nalaman niya pero after niyang mag-drama, bakit parang wala na siyang maramdamang negative ngayon?
Sabi ng mga bubungan ng mga bahayan: mahal mo talaga si Jetter. Sabi ng Manila Bay: effortless sayo na
patawarin siya, kasi mahal mo siya. Sabi ng mga kalsadang traffic: alam mo kasing mabait siya, at naiintindihan mo
naman talaga ang ginawa niya. Sabi ng mga kalsadang hindi traffic, at pati na rin ng mga eskinita: hindi naman kasi
talaga isyu sa’yo kung ano ang itsura niya.

Itsura. Oo nga, hindi nga yata isyu kay Erwan yun. Pero bigla niyang naalala ang sinend na picture ni Jetter. Yung
totoong itsura niya raw. Humarap siya ulit sa laptop at hinanap ang email.

Iki-click na sana ng hintuturo niya ang message para makita ang totoong Jetter, pero naisip niya, hindi isyu. Kahit
ano pa itsura mo, Jetter, sabi niya sa sarili niya, tsaka baka, hindi na naman ikaw ‘tong nasa picture, grrr gagu ka
talaga, hehe.

Binura niya ang email sa inbox. At binura din sa trash folder. May panahon para diyan. Dadating din tayo jan.
Gusto ko, unang beses kitang makikita, eh yung unang beses kitang makakasama.

Nagpatawag ng meeting si Paggy. Tumayo si Erwan na magaan ang pakiramdam. Siguro nga, hindi marunong
magalit ang nagmamahal sa minamahal niya. Siguro nga.

ALL THIS TIME I’VE LOVED YOU


AND NEVER KNOWN YOUR FACE
ALL THIS TIME I’VE MISSED YOU
AND SEARCHED THIS HUMAN RICE
HERE IS TRUE PEACE
HERE MY HEART KNOWS CALM
SAFE IN YOUR SOUL
BATHED IN YOUR SIGHS
WANNA STAY RIGHT HERE
UNTIL THE END OF TIME

- 134 -
XXVIII. ORCHESTRATED

Unang piyesa: O Fortuna mula sa Carmina Burana ni Carl Orff.

Naghanda ang lacrymal glands ni Doyzkie. Sa mga ganitong pagkakataon na nasa harap siya ng isang orchesta at
nagsimula na silang tumugtog, alam niyang ma-ooverwhelm na naman siya at naluluha pa. Sa mga ganitong
pagkakataon na nasa harap niya ang isang orchestra at nagsimula na silang tumugtog, alam niyang aakyat na
naman siya sa isang langit kung saan musika ang god, at itong mga may hawak na instrumento at mga kumakanta
ang mga angels.

Gabi ito ng music – isa sa napakarami niyang interests.

O Fortune
O Fortuna
Like the moon
Velut luna
You are changeable
Statu variabilis

Kinilabutan siya.

Pangalawang piyesa: Lacrimosa mula sa Requiem ni Mozart.

Tahimik ang buong theatre. Matapos magpatayo ng balahibo ang choir at orchestra sa una nilang piyesa, namatay
ang lahat ng ilaw. May bumukas na green na spotlight sa taas ng stage, at isang piano ang nakita. May isang
lalakeng naupo dun. At nagsimula nang tugtugin ang para kay Doyzkie ay isa sa mga pinakamalungkot na
napakinggan niya.

Lacrimosa dies illa


Qua resurget ex favilla
Judicandus homo reus.

Tahimik lang siyang nakinig. Fixed ang mata sa mga kamay ng nagpipiano. Parang hangin o tubig ang nagpapagalaw
dito sa sobrang smooth na flow ng mga daliri.

Pangatlong piyesa: Piano Sonata No. 14 in C# Minor “Quasi una fantasia” ni Beethoven.

Mas kilala as “Moonlight Sonata,” gasgas na ‘to sa ipod ni Doyzkie. Pero hindi niya magawang magsawa. Isa ito sa
mga pinapatugtog niya kapag gusto niya lang iduyan siya ng ilang minuto.

- 135 -
Pagkatapos tugtugin ng pianist ang nauna niyang piyesa, sinunod niya na agad ‘to. Naging blue ang kulay ng
spotlight, at nagkaroon ng violet na mga stars sa stage. May full moon na naka-project, na unti-unting lumiliit..
paliit ng paliit hanggang sa hindi na makita, at natapos na ang kanta.

Tumayo na ang pianista, nag-bow. At nagpalakpakan ang audience.

Pang-apat na piyesa: The Phantom of the Opera ni Andrew Lloyd Webber

Lumiwanag ang stage at dumilim ulit. Lumabas ang isang nakamaskarang lalake. At isang nakaputing babae.
Bumaba mula sa taas ng stage ang malaking maskara ng phantom. At nagsimula nang tumugtog.

Those who have seen your face


Draw back in fear
I am the mask you wear
It’s me they hear

May naalala siya.

Panlimang piyesa: Malena ni Ennio Morricone.

Nakaspotlight ulit ang orchestra. Sa mga ordinaryong araw para kay Doyzkie, ordinaryo na sa kanya ang makinig ng
mga ganitong klase ng musika. Pag nasa kalsada, nasa mall, nasa coffee shop, nasa opisina o nasa harap ng dagat.
Sulit ang 160 GB ng ipod classic niya, na malapit nang mapuno ng mga kanta, videos, movies, pictures. Ordinaryo
na sa kanya ang may hindi maka-gets sa mga hilig niya. Ganun naman di ba ang passion. Madalas, hindi yun
maiintindihan ng marami. Sa likod ng isang freelance contributor sa mga magazines at iba pang publications,
photographer at food blogger, eh ang punung puno ng passion sa iba’t ibang bagay na si Doyzkie.

At isa sa mga idol niya ay si Ennio Morricone. Ang Italian composer na ilang beses na rin siyang pinaiyak sa iba’t
ibang lugar tuwing makikinig siya ng mga composition nito. Red alert ang lacrymal glands niya habang tinutugtog
ng orchestra ang Malena. Pero wala pa sa kalahati, naluha na siya.

“Ang ganda...”
“Oo nga...,” sagot ng pinsan niyang si Nike.

Natapos ang kanta. Wala siyang kibo ng ilang minuto. May ten minute break ang concert. Niyaya siya ni Nike na
mag-washroom muna.

“Natulala ka na jan.”
“Apektado hehe.”
“Maganda kasi talaga.”
“May naisip din kasi ako.”
“Alin?”
“Alam mo na.”
“Hindi mo naman kailangang gawin kung ayaw mo.”

- 136 -
“Hindi ko nga alam kung ayaw ko eh. O kung gusto ko.”
“Mahirap yan.”
“Alam ko.”
“Ang gulo niyo kasi eh.”
“Parang magulo nga.”
“Hindi ko ma-gets sa totoo lang.”
“Hindi ko naman din kasi iniexpect na okay si Erwan.”
“Sabi mo nga. Wala ka nang ibang bukambibig kundi Erwan.”
“Talaga?”
“Oo no. Nakakatorete na. Hehe. Pero ayos lang. Pinagbibigyan na lang kitang na-inlove na ata.”
“Haha, in-love eh ilang buwan ko pa lang siyang nakakasama.”
“Nakakasama kung saan-saan.”
“Kailangan eh.”
“Kailangan... at gusto mo na din.”
“Oo, gusto ko na din.”
“Lagot ka kay Jetter.”

Pang-anim na piyesa: Lovers ni Shigeru Umebayashi mula sa The House of Flying Daggers.

Sinaksak siya ng katotohanan. Langyang katotohanan.

Pero ilang buwan na rin niyang sinasaksak ang walang alam na si Jetter. Sa maikling panahong lagi niyang
nakakasama si Erwan, nahulog ang hindi dapat mahulog. Ganon yata ka-grabe ang hila ng gravity ni Erwan sa
kanya. Sa likod ng act niya, hindi niya namalayang nagpapakatotoo na pala ang puso niya.

Then I dreamt over and over


Of you holding me tight under the stars
I made a promise to my dear Lord
I will love you forever

Habang kumakanta ang coloratura soprano, nagpplay naman sa utak niya ang mga moments nila ni Erwan.
Kahapon lang, ang nth food trip nila. Nung isang araw lang, ang nth tambay nila. Bukas naman, ang nth roadtrip
nila. Hindi man nasundan ang 1st kiss nila, pero ilang beses nang hinalikan ni Doyzkie si Erwan sa dreams, sa day-
dreaming, sa mga ilusyon niyang hindi pwede, bawal.

---------------

Sa kabilang side ng karagatan, may isang Jetter na may hindi ma-kontak. Off na naman yata ang celfone ni Doyzkie.

Pinatong niya muna ang celfone sa mga damit na iniempake niya. In a few days, nasa Pilipinas na ulit siya.

Sumilip siya sa labas. Ang ganda ng Spring. Puro pink at putting cherry blossoms na ang mga puno. Gusto man
niyang i-enjoy ang season, mas gusto niyang i-enjoy ang Pilipinas.

- 137 -
Two weeks na niyang hindi ma-contact si Doyzkie. Ano kayang nangyari. Hindi pa niya nababanggit na sure na ang
pag-uwi niya. Mamamasyal muna siya sa Vancouver ng three days, at doon na siya manggagaling pa-Manila.

Two weeks na niyang hindi ma-contact si Doyzkie. Baka busy. Anyway, mukha namang maayos ang lahat.
Everything is according to plan. Everything is okay. Naging updated siya kay Erwan, thru Doyzkie, as planned. Hindi
man detalyado minsan ang mga updates ni Doyzkie sa kanya, ang importante, alam niya kung saan mahahanap si
Erwan. Madali na makita si Erwan. Madali nang makasama. At maiayos ang mga nangyari dati.

Kabado pa rin siya sa pag-uwi. Hindi niya alam kung magiging panget pa rin siya para kay Erwan. Hindi niya
makalimutan nung sinabihan siya ni Erwan na panget siya after niyang i-send kay Erwan yung totoong picture niya.
Sana mag-iba na ang tingin sa kanya ni Erwan pag nagkita na sila. Kahit papano din naman kasi, tiwala siya sa sarili
niya na nag-improve nga ang itsura niya.

“Anong kahit papano nag-improve? Eh sobrang ang laki nga ng pinagbago mo Jetter! I’m so proud of you,” sabi sa
kanya ni Wayne.

Sana nga. Though naka-eyeglasses pa rin siya, sabi ni Wayne, style yun. Para daw smart-looking. Dagdag mystery.
Para daw pag nagkita sila ni Erwan, may chance na si Erwan ang magtanggal ng salamin niya, at lalong
magwapuhan sa kanya.

Naalala niya dati sa isa sa mga kwentuhan nila ni Erwan, pinilit siya ni Erwan na umakyat ng bundok. Hindi pa kasi
siya nakakaakyat habang si Erwan, tatlong bundok na rin ang naakyat. Naisip niya, pagdating niya sa Vancouver,
aakyat siya sa Grouse Mountain. May trail hanggang sa tuktok ng Grouse, at sasakay ng gondola pababa. Matagal
na rin niyang plano ‘to. At ngayon nga na approved na approved na ang bakasyon niya, i-chachallenge niya ang
sarili niya sa 2.9 kilometres na matarik na trail. Dagdag pogi points bago niya harapin si Erwan.

---------------
Sa isang theatre sa Metro Manila, tinigil na ni Dozykie na mag-isip ng kung ano-ano. Hinayaan na lang niya ang
sarili niyang magpadala sa musika ng chorale at orchestra at mga soloista at duets. Pagkatapos ng finale, hinayaan
na lang din ni Doyzkie ang nararamdaman niya kay Erwan. Bahala na. Bukas, magkasama na naman sila. Masaya na
naman siya. Tinatago ang guilt sa back pockets, inienjoy ang bawat minutong kasama niya si Erwan – ang taong
dapat lang eh kakaibiganin niya. Para sa kaibigan niya. Para lang kahit galit si Erwan sa kababata niyang si Jetter,
meron pa rin ‘tong balita. Bilang free-spirited, na-excite siya sa plano ni Jetter nung una. Kabisado na nila ang ugali
ng isa’t isa. Alam ni Jetter na papayag ang easy-going at adventurous na si Doyzkie. Alam ni Doyzkie na kailangan
na ni Jetter ng true love, ng first love, na kapag nagkagusto Jetter, hindi basta-bastang gusto lang. Seryoso agad.
Gagawin ang lahat.

“Bakit kasi picture ko ang ginamit mo?”


“Sorry Doyzkie, eh alam mo naman eh. Ikaw ang pogi. Pag pinakita ko ang totoo kong picture dun, eh baka hindi na
ako pansinin nun.”
“Siraulo ka talaga. Hehehe. Paano pag tumagal, alangan namang hindi ka aamin.”
“Aamin din syempre. Eh tsaka na yun. Magkalayo naman kami eh. Asa Manila siya, andito ako sa Cebu. Sa ngayon
eh hayaan mo muna ko. Mali naman talaga pero hayaan mo na.”

- 138 -
“Eh okay naman siya?”
“Oo. Erwan ang pangalan. Haaay.”
“Hehe, sige ikaw bahala. Gudluck na lang kung makita niya ako. Baka makilala ako.”
“Eh tsaka na natin planuhin yan. Hindi ka naman pupuntang Manila eh. Hindi naman siya pupunta dito.”
“Okay okay. Sige. Gudluck sayo. Hehe.”
“Salamat bai!”

Si Doyzkie ang tanging kaibigan ni Jetter na nakakagets sa mga ginawa niya. Hinayaan lang niya na gamitin ni Jetter
ang picture niya. After pumunta ni Erwan sa Cebu nang biglaan dati, nagulat siya sa ginawa ni Jetter.

“Dapat inamin mo na. Chance mo na yun Jet.”


“Eh Doyzkie, nakakatakot. Paano siya magrereact na may biglang susulpot sa harapan niya na hindi niya kilala, at
magpapakilalang Jetter?”
“Kung ano man ang magiging reaction niya, tanggapin mo. Dahil ikaw ang may pakulo niyan. Tanggapin mo kung
bigla ka na lang sapakin, ihagis sa malayo, o malay mo halikan ka bigla at hubaran. Haha.”
“Puro naman biro oh.”
“Eh baliw ka kasi eh. Oh ano nangyari ngayon? Ikaw pa may lakas ng loob magtaboy doon sa taong dinayo ka na
nga dito. Oh paano na ngayon yan?”
“Ewan ko Doyzkie. Inom tayo sa Bohol.”
“Sige tara.”

Last year, nagulat na lang si Doyzkie sa balita ni Jetter na nakita na niya ulit si Erwan. Sa PEX daw. Sa wakas daw,
pwede na niya ayusin yung mali niya dati.

Planado na ang lahat. Aamin siya. Aayusin niya muna ang sarili niya.

Pero ayun na nga. Sa hindi inaasahan pagkakataon, sa lahat ng pwedeng gumawa ng interview sa company ni
Erwan, si Doyzkie pa.

Nagulat na ang mga dapat magulat: si Erwan, si Doyzkie, at si Jetter na tinawagan ni Erwan agad pagkakita kay
Erwan.

Nag-washroom si Doyzkie at doon kinontak si Jetter.

“Jetter! Kasama ko ngayon si Erwan! Siya pala yung iinterview-hin ko. Paano na ‘to? Nakilala niya akong ikaw.
Nakakagulat.”
“Haaaaaaaa????????????”

Pagkatapos mahimasmasan ng dalawa, gumawa sila ng instant plan. At yun na nga ang nangyari. Ginamit din
kunwari ni Jetter ang picture ni Erwan. Para pareho silang maguluhan. Si Doyzkie, kunwari lang maguguluhan.
Bahala na. Kapag biglaan, kung ano-ano talaga ang naiisip.

- 139 -
Sa mga sumunod na araw mas naging plantyado ang plano nila: ang wag umalis si Doyzkie sa buhay ni Erwan.
Manmanan si Erwan. Maging kaibigan. Yung ang importante: maging kaibigan. Instant connection na yun ng
totoong Jetter sa mahal niyang Erwan.

At yun na nga ang nangyari. Naging magkaibigan ang dalawa. Laging magkasama. Kung saan-saan pumupunta.

At etong si Jetter, hindi pa ma-contact si Doyzkie para sabihing tuloy na ang pag-uwi niya.

At etong si Erwan, paminsan-minsan, naniniwala pa ring si Doyzkie si Jetter. So much for disassociation.

At etong si Doyzkie, hindi na napigilang mahulog kay Erwan. So much for an orchestrated act.

- 140 -
XXIX. TULAY OVER TROUBLED TUBIG

“Mabuti naman at nagparamdam ka kalokaaaaaaaaa!”


“Sorry, busy lang talaga sa work.”
“Busy sa work? The past months?”
“Hehe, oo, medyo.”
“Dumaan ang mga bagyo, ang halloween, ang Pasko, ang Nueva Year! At eto ha, dumaan ang Valentine’s kung
kelan tradition na nating tatlong single ang mag-date! BAKIT WALA KANG PARAMDAM!!!!! Huhuhu.”
“Awww sorry na Brando. Pa-hug na lang oh. Wag na magtampo.”
“Hmp! Magtatampo pa ako ng ilang minuto. Paparating na si Novita. Pagdating niya kunwari magka-away tayo.”
“Haha sige.”

After two seconds, dumating si Nova.

“Ayyyyyyyyyy! Kagulat ka naman Nova!!!! Bigla-bigla kang sumusulpot!”


“You know naman me guys, I’m always ready to meet you. Di gaya ng iba jan...”
“Trulalu ka Novita.... Ang hirap kasi sa’yo Erwan, gusto mo lang kami kasama kapag malungkot ka! Hindi ka na
nakakatuwa!”
“Bakit Brando??? Pinilit ba kitang magpunta dito ha? Punung-puno na ako sayo!”
“At ikaw pa ang may ganang mapuno??? Ngalay na ngalay na ang tenga ko kakapakinig sa mga drama mo sa love
life. Hindi ko nga alam bakit pa ako sumasama sa mga walang saysay na mga tao tulad niyo ni Nova! Mga walang
kwenta!”
“Hoy Brando, kung hindi samin ni Nova hindi ka sana nakakapunta sa mga magagandang lugar! Patay gutom ka!
Nakikisali ka lang saming mayayaman. Social climber!”
“Walang hiya kang Brando ka! Wag mong ipagmalaking ilang beses ka nang napromote, na may kotse ka na, may
plano nang bumili ng sariling bahay dahil kaya mo na! Ang yabang mo! Bakit niyo ako ginaganito! Ayoko
na!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“Erwan, Brando, tumigil na nga kayo! Bakit ba ganyan kayo mag-away? Ano bang nangyari? Para kayong ewan!”
“Ikaw ang parang ewan Nova ka! Bakit hindi ka matigil sa isang lalake? Papalit-palit ka ng boyfriend! Anong palagay
mo, kapag liberated dapat kung kani-kanino na lang pumapatol!”
“Wag mong pinagsasalitaan ng ganyan si Nova, Brando! Hindi niya kasalanan kung malandi siya at parang laging
mauubusan ng lalaki. Hayaan mo siyang pumatol kung kani-kanino. Pati tricycle driver sa kanto papatulan niyan!”
“ANO BA KAYO!!!!!???? Bakit ba kayo nag-aaway? Dinamay niyo pa ako. Wala akong alam sa pinag-aawayan niyo
kaya wag niyo akong idamay!”
“Palagi ka namang walang alam! Wala kang kwenta Nova!”

Litong-lito na si Nova sa mga nangyayari.

“Anyway, saan tayo kakain? I’m so gutom na Papa Erwan.”


“Saan niyo ba gusto? Saan mo gusto Novs?”
“Mga siraulo!”
“Hahahahahhaha!”

- 141 -
“Hoy Papa Erwan, nag-iimprove ka na ha. Akala ko dati hindi ka makabasag pinggan at puro pangungulit lang alam
mo.”
“Sira. Pinagtinginan tayo ng mga tao. Hehehe.”
“Kebs! Let’s go! Novitang malandi, saan mo gusto kumain?”
“Para kayong tanga! Kinabahan ako sa inyo. Nanlamig tuloy ako. At malandi pala ako ha!”
“Wag ka nang umarte jan. Gutom na nga atashi!”
“Fiiiiiiiiine!! Tara. I want sushi.”
“Eat all you can? I like”
“Sige guys, susunod ako. Text niyo kung saan.”
“At bakit Erwan?”
“Kasama ko pala yung isa kong kaibigan. Okay lang ba?”

Wala pang isang millisecond, naghalu-halo na ang naisip nina Brando at Nova. Napaisip, kinilig, nagtinginan, na-
gets na ang laman ng utak ng isa’t isa.

“PAPA ERWANNNNNNNNNNNN! Kaya naman pala hindi ka mahagilap ng ilang buwan! Kumikembot ka na pala
jan!!!!!!!!!!!!!! Waaaaaaaaaah!!!!!!!!! Dali ipakilala mo na!!! Asan na ba! Sunduin na natin. Hindi pa pala kao
gutom. Asan na ba? Oh my god. Maayos ba mukha ko Nova? Oily na ba? Mag-washroom muna ako. Nakakahiya sa
jowa ng ating kaibigan!!!”
“Hoy Brando wag kang OA.”
“Eh sino nga Erwan? Aminin na kasi! Hindi mo naman isasama yan kung wala lang yan.”
“Aba, masyado naman yata kayong nagpapaka-exclusive? Hehe.”
“Papa Erwan, wag na tayong maglokohan. Go na, sunduin na ang jowa. Asan ba?”
“Kaibigan ko yun. Hindi kung ano. Kaibigan lang kami.”
“LAAAAAAAAAAAAANG??????????? Ibig sabihin, naisip mo nang maging kayo? Kaya na-connect mo na sa hindi
pagiging magkaibigan lang???? Ibig sabihin, sumagi na sa isip mo yung idea na what if hindi lang kayo friends? Oh
my god. Bakit hindi ka nagkkwento???
“Novs, wala namang ikkwento. At andami mo nang naisip jan. Susunod na lang kami sa inyo.”
“KAMIII???????? May “kami” na?? Wahh! Erwan, tini-take mo nang iisa kayo! Ang sweet!!!!!!!!!!”
“Adik. Simpleng pronoun. Sige na, sunod na lang kami. O susunod na lang ako at siya. Ayan. Malinaw. Hehehe.
Mamaya na kayo magulat nang todo.”
“Magugulat kami???? Bwisettttt! Nakaka-excite! Sino ba talaga yan?”
“Basta.”

At naglakad na si Erwan palayo, sumenyas sa kanila ng text-text kung asan sila. Susunduin niya si Doyzkie,
ipapakilala sa mga kaibigan niya. Naisip niya lang. Wala lang. Wala namang masama. Okay lang naman din kay
Doyzkie. Tsaka bakit hindi naman magiging okay. Eh magkaibigan lang naman sila.

Nanlaki ang mga mata nina Brando at Nova sa nakitang lalakeng kasama ni Erwan.

“Brando, Nova, this is Doyzkie. Doyzkie, these are my college friends, Brando and Nova.”
“Hi guys, nice to meet you.”

Tulala pa rin sila.

- 142 -
“Hoy Novs, Brando, si Doyzkie, kaibigan ko.”
“Okay okay okay okay okay Papa Erwan!!!! Gets ko na kunwari. Hi Doyzkie, nice to meet you too.”
“Hi Doyzkie, nice to meet you. Nakakagulat lang, sorry. Hehehe.”

Gets naman ni Doyzkie kung bakit ganun ang reaksyon nung dalawa.

“Okay, order na tayo. Asan yung listahan?”

Nag-check na sila sa list ng mga oorderin nila. Ang dami agad nilang order. Binigay na nila sa waiter yung list, at
balik kwentuhan.

“Doyzkie, taga-Cebu ka rin? Ohhh I mean, taga saan ka?”


“Yeah, taga-Cebu.”
“Nice! Nakapunta na kami sa Cebu dati!”
“Ahh oo nakwento nga ni Erwan.”
“What do you do?”
“Freelance na kung ano-ano.”
“Saan mo nakilala si Erwan?”
“Ah, sa work. Kasi ininterview ko siya. Para sa magazine namin.”
“And then naging friends lang kayo?”
“Ha?”
“Hehehe, I mean, naging friends na kayo after?”
“Oo.”

Mahiyain si Doyzkie pag nakaka-meet ng grup ng mga bagong tao. Hindi siya palakwento o palatanong kapag
ganun. Kaya naman lalong nabigyan ng chance si Nova at Brando na tanungin siya nang tanungin. Nahalata naman
ni Erwan na hindi na mapakali si Doyzkie sa mga tanong.

“Oo na oo na guys. Para matigil na kayo sa kakatanong at halata namang kanina niyo pa gusto itanong. Siya nga.”
“WAAAAAAAAH! Ikaw nga Doyzkie! Pasensya na! Isipin mo na lang na na-starstruck kami! Kung alam mo lang ilang
taong kinabaliwan ni Erwan yang mukha mo! At nabaliw din siya sa Jetter na naging bida sa teleserye ni Maja na
Impostor! Kakaiba lang talaga yung feeling na naging friends kayo ni Erwan ngayon. Not that bawal na
makipagkaibigan sa mga panahong ito pero di ba, weird naman talaga. Kakaloka!!!”

Napangiti lang si Doyzkie. Weird naman talaga.

“Grabe Papa Erwan, hindi ko pa rin lubos maisip. Panggulat ka naman kasi. Wala man lang notice na ang super
gwapong mukha pala ni Jetter dati ang mukha ng kasama mo ngayon. Ang true na may-ari ng mukha. Magsawa
kayo sa kaka-spell ng kakaloka dahil spell kakaloka talaga!”
“Hehehe, sige maloka ka lang jan Lady Godiva,” sabi bigla ni Doyzkie.
“ABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” Nagulat at napangiti na parang kinilig si Brando. “Wag Lady Godiva! Baka hindi
ka kiligin sakin!!! Joke lang Doyzkie.”
Tumawa lang ulit si Doyzkie. Mukha namang okay kasama ang friends ni Erwan. Kaya sana matanggal na ang hiya
niya agad.

- 143 -
Dumating na ang order nila at kanya kanya na silang kuha.

Sa kalagitnaan ng pagkain nila, may nag-text kay Doyzkie.


Bakit ang tahimik mo?

Nag-reply siya kay Erwan.


Nahihiya lang. Hehe.

Pero okay ka lang ba?

Oo naman. Hehe. Don’t worry.

“Guys, magaling kumanta ‘tong si Doyzkie. Kaya mag-videoke tayo mamaya.”


“Wow! Sige! Ay oo nga pala Doyzkie, patunayan mo na magagaling kumanta ang mga Cebuano!”
“Hala, mahilig lang ako kumanta. Hehe. Hindi naman magaling.”
“Pa-humble ka pa jan! Basta atashi, naka-lista na ang mga kakantahin ko. Nasa-wallet ko lang ang listahan for
emergency use! Tulad nito! Kaya handa ako as usual sa biritan ever!”

After kumain, dumirecho na sila sa videoke – ang favorite gawin ng barkadahan nila pag nagkikita-kita. Na favorite
din pala ni Doyzkie.

“Okay, pataasan ng score!” sigaw ni Brando pagkapasok.


“E di talo ka na,” sagot ni Nova.
“Wag kang pakasisiguro babaeng isinumpa!”

Nag-washroom muna si Doyzkie. At pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto, pinunterya na ng dalawang kaibigan
si Erwan ng mga tanong.
“Guys, naging friends nga kami. Anong masama dun.”
“Walang masama dun! Masaya nga yun! At least, nakamit mo pa rin ang pinapagpantasyahan mo dating larawang
kupas! Winner ka Papa Erwan! At least naman ngayon happy ang mood mo!”
“Sira. Friends nga lang. Friends.”
“Naku naman, don’t tell me hindi ka pa get over kay Jetter. Exagg na ah. Wala na bang ibang events sa buhay mo at
talagang tutok ka sa misteryosong taong yun?”
“Mag-enjoy na lang tayo. Wag na kayo magtanong ng kung anu-ano. Hehehe. Lasingin niyo na lang ako baka may
masagot pa akong mula sa puso. Hehe.”
“Sure! WAITERRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!!!”

Bumalik na si Doyzkie.
Dinala na rin ng waiter ang mga order nilang beer at pulutan.
Umorder din si Nova ng iba’t ibang klaseng shots. For a change daw, kesa puro beer.
Nakailang kanta na si Brando nang mapilit na nilang kumanta si Doyzkie na kanina pa tumitingin ng kanta, pero
baka nahihiya pa rin kaya puro excuses.

- 144 -
“Go kanta na Doyzkie!”
“Sige, hehe, Kinakabahan ako. 5233.”
“Performance of a lifetime? Wag ka na kabahan jan. tayo tayo lang. Pero remember, pataasan ng score kaya itodo
mo! Ilabas mo lahat ng emosyon mo para kay Erwan! Oooops, joke lang. Hehe. Nova, ipasok na yan sa banga!”
“Pasok na! Duh!”
“Ang taray naman! Oh Doyzkie, kanta na! Hoy Erwan, makinig ka.”
“Sira!”

Nakaupong kumanta si Doyzkie. At unang linya pa lang, napa-wow na ang mga tenga at mata nilang lahat sa boses
niya. Unang linya pa lang, napatitig na si Erwan sa kanya.

Kissing you is not what I had planned, and now I’m not so sure just where I stand
I wasn’t looking for true love, but now you’re looking at me (sabay nagkatinginan silang dalawa)
You’re the only one I can think of, you’re the only one I see

All I need is just a little more time to be sure what I feel


Is it all in my mind coz it seems so hard to believe that you’re all I need

Parang naglaho sa mga sandaling yun sina Brando at Nova. Parang naglaho ang videoke. Naglaho ang mga beer at
pulutan. At silang dalawa na lang ang natira. At niyayakap si Erwan ng bawat stanzang kinakanta ni Doyzkie. Hindi
ni Jetter. Ni Doyzkie.

Yes it’s true we’ve all been hurt before but it doesn’t seem to matter anymore
It may be a chance we’re taking but it always comes to this
If this isn’t love we’re making then I don’t know what it is

Siguro sa unang pagkakataon, naging malinaw ang mga mata ni Erwan. Luminaw din ang pandinig niya sa
paminsan-minsan nang isinisigaw ng puso niya, na hindi niya pinapansin. Kasi kasalanan yun sa taong alam niyang
mahal niya – si Jetter. Pero ngayong gabi, hindi makita ni Erwan si Jetter. Isang taong ilang buwan na ring palaging
nandiyan lang ang nakikita niya ngayon.

No stars are out tonight but we’re shining our own light

At nagulat siya dahil ang sarap palang titigan ni Doyzkie. Na ang sarap palang kasama ni Doyzkie. All this time.

And it’s never felt so bright...

TANTANANANTAN-TANTAN! Score: 100

- 145 -
“KALOKA KA DOYZKIE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” hindi napigilan ni Brando ang emosyon niya. “Nakaka-impress ka
Doyzkie! Feeling ko ngayon ako si Empress Schuck! Shucks ha! Kumanta ka pa! Naku, ipipili kita ng kanta. Ang
galing mo!”
“Hehe thanks. Tsamba.”
“Tsamba ka jan! Walang tsamba tsamba. Kumanta ka pa!”
“Si Erwan naman.”
“Ayoko pa. Si Nova muna.”
“Mabuti naman at napansin niyo din ako. Eto na kakanta na talaga ako. Akin na ang limelight! Makinig kayo.
Hmmmmmm!”

Oo nga pala, hindi nga pala tayo, hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sa’yo
Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko, asan nga ba ako, andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sa’yo? Aasa ba ko sa’yo?

Napa-inom ng isang buong baso ng beer si Doyzkie. Napalingon sa kanya si Erwan, na medyo may tama na. Nakita
niyang lumingon sa kanya si Erwan. Ngumiti lang siya. At kumuha ng pulutan.

Nasusuka ako, kinakain na ang loob, masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?

“Ambastos mo Nova! Anong luhod luhod ha???? Mahiya ka nga samin! Imvierna!”
“Tumahimik ka jan Godiva.”

Sumagi sa malikot na isip ni Doyzkie ang pagluhod. Hmmm. Naku teka. Hindi pwede. Bawal. Arrgh. At uminom pa
siya ng isang baso ulit. Napatingin na naman sa kanya si Erwan. Napatingin ulit o kanina pa nakatingin? Nginitian na
lang niya ulit at nag peace sign. Ngee, bakit may peace sign. Bahala na.

Nagtaka si Erwan bakitnag peace sign si Doyzkie. Pero ang cute niyang mag peace sign nang naka-smile. Hay
Doyzkie. Magiging totoo ka ba? Sawa na kasi ako sa mga hindi totoo. Ano ba tong naiisip ko.

Gusto ko lang naman, yung totoo, yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sa’yo? Aasa ba ko sa’yo?

Bahala na, sabi ni Doyzkie sa sarili niya. Aasa na lang. Bahala na. Basta aasa.

Bahala na, sabi ni Erwan sa sarili niya. Bahala ka na siguro muna Jetter sa buhay mo.

Umabot na sila ng alas tres sa pagkanta. At lasing na si Doyzkie, unang beses makita ni Erwan na lasing siya.
Madalas kasi, pag napapainom sila, siya ang palaging lasing. Ang pinagmamaneho ni Doyzkie pauwi.

Nagbabye-babye na sila sa isa’t isa. Puno pa rin ng pang-iintriga ang mga hirit ng dalawa niyang kabigan. Pero
masaya siya. Magaan ang pakiramdam. Masaya din siyang ipagmamaneho niya pauwi si Doyzkie. Iuuwi niya si
Doyzkie. Si Doyzkie.

- 146 -
Inihiga niya ang lasing at aantok antok nang si Doyzkie sa kama niya.
“Erwan... sorry...”
“Oh, bakit ka nagso-sorry?”
“Sorry talaga....”
“Matulog ka na. Gusto mo muna magshower?”
“Mamaya na yang shower. Maalimpungatan naman ako, tapos iinom din ako ng malamig na tubig gaya mo, tapos
magshshower ako. Mamaya na. Sorry...”
“Bakit sorry?”
“Lasing ako eh. Hehe.”
At pagkasabi nun, nakatulog na si Doyzkie.

Hindi masyadong uminom si Erwan kaya wala na rin siyang tama. Siya na lang ang nagshower. Pagkatapos,
nagpatugtog muna siya. Parang gusto pa niya ng kanta. Ng pagsesenti.

Naupo siya sa sofa kung saan palaging natutulog si Doyzkie pag doon sa kanila nag-o-overnight. Pinanood niya lang
si Doyzkie habang natutulog sa kama niya. Wala pang ibang nakakatulog dun. Sa imaginations niya dati siguro,
nakatulog na dun si Jetter. Pero parang hindi gabi ni Jetter ngayon. Siguro hindi na rin magiging gabi ni Jetter sa
mga susunod pang gabi. Matagal na rin siyang naka-hold on sa hindi siya siguradong bagay. Humihina na ang kapit
niya. At parang may humihila din sa kabila. At parang gusto niyang magpahila.

Humiga na siya sa sofa, at iniwang bukas ang maliit na lamp sa isang sulok ng kwarto. Para naaaninag niya pa rin si
Doyzkie. Sa mga huling minuto na gising siya, tumutugtog ang Sugarfree sa background. Goodnight Doyzkie.

Tatawa tayo, sabay seryoso, unti-unti kang nakikilala


Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi, tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi, parang kay rami-rami mo nang sinabi

At nakatulog na si Erwan. Sa kalaliman ng madaling araw, naalimpungatan si Doyzkie. Nalasing pala siya, at
nakatulog na lang. Nakita niya si Erwan na sa sofa natulog. Binalak niyang bumangon pero nahihilo pa siya. Sa kung
saan man nanggaling na sulok ng sistema niyang may alak, nasabi na lang niyang “I love you ata Erwan” at
nakatulog na ulit siya.

Umaga na, tulog ka na


Kayhimbing mong managinip
Kay sarap sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako, o dito muna siguro
Samahan muna kita, dahil parang ayokong mag-isa....

Samahan ka, wala namang masama


Kung samahan ka, hanggang lungkot ko’y makatulog din.

- 147 -
XXX. MAKE IT BETTER

“Jetter! Let’s go!”


“Tara!”
“Excited ka?”
“Oo naman.”
“First time mo sa Vancouver?”
“Oo.”
“First time mo rin uuwing Pinas?”
“Oo.”
“Good. Kaya tara na para maaga tayo makarating.”
“Si Adam?”
“Andun na sa kotse.”
“Ayos.”
“Ako na magbubuhat ng ibang gamit mo.”
“Sige sige hehe. Salamat.”
“Andami naman kasi. Hindi ka na ba babalik dito?”
“Hehehe, malay natin.”
“Harhar.”

Sa panahong nag-iipon tayo ng pogi points para sa taong mahalaga sa’tin, parang sila naman ata ang mas
pumupogi para sa’tin. Sa mga buwang todo effort si Jetter, wala siyang ibang inisip kundi ang magandang ngiti ni
Erwan pag nagkita na sila, pag nagkaharap na. Inspiration. Motivation.

“Wayne, sa tingin mo, mapopogian na sya sakin?”


“Oo naman!”
“Mapapatawad niya na kaya ako?”
“Oo naman!”
“Matatanggap niya na kaya ako?”
“Alam mo Jetter, alam mo na naman siguro. Wala sa mukha yan. Wala sa kung gaano ka kapogi. Kung gaano ka ka-
hunk. Kung gaano ka kasarap iimagine na ka-sex. Yang si Erwan, ayon sa mga kwento mo, eh minahal ka na pala ng
totoo kahit di pa kayo nagkakasama. Kaya yang pagpapaimpress through your looks, eh minimal lang ang epekto
niyan sa kanya sa tingin ko. Ang importanteng focus mo dapat is paano mo mababalik yung trust niya. Paano ka
niya maiisip na hindi naaalala yung kalokohang ginawa mo. Hay kasi naman Jetter, very hayskul yang ginawa mo.
Tsaka hindi mo masyado pinag-isipan. Not a smooth criminal. Hehehe.”
“Oo na oo na. Paano kaya ako babawi?”
“Nagsorry ka na sabi mo ng ilang beses. Binaha mo na ng offline messages ang YM niya. Nakakailang emails ka na.
Pero wala pa ring reply. Months have passed. Pero ngayong babalik ka na, mas madali na. Kilos na. Wag puro sorry.

- 148 -
Wag puro “pls forgive me.” Wag puro salita. Love is an action verb.”
“Tama ka, Wayne.”
“Nagawa mo na yung sa tingin mo makakatulong habang magkalayo kayo. Maayos ka na. Hot ka na. Pati nga ako
pinagnanasahan na kita eh. Hehehe biro lang. Pagdating mo dun, kumilos ka na agad. Baka kung kanino pa
mapunta yang Erwan mo.”

Si Adam ang nag-drive sa tatlong oras na roadtrip nila pa-Vancouver. Nakadungaw lang sa bintana si Jetter,
pinapanood ang mga bagong dahon at ilang cherry blossoms ng mga unang araw ng Spring. New hope. New life.

Biglang sumabay si Wayne sa kanta sa radyo.

Hey Jet, don’t make it bad.


Take a sad song and make it better
Remember to let Erwan into your heart
Then you can start to make it better

Hey Jet, don’t be afraid


You were made to go out and get Erwan
The minute you let him under your skin
Then you begin to make it better

Napangiti si Jetter. Thankful siya sa suporta nina Wayne. Lalo siyang na-excite umuwi.

Hey Jet, don’t let me down.


You have found him, now go and get him.

And don’t you know that it’s just you, hey Jet, you’ll do.
The movement you need is on your shoulder.

Hey Jet, don’t make it bad


Take a sad song and make it better...

Thankful din siya kay Doyzkie, na walang sawang naging tulay niya para hindi siya mawalan ng update kay Erwan.
At sabay-sabay na silang kumanta habang papalapit sa Canadian border.

Better better better better better Jetter

Na na na na na na na, na na na na, hey Jet!

------------------------

Sa kabilang side ng mundo, may piniprint si Doyzkie. Excited siyang tiningnan ang finish product na pinagpuyatan
niya. Tiningnan niya, at napa “Cool!” ang isip niya. Pinrint niya pa ang isa. “Cool” din daw. Nagprint pa siya ng
maraming kopya ng dalawang klase ng finish product na pinagpuyatan niya. “Cool cool cool talaga.” Inilagay ang
mga printed copies sa bag niya at umalis papunta sa office ni Erwan.

- 149 -
“Uy Doyzkie! Ano ginagawa mo dito?”
“Lunch break mo na? Lunch tayo!”
“Hehe, hindi ko pa lunch, pero sige, lunch ko na. Hehe.”
“Nice nice hehehe.”

“Saan ka ba galing at isang linggo kang nawala Doyzkie?”


“May inasikaso lang sa Cebu.”
“Umuwi kang Cebu?”
“Oo, hehe.”
“Bakit?”
“Ano mas gusto mo, Japan o Italy?”
“Wow, dadalhin mo ko?”
“Kung kaya ko lang Erwan. Hehe. Adik! Ano nga mas gusto mo?
“Hmm, pareho.”
“Isa lang pwede.”
“Siguro mas gusto ko pumuntang Japan ngayon. Yung pop culture ng Japan.”
“Sure na yan?”
“Oo, Japan ngayon. Next year, Italy. Hehehe. Kelan ba alis natin? All expense paid mo ba?”
“Hehe. Oo, mabaliw ka. Next weekend na.”
“Next weekend? Pupunta nga tayong Japan? Wala akong visa!”
“Hahaha, ayos lang, bumili ka na lang ng Japanese costume.”

At inabot ni Doyzkie kay Erwan ang invitation para sa birthday niya. Sa harap ng invitation nandun si Naruto na
nakaakbay kay Majin Boo. Pagbuklat naman, andun si Cardcaptor Sakura na may hawak na card kung saan
nakasulat: Birthday ko na bai! Cosplay na!

Napangiti si Erwan.

“Uyyyyyyyyyy happy birthday!!!!!!!!!”


“Salamat hehehe. Punta ka ha. Sa Saturday na yan. Sa Cebu. Hehe.”
“Oo naman! Ba’t biglaan? Mag-iisip pa ako ng costume. Hehe.”
“Bilisan mo na. Isama mo sina Nova at Brando para masaya. Hindi pwedeng hindi sila pwede ah. Lalo ka na “papa
Erwan” hahaha.”
“Loko-loko. Sige. Iisip ako ng costume. Waaaaaaaaah nakakaexcite.”
“Sige ako din nag-iisip pa eh.”
“Eh ano naman yung Italy?”
“Ah, masquerade naman yun. Hehehe.”
“O, okay din yun ah! Hehe.”
“Kung ano mas gusto mo Erwan.”
“Sira. Hehe.”
“Sabihan mo sila Brando ah. Eto invitations nila. Imi-mail ko pa ‘tong ibang invitations. Ipo-post ko na din sa
Facebook and Tumblr. Punta ka pls.”
“Pupunta, sure na yan. Hehe.”

- 150 -
------------------------

Sa kabilang side ng mundo, may umaakyat ng bundok para madagdagan ang pogi points. 2,900 metres climb.

“Ano kaya mo pa Jetter? Para kay Erwan!”


“Oo, para kay Erwan! Kaya pa!”

Pagkatapos ng ilanlibong steps, naabot na nila ang tuktok. At halos himatayin siya, hindi dahil sa pagod, kundi dahil
sa napakabreathtaking panoramic view ng Vancouver.

“Ganda ng view no, Jetter. Worth it ang akyat.”


“Oo nga. Worth it.”
“Kaya for sure niyan Jet, worth it din ang paghihirap mo. Maganda mangyayari sa pag-uwi mo.”
“Sana nga.”

------------------------

Sa kabilang side ng mundo, halos mapa-tumbling si Lady Godiva nang matanggap ang invitation ni Doyzkie.

“OH MY GAAAAAAAAAAAAAAAAHD!!!!!!!!!!!!!!!! Cosplay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ko pa alam ang isusuot


ko!!!!!!!!!!!!!!! Sa Sabado na ‘to!!!!!!!!!!!!!!! Parusa! Preysure! Nakakastress!!!!!!!! Maghanap na tayo ng costume
Erwan!!!!! Si Novita tawagan na. Pero baka mag Nobita costume na lang siya. Hihi. Papa Erwan, ano susuot
ko!!!!!!!!!!!!!!!!?????????????”
“Ikaw ang birthday bi? Este birthday boy? Hehe. Ang OA mo Brando.”
“Haller haller haller Erwan. Birthday yan ni Doyzkie. Dapat nga ikaw pa ang todo excited kasi birthday yan ng new
found love mo.”
“Hoy Brando, new found love ka jan.”
“Asus! Sige na nga. Birthday yan ng friend mo LANG. Kaya dapat paghandaan mo nang todo.”
“Oo, kanina pa ako nag-iisip. Hehe.”
“Naku Erwan, Cebu na naman.”
“Yeah, Cebu na naman.”

- 151 -
XXXI. HIMPAPAWID

Sa magkabilang dulo ng airport, nag-depart ang eroplano nina Erwan papuntang Cebu, nag-arrive ang eroplano ni
Jetter galing Vancouver. Ilang minutong pagitan.

Sa magkabilang bintana sa loob ng Cebu Pacific, nagtinginan sina Erwan at Doyzkie. Nagngitian.

Sa Terminal 3, ilang minuto lang ang pagitan, andun si Jetter naghihintay ng connecting flight niya sa Cebu.

Sa Cebu, pa-landing na ang eroplano nina Erwan. Naghintay sila ng sundo ng ilang minuto, at dumirecho na sa
hotel. May kwarto na sila dun nina Brando at Nova. Umuwi muna sa kanila si Doyzkie pagkahatid kina Erwan.

Excited siya. Kabadong excited.

Pagkatapos ng almost two hours na paghihintay, nasa himpapawid na ulit si Jetter. Naisip niya, unang gagawin niya
pag-uwi, magpapahinga lang sandali tapos pupunta kina Doyzkie. Mahabang balitaan. Napangiti siya. Na-miss niya
yung kaibigan niyang tinuturing na rin niyang bestfriend. Grrr Doyzkie, bakit di ka makontak pang-asar ka, sabi niya
sa sarili niya. Ang dami kong kwento sayo. Ang dami ko ding kwento sayo. At panigurado, magugulat ka sa itsura ko
ngayon.

Excited siya. Kabadong excited.

Lalo na pag naiisip niyang pwedeng-pwede na silang magkita ni Erwan.

Nakahiga sa kama ng hotel si Erwan at nagmumuni-muni habang di mapakali sa pag-aayos ng costume sina Brando
at Nova. Ayaw pa magsabihan kung ano ang isusuot at parehong nakatalikod sa isa’t isa habang nagfifinishing
touches. Para surprise daw. Sa ibang mundo naman namamasyal ang isip ni Erwan. Hindi sa cosplay party mamaya
ni Doyzkie, kundi sa mga panahong kasama niya si Doyzkie. Lalo na nung February. Nung Valentines. Walang
binitawang salita ang puso niya. Siguro hindi alam ang sasabihin. Siguro hindi na kailangan magsalita. Basta
nakahiga lang sila ni Doyzkie sa damuhan habang nakatingin sa madilim na kawalan. Nanonood ng mga
nagpupumilit makitang bituin. Mangilan-ngilang pang-horror na ulap na tumatakip minsan sa buwan. Napalingon
siya kay Doyzkie, na nakatingin pala sa kanya. Hindi niya alam kung matagal nang nakatingin sa kanya. Pero alam ni
Doyzkie. Two seconds pa lang. Siguro yun yung mga cheesy na tagpo na biglang nagkatinginan. Kahit nauna yung
isang tumingin. Na may kapirasong gulat dahil nakita siya nung tinitingnan niya na nakatingin. Tapos nakahiga pa
sila sa damuhan na obviously sa romantic na alapaap dapat ng Valentines sila nakatingin. Binalikan ni Erwan ang
sandaling yun. Paulit-ulit na kinulit ang memory niya na ma-play sa isip niya ang bawat segundo. Bawat minuto. At
pagkatapos ng ilang oras, doon mismo sa kung saan unang nangyari, nangyari ang pangalawang kiss. Tapos
sinundan ng unang mahigpit na yakap habang nagkikiss. Dinama ang masarap na halik na alam niyang lips lang
nilang dalawa ang makakagawa. Kaya silang dalawa lang ang makakaramdam nun, Kung gaano siya kasarap
humalik. Kung gaano kasarap humalik yung isa. At kung paanong parang hinulma ng kung sinong Donatello o
Bernini ang yakap ng mga braso nila. Parang nagtagpo ang match na piraso ng jigsaw puzzle, nagunaw ang dating
NLEX at SLEX, nataranta ang epidermis ng dalawang lalakeng kumalimot na lang sa lugar, mga hindi pwede o

- 152 -
bawal, taong kinokonsider na special, mahalaga, dahilan kung bakit sila nagkakilala, at siguro pinekeng dahilan na
rin kung bakit sila enjoy na magkasama, at noon na nga, masayang naghahalikan, magkayakap, parang matagal na
palang gusto at ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob, o ng pambabale-wala sa kung ano dapat ang bale-meron.

Merong Jetter na nag-aabang ng taxi pauwi sa dati nilang bahay. At pagkatapos pupunta kina Doyzkie. Pero hindi
niya maabutan si Doyzkie na bumalik na ng hotel kung saan gagawin ang party niya. Makikita ng mama ni Doyzkie
si Jetter, magugulat! Jetter anak! Kamusta ka na! Umuwi ka pala! Naku kakaalis lang ni Doyzkie! Kakauwi mo lang
ba? Naku! Sinakto mo talaga sa birthday ni Doyzkie ah. Andun na siya sa Mactan. Nagmadali lang may dinaanan
tapos bumalik na din. Eh galing pa yung Manila kanina. Naku, sobrang busy sa pag-asikaso sa party niya. May
isusuot ka na ba?

Merong Jetter na maghahagilap bigla ng costume. Bakit naman kasi hindi siya sinabihan ni Doyzkie. Baka sa
Facebook siya kinokontak kaso hindi siya nakapag-check the whole time na nasa Vancouver siya. Tsaka hindi din
naman pala alam ni Doyzkie na uuwi siya. Hmm. Napangiti siya. Na-excite lalo. Gugulatin niya si Doyzkie. Hehe.
Kumaripas siya sa mall at bumili ng costume. Nag-improvise. At dumirecho nang Shangri-La Mactan.

At meron pa ring Erwan na masayang bumabalik sa not so distant kahapon. Na-istorbo siya nang biglang tumunog
ang celfone niya. Nagtext si Doyzkie. Magswimming daw muna sila kung gusto nila. Sa bagay, sa gabi pa naman ang
party. Dumungaw siya sa bintana. WOW! Ang ganda. Kita sa kwarto nila ang swimming pool at ang beach. Lumabas
siya sa veranda, kung saan andun na sila Brando at Nova na nagkukuhanan ng litrato at hindi mapakali sa ganda ng
lugar. Nagyaya siyang magswimming at kumaripas ang dalawa sa pagpapalit ng swimwear. . Hopefully this time,
Cebu will be a lot friendlier to me, naisip niya. Para kasing okay ang lahat. Okay si Doyzkie. Okay kasama. Okay na
kaibigan. Okay sa kama – sa damuhan pala – na ginusto niya, ginusto nila. Walang kung anong confirmation kung
ano man o kung meron mang dapat i-confirm. Bumangon sila sa bermuda grass na masaya. Hindi pinag-usapan.
Hindi diniscuss. Hindi rin siguro lantarang hinanapan ng malalim na definition. Pero mula nun, hindi man nasundan,
mas masaya na sila. Wala nang hindi pwede, wala nang bawal.

Nakaisip si Erwan ng isang magandang birthday gift kay Doyzkie. Naka-costume man sila mamaya, parang ang
romantic pa rin kasi ng lugar. Mamayang gabi, ibibigay niya ang birthday gift niya, or birthday proposal – boyfriend.

Excited siya. Kabadong excited.

- 153 -
XXXII. Konohagakure jōnin

Pinutol na pala yung punong mangga sa likod ng bahay. Doon ako palagi dati nung bata pa ko. Pag inaaway ng
walang dahilan habang nakikipaglaro. Kapag tinutuksong baboy at panget at dambuhala at salbabida at iba pa.

Mga classmates, mga kapitbahay, mga tsismosa, mga pinsan minsan, mga kaibigan nina mama at papa. Sa kanila
ko naririnig na hindi nga ako, hmm ano ba, pogi? Ang taba ko daw. Ako pa pinaka-madungis dati pag naglalaro.
Hanggang magsisimula na silang manukso. Hanggang sa lalayo na lang ako, uupo sa ilalim ng puno. Pinutol na pala
nila. Sa bagay, ngayon, wala na silang dahilan para sabihan ako ng kung anu-ano. Wala nang dahilan para
magmukmok ako sa punong iyon.

Akala ko dati wala na kong magiging kasundo na kaibigan na hindi isyu yung itsura ko. Pero nung naging kaklase ko
si Andrew Buenviaje, kahit papaano, naging normal na tao ako. Normal na gumagala sa mall, normal na nakikipag-
inuman, normal na nakaka-gimik. Nadadagdagan ang mga kaibigan dahil sa kanya, na bawat bayan ata sa Cebu,
may kabarkada siya. Natanong ko na minsan sa sarili ko kung bakit niya ako kinaibigan. Ayos lang naman sakin na
merong kumaibigan sakin siyempre, pero nakakapagtaka lang noon kung bakit minsan siya pa gumagawa ng
paraan para kasama ako sa lakad, para hindi ako ma-OP, para mas maging close ko pa yung iba. Pero nang
tumagal, nasanay na rin ako. Mas naging masaya ang buhay ko. Kahit papano, nabawasan ang insecurities ko at
nadagdagan ang self-confidence. Natuto na ako manguna sa kwentuhan, asaran, yayaan sa kung saan sa bagong
mga kaibigan ko. Hindi man directly na sinasabihan ako ni Doyzkie na wag akong mahiya, o wag maging panget ang
tingin ko sa sarili ko, alam ko at napapansin ko na ayaw niya akong maging negative sa itsura ko at mahiya sa
pakikitungo ko sa ibang tao. Ang bait niyang kaibigan. Mabait siyang tao. Hanggang sa lumalim na ang samahan
namin. Walang sikretong tinatago. Magkasama pa nga kami gumawa ng mga kalokohan. Pero tiwalang tiwala
naman sa kanya ang parents ko. Hindi ako papayagan dati pag hindi siya ang magpapaalam para sakin. Ganun din
ako sa kanila. Spell bestfriend talaga. Masaya.

Kaya lahat ng naging kalokohan ko kay Erwan, alam din niya. Hanggang sa kinailangan ko na umalis ng bansa, siya
lang ang may alam ng mga pinaggagagawa ko. Sermon dito, sermon dun, pero lagi naman akong suportado. Kaya
rin kampante ako sa plan namin na pakikipagkaibigan niya kay Erwan. Babawi ako sa kanya ng big time. I-treat ko
kaya si loko sa Hong Kong. O kahit sa Boracay lang o Panglao. Syempre dapat kasama si Erwan ko. Ang saya siguro.
Haaay Erwan. Naku wag ka na sana magalit please.

TANGINA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Erwan!!!!!!!!!!!!!!!! Aattend ka ba ng party ni Doyzkie?????????????? Bakit hindi


agad sumagi sa isip ko ang possibility!!!!!!!!!!!??????? Nagulat ako sa naisip ko. Baka nga andito sa Cebu si Erwan!
Sana sana sana. Bigla akong hindi mapakali. Hindi ko naman ma-contact si Doyzkie. GRRRRRRRRRRRRR!
Nakalimutan kong kunin sa mama niya ang number niya kung may bago man! Yung naka save kasi sakin, cannot be
reached na. Ano ba yan. Magiging surprise siguro talaga kay Doyzkie ang pagsulpot ko sa party niya. Magiging
surprise din sakin kung andun si Erwan. Pero iaanticipate ko na, para hindi ako magmukhang gulat na gulat. Erwan,
makilala mo kaya ako? Ang layo na ng itsura ko doon sa picture na nakita mo. Sinabihan mo pa akong panget.
Totoo naman eh. Pero ngayon, sabi nila, hindi na daw ako panget. Sana totoo. Para hindi na ako panget sa paningin
mo. Nanalo na nga ako sa office ng Mr. kung ano eh. Kaya sana hindi na ako panget para sayo Erwan! Babawi ako
sayo talaga.

- 154 -
Naalala ko nung kinakantahan ako ni Erwan dati sa celfone nung college pa kami. Yung mga pinakamasasayang
araw. Kasagsagan ng tawagan namin, todo text, walang katapusang kilig. Kinanta niya yung Jopay ng Mayonnaise
tapos pinalitan niya ng Jetter.

Jetter... kamusta ka na? Palagi kitang napapanood, nakikita.


Hindi mo pa nga ako nakakawebcam eh. Hehe
Sa picture. Hehehe. Sa isip ko din, sa imagination ko, pinapanood kita. Lagi ako nakatititg sa picture mo Jet ko!
Hehehe thanks baby eyebugzzz!
Jetter... pasensya ka na, wala rin kasi akong makausap, makasama
Ah ganun ha. Wala ka lang palang choice.
Hehe biro lang Jet, eh yan yung lyrics hehehe. Lambing yan. Hehe. Mwah!
Hehe, mwah!
Wag ka nang mawala... ngayon...

Dadalhin kita sa aming bahay di tayo mag-aaway aalis tayo sa tunay na mundo
Dadalhin kita sa aming bahay di tayo mag-aaway aalis tayo sa tunay na mundo
Sa tunay na mundo...
Sa tunay na mundo...

Sorry Erwan, kung hindi tunay yung dati. Kung gawa-gawa ko lang yung nakikita mong Jetter dati.

Bumagsak na naman ang pakiramdam ko. Pero ilang oras na lang party na. Wala pa akong costume. Hanap-hanap
na.

Sa dami ng action figures na kinulekta ko, at sa dami rin ng kay Doyzkie, wala ako mapili kung sino ang gagayahin
ko. Kulang na sa oras para mag-Gundam Wing. Snow Villiers kaya? Hindi pwede, wala akong dalang trench coat.
Ikkaku Madarame? Ayaw, ayoko magpakalbo. Sasuke? Masyadong common. Orochimaru? Hindi ako kontrabida.
Ash Ketchum? Masyadong pa-cute. Pikachu? Waaaaaaah masyadong anime!

Sige, mag-eefort na ako. Alam ko na kung sino.

- 155 -
XXXIII. "Unless I grip the sword, I can not protect you.
While gripping the sword I can not embrace you." -
Bleach

Tinext ko si Erwan. Sabi ko, mamaya, may sasabihin ako sa kanya. Para wala nang atrasan. Sasabihin ko na lahat.
Nakaka-guilty na nang todo. Bahala na. Pero mamaya na pagkatapos ng party. Para naman makapag-enjoy pa ako.
At kung mababadtrip man siya, eh makakapag-enjoy muna siya. Alam ko naman kasing maling-mali ‘tong
napagkasunduan namin ni Jetter eh. Kesa mas lumala at mas tumagal pa, eh sasabihin ko na lahat kay Erwan.
Siguro, kung hindi nagkalakas si Jetter umamin noon, hanggang ngayon, ako na lang ang aamin para sa kanya. Ako
na lang din ang aamin para sa kalokohan namin.

Gusto ko rin sana, ako na lang din ang magmahal sa kanya.

Jetter wag ka na muna bumalik. Sorry.

Hindi mo naman kasi sinabing ganun si Erwan eh. Hindi mo sinabing hindi siya mahirap mahalin. Hindi mo sinabing
naka-jackpot ka na pala noon. Hindi mo pa iningatan.

Kaya kong ingatan si Erwan. Hindi ko siya lolokohin kahit kelan. Hindi na ako magsisinungaling ulit sa kanya. Hindi
na masusundan pagkatapos kung umamin. Mamaya, aamin na ako.

1. Erwan, magkakilala kami ni Jetter. Magkaibigan kami.


2. Erwan, all this time, nakakausap ko si Jetter tungkol sa’yo.
3. Erwan, wala naman akong balak lokohin ka, gusto ko lang tulungan yung kaibigan ko.
4. Erwan, sorry, madami akong lies.
5. Erwan, akala ko kasi hindi ako magkakagusto sa’yo. Pero eto na. Nagkagusto na ‘ko. Sa’yo at kay Jetter na ako
nagsisinungaling.

Hay. Sana masabi ko.

-----------------------------

- 156 -
Tinext ko si Doyzkie. Sabi ko, mamaya, may sasabihin ako sa kanya. Para wala nang atrasan. Wala lang. Bahala na
kung anong reaksyon. Matagal ko na rin kasing pinaparusahan yung puso ko na wag na ulit magtiwala. Kasi naman
si Jetter eh. Haay naku Jet ka. May epekto ka pa ba sa’kin? Ngayong palaging nandito si Erwan, alam mo, minsan na
lang kita naiisip. Gaano kadalas ang minsan? Once, twice? Hehe. Bihira na lang Jet. Ikaw naman kasi eh. Hindi mo
iningatan yung meron tayo dati. Akala ko nun kasi, tayo na talaga yung match eh. Yung hindi lang pangmatagalan,
pang buong buhay ko pa. Sabi nga di ba, at hihiramin ko na rin yung linya, I will not love you for the rest of your
life. I will love you for the rest of mine. Hehe. Pero hindi ibig sabihin ikaw ang unang mamamatay ah. Hehe. Hay
naku Jet. Makikita pa rin kaya kita? Wala akong idea sa totoong itsura mo. Pero sorry Jet, kasi minsan, ayos na rin
sakin na hanggang doon na lang tayo. Tama na siguro. Nakakatakot na rin kasing masaktan. Pero Jet, etong si
Doyzkie, alam mo, mabait din. Parang ikaw. Cebuano din! Parang ikaw. Mahilig din sa mga kung anu-anong kanta.
Parang ikaw. Pero hindi niya pa ko niloloko. Hindi katulad mo. Hindi siya sinungaling. Hindi katulad mo. Pero bakit
naman niya ko lolokohin? Bakit naman siya magsisinungaling sakin? Eh hindi naman kami. Magkaibigan lang kami.
Pero Jetter, wag mong isipin na hindi kita minahal ah. Pero siya kasi yung nandito. Siya yung totoo. Siya yung
sumalo ng lungkot ko. At siguro, sa kanya ko na rin binibigay yung atensyong para sayo. Mga pasimpleng
pagpapakita na special siya, na dapat para sayo. Jet, hayaan mo muna ko siguro na magustuhan si Doyzkie.

Hindi na naman kasi tayo siguro magkikita.

-----------------------------

“IT’S PARTY TIME!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

At lumabas na si Lady Godiva sa banyo ng kwarto nila na naka-costume na. Isa-isa silang magbibihis sa loob para
surprise daw talaga. Vinivideo naman ng kung sinong matitira sa labas ang paglabas. At ayun na nga ang grand
entrance, o exit mula sa banyo ni Brando bilang Zack Fair ng Final Fantasy.

“O bakit nakanganga kayo jan? Ako lang ‘to. Wag kayong masyadong humanga.”

Pero lalo pang napanganga sina Nova at Erwan sa itsura ni Brando na hindi nila iniexpect.

“Nasaan si Brando! Bakit nagpapasok si Brando ng lalake dito!”


“Wag kang OA Nobita! Crush ko si Zack kaya siya ako ngayong gabi. Hehe.”
“Astig ng costume mo Brando ah. Parang hindi bagay ang Lady Godiva ngayon sayo. Haha. Saan mo naman tinago
yang espada mo? Wala ka namang dala niyang kanina nung pumasok ka ah.”
“Haller naman Erwan, sabay-sabay tayong nagtapos ng kolehiyo. At anong kurso natin?”
“Nice nice. Hehe. Kaya naman pala isang malaking supot ang dala mo kanina. Jan ka na sa loob nag-assemble ng in
fairness, astig talagang costume.”
“Well ganun talaga. Hindi ko kinaya ang reaksyon niyo ha. Ano ba naman yung paminsan-minsan eh mag-iba ang
image ko. Cosplay na nga ito magiging Badinger-Z pa ba atashi? Witit!”
“Akala ko si Strawberry Shortcake ang lalabas eh. O si Hikaru Shidou.”
“Ektweli naisip ko nga yang Magic Knight Rayearth pero bilang gusto kong mangarir sa partey eh magpapapogi na
lang atashi.”

- 157 -
“In fairness Brando, ang pogi mo nga ngayon. Tabi jan, ako na ang magbibihis. Humanda kayo ni Erwan. Nobita
pala ha.”
“Hahaha ihahagis kita Nova pag nag-Nobita ka nga. Walang ka-effort-effort.”
“Sa tingin mo Brando sa laki ng bag ko, pang Nobita ang costume ko?”
“Dali na bihis na!”

After almost 45 minutes, lumabas din ang Nova. Pero hindi bilang Nobita. Bilang Doraemon!

Umiinom pa naman si Erwan ng tubig nang lumabas si Nova ng walang announcement. Nagulat na lang siya nang
may nakitang malaking ulong blue. Muntik nang lumabas sa ilong niya yung tubig. Humagalpak naman sa kakatawa
si Brando.

“O di ba, hindi niyo kinaya no?” sabi ni Nova na naka-fit na blue leggings at long-sleeves na parang pang-ballet,
pero may suot na malaking ulo ni Doraemon.
“Anong pumasok sa isip mo Nova? Ang sakit mo sa ulo!!!!!” sabi ni Brando na maluha-luha na sa kakatawa.
“Eh Nobita kayo ng Nobita, edi ayan, naisipan ko tuloy maging cute na Doraemon. Hehe.”
“At talagang nagka-oras kang gumawa ng ulo no?”
“Iba na ang maraming koneksyon. Effortless ko kayang nahiram ‘tong ulo.”
“At bakit yung katawan hindi mo hiniram para todo Doraemon ka na.”
“Brando, sayang naman ang ka-sexy-han ko kung magmamascot ako di ba?”
“So proud ka sa katawan mo, sa mukha mo hindi? Kaya ganyan kalaki ang ulo mo? HAHAHAH!”
“I hate you!!!! Paninindigan ko ‘to!”
“Haha go lang! Baka manalo ka pa sa best in costume.”
“Ay meron????”
“Meron daw sabi ni Doyzkie.”
“Waaaah!!! Malaki kaya ang chance ko?”
“Ako ang makakalaban mo Nobita! Talo si Doraemon kay Zack!”
“Hindi ako magpapatalo sayo Lady Godivang deceiving! At ikaw Erwan, tatawa ka na lang jan? Magbihis ka na.”

Pumasok na si Erwan na tawa pa rin nang tawa. Nang mahimasmasan na siya sa loob, hinanda niya na ang isusuot
niya. Kailangang pogi, para kay Doyzkie.

Pagkatapos ng kalahating oras, lumabas na si Erwan.

“OO NA PAPA ERWAN! GIVEN NA NAMAN EH! EXPECTED NA! HINDI NA AKO NAGULAT! IKAW NA ANG
PINAKAPOGI! KAHIT SIGURO MAG-YODA KA IKAW PA RIN ANG PINAKA-POGI!!!!!!! PAYAKAP NGA!!!!!!!!!!!!!!!”

- 158 -
XXXIV. YOU’LL WET YOUR PANTS -Kakashi

“Ituloy mo na yung kwento mo TS.”


“Yung kwento natin, von_spee.”

-----------------------

Pumunta na kami nina Brando bilang Zack Fair at Nova bilang Doraemon sa may pool. Doon naka-setup ang party.

“Ang daming napapatingin sa’yo Brando. Deceiving yang suot mo. Haha.”
“Papa Erwan naman! All this time, front ko lang talaga ang pagiging badesa. You know, para maging close sa mga
chikababes.”
“Ang sagwa pakinggan Brando. Hahaha!”

Ang ganda ng lugar. Maraming pulang ilaw, marami ding blue. May mga lotus sa pool, may candles din. May mga
Japanese lanterns na nakasabit sa mga lampposts. At may mga linya ng neon lights na kung saan saan tumatama.
Parting-party talaga.

Nagsesetup na ang banda. Aba, may banda pa.

“Sinong tutugtog?”
“Lightning Train Commuter’s Band.... WAAAAAAAAAAAH!!!!!!!! Si Rodney makikita ko na sa wakas!!!!!!!!!!!!!!!!
Hindi ko ‘to kakayanin!!!!”
“Hoy, Zack Fair, umayos ka jan. Wag mong sirain ang character mo sa mata ng ibang tao. Haha.”

Inabutan kami ng programme ng party ng isang naka-Japanese school girl uniform. Wow, may programme pa.

1. Presentation para sa may beerday.


2. Presentation ng mga cosplayers.
3. Madamdaming pag-awit ng Happy Birthday. Dapat maiyak lahat.
4. Kainan na!
5. Announcement ng best in costume. Kaya wag muna kayo magpalit.
5. Party to sawa!

- 159 -
Hala, magpapakilala pa pala lahat ng nag-costume. Nakakahiya. Pero kwela.

“Ayan Nobitang naging Doraemon, may exposure pala tayo. Hahaha!”


“Anong nakakatawa ha? For sure maraming magkakagusto ng costume ko.”
“Sige na nga. Hehe.”
“Asan na kaya si Doyzkie, Papa Erwan?”
“Eh malamang mamaya pa yun lalabas. Birthday niya eh. Dapat grand entrance.”
“Ang arte naman. Bakit di na lang grand finale?”
“Hahaha!”
“Ano kayang costume ni Doyzkie? Dapat bagay sa suot mo Erwan. Naku ha, baka naman planado yan.”
“Hindi, di ko rin alam susuot niya. Hehe. Exciting.”
“Kinikilig ka naman diyan!”
“Konti.”
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!! Type mo si Doyzkie? Sabi na eh!!!! I knew it! Like I so, you know,
knew it! Like I really do.”
“Arte mo. Hehe. Ayos lang.”
“WAAAAAAAH!!!!!!!!!!! OMG OMG OMG! Hindi mo dineny. Mahal mo na siya!!!!!!!!!!!!”
“Mahal mo na si Doyzkie Erwan?”
“Ewan ko. Ano ba kayong dalawa. Sinasakyan ko lang kayo.”
“I’m sure, kaya ka nag-effort ng ganyan sa suot mo, na oo na, poging pogi na, eh para sa birthday boy!!! Birthday
boyfriend!!!!!”
“Adik!”

Pero siguro nga. Pinaghandaan ko talaga ‘to para kay Doyzkie. Hehe. Ano kaya suot niya? Sana makita ko na.

Andami nang dumadating na bisita. Invited ata buong Cebu. Ang sarap sa mata na naka-costume lahat. Walang
nagpaka-KJ at nagpaka-out of place. Todo talaga ang mga suot.

May nagsalita na sa stage. Si Rukia Kukichi.

“Guys, ready na. Parating na si Doyzkie. Places,” sabi ni Rukia. Hmm, anong places?

Sabi sa programme, presentation para kay Doyzkie. Baka may magsasayaw. O kakanta. O tutula. O sabayang
pagbigkas. Ano kaya?

Maya-maya, may white na limousine ang dumating, at nagpalakpakan yung mga nasa malapit sa sasakyan. Si
Doyzkie na malamang. Ano ‘to, bride? Hehe. Sikat yata si Doyzkie dito.

Biglang tumili si Brando.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!”
“Huy Brando, nakakahiya ka.”
“Anong nakakahiya Doraemon. Si Rodney!!!!!!!!!!!!!!! Ang Lightning Train!!!!!”

- 160 -
At tumingin kami sa stage, andun na nga ang banda na naka-Yu Yu Hakusho, na pinakilala ng GMA 7 na Ghost
Figher. Si Rodney si Eugene. Si Jayjay si Dennis. At nagsimula na silang tumugtog.

May apat na babaeng naka Sailor Moon ang umakyat sa stage at kumanta.

I wonder if you know how they live in Tokyo


If you see me then you know it then you know you have to go
Fast and Furious

At kumanta na si Rodney

Drift drift drift.


(Fast and Furious) Drift drift drift.

Umakyat ang pinsan ni Doyzkie na si Nike na naka Sasuke Uchiha sa stage at kumanta din.

Rasha ii, omichito sama


Kenso mamiro konama chinoenso dama
Tamama ichii do itso eoi dama
Sikayju miryu suruhudoni ko kana
Japan, Ichiban, Jump around sawchirono deban
Teriyaki boyz in the place to be
He said intyaro kai in VIP

Kumanta ulit si Eugene kasabay ang isa pang umakyat ng stage na naka Orochimaru.

Many many diamonds dangling


Bag full of money we stranglin
Hate me, fry me, bake me, try me, all the above coz you can’t get in
I don’t want no puro buremu, because muy professional
Make you, shake you, ketsu (Thank you!) Haters take it personal

Sa may baba ng stage luminya ang buong koponan ng Shohoku. Andun syempre si Jersey #10, naka Nike Air Jordan
6. Hanamichi Sakuragi... hmm pero bakit Hanamichi Huget ang nakasulat sa likod?
Katabi niya si Jersey #11, naka Air Jordan 5. Kaede Rukawa... hmm pero bakitRukawa Lopez ang nakasulat sa likod?

Like kakanada tai tets o now drop it on let’s go now


Na nachima mai nimits o let’s not chiki chima over
Wets go nets go tsuhilohilo over every color
Esgo esgol jju waktu chunai niikro new waksu itsukunai pingpoi

- 161 -
Tumuluy-tuloy ang kanta. Kung sino sino pa ang pumunta sa stage, sa gilid, sa baba, andami kasi talagang bisita ni
Doyzkie. Ang saya panoorin kasi halatang rehearsed yung presentation.

Pagkatapos ng kanta, nagpalakpakan ulit lahat. Binati na ng Happy Birthday si Doyzkie, at tinawag sa stage.

Napatitig lang ako sa kanya. Wow. Wow talaga.

“Natulala ka na jan Papa Erwan! Ang pogi no! Bagay na bagay kayo!!!!”
“Bagay ba talaga kami?”
“WAAAAAAAAAAAAAAAH huling-huli ka na!!!! Gusto mo talaga siya!!!”

Oo nga, gusto ko nga siya. Gusto ko na si Light Yagami. Bakit siya ganun. Simple lang ang suot niya. Pero halos i-
magnet na ko sa kinatatayuan ko.

Pagkatapos magpasalamat ni Light Yagami sa mga umattend ng party niya, isa-isa nang tinawag ang mga
cosplayers. Kaya pala kanina, may parang registration pa.

May nag Naruto. Akatsuki. Hinata.


May nag Misa Amane. L. Mello.
May nag Mojacko. Mojaru.
May nag Akazukin Chacha. Gurong Serabi. Bara-bara man.
May dalawa pang nag agents sa Matrix, pero may nakasulat sa suit nila na 143.
May nag Daimos. Voltez V. Aerith Gainsborough. Oerba Yun Fang.
May nag Rukia Kuchiki. Aba! Orihime Inoue. Aba! Yasutora Sado. Aba!

At tinawag na ako.

"Ichigo Kurosaki"

----------------

- 162 -
Ang gwapo ni Erwan. Ang lakas ng dating. Parang naging driver na lang niya ang isang Light Yagaming katulad ko.
Pero ang gwapo niya talaga. Ang laki at ang haba ng espada niya.... ni Ichigo pala!

Ang saya ng birthday na ‘to. Pero mahaba pa ang gabi. At sa dulo ng mahaba at masayang gabi, kakausapin ko na
talaga si Ichigo Kurosaki.

Nakakataba ng puso na nag-effort lahat na magcostume. Natawag na lahat. Kakantahan na nila ako ng Happy
Birthday. Hehe.

“And lastly, Kakashi Hatake!”

Kakashi Hatake? Sino yung nag-Kakashi? At bakit todo hiyaw ang mga tao. Parang nakakita ng artista?

- 163 -
XXXV. YOU DON’T KNOW ME

“Tapusin mo na yung kwento natin TS, hehe.”


“Oo, tatapusin ko na.”
“Yung kwento nating tatlo ni von_spee.”
“Oo.”

-----------------------

Kumanta ng Happy Birthday sa paligid ng cake ni Doyzkie na punung puno ng action figures. Kung ano ang suot
naming character, yun ang give away samin. Ang saya!

Ang saya din ng itsura ni Doyzkie. Siyempre birthday niya. Hehe. Sana mas sumaya siya mamaya pag sinabi ko na sa
kanya.

“Sure ka na ba sa sasabihin mo?”


“Oo, Novs, sure na. Suportahan niyo ko ah. Sa paligid lang kayo. Baka sakaling sapakin ako, ipagtanggol niyo ko.”
“Imbyerna! Sasapakin ka ba nun Papa Erwan!”
“Malay mo lang Brando. Hehe. Awatin niyo.”
“Sige, pag hinalikan ka, ako ang unang-unang aawat ng major major awat!”
“Haha, sira, pag ganun, eh sige, get lost in the crowd na kayo at maghanap na rin ng kahalikan.”
“Tuwang-tuwa ang Erwan! Sige good luck sa’yo! Ikaw na naman ang bida. Sa bagay, supporting roles lang kami sa
kwentong ‘to.”
“Salamat hehe. Hayaan niyo, babawi ako sa inyo. Kwento niyo naman ang ikukwento ko sa PEX next time.”
“Ewan ko sa’yo Erwan. Go na, batiin mo na ang Light Yagami mo. Go go go!!!!!!”

-----------------------

Kung titingnan ang eksena mula sa bird’s eye view, makikita nating hahanap ng pinakamalapit na direksyon
papunta kay Light Yagami si Ichigo Kurosaki. Sisiksik sa mga nagkalat na Naruto, Sasuke, Sakura, Strawberry
Shortcake, Li Shaoran, Misa Amane, Ranma Saotome, Hachigen Ushoda, Shikamaru Nara, Sunny Pig at kung sino
sino pa. Lilingon sa kanya si Light, kakaway si Ichigo. Lalapit sila sa isa’t isa sa gitna ng hyper na crowd. Mula sa
eksenang yun, makikita naman natin sila mula sa lens ng polaroid ng nagcocover ng event. Nakatingin sila sa isa’t
isa, at sasabihan sila ng “O, Light, Ichigo, picture muna.” Lilingon sila ng sabay, ngingiti, at sabay peace sign. “O isa
pa, para tig isa kayong kopya.” At ngingiti ulit sila, wacky naman, at naka peace sign pa rin. “Ayos ayos. Happy
Birthday Doyzkie, O ayan, tig-isa kayong kopya.” At inabot na sa kanila ng photographer ang kopya nila. Pinaypay-
paypay. At maya maya, nakita na nila ang sarili nila sa pictures. Napangiti silang dalawa. Nagkatinginan ulit. “Kain
na,” sabi ni Light. “Sige, hehe. Kidnapin kita mamaya pagkatapos kumain ha. May sasabihin lang ako,” sabi ni
Ichigo. “Naku, ano yan ha?” tanong ni Light. “Basta, birthday mo eh, kaya dapat may mga ganung eksena. Hehe.
Perfect timing. Ma-excite ka na lang,” sagot ni Ichigo. “Haha, adik ka,” sabi ni Light. “Adik ka rin,” sagot ni Ichigo. At
iiba na tayo ng titingnan dahil nagiging cheesy na ang usapan.

- 164 -
Andaming handa. Nagpakalunod ang mga bisita sa Japanese food. Sushi, sashimi, teriyaki, tempura, miso, udon,
don at kung anu-ano pa. Inangat ng konti ni Kakashi ang takip sa mukha niya para makakain. “Pig-out muna ko
bago gulatin si Doyzkie. Hehe. Sana andito din si Erwan.”

Habang kumakain, tumugtog ulit ang Lightning Train. Maya-maya, pinuntahan na ulit ni Ichigo si Light. Gets na ni
Light. May sasabihin din siya kay Ichigo. Naglakad sila sa papunta sa may dagat.

Tumayo naman si Kakashi na nabusog na sa dami ng nakain. Lumapit sa stage at kinausap si Jayjay ng banda. Sinabi
niyang kakanta daw siya. Tinanong kung alam yung kanta. Alam naman ni Jayjay. Pero medyo against the flow daw
ang kanta, baka magulat ang mga bisita. Sabi ni Kakashi, wag ka mag-worry Jayjay. Kilala ko halos lahat ng bisita.
Bestfriend ko yung may birthday. Ako bahala. O sige o sige, sagot ni Jayjay. Sinabi ni Jayjay kay Rodney na kumain
na muna dahil may papalit na bokalista. O sige o sige, sagot ni Rodney. Game, punta ka na, ako na magsasabi sa
audience, sabi ni Jayjay kay Kakashi. O sige o sige, sagot ni Kakashi.

“Guys, here’s Kakashi who’s gonna sing for us.”

Napalingon lahat. May mga tumiling babae at bakla. May mga napaisip kung sino ba ang nag-Kakashi na’to. Pero
lahat nagpalakpakan. Iba ang presence niya sa stage.

“Kamusta guys. Luma na’to. Sana magustuhan niyo,” sabay pasok ng intro.

Sa hindi kalayuan, nagtaka si Light kung bakit ang lakas ng palakpakan kay Kakashi. Lalo tuloy siyang napaisip kung
sino sa mga invited si Kakashi. Pero hindi na niya pinahalata kay Ichigo. Dapat masabi na ang dapat sabihin.
“Erwan...”
“Doyzkie...”
“Sige, mauna ka na..”
“Hindi sige ikaw na...”
“Ikaw na hehe...”
“Ikaw na nga...”

Papanoorin na lang sana natin ang kanta ni Jetter dahil ang cheesy na naman nitong dalawa pero nauna na nga
magsabi si Erwan ng “Doyzkie, pwede bang tayo na?”

Huminto ang mundo.

Tigil.

Stop.

At nangibabaw sa pool, sa dagat, sa mga tenga ng mga bisita, at sa ilang inches na pagitan nina Ichigo Kurosaki at
Light Yagami ang malamig na boses ni Kakashi Hatake...

- 165 -
You give your hand to me then you say hello
I can hardly speak, my heart is beating so
And anyone can tell you think you know me well
But you don’t know me

No, you don’t know the one who dreams of you at night
And longs to kiss your lips and longs to hold you tight
Oh I’m just a friend, that’s all I’ve ever been
Cause you don’t know me

Itinuloy ni Doyzkie ang pag-ikot ng mundo, para magawa niyang magulat sa sinabi ni Erwan. Gusto niyang i-digest
habang tumatambling ang puso niya sa kilig. Pero anong karapatan niyang matuwa, naisip niya. Kailangan muna
niyang ipagtapat lahat kay Erwan bago maging valid ang sagot niyang gustung gusto na niyang bitawan: Oo sige
tayo na. Ayos! Apir Ichigo! Yahoooooooooooo tayo na!

I never knew the art of making love


Though my heart aches with love for you
Afraid and shy I’ve let my chance go by
The chance that you might love me too..

“Doyzkie, I don’t want to let the chance go by, sabi nga sa kanta oh. Saktong sakto. The chance that you might love
me too.”
“Erwan, magkakilala kami ni Jetter.”

You give your hand to me, and then you say good-bye
I watch you walk away beside that lucky guy
You’ll never never know the one who loves you so
Well, you don’t know me.

Nagtuloy ang mundo at tumodo ang palakpakan kay Kakashi. Nagtuloy ang nahintong kainan, nahintong tawanan,
nahintong kwentuhan.

Pero sa may bandang dagat, may mundong hindi sigurado kung tutuloy pa.

“Magkakilala kayo ni ... Jetter??”

- 166 -
XXXVI. NAKU MONO KA BOKU WA OTOKO DA

“Oo, Erwan, magkakilala kami ni Jetter.”

Malabo na sa alaala ko yung gabing yun. Minsan pinipilit kong alalahanin, pero hindi na masyadong detalyado yung
nareretrieve ko sa memory ko. Siguro kasi hindi ako fan ng eksenang yun.

Ang naaalala ko lang na kasunod na nangyari, eh nasa eroplano na ako pabalik ng Manila. Nakadungaw sa bintana,
nag-e-emo sa mga rebelasyon. Tapos nun, ang naalala ko lang na kasunod, busy na ulit ako sa office. Tapos nun,
ang naalala ko lang na kasunod, isang taon na pala ang nakakalipas. Birthday na ulit ni Doyzkie.

Birthday ko na naman.
Oo, adik ka, birthday mo na naman.

----------------------------

TS, kung di mo na maalala, ako na magtutuloy.


Sige von_spee. Hehe

----------------------------

Pagkatapos kong kumanta, hinanap ko kung nasaan si Doyzkie. Isusurprise ko na siya na andito na ako. Hehe. May
nagsabi na pumunta daw siya sa may beach. Ayun, pumunta ako sa beach. Pero bago ko siya makita, nakasalubong
ko muna si Erwan. Napahinto ako. Kakausapin ko na sana siya pero narinig kong tinatawag siya ni Doyzkie. Kunwari
na lang dumirecho ako ng lakad. Pero pinanood ko sila ilang metres lang ang layo.

“Erwan, sorry. Gusto ko lang tulungan si Jetter. Wala naman masama talaga sa ginawa ko. Ayaw lang ni Jetter na
mawalan ulit ng balita o connection sayo. Ang mali lang talaga eh nagsinungaling ako. At isa pa pala, ginawa ko
yung bawal. Yung hindi pwede.”
“Anong hindi pwede?”
“Nagkagusto na nga ako sayo Erwan. At si Jetter walang alam.”
“Anong reaction ang gusto mong gawin ko Doyzkie? All this time, akala ko nakakatulong ka sa pag-move on ko.
Pero in the end, ikaw pa mismo ang magbabalik kay Jetter. Ano ‘to? Punk’d? Big Brother? The Truman Show? Wala
kayong pakialam sa pinagtritripan niyo, ang gusto niyo lang magawa yung gusto niyo at makita yung reaksyon?
Sige, anong gusto mong reaction ko? Nasaan si Jetter? Lalabas na ba siya at sisigaw ng Victim!?”
“Sorry Erwan.”
“Sorry Doyzkie. I don’t want to ruin your night. Alis na lang ako.”
“Wag Erwan.”
“Anong gusto mo? Mag-party pa ko dito na walang nangyari? Makipagtawanan at biruan at hintayin kung ako
mananalo ng best in costume? I’ll leave. Gusto ko muna ma-detach sa lahat-lahat. Baka wala lang akong masabi o
magawang matino.”

- 167 -
At naglakad na papalayo si Erwan. Hindi na siya hinabol ni Doyzkie. Natakot siguro sa malaking espada ni Ichigo.
Pero hindi ko naisip yun nung gabing yun. Ang laman lang ng isip ko eh yung mga narinig ko. Imbes na ako ang
manggugulat kay Doyzkie, siya pa ang nanggulat sakin. Mula sa dilim, lumabas ako bilang Kakashi at humanda nang
harapin si Light Yagami.

“Nagkagusto ka na kay Ichigo?”


“Sino ka?”
“Di ba, wala ka namang hilig sa Bleach?”
“Sino ka, Kakashi?”
“Akala ko kilala kita, Light. Hindi pala. Ikaw rin pala si Kira. May gusto ka na pala kay Ichigo. Kaya nawalan ako ng
balita sa’yo. Sa inyo.”
“Jetter???”
“Ga-go ka naman Doyzkie eh.”
“Jetter??”

Inalis ko na ang maskara ko. At sinuot ang salamin.

“Jetter?”
“Ako nga.”
“Kelan ka pa dumating?”
“Ang corny mo. Ganyan ba talaga dapat ang tanong sa mga balikbayan na biglang nakikita?”
“Jetter...”
“Ano Doyzkie, may gusto ka na Erwan?”
“Narinig mo ba?”
“Ang corny mo ulit. Ganyan ba talaga dapat ang tanong pag may obyus na nakarinig sa pinag-usapan?”
“Jetter, sorry. Oo, meron.”
“Paano ako Doyzkie? Pwede ba yung pareho tayong may gusto sa kanya?”
“Sorry Jetter.”
“Hoy birthday boy! Wag ka magdrama jan! Hehe. Birthday mo. Walang kaso. Si Erwan lang yun. Hehe. Mag-enjoy
muna tayo. Tsaka na problemahin.”

Ayoko nang problemahin muna. Nagsaya muna kami. Masakit. Pero party muna. Birthday ng bestfriend kong
nagkagusto sa mahal ko. Tsaka na problemahin yan.

Pagkatapos ng ilang oras, lasing na ang karamihan. Pauwi na yung iba. Kinanta na ng Light Train Commuters band
ang huling kanta ng gabi. O madaling araw.

Oya ni hagureta
Hinadori mo
Itsuka wa yasashii
hutokoro ni
Kaeru ashita mo aru darou
Danoni naze meguri aenu
chichi no kage

- 168 -
Naku mono ka
Boku wa otoko da
Shinjiteru shinjiteru
Sono hi no koto wo
Kono te de chichi wo
Daki shimeru hi no koto wo

No ni saku hana mo
tsuyukusa mo
Itsuka wa hito to
meguri ai
Kataru yuube mo aru darou
Danoni naze otozurenai
shiawase ga

Naalala ko bigla ang kabataan ko. Yung mga panahong kapag tapos na ang Voltes V, at tinutugtog na ‘tong kantang
‘to, magdadalawang isip na ako kung lalabas pa ako at makikipaglaro. Kapag lumabas ako, sentro na naman ako ng
tuksuhan. Kapag hindi ako lumabas, para saan pa at naging bata ako. Pero madalas, hindi na lang ako lumalabas.

Habang nagpapaalam si Doyzkie sa ilang bisita, umupo muna ko sa may dagat. Alam kong pag-uusapan namin si
Erwan. Ugali na namin yun, kapag may magulo, pag-uusapan para hindi pag-awayan.

Mikazuki wo ou
murakumo mo
Itsuka wa kaze ga
huki harai
Kagayaku yoru mo aru darou
Danoni naze kiramekanai
chichi no hoshi

At naupo na rin si Doyzkie sa tabi ko.

“Kamusta Jet?”
“Eto, ayos lang. Ikaw musta?”
“Ayos lang din. Ang laki ng pinagbago mo ah.”
“Pogi na ba ko ngayon?”
“Jet naman, ever since naman hindi ka naging pangit.”
“Adik. Salamat. At nagpasalamat talaga ako eh no. Haha.”
“Ako ang pangit Jet. Nagkagusto ba naman ako sa taong hindi pwede. Bawal.”
“Balita ko nga. Lagot ka Doyzkie. Bestfriend mo pa naman tinalo mo.”
“Oo nga eh. Ano kayang gagawin ko?”

- 169 -
“Malay ko. Alamin mo rin kung anong gagawin nung bestfriend mo na yun.”
“Ano kayang gagawin niya?”
“Baka lalagyan ng red card ang locker mo. Tapos pagtritripan ka ng buong school.”
“Parang Meteor Garden?”
“Parang Boys Over Flowers.”
“Patay ako niyan. Kailangan maunahan ko siyang lagyan ng red card ang locker niya.”
“Para pagtripan din ng buong school?”
“Oo.”
“Kawawa naman yung bestfriend mo.”
“Alam ko. Haaay.”
“Haaay Doyzkie. Sa dami ng pwedeng pag-awayan, lalake pa. Ang baduy natin.”
“Haha, oo nga eh. Ikaw kasi eh. Di mo sinabing madali lang palang ma-inlove sa Erwan mo.”
“Ikaw naman kasi, masyado kang nagpadala.”
“Eh sobrang okay kasi siya eh.”
“Alam ko.”
“Tsaka hindi siya yung makakayanan mong pagsinungalingan.”
“Doyzkie, alam mo naman ang dahilan eh.”
“Alam ko.”
“Paano ngayon yan?”
“Ewan ko. Kalimutan na natin siya pareho.”
“Tapos hanap tayo ng ibang lalakeng pag-aawayan?”
“Oo.”
“Haha siraulo!”
“Siraulo ka rin! Hehe. Hay naku Doyzkie. Ang dami ko pa namang pasalubong sa’yo. Pati kay Erwan. Mga hayop!
Joke lang. Nakakabigla lang talaga. Tsaka masakit ah, baka kala mo.”
“Sige kunin ko na lang sa inyo bukas mga pasalubong mo samin ni Erwan.”
“Tapos dadalhin mo sa kanya sa Manila?”
“Siguro.”
“Tapos ako, babalik ng US na parang walang nangyari?”
“Hindi parang walang nangyari. Matatanggap mo muna na naging kami na ni Erwan. Tsaka ka bumalik sa US na
naka move on na, at masaya na tayong tatlo.”
“Ganun?”
“Sana ganun kadali.”

Pag-uwi ko samin, maliwanag na. Pero pwede pang umiyak. Kaya umiyak ako nang siguro, mga two hours. Tapos
natulog na’ko.

Naku mono ka, Boku wa otoko da.....

- 170 -
XXXVII. I love you tooooo!

Pagkagising ni Jetter, after ilang minutes, inantok na si Erwan. Magkaibang kwarto. Magkaibang lugar

Pero hindi na pwedeng matulog. Pagsikat ng araw, nakahanda na si Erwan umalis papuntang airport, pabalik ng
Metro Manila, ng Pasig, ng kama niya kung saan mas gusto niyang mahiga, magdrama, magtanong ng kung ano-
ano sa mga taong hindi niya naman gusto makasama.

Pagkagising ni Jetter, isa-isa niyang inisip yung mga nangyari kagabi.

1. Nasa Cebu na ulit siya.


2. Nakita niya na sa wakas ulit si Erwan, pagkatapos nang ilang taon.
3. At sa sandaling magpapakilala na siya dapat kay Erwan, nalaman niyang may gusto na kay Erwan si Doyzkie.
4. Yun lang. Ganun lang ka-simple.

Pero ambigat ng pakiramdam niya. Hindi siya makabangon dahil ayaw niya. Ayaw niya kasi hindi niya alam ang
gagawin niya pag bumangon siya.

Sa kabilang kama, sa ibang lugar, pagkatapos ng dalawang linggo, kakagising lang ni Erwan. Nagising siyang
nakatitig sa kanya si Doyzkie. Nakayakap nang mahigpit. Gumanti siya ng yakap. Yung yakap na ayaw pakawalan
yung niyayakap. Hinalikan niya ang mata sa mukha ng dating si Jetter. Hinalikan niya ang ilong sa mukha ng dating
si Jetter. Hinalikan niya at kinagat ang mga labi. Habang mas humihigpit ang yakap ng dalawang kamay niya sa
likuran ng walang tshirt na katawan ng dating si Jetter. Yumakap din ang hita niya sa walang shorts o boxers na hita
ng dating si Jetter. “Doyzkie... tama na ang lies. Ayusin na natin.” “Aayusin na natin, Erwan.”

Tanghali na nang bumangon sila. Hapon na nang bumangon si Jetter. Gabi na nag-lunch sila Doyzkie at Erwan.
Madaling araw na nag-dinner si Jetter. Hindi niya alam, sa mga susunod na araw, tatawagan ni Erwan si Doyzkie.
“Marami kang dapat ipaliwanag. Ga-go ka. Puntahan mo ko.” Hindi niya alam, kahit anong hagilap ang gawin niya
kay Erwan, sa Cebu man o Manila, isang gabi ang darating na si Doyzkie ang unang tatawagan ni Erwan. Kahit pa
nagpakilala na siya bilang si Jetter. Kahit na niyaya niya magkita si Erwan. Kahit na nakailang sorry na siya. Kagaya
dati, tulad ng ginawa niya kay Erwan dati, wala rin siyang natanggap na kahit anong reply o return call. Sa
magkabilang sulok tuloy ngayon ng Metro Manila, may isang naghihintay ng text, o tawag, o balita mula kay
Doyzkie o Erwan. May isa namang nakatanggap ng tawag kay Erwan after ng ilang araw na attempt na ma-contact.
At ang isang iyon, nagsabi man kay Jetter na sasabihan agad siya pag kinontak siya, ay dumirecho lang sa Pasig, at
sa damuhan ng isang pamilyar na garden, naupo siya katabi si Erwan at nagpaliwanag. Saksi ang ilang serbesa at
dalawang ibon sa puno sa paglilinaw ng mga mga nararamdaman. Nasabi na rin sa wakas ni Doyzkie na tayo na
Erwan yahooooooo! I love you tooooo! Habang may isang Jetter na kabado sa magiging pagkikita nila ni Erwan
sakaling kontakin siya. Sasabihin niya kay Erwan na ayusin na nila yung hindi natuloy dati.

Mga bagay na hindi na parallel. Hindi na magkasabay. Hindi na makakahabol. Hindi na maipipilit.

- 171 -
Hindi alam ni Jetter, natalo na siya. Hindi na kailangan ng red card. Nawalan ng value ang pogi points. Ibigay man
niya ang isang daang porsyento ng kanyang lakas, nawalan na ng competition.

Dahil sa isang kama kung saan dati sumaya at nalungkot si Erwan sa pagdating at pag-alis ni Jetter sa buhay niya,
may Doyzkie nang mahigpit ang yakap at walang balak bumitaw, handa nang maging mainstay sa buhay ni Erwan.

---------------

- 172 -
XXXVIII. MINE

Every year, nag-bbirthday si Doyzkie. Malamang.

At ngayong year na ito, ngayon ang birthday niya. Last year, cosplay. Ngayon naman, masquerade.

Destination Cebu ulit si Erwan. Pang-ilang beses na nitong nakaraang taon. Ginawa niyang MegaMall ang Mactan.
Syempre, in-love na in-love kasi.

Birthday mo na naman “mine.”


Oo nga birthday ko na naman. Hehe. I love you mine ko!
I love you too!
Ingat sa flight ha.
Opkors!
Mine, hindi kita masusundo sa paliparan.
Paliparan talaga? Hehe.
Hehe, sa airport. May aasikasuhin pa ako eh. Papasundo na lang kita sa driver. Ihahatid ka na sa hotel. Kasabay mo
ba sina Novs at Brando?
Hindi mine. Ang bagal kasi nila mag-book flight eh. Bukas ng umaga sila dadating.
Ah okay. Ingat ka. Text ka pag land mo.
Sure sure. Sinong driver ang susundo? Wala naman kayo driver dati? Hehe.
Special service. Hehe. Catch you later.
I love you so much mine!
I love you so much too, mine!

Bago siya umalis ng bahay, sinigurado muna ni Erwan na dala niya yung isang lumang notebook. Ibibigay niya kay..
alam niyo na. Alam niya kasing nasa Cebu ngayon si.. alam niyo na. At aattend ng birthday ni Doyzkie. Syempre,
mag-bestfriend ang dalawa. Bestfriends pa rin.

Kanina, sabi ni Jetter kay Doyzkie, siya na ang susundo kay Erwan sa paliparan.

Paliparan talaga? Hehe.


Oo. Sige na. Walang malisya.
Haha, adik. Sige, ayos lang.
Oks, kausapin ko lang muna ha.
Usap lang ha. Baka kung saan mauwi yang usap na yan.
Gagu dapat ako ang nagbabanta ngg anyan sayo dati eh. Hehe
Haha, oo nga no. Galit ka pa ba Jet?
Hindi naman ako nagalit eh. Nakakagulat lang. Nakakapraning. Pero galit? Hindi.
Salamat ha.
Wala yun. Mura lang naman return flight ko. Pwede mong sagutin, alam mo na, danyos perwisyo ba yun? Hehe.
Magalit ka na lang kaya? Haha.
Haha. Pero seryoso Doyz, kausapin ko lang ha. Ngayon lang kami magkikita eh.
Ngayon lang ba? Oo nga no. Ayaw mo pala ipalagay mga pictures mo sa facebook ko.
Natatanong niya ba ako? I mean, wala akong ibig-sabihin ha. Pero napapagusapan niyo ba ako?
Mula nung nalaman niyang kilala kita?

- 173 -
Oo.
Bago niya nalaman, alam mo, bukambibig ka nun. Kaya nagulat ako nung sinabi niyang gusto niya daw ako. Eh ako
naman, patay na patay na sa kanya nun. Nung birthday ko last year.
Oo, ang walang hilig sa Bleach, nagkagusto kay Ichigo.
Hehe. Ayun, after nun, honestly, hindi ka niya nababanggit na.
Ouch naman! Aray! Hehe
Hehe, wag kang maarte jan. Eh paano, pansin ko lang ha, ayaw niya ata mapag-usapan kasi baka ma-realize niyang
mahal ka pa rin niya.
Talaga?
Asa! Hehe. Biro lang. Hindi ko alam Jet. Siguro way niya yun ng pag-move on at pag-accept sa lahat ng nangyari eh.
Kasi naman, parang pinaglaruan natin siya.
Ako lang dapat ang sisihin Doyz. Makakalaya ka na. Hehe.
Hindi ako malaya Jet. Bihag ako ng puso ni Erwan.
Tang-ina! Haha. Itatakas ko na siya mamaya, humanda ka.
Subukan mo lang, ibabaliktad ko ang buong Cebu malaman ko lang kung asan kayo. Hehe
Haha. Biro lang. Anong oras ba arrival niya?
Maya pang 4:30 ata. Pero agahan mo ah. Ayokong naghihintay si mine.
Hahaha! Mine? Ang baduy niyo! Kung kami yan, bebeh. Bebeh-q.
Bebeh-q? Sinong mas baduy! Hahahaha!
Haha, sige na, punta na kong airport. Susunduin ko na si Erwan mo na Erwan ko dati. Badtrip ka! Hehe.
Ibalik mo ah. Kung hindi, ibabalik ko lahat ng nawala mong taba. Haha.
Haha, wag naman ganyan. Alam mo namang may Mossimo contest pa ko sa Bora next month.
Libre mo kami ng pamasahe pa-Bora! Kapalit ng ilang oras sa piling ni Erwan ko!
Haha, oo na. Adik.

At ang mukhang sumalubong kay Erwan sa airport ay hindi isang pamilyar na mukha. Hindi rin naka-uniform na
pang-driver. Pero may cardboard kung saan may nakasulat na “baby eyebugzz.” Nag-unahan ang mga thoughts sa
isip niya, pero nanalo ang neuron na may dalang nakakagulat na balita: si Jetter ang nasa harapan mo ngayon.

“Ako si Jetter,” in-offer niya ang kamay kay Erwan.


“Jetter?”
“Ang bilis mo naman makalimot?”
“Gagu hindi kita nakalimutan. Ay sorry sa “gagu!”
“Hehe, tara, ako sundo mo.”

Sumunod na lang na walang kibo at puno ng gulat si Erwan.

“Daan muna tayong... saan nga ba? May gusto ka ba muna puntahan Erwan?”
“Ha?”
“Nilibot ka na ata ni Doyzkie sa buong Cebu eh. Hehe. Sige, kape na lang tayo. Sa Ayala.”
“Sa Starbucks?”
“Oo, syempre.”

Nagulat si Erwan sa nasabi niya. Iniisa-isa ng utak niya ang mga masasayang araw nila ni Jetter. Habang nakatitig
lang siya sa dinadaanan nilang kalye. Gustung gusto niyang itulak ang mata niya para makita si Jetter sa peripheral
vision niya. Pero kinalaban siya ng ... ewan niya. Ano bang pumipigil sa kanya.

Several months ago na nung nagkausap si Doyzkie at Jetter, nagkasundo, nagka-ayos. Sabi sa kanya ni Doyzkie,
okay na raw si Jetter.

At ngayon, mukhang okay na nga si Jetter. Teka, bigla niyang naisip. Siya pa ang biglang may karapatang maging
okay na? Eh ako ‘tong niloko niya? Aba aba aba.

- 174 -
“Starbucks mo mukha mo. Gago.”
“Whoah, why?”
“You’re asking me why?”
“Yeah, I’m asking you why.”
“What do you think Jetter?”
“I’m clueless.”
“Jetter.. is that really you this time?”

Nawala bigla ang smile ni Jetter sa sinabi ni Erwan. Nawala din ata ang kakayanan nila mag-Tagalog kaya bigla
silang napa-English. Ganun yata talaga para mas may-recall ang mga bibitawang linya. May kurot sa puso. Either
mamalim na Tagalog, o kaya English. Pwede ring Japanese para may recall man, hindi naman nainitindihan. Wala
lang.

“Yes. Erwan. I’m Jetter. I’m sorry. I’m sorry sa lahat. Hatid na kita sa hotel.”
“Ganun lang iyon? Sorry, then hahatid mo na ko sa hotel?”
“Syempre hindi. Pagkahatid ko sa’yo sa hotel, doon tayo sa dagat mag-uusap. Para ma-drama.”
“Oo nga, para maganda ang backdrop.”
“Apir!”
“Apir!”
“Siraulo.”
“Ako pa ang siraulo. Sinungaling.”
“Oo na. Akala ko mahal mo talaga ako.”
“Akala ko mahal mo ko at di mo ko kaya lokohin. Gagu.”
“Nakita mo naman Erwan. Anong magugustuhan mo sakin dati.”
“Bakit ano ka ba dati? Baboy damo?”
“Ang sakit mo magsalita.”
“Joke yun. Buti nga nakakapag-joke na ko ngayon eh.”
“Bakit, hindi ka ba marunong mag-joke dati?”
“Hindi, adik.”
“Sorry na Erwan. Nakita mo naman, sino magkakagusto sa tulad ko dati. Ikaw pa na pogi.”
“Ano ba itsura mo dati?”
“Di mo ba nakita? Pinadalhan kita ng picture ko di ba?”
“Hindi ko tiningnan.”
“Hindi mo tiningnan?”
“Hindi.”
“Tang-inang yan. Nag-effort ako mag workout, magpapogi, mag-ayos ng sarili, i-improve ang sarili para sa’yo.”
“Ha?”
“Kasi sinabihan mo kong panget ako.”
“HA?”
“Sabi mo dati, panget ako. Nung nakita mo si Doyzkie. Yung totoong may-ari ng mga pictures na pinakilala kong
ako. Sabi mo panget ako kaya naging challenge sakin ang maging hindi na panget. Para pag nakita mo ang totoong
ako, hindi na ako panget.”
“Jetter... hindi ko nakita yung picture mo nun.”
“O teka, meron ako dito sa celfone ko. Joke. Wala. Nakakainis ka.”
“Ikaw na ba talaga yan Jetter?”
“Yes baby eyebugzz.”
“Payat ka dati? Mataba? Maitim? Babae ka dati?”
“Hahaha, siraulo. Bakit di mo kasi tiningnan?”
“Wala lang. Tagal na nun Jet.”
“I know. Gusto lang kita makausap nang maayos. Gusto ko lang mag-sorry.”
“Ang dami mo nang sorry nun eh. Pwede na yun.”
“Hindi ka galit?”

- 175 -
“Hindi.”
“Ayos lang naman kayo ni Doyzkie ‘no? Masaya kayo?”
“Oo.”
“Ayos lang ba na kaibigan niya ako?”
“Ano ka ba Jet. Ako na dapat magtanong niyan eh. Ayos lang ba na kami na ni Doyzkie?”
“Ng mine mo? Hehe. Oo ayos na. Kahit baduy ang “mine.”
“Hahaha, wag ka na kumontra.”

Pagdating ng hotel, inakyat lang ni Erwan ang mga gamit niya. Then nagyaya na sa dagat si Jetter.

Kaso biglang umulan. Buti na lang sa ballroom ng hotel ang party ngayong taon. So kahit mag-tsunami pa, no
worries ang mga nakamaskarang bisita.

“Eh paano yan, umuulan. Tara ligo tayo sa ulan!”


“Ayoko, sa inyo ni Doyzkie ang ulan eh.”
“Ano? Nakwento niya sayo yun?”
“Oo. First kiss niyo. Maambon pa yata.”
“Haha, ano pa kinwento?”
“Secret na namin yun. Hehe.”
“O ano pa pag-uusapan natin, Jet?”
“Wala na, hehe. Basta sorry ha.”
“Okay na ako. Wala na yun. Sorry din Jet.”
“Okay na rin ako baby eyebugzz. Hehe.”
“May bibigay pala ako sa’yo.”

Kinuha ni Erwan sa backpack niya yung notebook niya nung college. Kung saan nakasulat lahat ng text ni Jetter
noon.

“Alam ko, makikita kita dito Jet. Remembrance ko sayo. Remembrance ng dati natin. May kopya ako niyan.
Pinicturan ko bawat page. Hehe. Syempre, special part ka ng buhay ko.”

Nagulat si Jetter sa mga nakasulat sa notebook. Nostalgic mabasa yung dating sila ni Erwan. Masaya at walang
problema. Masaya at walang kaagaw. Masaya kahit magkalayo.

“Wow. Sinulat mo pala lahat! Salamat Erwan!”


“Mahal na mahal kita dati eh.”

Napatigil si Jetter. Bumuhos ang anim na malalaking drum ng alaala, tatlong truck ng masasayang text messages,
dalawang basket ng smileys, pitong supot ng “mwah,” sampung bote ng “hugs,” walong bandehadang
“mwahugsotyt,” limang barangay ng “I love you,” at isang “mahal na mahal kita dati eh.”

At nagtuloy na ulit si Jetter.

“Likewise.”

- 176 -
EPILOGUE

Sa magkabilang dulo ng kwarto, naka-indian sit na magkaharap kami ni Erwan. Matapos magkwentuhan nang halos
isang oras tungkol sa mga buhay-buhay namin nitong nakaraang ilang taon, kumuha ng dalawang basong malamig
na tubig si Erwan. Matapos magkwentuhan nang halos isa pang oras tungkol sa buhay-buhay namin mula nung
birthday ni Doyzkie last year, kumuha ako ng dalawang cups of coffee para saming dalawa. Sinabayan ng tugtog ng
ulan sa labas ang unang getting to know stage namin... bilang magkaibigan.

O wag kang tumingin ng ganyan sa akin


Wag mo akong kulitin, wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
Di na tayo katulad ng dati, kaybilis ng sandali

Kelan ka balik ng Seattle, tanong niya sakin. Two months pa ako dito, sabi ko. Sabi ni Doyzkie, manlilibre ka raw sa
Bora, tanong niya. Siraulo talaga yun, sabi ko. Eto o, kakatext lang, sabi niya. Haha, oo na oo na, next month may
sasalihan akong contest eh, sabi ko. Oo, Mossimo, haha, sabi niya. Haha, pag ako nanalo, ako ang ilibre niyo ng
pamamsahe pa-US, sabi ko. Sige ba, haha, galingan mo ah. Jetter.

Sabi niya.

Maya-maya, dumating na si Doyzkie.

Maya-maya, umuwi na muna ako samin para magbihis para sa party.

Maya-maya, nagsend yung dalawa ng picture nila sa celfone. Yung picture nila nung cosplay last year. Naka-peace
sign sila. Tapos sa baba, may nakasulat na thank you Jet.

Maya-maya, nakita ko na lang ang sarili ko sa salamin na naka-smile.

O kay tagal din kitang minahal


O kay tagal din kitang minahal.

Natapos ang party na sobrang saya ng lahat. As in lahat. Pati yung isang namatayan na pinilit pa rin makaattend,
sorang sumaya. Pati yung isang nawalan ng pitaka on the way sa party, nabaliw din sa saya. Masaya kaming lahat.

- 177 -
Maya-maya, nagkanya-kanya nang uwi. Ako sa bahay ko. Syempre. Saan pa ba pwede.

Maya-maya, papunta na kaming Boracay. Syempre, ako lang mag-isa sa kwarto ko. Sino pa ba pwede makasama.

Maya-maya, pabalik na ako ng Seattle. Syempre, mahabang byahe na naman. Halos labing tatlong oras na pipilitin
ko na lang itulog para lang hindi sumagi sa isip ko na anytime pwedeng may masira sa eroplano at matapos ang
buhay ko.

Maya-maya pagkatapos mag-take off, umalog ang eroplano. Nagising ako mula sa mababaw ko pa lang na tulog.
Nagulat ako nang makitang may nakahawak sa kamay ko, at gulat na gulat din yung may-ari ng kamay na
napahawak siya sa kamay ko.

Maya-maya, magpapakilala siya sakin. Andres. Or Drexx daw. Sorry natakot ako eh. Di ko napansing anjan pala
kamay mo, sasabihin niya. Eh saan pa ba pwedeng nandun ang kamay ko, sa pakpak ng plane? Sa loob ng bag?
Isasagot ko. Matatawa siya. Matatawa ako. Buong byaheng masaya kahit maya’t maya ang turbulence.

Maya-maya, maiinlove na ako. Sa susunod na buwan, magiging kami na. Sa susunod na taon, uuwi kami ng sabay
sa Pilipinas. Ipapakilala ko siya kina Doyzkie at Erwan. Sa susunod na taon pa, makakapag-river cruise kaming apat
sa Europe. Sa susunod pa na taon pagkatapos nun, makakapagroadtrip kaming apat sa buong North America.

Maya-maya, maiisipan kong ikwento sa AP ang kwento namin. Naisip ko na nga ang title eh. 13 Hours sa Langit.
Hehe.

Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay..

Pero tsaka na yun. Sa ngayon, tinatapos ko muna ang kwento naming tatlo ni Erwan at Doyzkie. Masaya ako para
sa kanila.

O kay tagal din kitang mamahalin..


O kay tagal din kitang mamahalin..

THE END.

- 178 -
- 179 -

You might also like