Talagang Maipagmamalaki Ang Bagong Bayani - Pat A. Sto. Tomas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Talagang Maipagmamalaki

ang Bagong Bayani - Pat A.


Sto. Tomas
ALAM BA NINYO | Pat A. Sto. Tomas

Hindi ko alam kung inyong nasubaybayan sa mga pahayagan ang magandang ginawa ni
Mildred Perez, isang OFW sa Hongkong na talaga namang maipagmamalaki nating lahat
bilang Pilipino.

Si Mildred ay isang ina at may dalawang anak na kanyang iniwan sa kanyang asawang
tricycle driver sa kanilang bayan sa Bambang, Nueva Viscaya, upang mamasukan bilang isang
domestic helper sa Hongkong.

Sa umpisa, maayos naman ang kalagayan ni Mildred subalit ang lahat ay nagbago noong 2007 ng
siya ay pinagsamantalahan (sexually assaulted) ng kanyang employer na isang pastor pa man din sa
simbahan.

Katulad ng isang disenteng Filipina, si Mildred ay nagreklamo sa mga authoridad sa Hongkong sa


ginawa sa kanya at umalis bilang katulong sa kanyang employer. Ang masaklap sa regulasyon pala
ng pamahalaan ng Hongkong, pinagbabawalang ma-empleyo ang complainant kapag ang kaso nito
ay naka-pending pa sa korte katulad ng kaso ni Mildred.

Kaya sa isang iglap biglang naglaho ang magandang kinabukasang pangarap ni Mildred sa kanyang
mga anak. Nahinto sa pag-aaral ang kanyang mga anak, at siya mismo ay hindi malaman kung
papaano susuportahan ang sarili sa Hongkong.

Kaya napilitan si Mildred na mamuhay katulad ng mga scavengers na ating nakikita dito sa atin na
naghahalungkat sa mga basurahan upang makahanap ng mga bagay na maaring ipagbili upang
kumita. Sa kaso ni Mildred, ito ay mga lata ng softdrinks, mga cardboards at iba pa na maaring
mabenta,at kahit papaano ay nakakapagbigay sa kanya ng HK$38 o P228 sa isang araw kung siya ay
palarin na makakuha ng marami-rami nito sa mga basurahan.

Ganito ang naging buhay ni Mildred sa Hongkong sa loob ng mahigit sa isang taon hanggang sa
ngayon. Subalit posibleng magbago na ito kahit papaano matapos mangyari ang isang dakilang
desisyon na kanyang ginawa noong April na talagang namang kahanga-hanga at maipagmamalaki
nating mga Pilipino.

Noong April 24, habang si Mildred at ang kanyang kasama ay naghahalungkat ng basura sa kanto ng
Pottinger Street at Des Voeux Road sa Yueng Long area doon sa Hongkong, siya ay nakadampot ng
isang envelope na ng kanyang buksan ay tumambulad sa kanyang paningin ang maraming dolyar at
mga tseke.
Ayon sa report, ang pera ay may kabuuang cash na $176,000 na binubuo ng tig-iisang libong dolyar
at mga tseke sa US dollars at Hongkong dollars. Ang kabuuang halaga na nakapaloob sa envelope
kung pagsasamahin ang cash at tseke ay umaabot sa HK$350.545 o nasa P2.1 million sa peso.

Maaring kung ganito ang mangyayari sa ibang tao ay iba ang magiging reaksyon kapag nakapulot ng
ganitong halaga ng pera. Subalit kay Mildred ang kaagad pumasok sa isipan niya ay isauli ito sa
may-ari dahil sa ang isang tseke ay naka-clipped sa isang envelop na may pangalan ng isang
kumpanya.

Ang una niyang naisip ay tawagan ito at alamin kung ito ang tunay na nagmamay-ari ng naturang
pera upang kaagad niya itong maisauli. Subalit dahil sa lagpas na sa office hours ng siya ay
nakatawag nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa recorder tungkol sa perang napulot niya at nais
niya itong isauli sa tunay na nagmamay-ari.

Kinabukasan, nakipagkita sa kanya ang isang opisyal ng kumpanya kasama ang empleyado na may
dala ng nawalang pera na dapat pala ay idedeposito niya sa banko. Sobra ang pasasalamat ng mga ito
sa ginawa ni Mildred at bilang pagtanaw ng utang na loob, binigyan nila si Mildred ng isang lata ng
butter cookies.

Talagang kahanga-hanga ang ginawa ni Mildred. Sa kabila ng kanyang mahirap na sitwasyon doon
sa Hongkong na halos hindi sapat sa kanyang pansariling pangangailangan sa araw-araw ang
kanyang kinikita sa pamumulot ng mga basura at sa kabila ng pangangailangan sa pera upang mapag-
aral ang dalawang anak na naiwan dito sa atin, ay hindi man lang pumasok sa isipan ni Mildred na
itago na lamang ang nadampot na halaga. Sa halip kanyang naisip na kaagad itong isauli sa
nagmamay-ari.

Noong siya ay na-interview tungkol sa kanyang reaksyon matapos madampot ang pera, ang sinabi ni
Mildred siya raw ay nahirapan matulog sa pag-iisip sapagkat napakalaki ng halagang kanyang
napulot at sobra o higit na ito sa kakailanganin niya upang maka-uwi na dito sa Pilipinas.

Subalit naisip din daw niya na baka ang taong nakawala ng pera ay isang ordinaryong empleyado
lang na may pamilyang umaasa din sa kanya at maaring mawalan ng trabaho dahil sa pagkawala niya
ng pera. Hindi daw makaya ng kanyang konsensya na itago ang pera sapagkat habang buhay ito ay
magpapahirap sa kanyang kaisipan. Kaya minabuti niyang ibalik ang pera sa tunay na may-ari.

Talagang nakapakadakila. Isang OFW na hirap sa buhay at namumuhay sa araw-araw doon sa


Hongkong bilang garbage scavenger subalit hindi nahikayat na ibulsa at angkinin ang perang
nadampot na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang milyong piso. Dakila ka Ms. Mildred Perez. Isa
kang Pilipinong maipagmamalaki naming lahat. At ako ay hanga sa iyong paninindigan bilang isang
OFW-at isang bagong bayani.

At lalo akong natutuwa sa iyong kadakilaan sapagkat ito ay gumigising sa ating maraming mga
kababaihan lalo na sa mga namumuno sa pamahalaan ng ang mga maliliit na Pilipino katulad ng mga
OFWs ay malaki din pala ang naibibigay na kontribusyon sa pangangalaga at pangangalap ng
mabuting pag-uugali at imahe nating mga Pilipino.

Katulad ng pagkilala ng Provincial Government ng Nueva Viscaya sa ginawa ni Mildred sa


pamamagitan ng pag-pasa ng isang resolusyon na nagbigay puri sa kanya “for her display of
exemplary honesty”. Bilang pasasalamat ang provincial government ng Nueva Viscaya ay naglaan ng
P50,000 bilang initial assistance sa pamilya ni Mildred.
Dakila ka Mildred. Sa iyong ginawa muli mong nai-angat ang imahe ng Pilipino – ng mga OFWs. Ng
dahil sa iyong kabutihan at katapatan, lalo mong napataas ang katangian ng ating mga OFWs sa
kaisipan ng mga foreign employers. Nang dahil sa iyo maaring mabigyang proteksyon ang trabaho
ng marami nating mga OFWs na posibleng making biktima ng mga kasalukuyang economic
recession na nanalasa sa mga progresibong bansa.

Isa kang Bagong Bayani Mildred.

Mga tagasubaybay ating ipagbunyi and kadakilaan ni Ms. Mildred Perez.

You might also like