Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ONE ACT PLAY

SAKRIPISYO

By:

Opeña, Kim R.

Caluban, Justine Rey L.

Tasico, Oliver R.

Theme: Child Labor

Mga Tauhan

Amboy (Bida)

Celia (Nanay)

Balong (Kustomer/Suki)

Greg (Amo)

[Maliwanag ang sikat ng araw na tila’y nakatutok sa mukha ng isang batang lalaki. Sa
isang pwesto sa palengke, makikita ang batang lalaking si Amboy na nakasuot ng sandong pula
at salwal na itim na tila hindi pa nalalabhan ay nakaupo sa bangkito habang binabantay at
inaayos ang kanyang mga paninda at nag-iintay ng mga kustomer. Habang inaayos niya ang
mga paninda ay dumulas sa kanyang mga kamay ang pinakalagayan nito at natapon ang mga
kendi at sigarilyo, at ito ang nadatnan ng kanyang among si Greg na may dalang isang kahon.]

Greg: Ano ba naman, bata ka. [Habang tinutulungan si Amboy na damputin ang mga paninda.]

Amboy: Pasensya na po boss. Medyo kinakabahan po kase ako ngayon eh. Lalo na po’t
kailangang-kailangan ko po makabenta ngayon ng marami para sa nanay ko.

Greg: [Pabulong] Sa susunod wag kang palambot-lambot. Baka pati ‘tong kahon na to e
matapon mo.

Amboy: [Mas lumapit sa amo at bumulong] Boss, drugs po ba ulit yan? Pasabihan naman po
sa susunod yung mga kilala niyong bumibili nito na huwag laksan ang mga boses nila kapag
bumibili, baka mahuli po ako.
Greg: Oo, basta bantayan mo lang ang mga ‘yan at sila na ang bahalang maglagay ng kapalit
nitong pera sa kahon.

Amboy: Sige boss. Ay boss, linisan ko po pala muna kayo ng sapatos bago kayo makipag-
date. [Pabirong wika ni Amboy sa Amo.]

Greg: [Humila ng isang upuan] Ah oo nga, para mas kumintab at para mas gumwapo ako sa
paninging ng ka-date ko.

Amboy: [Habang pinupunasan ang sapatos ng amo.] Boss, alam niyo po ang swerte niyo. Ang
dami niyo pong pera eh tapos nakapag-aral pa kayo sa maayos na iskul. Samantalang ako,
hindi ko man lang naranasang humawak ng bolpen para magsulat. Tsaka, hindi ko man lang
naranasan na mabilhan ng bag na pwede ko sanang lagyan ng mga notbuk at libro. Sana man
lang nakapag-aral ako kahit hanggang grade 6 para mas may posibilidad na makahanap ako ng
maayos na trabaho.

Greg: Ayaw mo pa ba ng trabahong ‘to? Nakaupo ka lang dito maghapon at magkukuskos ng


sapatos ng mga gustong magpalinis pero kumikita ka ng mas malaki sa ibang nagtratrabaho
tulad na lang dyan sa Jollibee.

Amboy: Hindi naman po sa ganon. Sobrang pasasalamat ko nga po na nabibigay ko mga


pangangailangan ng nanay ko e. Pero wala po eh, mukhang ito talaga ang buhay na nakalaan
sa akin.

Greg: Alam mo bata, ganyan talaga ang buhay. Hayaan mo, balang-araw makukuha mo lahat
ng gusto mo. Tsaka gawin po lahat ng gusto mong gawin hanggang sa maging sobrang saya
mo. Sya sige na, ako’y aalis na.

Amboy: Sige boss. Salamat po, ako na po bahala dito.

[Sa pag-alis ng kaniyang amo ay sa pagdating naman ng tila kinaiinisan ni Amboy na si


Balong suot ang kanyang mahabang polo, itim na pantalon at mamahaling sapatos.]

Balong: Oh Amboy, bibilhin ko na ulit lahat ng nasa kahon na ‘to. Mukhang hindi ka naman
makabenta. [Sisinghot-singhot] Ikaw ba ‘yun? Kaya walang nabili sayo e, ang baho mo na.
Maligo ka nga.

Amboy: Kuya wag po kayong maingay, baka may makarinig po sa inyo eh. Tsaka … bakit
parang araw-araw niyo po binibili lahat ng nasa kahon na ‘yan?

Balong: Syempre, para makauwi ka ng maaga sa nanay mong … tsaka ayaw mo ba nun?
Hindi ka na mabibilad sa araw. Tingnan mo nga yang balat mo, kulang na lang gamitin kitang
uling eh.

Amboy: Alam ko po na binebenta niyo yan ng mas mahal sa iba. Tsaka, di ko po iniintindi
sasabihin ng iba basta’t ako’y nagtratrabaho para sa nanay ko.
Balong: Basta bibilhin ko na lahat ng ‘to. Linisan mo nga rin pala ako ng sapatos. Pakintabin
mo ha? Babayaran kita ng mas malaki. Yan ha? Madami na akong natulong sa’yo.

Amboy: Sige na nga po. Salamat din po ng marami [Habang inaayos ang uupuan ni Balong.]
Upo po kayo.

Balong: [Dahan-dahang umupo at inaangat ang sapatos.] Amboy, linisin mo yang maigi ha?
Ako’y may mahalaga pang pupuntahan.

Amboy: Opo. Kuya, may tanong po ako. Nakapag-aral po ba kayo?

Balong: Insulto ba yan o ano? [Pabirong sagot] Malamang, ang isang katulad ko na mayaman
ay nararapat lang na makapag-aral sa magandang paaralan. Bakit mo natanong?

Amboy: Hindi ko po kase naranasan eh. Nagtrabaho po agad ako.

Balong: Nako, wag ka ngang nagdadrama dyan. Alam mo toy, kaya kita inaasar hindi para
mayamot ka sakin, kundi para mas maisip mo kung ano ka dapat.

Amboy: Ayos lang po yun, Kuya. [Hinipan ang sapatos ni Balong.] Ayan kuya, tapos na po.

Balong: Oh eto, 200 pesos. Yan ha nilakihan ko na para malaki rin ang makuha mong
porsyento sa sweldo mo mamaya sa amo mo.

Amboy: Nako, maraming salamat Kuya.

You might also like