Modelling Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAKITANG-TURO SA HEKASI 2

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang ating mga Pambansang Sagisag gaya ng pambansang bayani,
wika,watawat , bulaklak, puno, at hayop.
B. Nailalarawan ang ating mga PAmbansang Sagisag.
KBI: Napapahalagahan ang ating mga pambansang sagisag.

II. PAKSANG-ARALIN
 Paksa: An gating mga Pambansang Sagisag
 Sanggunian: BEC Handbook sa Makabayan (hekasi)2, sibika sa araw-
araw 2.( Pahina 189-190).
 Kagamitan : Mga larawan ng mga Pambansang Sagisag

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULA/PAGLALAHAD
May ipapakita ako sa inyong larawan. Siya ay si Dr.Jose P. Rizal. Siya
ang ating pambansang bayani. Namatay siya para sa ating bayan.
Ngayong umaga pagtutuunan natin ng pansin ang tungkol sa mga
pambansang sagisag ng mga Pilipino.
Pero bago tayo magsimula may ipapakita muna ako sa inyong mga larawan.
Sasabihin niyo kung ano-ano ang mga ito.
 bayani
 wika
 watawat
 bulaklak
 puno
 hayop

B. PAKITANG-TURO
Ang tatalakayin natin ngayong hapon ay tungkol sa ating mga
Pambansang Sagisag. Ang sagisag ay nagrerepresenta o sumisimbolo sa
isang bagay na nagpapahiwatig ng mga kaisipan o paniniwala.
Dito sa ating bansa ay may mga sagisag tayong pinaniniwalaan at
iginagalang at ito ang bumubuo sa ating damdaming makabayan.
Ipapakita ko sa inyo ang mga larawan ng mga pambansang sagisag ng
mga Pilipino.
Si Dr. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani. Ang wikang Filipino
naman ang ating pambansang wika. Ang pambansang watawat naman ay
ang watawat ng Pilipinas ito ang nagpapaala ng kalayaang ating nakamit
mula sa mga dayuhang nanakop sa ating bansa. Ang sampagita naman
ang ating pambansang bulaklak. Ang narra naman ang ating pambansang
puno. Ang kalabaw naman ang ating pambansang hayop.

Mga bata, si Dr.Jose P. Rizal, ang wika, ang watawat ng Pilipinas, ang
sampagita, ang narra at ang kalabaw ay ang ating mga pambansang
sagisag.

C. PAGLALAPAT
Ang mga bata ay hahatiin sa tatlong pangkat.

UNANG PANGKAT
Piliin ang mga larawan ng ating mga Pambansang Sagisag. Ilagay ito sa
kahon.
PANGALAWANG PANGKAT
Lagyan ng 😊 ang ating mga Pambansang Sagisag ☹ kung hindi.
____1. kalabaw
____2. gumamela
____3. narra
____4. Dr. Jose Rizal
____5. sampagita
IKATLONG PANGKAT
Piliin ang kahon ang tamang sagot isulat ito sa patlang.

narra kalabaw

pusa Filipino

Watawat ng Pilipinas

watawat

Dr. Jose Rizal

_______1. Pambansang hayop


_______2. Pambansang wika
_______3. Pambansang puno
_______4. Pambansang watawat
_______5. Pambansang bayani
IV. PAGTATAYA
Piliin ng titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang.

____1. Pambansang bayani


a. Dr. Jose Rizal b. Andres Bonifacio
____2. Pambansang bulaklak
a. sampagita b. gumamela
____3. Pambansang wika
a. ingles b. Filipino
____4. Pambansang puno
a. narra b. manga
____5. Pambansang hayop
a. kabayo b. kalabaw

V. TAKDANG-ARALIN
Magbigay ng isang Pambansang Sagisag. Iguhit ito at ilarawan sa isang short
bond paper.

Inihanda ni:

Gng. JOCELYN V. TEGERO


GURO

You might also like