Mock 4 Share in Economics

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

January, 2016

Bahagi ni Ate Ellen Amoncio sa KABUHAYAN at LIKAS na YAMAN, Mock 4:

A. Hango sa mga modules, Ang mga Yaman ng Mundo

PAGBASA, 1-12: Piliin sa sumusunod na mga salita ang tutugma sa sumusunod nitong
talata.

kagubatan karagatan polusyon yamang lupa


dinamita yamang tubig basura cyanide
lambat kabundukan yamang lupa puno
tubig araw buhangin sustansya ng lupa

May dalawang uri ang ating likas na yaman. Ang mga ito ay ang (1) at (2) . Buhat sa
ating (3) sinisira ng mga kaingero at ng mamumutol ng troso ang ating mga (4) .
Napapalitan ang mga puno ngunit wala namang matiyagang magtanim sa nakalbo na
nating (5) . Mayaman sa likas na yaman ang ating karagatan. Subalit naging gahaman ang
karamihan sa ating mangingisda. Gumagamit sila ng (6) o kaya’y (7) para makarami ng
huli. Ang ginagamit na lambat ay hindi ang tamang uri ng (8) . Namamatay o nahuhuli pati
maliliit na isda. Ang tubig na pinakamahalaga sa ating likas na yaman ayhindi
napangangalagaan. Nauubos ang malinis na tubig dahil sa (9) . Ang karaniwangg dahilan
ay ang di-wastong pagtatapon ng ating (10) . Panahon na upang matuto tayong mag-alaga
sa ating likas na yaman.Ang mga ito ay ang (11) at (12).

1. a. lupa b. tubig c. yamang tubig d. buhangin


2. a. kabundukan b. yamang lupa c. karagatan d. kagubatan
3. a. kagubatan b. karagatan c. kabundukan d. lupa
4. a. tubig b. lupa c. puno d. lambat
5. a. kabundukan b. kagubatan c. lupa d. tubig
6. a. sustansya ng b. tubig c. lambat d. dinamita
lupa
7. a. cyanide b. lambat c. polusyon d. sustansya ng
lupa
8. a. puno b. tubig c. lambat d. yamang tubig
9. a. basura b. polusyon c. dinamita d. cyanide
10 a. cyanide b. polusyon c. basura d. buhangin
.
11 a. lupa b. yamang lupa c. tubig d. yamang tubig
.
12 a. tubig b. yamang tubig c. lupa d. yamang lupa
.

B. TALAHULUGANAN, hango mula sa module, Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapaligiran

13. Ito ay isang proseso na kung saan nagkakaroon ng konsentrasyon ng malaking


bahagi ng populasyon ng isang bansa sa mga lugar na syudad.

a.) deforestation
b.) muro-ami
c.) urbanisasyon
1
d.) ecosystem

14. Ito ay isang komunidad ng mga nilalang na may ugnayan sa isa’t-isa sa mga salik na
bumubuo sa kanilang kapaligiran.

a.) populasyon
b.) polusyon
c.) urbanisasyon
d.) ecosystem

15. Ito ay tubig sa ilalim ng lupa, na kadalasang buhaghag o mabato.

a.) burak
b.) tubig kanal
c.) groundwater
d.) polusyon

16. Ito ay mga matitigas na bagay gawa ng ilang uri ng hayop sa ilalim ng dagat.

a.) seahorses
b.) muro-ami
c.) koral
d.) ecosystem

17. Ito ay isang pamamaraan ng pangingisda na sumisira sa mga tirahan ng lamang dagat.

a.) dinamita
b.) muro-ami
c.) cyanide
d.) polusyon

18. Ito ay ang proseso ng muling paggamit ng mga bagay na hindi kailangang iprosesong
muli.

a.) reuse
b.) recycle
c.) remake
d.) rewind

19. Ito ay nagsisilbing banta mula sa karagatan sa kinakikitaang paghalo nya sa tubig-
tabang.

a.) polusyon
b.) cyanide
c.) salt-intrusion
d.) desalination

20. Ito ay ang proseso ng muling paggamit ng mga bagay na kadalasan dumadaan sa
muling pagpoproseso para maging kapaki-pakinabang.

a.) reuse
b.) recycle
c.) remake

2
d.) rewind

C. Mula sa module, Mga Ideya sa mga Proyektong Mapagkakakitaan

IAKMA ang hanapbuhay o kabuhayan sa hinihingi ng oportunidad, interes, o kahusayan.

21. Marunong kang magmaneho

a.) Bumili ng modernong motorsiklo


b.) Magmaneho ng dyipni
c.) Magmaneho ng school bus
d.) Mamasyal

22. Maraming isda sa inyong lugar


a.) Magtayo ng palengke
b.) Magtayo ng mall
c.) Magtinda ng isda
d.) Magproseso ng pinatuyong isda

23. Maraming paborito ang pan-de-sal, kahit pa marami na ring panaderya sa lugar mo.

a.) Bumili ng pan-de-sal


b.) Magtinda ng pan-de-sal
c.) Magluto ng paboritong pan-de-sal
d.) Mag-imbento ng kakaibang pan-de-sal

D. IBIGAY ang tumpak na sagot.

24. Kung ang hamburger sa isang tindahan ay nagkakahalaga ng P 15.00


bawat isa, magkano mo ito ipagbibili kung ito ang iyong produkto?

a. P 16.00
b. P 14.00
c. P 17.00
d. P 13.00

25. Kung ang isang tindahan ay nagtitinda ng hamburger, paano ka


makikipagkumpitensya rito?

a. mag-alok ng hamburger na may libreng inumin


b. magtinda ng katulad na produkto
c. mag-alok ng tatlong hamburger sa halaga ng isa
d. magtinda ng ibang produkto

26. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang halimbawa ng target sa


pagtitinda?

a. kumita ng P25,000.00 mula sa pagtitinda ng prutas


b. magtinda ng prutas
c. magtinda ng komiks na nagkakahalaga ng P50,000.00
d. kumita ng P10,000.00 sa loob ng isang buwan sa pamamagitan
ng pagtitinda ng gulay

3
27. Bihasa kang magkumpuni ng kagamitang elektrikal sa loob ng bahay. Ano ang
negosyong maaari mong pasukin?

a. magtinda ng mga muwebles


b. mag-alok ng serbisyo sa pag-aayos ng mga kasangkapang elektrikal
c. bumili at magtinda ng mga kasangkapang elektrikal
d. magtayo ng mga bahay

E. Mula sa module, Ang mga Karapatan at Pananagutan ng Kababaihan

28. Alin sa mga sumusunod ang matuturing na isang uri ng pang-


ekonomiyang pag-aabuso sa mga kababaihan?

a. iwanan siyang maraming utang na babayaran


b. bigyan siya ng karampatang sahod
c. payagan siyang magtrabaho
d. mahalal sa serbisyong publiko

29. Alin sa mga sumusunod ang hindi GABRIELA?

a. pagbebenta ng mga kabataan sa iba’t ibang bansa


b. pagpigil sa industriya sa paglalako ng sex
c. pagpigil sa industriya pagkakaroon ng asawa sa pamamagitan ng koreo
d. paunlarin ang relasyong pangkasarian sa mga bansang Asya at Amerika

30. Aling batas ang sumusuporta sa tamang pamamahala ng mga


karapatan ng kababaihan?

a. Republic Act 9172


b. Republic Act 7192
c. Republic Act 2179
d. Republic Act 2197

Batayan ng Pagwawasto:

1. c 16. c
2. b 17. b
3. a/c 18. a
4. c 19. c
5. a/b 20. b
6. d 21. c
7. a 22. d
8. c 23. d
9. b 24. d
10. c 25. a
11. b 26. d
12. b 27. b
13. c 28. a
14. d 29. a
15. c 30. b

4
Thank GOD for these modules! GOD Bless their authors!

You might also like