Paikot Na Daloy NG Ekonomiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAKROEKONIMIKS

2. Ikalawang Modelo – Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa


Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik ng Produksyon
Ito ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito.
Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA sambahayan ay may demand ng produkto ngunit walang kakayahang lumikha
MGA AKTOR SA EKONOMIYA: ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito,
 Sambahayan subalit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o
• Bumibili at kumokonsumo ng kalakal at paglilingkod umupa ng mga salik ng produksyon. At dahil tanging ang sambahayan ang
• May-ari at nagbebenta ng mga salik ng produksiyon may supply ng mga salik ng produksyon, nakikipag-ugnayan ang bahay-
 Bahay-Kalakal kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihan ng mga salik ng
• Nagpoprodyus at nabebenta ng kalakal at paglilingkod produksyon.
• Umuupa at gumagamit ng mga salik ng produksiyon Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang
 Pamahalaan sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa
• Nangongolekta ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang interes, kita ng
• Nagkakaloob ng produkto at serbisyong pampubliko entreprenyur, renta o upa, at mga pasahod sa paggawa ay mga gastusin sa
 Panlabas Na Sektor produksiyon.
• Nagbebenta sa ibang bansa Gagamitin ng sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng
• Bumibili sa ibang bansa produkto at paglilingkod. Sa pananaw ng sambahayan, ito ay gumagastos sa
sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang sambahayan, doon
MGA URI NG PAMILIHAN SA EKONOMIYA: kumikita ang bahay-kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa isa’t-isa upang
 Pamilihan Ng Salik Ng Produksiyon matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.
• Nagbebenta ang sambahayan
• Bumubili ang bahay-kalakal
 Pamilihan Ng Kalakal At Paglilingkod
• Nagbebenta ang bahay-kalakal
• Bumubili ang sambahayan
 Pamilihang Pinansyal
• Nag-iimpok ang sambahayan
• Umuutang ang bahay-kalakal

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA:


1. Unang Modelo – Simpleng Ekonomiya
Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya
ring konsyumer. Ang suplay ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang
ito sa sambahayan.

3. Ikatlong Modelo – Pamilihang Pinansiyal : Pag-iimpok (Savings) at


Pamumuhunan (Investments)
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng
salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa pinasyal na pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod.
kapital.
Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito
gagastusin ang isang bahagi ng natatanggap na kita. Ang bahagi ng kita na
hindi ginastos aytinatawag na impok(savings). Ito ang inilalagak sa
pamulihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang bangko,
kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market.
Ninanais ng bahay-kalakal na mapalago ang negosyo sa iba’t-ibang
panig ng bansa. Maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang
pinansiyal na capital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng
produksiyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng
pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na
kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hiniram na puhunan. Sinisingil ang
bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong natatamo sa paghiram ng
puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak ang negosyo nito.
Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging
kabayaran sa sambahayan. Kumikita ang sambahayan mula sa pag-iimpok.
Ito ay dahil nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga
bahay-kalakal.

5. Ikalimang Modelo – Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang


Panlabas
May kalakalang panlabas ang ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay
ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga
dayuhang ekonomiya. Ang bahay-kalakal ay nagluluwas (export) ng mga
produkto sa panlabas na sector samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat
(import) mula dito.

4. Ikaapa na Modelo – Ang Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansiyal,


Salik ng Produksiyon, Kalakal, at Paglilingkod
Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihaN. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita.
ACTIVITY #4: Tukuyin ang mga sumusunod na Modelo ng paikot na
daloy ng ekonomiya

ACTIVITY # 1: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang


sagot sa patlang.

1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa buong ekonomiya.


____________________________
2. Pinagmumulan ng salik ng produksiyon. ____________________
3. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa. _______________
4. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng
pondo._____________________________
5. Ang may kakayahang makalikha ng serbisyo at produkto na kailangan
ng sambahayan.______________________________

ACTIVITY # 2: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor sa


paikot na daloy ng ekonomiya.

Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng


Bahaging Ginagampanan
Ekonomiya

1. Sambahayan

2. Bahay-kalakal

3. Pamahalaan

4. Panlabas na sektor

ACTIVITY # 5 : Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa patlang.


ACTIVITY # 3: Ibigay ang nawawalang bahagi upang makumpleto ang
Dayagram ng paikot na Daloy ng Ekonomiya. 1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mamili, sa anong sektor mo
nais mapabilang: sambahayan, bahay kalakal, o pamahalaan? Bakit?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Sa iyong napiling sektor, paano ka makakatulong upang manatiling
balanse ang ekonomiya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

You might also like