EsP - Grade 8 (3rd Grading)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Iloilo
SINAMAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinamay, Alimodian, Iloilo
Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakato- Grade 8(3rd Grading)

I. Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin ang tanda ng isang taong nagpapasalamat?
a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang lumingon sa kanyang
pinanggalingan.
c. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kanyang mga pangarap.
d. Lagging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kanya, kahit bukal sa kanyang kalooban.
2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng salamat ngunit salat sa paggawa.
3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan.
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas
malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na reponsable sa pagsugpo sa bacteria ng katawan.
4. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na ano mang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyang ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ng kanilang
pangangailangan.
5. Ang sumusunod ay mga pakinabang ng dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao.
6. Ang sumusunod ay Gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
b. Pagtulong sa mga simpleng gawaing bahay.
c. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila ng may panustos ang mga
magulang.
d. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa
kanya.
7. Ang birtud ng pasasalamat ay Gawain ng:
a. kalooban b.isip c. damdamin d. konsensya
8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
b. Pagpapasalamat.
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo.
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya.
9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga mamamayan kung hindi makukuha ang sapat na serbisyo.
b. Ang hindi pagbibigay pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang.
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi sa tulong.
d. Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumutulong.
10. Ang susmusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamt, maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya.
b. Pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso.
c. Hindi pagkilala o pagbibigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan.
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad.
11. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng ________________.
a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan c. pagbibigay ng halaga sa isang tao
b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
12. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang
magpasakop”.
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipapakita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di-kailangang magpasakop
at sumunod.
13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Napagtitibay nito ang presensya ng pamilya. c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya. d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib
14. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga b agay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kung ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang proyekto at programa.
15. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kanya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula ng mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang
bata ay ________________________.
a. ang bata ay madaling makasususnod sa ipinag-uutos ng kanyang mga magulang.
b. Nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kabyang buhay.
c. Nagkakaroong ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda.
d. Kumikilos ayon sa mga ipinatutupad n auto ng kanyang mga magulang.
17. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Jay ang naging lider ng
kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay napababayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan.
Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng _________________________.
a. Katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod.
18. Nag-iisang itinaguyod ni Aling Fely ang kanyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanyang mga anak ng
siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito ng maayos. Subalit may
pagkakataoon ng nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapapatatag nila ang kanilang samahan
sa pamamagitan ng ______________________.
a. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses sa isang lingo.
b. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit anng cellphone/ email kung nasa malayong lugar.
c. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
d. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
19. Kilala ang pamilya ni Vangie sa pgabibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay
hindi nakatapos ng pag-aaral, sinikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay
kinakikitaan ng kasapi ng pamilya ng kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka
nito sa iaba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kanyang mga magulang, hindi nagiging
maganda ng reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong
sitwasyon?
a. ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kanyang marka. Nasa lahi nila ang
pagiging magaling, kailangan lang ng paalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos ng ayon sa mga
natuklasnag dahilan.
d. Isaalang-alang ng kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya ng kung ano siya ng
walang pagtatangi.
20. Maraming balita tungkol sa mga taong may autoridad anng kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat
nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkakaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapt ipaglaban. Gawin kung ano ang
inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may autoridada na nabubuhay nang
mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad at nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi
naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad ay siyang lumalabag dito.

II. Ipaliwanang ang sumusunod: (10 pts. Each)


1. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at pagsunod?
2. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
3. Ano para sa iyo ang pasasalamat?

You might also like