Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Antonio Gabriel L.

Olalia (ID: 193618) Marso 20, 2020


FILI 11 (Seksyon L) Sanaysay ng Paglalahad

Parasite: Isang Paglalahad ng Sanhi at Bunga ng Paghahangad sa Ginhawa

Sa lipunan ng taong pumupuri sa konseptong kapitalismo, hindi nakakagulat na

makakita ng mapanlinlang na taong gagamit ng mapanlokong paraan upang makamit ang

pansariling hangarin. Kahit noong unang panahon ayon sa pagtala ng biblyang Katoliko,

niloko ng mapanlinlang na Cain ang kapatid na si Abel sa pamamagitan ng pagpapakita ng

huwad na kabaitan. Napatay ni Cain ang mapagtiwalang si Abel gamit ang isang batong

kumakatawan sa makasariling pagnanasa tungo sa ginhawang makakamit mula sa lubos na

tiwala at grasya ni Bathala. Sa kaganapang ito, ang mapanlinlang na gawain ni Cain na

pinalubha ng kanyang pansariling kasakiman ang naging sanhi ng parusang hatol sa kanya ni

Bathala kung saan dito nagbunga ang pagpapalayas kay Cain tungo sa malungkot na buhay

ng isang ermitanyo. Sa lipunan ngayon, makikita pa rin na may mga taong sumasalamin sa

mapanlilang na Cain tulad ng pamilyang Kim mula sa pelikulang ​Parasite​. ​Sa pelikulang ito,

nakikita ang paggamit nila ng mapagbalat-kayong paraan upang mapasok ang mayamang

sambahayang Park upang makamit ang kanilang pansariling layunin dulot ng kanilang

masidhing kagustuhan sa kayamanan na magdadala ng ginhawa sa mahirap nilang buhay​.

Sa pelikula, makikita ang ugnayan ng dalawang magkasalungat na pamilya.

Ipinakilala ang pamilyang Kim bilang taong mahirap na naninirahan sa ilalim ng kalye sa

isang eskenita sa Korea na walang matatag na hanapbuhay. Ipinakilala naman ang pamilyang

Park bilang mga taong mas nakakaangat sa buhay at maluhong naninirahan sa isang malaking

kabahayan sa Korea. Sa unang bahagi ng pelikula, makikita ang matinding pagnanais ng

pamilyang Kim na makamit ang lubos na ginhawa sa buhay upang mapawi ang mahirap

nilang pamumuhay kung saan isasagawa nila ang kanilang intensyong pasukin ang

sambahayang Park. Sa mga pangyayaring sumunod, niloko ng pamilyang Kim ang pamilyang
Antonio Gabriel L. Olalia (ID: 193618) Marso 20, 2020
FILI 11 (Seksyon L) Sanaysay ng Paglalahad

Park tungo sa paglinkod ng mga batang Kim bilang kanilang pribadong guro at inagaw nila

ang pamumuhay at suweldo ng naunang tsuper at kasambahay. Sa kaganapang ito, makikita

ang mapanlinlang na gawain ng pamilyang Kim na sumibol sa kanilang makasariling

pagkatao tungo sa pansamantalang ginhawang makakamit mula sa hiram na yaman ng

pamilyang Park. Sa pagtatapos ng unang bahagi ng pelikula, makikita na nagmumula ang

mga mapanlinlang na paraan ng pamilyang Kim hindi lang sa kanilang pagnanais na umangat

mula sa kahirapan kung hindi mula rin sa kanilang lubos na kasakiman. Sa ikalawang naman

bahagi ng pelikula, mapagtatanto ng pamilyang Kim na ang kanilang desperado at

makasariling paghabol sa ginhawa ng buhay ang magiging pangunahing sanhi ng bubungang

trahedyang makakamit sa kanilang buhay. Sa trahedyang makakamit nila, madudurog ang

mga pangarap ng pamilyang Kim dahil sa lahat ng pandaraya nila sa kapwa nilang tao para

lang kumapit sa hiram na yaman ng pamilyang Park. Sa kanilang pagnakaw sa pamumuhay

ni ​Moon-gwang at pagtangging dinggin ang kanyang munting hiling para sa kanilang

mag-asawa, nakamit ng pamilyang Kim malubhang karma na humantong sa pagkamatay ni

Ki-jeong at pagtago ni Ki-taek dulot ng madugong kaguluhang dala ng asawa ni

Moon-gwang matapos siyang makawala mula sa silong ng bahay ng pamilyang Park.

Sa huli, maliliwanagan ang manonood ng pelikulang Parasite sa katotohanang

mayroong mapapalang trahedya ang paggamit ng mapanlinlang na paraan upang makamit

ang pansariling hangarin tungo sa ninanais na ginhawa sa buhay. Kung iisipin, ang mga

pangyayaring naganap sa desperadong paghabol at pagpapanatili ng pamilyang Kim sa

pansamantalang ginhawa mula sa hiram na yaman ng pamilyang Park ang naging isang

paglalahad ng sanhi at bunga ng kasakiman ng taong patuloy na tumatangkilik sa kapitalismo

bilang sentro ng kanyang buhay.

You might also like