Ang Larawan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Replek

tibong “ANG LARAWAN”

Sanay
Bago pa sumapit ang World War II, sa isang siyudad ng Maynila partikular na sa
Intramuros, binanggit na may kasunduan ang magkapatid na si Candida at Paula Marasigan, mga

say
anak ng isang kapita-pitagang pintor na si Don Lorenzo Marasigan.

Sa kadahilanang si Don Lorenzo ay hindi na nakagawa pang muli ng isang larawan sa


matagal na panahon, ang pamilya nito ay dumanas ng problema sa pinansyal. Ang dalawang
dalagang magkapatid ay nakabase na lamang sa kanilang mga kapatid na sina Manolo at Pepang
na di umano’y nagpupumilit na ibenta na ang kanilang lumang bahay.

Para magkaroon ng maliit na pantustos sa pangaraw- araw, ang magkapatid ay


tumanggap ng boarder, si Tony Javier. Pagkaraan ng maraming araw, si Don Lorenzo ay mas
pinili na lamang na manatili sa kanyang silid upang makaiwas sa mga tao.Sa isang sarling
pintang larawan, marami ang nagatubiling bilhin ito dahil sa napakaganda at misteryosong
mensahe nito na may hindi gaanong kagagandang mga kulay na mas lalo pang nagpahanga sa
ibang tao. Si Senator Perico, isang napakagaling at mahusay na manunulat ay nakiusap din na
ibahagi na lamang ito sa gobyerno at siamantalang si Tony na lagging nagkukumbinse sa
dalawang magkapatid sa mga amerikanong napabisita sa bansa.

Ang peikulang ito ni direktor Loi Arcenas ay nagningning sa mata ng bawat Pilipinong
manonood. Ipinakita rito kung gaano kagaling ang mga Pilipino dahil meron tayong mga
manunulat na kayang gumawa ng isang napakagandang istorya at iskrip. Sa panahon ngayon,
mahirap ng humanap ng inspirasyon sa paggawa ng isang pelikula. Ang mga aktor ay sobrang
ibinigay ang lahat ng kanilang husay sa pag-arte at maging sa pag-awit ng kanilang mga linya na
talaga namang nagdagdag ng kawilihan sa panonood ko.

Ang “Ang Larawan” ay ginising ang mga millennials na hikayatin ang mga kabataan na
mahumaling na magustuhan ang musiko.Ayon sa mga aktor, tinitignan pa lamang nila ang tunay
na mensahe ng pelikula ay mahahalina na ang bawat Pilipino na magiba ang pananaw nila sa
kultura natin dahil ibang iba talaga ang mga tradisyon natin kumpara sa iba. Mayroong mga
matututunan kung saan tayo nagmula, ang pagunawa sa ating nakaraan at ang historya, kung
paano mamuhay ang mga Pilipino noon at kung gaano kasarap ang mamuhay noon. Naipkita rin
dito ang pagmamahalan ng dalawang magkapatid na kahit ano mang bangayan ang mangyari,
kung talagang minamahal ninyo ang isa’t isa, mas pipiliin mo pa ring isipin ang kapakanan ng
ninyong dalawa dahil sa huli, kayo ay magkapamilya.

Para sa pangkalahatan, ang pelikulang ito ay napakaganda na para sa isang “history


film”.Binibigyan ko ito 9/10 na bahagdan dahil hindi mo lamang mamahalin ang buong istorya
kundi mapapansin mo din ang pagkaantig na sa tipong gusto mo pang ulitin kung hindi ka lang
talaga nagugutom sa mga oras na iyon. Mararamdaman mo ang tuwa at pagkasaya habang
nanonood sa mga karakter ng pelikulang ito. Ang “Ang Larawan” ay magiiwan ng impresyon na
gugustuhin mong ipagsapalaran ang lahat para sa iyong pamilya; at kahit masakit na mawala pa
ang kaisa-isang pamana sa inyo, kung nakikita mong masaya ang iyong pamilya, matututunan
mong ang pamilya, kahit anong mang mangyari, lagi silang nariyan para sa iyo kailanman at
walang anong materyal na bagay ang makakatumbas ng pagmamahalang meron kayo.

You might also like