Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

COLEGIO DE DAGUPAN

Arellano St., Dagupan City

www.cdd.edu.ph

MAC
ARTHUR

Ipinasa ni:
Kenneth Kayle C. Visperas
EEC-2

Ipinasa para kay:


Bb. Faye Joanne Logan
Suring basa sa akda ni Bob Ong na Mac Arthur

I. Tungkol sa may akda

Ang may akda ng libro ay kilala bilang si Bob Ong. Batay sa kanyang pagpapakilala sa
kanyang sarili sa kanyang librong ABNKKBSNPLAko?!, si Bob Ong ay ipinanganak sa lungsod
ng Quezon City dalawampu’t isang dekada at tatlumpu’t isang linggo matapos ang Palaris
Revolt. Siya’y naging student #3910256, teacher, writer, web developer at jay walker bago
naging webmaster ng bobongpinoy.com. Nakapagsulat na s’ya para sa iba’t ibang dyaryo,
magazine, website, at upuan ng bus. Nakatira s’ya ngayon sa isang bahay tatlong sakay mula sa
Quezon City Hall.

II. Buod

Takbo dito, takbo doon. Iyan ang lamang ang ginagawa nila sa tuwing sila’y nagnanakaw
para hindi makulong at magkaroon ng pera. Kahit masakiot na ang mga binto, sige lang sa
pagtakbo para lang hindi mahabol. Diyan umiikot ang kanilang mundo at ang solusyon sa kanila
problema sap era. Kapag nandiyan na ang mga paral, nilulunok na lamang nila ang mga alahas
na nakukuha nila at nilalabas ito sa pamamagaitan ng pagdumi. Pagnanakaw na ata ang nakikita
nilang solusyon para magkaroon ng pambili ng droga at ang paggamit ng droga ang kanilang
ginagamit upang panandaliang makalimot sa mga problema. Si Noel, ang anak ni Aling Sally at
ang kapatid ni Layla at Apple. Ninanakawan niya maging ang sarili niyang pamilya ngunit kapag
tinatanong ito, agad itong tatanggi kahit na halata naman na siya ang kumuha ng bagay na
hinahanap. Napilitang ikandado lahat ng mga aparador sa kanilang bahay at palitan ang mga
kandado ng kanilang mga pinto dahil pilit niyang binubuksan ang mga ito. Si Voltron, ang
lalaking may maumbok na dibdib, maliit na ulo at malalaking kamay at paa, hindi proporsyonal
ang katawan. Si Cyrus, anak ni Mang Justo, pinakabatang miyembro, may pinakamabilis na
kamay, matuling mga paa, pinakawais sa mga diskarte at ang pinakamadaming record sa pulisya
at si Jim, ang pinakamatanda sa kanilang grupo. May malaking katawan at maliit na utak. Silang
apat ang magkakaibigan at ang pangunahing tauhan ng akda. Mayroon silang iisang suliranin at
iisang solusyon na ginagawa. Binibenta nila ang mga nanakaw nilang mga gamit maging ang
gamit nila sa kanilang bahay. Ang pinakaayaw ni Noel ay ang pagbintangan siya na
magnanakaw na kung misan ay totoo kaya’t noong minsang sinabihan siya ng kapatid na si
Apple, nanginig ang kanyang laman at akmang sasaktan ang kanyang kapatid ngunit inawat siya
ng kanilang ina. Nagdulot iyon ng trauma kay Apple. Nakita ng kanilang ama ang mga nangyari
kung kaya’t nagdesisyon silang palayasin na lang siya. Tumuloy siya sa bahay nila Cyrus. Nang
minsang nagtangka sila na gumamit ng droga, nakita ni Noel na gising pa si Mang Justo at
kanyang napag alaman na ilang araw na pala itong sumusuka. Naisip ni Noel na dalhin sa
hospital si Mang Justo at napag alaman nila na may sakit ito sa kidney. Agad naming ginawan
ng solusyon ito ni Cyrus sa pamamagitan ng pagnanakaw. Isang araw, nalaman na lang nila na
namatay si Denver sa isang eskinita. Mabilis naman na nagpagaling si Mang Justo at naging mas
malapit sila ni Noel. Dumating ang isang araw na napatay ni Cyrus si kanyang sariling ama
marahil na rin sa epekto ng illegal na droga. Napagpasiyahan ni Noel na umuwi na lang sa
kanilang tahanan kahit walang kasiguraduhan kung ano ang mga mangyayari. Pumasok siya sa
loob ng kanilang bahay at nadatnan ang kanyang pamilya na nag aalmusal. Sa huli, tanggap parin
siya ng kanyang pamilya sa kabila ng kanyang mga kasalanan.

III. Kaugnayan ng akda at tauhan sa kasalukuyan.

Mahilig magsulat si Bob Ong ng mga akdang sumasalamin sa ating pagkaPilipino. Sino
mang makakabasa ng kanyang mga akda ay siguradong matatawa at makaka”relate” sa kanyang
mga sinasabi dahil natural ang pagkagamit niya ng mga salita na ginagamit din ng karaniwang
tao. Tunay nga na nag iba na ang ating mundo. Ibang iba na noong unang panahon. Kasabay nito
ang pagbabago ng mga pag uugali at kultura ng mga tao maging ng mga kabataan. Madami nang
uri ng kabataan sa panahon ngayon, May ilan pa namang dala-dala ang mga dating kaugalian na
responsable, masipag, walang bisyo, nag aaral ng mabuti at may pangarap sa buhay. Ang ilan
naman ay rebelde, tamad, may bisyo at walang patutunguhan ang buhay. May ilang mga
kabataan na swerte dahil ipinanganak sa may kayang pamilya at ang ilan naman ay namulat at
lumaki sa mahirap na pamilya. Saktong sakto sa istorya ng akda sa kasalukuyan dahil ito’y
totoong nangyayari sa totoong buhay lalo na sa mga kabataan.

IV. Ipaliwanag ang pamagat ng akda

Mahihinuha sa kwento na mayroong apat na magkakaibigang may ibat ibang


pinagdaraanan o suliraning kinakaharap ngunit iisa ang naiisip na solusyon. Sila ay natutong
magnakaw dahil sa hirap ng buhay at natuto rin silang gumamit ng illegal na droga para
panandaliang makalimot sa problema. Ang pamagat na Mac Arthur ay hango sa salitang sinabi ni
Douglas Mc Arthur na “I shall return”. Nakagawa man sila ng mga masasamang gawain,
bandang huli ay bumalik sila sa kanilang pamilya at humingi ng kapatawaran sa kanilang
pamilya sa kanilang nagawang kasalanan at doon nila napagtanto ang kahalagahan ng buhay at
ang pamilya mo ang aaalalay sayo kahit ano man ang mangyari.

V. Mensahe ng manunulat sa kanyang akda.

May mga ilang bagay lang akong napansing nais iparating ng may akda na si Bob Ong sa
kanyang akda. Isinulat niya ang kaniyang akda gamit ang mga salitang naiintindihan ng mga
mambabasa at siguradong mararamdaman nila. Ipinakita din niya ang mga sitwasyon at ang mga
suliranin na kinakaharap ng mga magkakaibigan. Isa pa sa mga dahilan o ang pinag ugatan ng
lahat ng ito ay ang kahirapan na kung saan napipilitang gumawa ng mga masasamang bagay ang
mga tao. Nariyan na ang paggamit ng illegal na droga at ang pagnanakaw. Ipinakita din niya ang
mga epekto sa tao ng kahirapan at ang mga magiging resulta ng bawat desisyong gagawin, tama
man ito o mali. Ipinakita din niya kung ano ang mga dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga
Gawain marahil dahil narin sa kanilang mga personal na problema. Hindi lahat ng nagnanakaw
ay gagamitin ang nanakaw sa masamng bagay tulad na lamang ng problema ni Jim at ni Noel.

VI. Repleksyon

Hindi maikakaila na ang kahirapan ang pinakamalaking dahilan ng mga magkakaibigan


kung bakit sila nagnanakaw at kung bakit sila gumagamit ng droga. Hindi din pagnanakaw ang
solusyon upang magkaroon gn pera hindi solusyon ang paggamit ng droga para makalimot sa
problema. Ang problema, ginagawan ng solusyon at hindi sinosolusyonan ng isa pang problema.
Napagtanto ko rin na tunay ngang hindi mawawala ang pagmamahal ng isang magulang sa
kanyang anak anuman ang mga naging kasalanan nito. Iiwanan ka na ng lahat ngunit hindi ng
iyong pamilya. Kahit saan ka magpunta, uuwi at uuwi ka sa iyong tahanan kasama ang iyong
pamilya at sila ang iyong karamay. Ang buhay maiksi lang para igugol sa mga bagay na hindi
mahalaga. Bagkus ay bigyang pansin o halaga ang mga taong binibigyan ka ng halaga at
minamahal ka.

You might also like