“Upang magtagumpay, kailagan muna nating paniwalaan na
kaya nating magtagumpay”, wika ni Nikos Kazantzakis. BUnga
ng pag-iibigan ng mga magulang ko na si Albert O. Compra at si Jennifer C. Compra, ako ay isinilang sa mundong ito, at ang kamay nina Mama at Papa ay ang aking ilaw.
Mula noon, hanggang ngayon, hindi nagkukulang ang kanilang
pagmamahal sa akin at sa dalawa kong kapatid, sina Patricia May C. Compra at si Patrick Albert C. Compra. Pantay-pantay ang kanilang pagtingin sa aming talong magkakapatid. Walang kulang, walang sobra.
Isang araw, hindi namin inaasahang ang lola ko ay
magkasakit. Kinailangan niyang pumunta ng dalawang beses sa isang linggo at gamitin ang mga makina sa Dialysis Clinic upang ang kanyang buhay niya’y tatagal pa. Ang gastos namin tuwing session ay 5000 pesos. Dahil dito, kami ay naghihirap. Ang Budget namin, ang mga gastusin ay mas maliit kesa sa dati.
Ngunit sa kabila ng paghihirap na ito ay hindi sumusuko ang
mga magulang ko, patuloy pa rin kami sa pag-aaral at sinusuportahan kami sa mga bilihin para sa mga proyekto na ibinigay ng paaralan.
Sa kabutihang palad, naka pag-apply ang mga magulang ko sa
FJC, “Father John Clifford” Scholarship, at ako ay natanggap. Napaisip ako na ginagawa ng mga magulang ko ang kanilang dapat gawin, kayadapat din akong magsisikap.
Nagkaroon ako ng inspirasyon. Araw-araw, gabi-gabi, ako ay
nag-aaral ng mga aralin ko. Minsan, ako ay nagpupuyat upang makagawa ng mga proyekto na hinihingi ng guro. Naging matiyaga ako at hindi ko akalang nagbunga ito.
Naging consistent achiver ako. Nakita ko ang ngiti ng mukha
ng mga magulang at ito ang pinaka magandang tanawin sa buong mundo. Aral: Ang pagiging matiyaga ay isang daan upang magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Ang kahirapan ay hindi ang tanging rason upang ikaw ay sumuko, ito ay nagsisilbing inspirasyon upang magtagumpay at maabot ang pangarap mo sa buhay
Tiyaga at Bukas Ipinasa kay : Mrs. Rosell Ipinasa ni : Pat Anthony C. Compra