Professional Documents
Culture Documents
Filipino Book
Filipino Book
Filipino Book
May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:
1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng
pamahalaang bayan;
2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;
3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;
4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag
na cedula;
5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila
upang mapadali ang pagdinig ng mga kaso;
6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na
Mangangasiwa sa mga pamahalaang panlalawigan.
Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang
at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-
aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central
de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang
Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay).
Julia
Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong
gulang na si Julia sa isang ilog sa Los Baños noong
siya’y labinlimang taong gulang pa lamang. Sabay
silang nanguha noon ng paru-paro sa tabing-ilog at
doo’y pinagsaluhan nila ang kaunting panahon ng saya
at tuwa. Ang pakiramdam na ito’y naging panandalian
lamang; isa lamang matamis na pagtatangi ng isang
binatilyo sa isang dalagita ang naganap sa kanilang
pagsasama. Ayon sa tala, hindi pa tuluyang nahulog
ang puso ni Pepe kay Julia nang mga panahong ito. Sa
wikang Ingles, maaaring ito’y infatuation pa lamang.
Segunda Katigbak
Mula naman sa Lipa, Batangas si Segunda
Katigbak na noon ay labing-apat na taong gulang
nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes at Linggo
bumibisita noon si Rizal sa Colegio de la Concordia
kung saan namamalagi ang kapatid niyang si
Olympia at si Segunda. Sa panahong ito, tuluyan
nang nahulog ang loob ni Rizal kay Segunda. Ngunit
sa kabila nito, pagkasawi muli sa pag-ibig ang
naranasan ni Rizal. Si Segunda ay nakatakda nang
ikasal kay Manuel Luz kahit na hindi ito nais ni
Segunda. Hindi nagawang ipagtapat ni Rizal ang
kanyang pag-ibig para kay Segunda. Tila baga siya’y nawalan ng tapang at lakas
ng loob noong mga panahong iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala si
Segunda Katigbak.
Binibining L.
Isang misteryosang dilag naman itong si Binibining L. Hindi malaman ng
mga historyador kung ano ang ibig sabihin ng L sa pangalan ng dilag na ito.
Pagkatapos ng pagkasawi kay Segunda, ibinaling ni Rizal ang kanyang atensyon
sa dalagang ito. Dalawang magkasunod na gabi bumisita itong si Rizal kay Bb.
L. dahil na rin sa nadama niyang sakit sa piling ni Segunda. Ngunit maagang
natapos ang pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin ng kanyang ama.
Leonor Valenzuela
Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o
Orang Valenzuela noong siya’y nag-aaral pa sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan
ni Rizal ang bahay ng mga Valenzuela at palagi
silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan doon.
Unti-unting nahulog ang loob ni Orang kay Rizal dahil
sa angking talino ni Jose. Binibigyan ni Rizal si Orang
noon ng mga liham na nakasulat sa tintang
maaaninag lamang kung itatapat sa lampara. Ngunit
para kay Rizal, higit na mainam kung ituring niya
lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya itong kasintahan. Ang desisyong
ito ay bunsod na rin ng espesiyal na pagtangi ni Rizal sa isa pang Leonor, si
Leonor Rivera.
Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal
itong si Leonor. May mga nagsasabi ring sila ay
malayong magpinsan. Magkagayunman, noong
mga bata pa sila ay hindi gaanong napapansin ni
Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga ang dilag,
napansin ni Rizal na unti-unti nang bumubulaklak
ang dati’y tila kampupot lamang na si Leonor. Nang
nagkakamabutihan na ang dalawa,
napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay
Leonor Rivera upang makatakas sa mga matang
maaaring kumondena sa kanilang dalawa. Nang
mga panahong ito, unti-unting umusbong si Rizal
bilang manunulat at nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay Leonor ang
kanyang pag-alis patungong Europa, na lubha namang ikinasakit ng damdamin
ng dalaga. Kung noong una’y suportado ng mga magulang ni Leonor ang pag-
iibigan ng dalawa, bigla nila itong tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero
ng binata ng mga panahong iyon. Marami pa ang naganap na nagbunsod sa
masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa pagharang ng mga magulang ni
Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga, ipinagpalagay ni Leonor na
kinalimutan na siya ni Rizal – na siyang nagtulak kay Leonor upang magpakasal
sa isang Ingles na pinili ng kanyang mga magulang, si Henry Kipping. Tumagal
ang relasyon nina Rizal at Leonor Rivera nang 11 taon.
Usui Seiko
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon
patungong Europa noong 1888, kanyang nakilala si
Usui Seiko, 23 taong gulang. O-Sei-San ang tawag
ni Rizal sa kanya. Mula si O-Sei-San sa pamilya ng
mga samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal si O-
Sei-San dahil sa magandang trabahong inilaan sa
kanya roon. Ngunit nanaig ang damdaming
makabayan ni Rizal kaya’t hindi na ito
naisakatuparan.
Gertrude Beckett
Nang makarating si Rizal sa London, namalagi
siya sa tahanan ni Charles Beckett. Si Gertrude o
‘Gettie’ ang panganay na anak ni Charles. Tuwing
umaga, bilang kaugalian na ng mga Ingles, hinahatiran
ni Gettie si Rizal ng kanyang almusal. At dahil nga sa
angking kakaibang karisma ni Rizal, nahulog ang loob
ni Gettie kay Rizal. Ngunit kagaya ng nangyari sa
kanilang ugnayan ni Consuelo, higit na pinili ni Rizal
ang sariling bayan at si Leonor.
Nelly Boustead
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa
Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon ni Rizal kay
Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi pumayag si
Rizal sa pakiusap ni Nelly na maging isang
Protestante. Hindi rin nais ng ina ni Nelly na
magkaroon ng manugang na doktor na hindi
binabayaran ng sapat ng kanyang mga kliyente.
Naghiwalay ang dalawa ngunit nanatili pa rin ang
kanilang pagkakaibigan.
Suzanne Jacoby
Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal
noong 1889 dahil sa maluhong pamumuhay sa Paris.
Namalagi siya sa tahanan ng dalawang magkapatid
na sina Marie at Suzanne Jacoby. At katulad dati,
nahulog ang loob ni Suzanne sa kanya. Ngunit noong
Hulyo 1890, umalis si Rizal patungong Madrid at
naiwan si Suzanne na nagdadalamhati.
Josephine Bracken
Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang
dalhin ng una ang kinilalang ama kay Rizal upang
ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula
ang kanilang malalim na pagtitinginan. Bagaman
tutol ang kinilalang ama, hindi nagawang pigilan ng
tadhana ang pag-iibigan nina Josephine at Rizal.
Marami ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay
Rizal. May mga nagsasabing kasabwat siya ng mga
prayleng noon ay kalaban ni Rizal. Hindi rin naging
maluwat para sa ibang kapatid ni Rizal ang kanilang
relasyon dahil hindi raw kapantay ni Josephine ang
katalinuhan ni Rizal. Isang hindi magandang
pangyayari ang naganap noong katapusan ng 1895 - nalaglag ang dinadalang
anak ni Josephine. Bunsod nito, nagpasya na lamang sina Rizal at Josephine na
mag-ampon ng batang babaeng nagngangalang Maria Luisa, na kaagad naman
nilang ibinalik sa mga tunay nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-
hulihang babae sa buhay ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa
Bagumbayan.
Malaki ang papel ng mga akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa pagmulat ng
kamalayan ng mga Pilipino noon. Kilala si Rizal sa kanyang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo, ngunit mula pagkabata, marami na siyang
naisulat na mga tula, liham, at sanaysay na naging inspirasyon ng mga Pilipino
para simulan ang rebolusyon at labanan ang pagmamalupit ng mga banyaga.
Narito ang ilan sa mga akda ni Rizal:
Ito ang aklat (kwaderno) kung saan tinipon ni Rizal ang alaala ng
kanyang pinagdaanang buhay gamit ang sigasig na P. Jacinto (sa
katapusan, pinirma rin ang pangalan).
Sa Kabataang Pilipino
Sa naglalagalab na lunan ay
Mga kabataan, noo ay itaas, masdan,
Huwag ikahiya lupaing marilag, Sa gitna ng likhang aninong
bayang sumilay maayang liwanag sasayaw,
At nang pag-asa ng bayan koy liyag. Handog ng Kastila sa lupa kong
Halina, ikaw na dakilang talining, hirang
sa iyong pagtupad sigliwa ay dalhin; Tanging ang koronang maningning,
Bayaang sa lakas ng kamay’t makinang
damdamin, Sa basbas ng krus at banal na
Daing ang mabilis ng ragasang kamay.
hangin
Itaas ang diwa sa ikagigiting. Kayo, Kabataang handang
umimbog,
At taglayin pa rin sa inyong Sa bagwis at pakpak ng mayamang
pananabik loob,
Silahis ng sining, agham na marikit; Sa Olimpog langit hanap ang
Sa gayo’y kadenang dusa at sakit alindog,
Inyong malalago, kabataang ibig, Na mga awiting sakdalan nang
At lalaya noon kaluluwa sa hapis. lamyos
At anaki’y ulang mahinhin ang
sutsot.
A Las Flores Heidelberg - tulang isinulat ni Rizal noong Abril 22, 1886.
Ang mga bulaklak na nasa Heidelberg ay nagpapahiwatig ng kapayapaan,
pag-ibig, at karangalan na nais ibigay ni Rizal sa atin. Ito ay isang
napakagandang tula na isinulat ni Rizal dahil sa matinding lungkot na
nadama niya sa pagtira sa ibang bansa.nagpapahiwatig ng pananabik sa
sariling bayan.
Maghunos dili nga tayo, at imulat natin ang mata, lalung-lalo na kayong mga
babae, sapagkat kayo ang nagbukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina
ay iba sa inang lalang ng Fraile; dapat palakihin ang anak na malapit baga sa
larawan ng tunay na Dios, Dios na di nasusuluhan, Dios na hindi sakim sa salapi,
gigisingin at ihahanda ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akala,
pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag nap ag-iisip, malinis
na asal, maginoong kilos, pag-ibig sa kapwa at pagpipitagan sa Maykapal, ito
ang ituro sa anak. Dios na di tumataba sa dugo ng mahirap, na di nagsasaya sa
daing ng naruruhagi at nambubulag ng matalinong isip. Dios na ama ng lahat, na
walang kinikilingan, at dahil ang buhay ay puno ng pighati’t sakuna, patibayin
ang loob sa anumang hirap, patapangin ang puso sa anumang panganib. Huwag
mag-antay ang bayan ng puri at ginhawa samantalang liko ang pagpapalaki sa
bata, samantalang lugami at mangmang ang babaing magpalaki ng anak.
Walang maiinom sa loob ng mapait na bukal; walang matamis na bunga sa
punlang maasim.
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak
ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong
taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang
kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-talunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo
ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat
umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan
Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring
Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya
ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at
pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan
Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na
pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang
ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang
kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat
siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang
nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa
bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng
ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na
habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng
mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara.
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya
ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok,
at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na
sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa
gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing
niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may
biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan
niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria
Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago
harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang
kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami
siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi
tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan
na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako
ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga
ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad
na kalabaw.
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay
na lamang na sumakay si Maria. Biglang dumating si Padre
Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa
isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at
palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng
simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarbaya
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit
na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang
alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na
palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng
libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa
sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at
dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan
ang gayong tanawin.
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si
Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi
nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang
tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero
na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa
lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan,
pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito
para sa anak ay maging isang pari.
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila
sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00
kada buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa
simbahan. Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng
lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at
palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio
at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya
ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang
kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit
naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa
tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang
tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong
ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at
pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng
alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin
ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi
gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga
bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang
guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon
ang labi ni Don Rafael.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan
at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.
May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.
Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo
pa ang mga paghahanda sa pyesta.
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding
bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya
ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-
iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng
mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na
siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na
papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa
San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang
pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa
bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng
isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya
sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya
ang kura.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na
sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya
silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni
Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito
sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang
kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang
liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe
at nagpahatid sa piknikan.
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang
Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat
nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa
sandaling iwan ng simbahan.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na
bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa
Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa
mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga
banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o
mayamanupang masiyahan sila sa pista.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan
Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa
ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang
mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na
diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang
kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang
tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na
interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng
pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad
sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring
pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at
mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga
hiyas na itinatago nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula
ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng
matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga
nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na
makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong
makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga
tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250,
ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob
ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang
bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno
ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy
sa langit.
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa
wikang kastila at Tagalog. Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas
ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil
sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa
kanyang sariling sermon.
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq
tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas
naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim
nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay
nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din
niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako
ito ay mayroong kaaway.
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay
ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na
lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol
sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari
Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay
madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi
matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata
na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa
kanyang ama.
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa
hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay
ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni
Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na
makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon
sa binata.
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni
Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng
pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito,
nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-
Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga
batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga
binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang
naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan
Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay
ng kapitan.
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion
ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano
hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng
alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang
amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa
sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa
kay Maria Clara.
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga
kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa
mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang
unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang
bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya
ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan
nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok
ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-
bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang
kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta
niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si
Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat
nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya
sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra
ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de
Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging
kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na
si Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang
Orofea.
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya
ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares
ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso
madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay
tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa
pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng
kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang
mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay
nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa
Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na
inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya
nilabnot ang pustiso ng asawa.
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad
na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat,
may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na
hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang
na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa
matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang
pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa
San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan
Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang
sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga
pumupusta.
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay
naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang
malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa
tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.
Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo
hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya
ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng
Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang
pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang
hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-
pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don
Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na
nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi
pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na
parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya
dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay
ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi
nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si
Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng
mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60
taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de
libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang
asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang
gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay
maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan.
Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo
sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka
pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan
para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng
kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi
nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang
kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay
hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang
buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham
mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang
Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman
kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si
Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala.
Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa
libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng
pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat
nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni
Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na
nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno
ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang
kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni
Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa
pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang
tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia
at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra
na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa,
ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing
lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang
kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-
walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa
kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang
pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin.
Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang
magdasal.
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan
ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-
maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at
inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga
iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay
nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad
noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na
si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit,
iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo
ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na
si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay
Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong
walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya.
Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si
Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso
ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-
iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang
baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero pinagbawalan
sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito
ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating
at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang
nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang
lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan.
Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas
na nagiging pilibustero. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa
Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak
ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa
naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit
daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa
binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na
loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na
tao.
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si
Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang
mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria
tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita
niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging
manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga
tao.
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang
salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng
ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa
pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa
Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok
ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng
kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si
Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa
itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero,
hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya
dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain
ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang
kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra
walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay
na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang
kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria
ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya.
Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang
walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin
nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog
sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi
katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit
ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang
nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan
ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si
Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman
nananakit ng kapwa.Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan.
Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang
landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina,
umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa
durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni
Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio
ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre
Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob.
Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang
pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng
Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na
rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman
bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay
dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng
husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman.
Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na
lamang mabuhay mag-isa.
PAGSUSURI:
Mga Akda
La Hija Del Fraile (Ang Anak ng Prayle) – isang nobela natungkol sa
pagmamataas ng mga prayle. Inilahad nito ang mga kahihinatnan ng
nakatali sa kasal sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino.
Fray Botod – isang maikling nobela kung saan ay inihalintulad ang mga
prayle sa isang payat na lamok na nang dumating sa Pilipinas ay tumaba
sa kakain ng mga papaya't saging. Ang akdang ito ay isang satire na
tumutuligsa sa moralidad, kamangmangan, kayabangan at
pagmamalabis ng mga prayle.
Paglalarawan
Ang Pari Botod ay di niya pangalan o apelyido. Ang kahulugan ng Botod
ay malaking tiyan at ito ang tinataguri sa kanya ng tao. Ang ngalang binyagan
niya ay Ana dahil sa ipinamganak siya sa Kapistahan ni Santa Ana – ina ng
mahal na Birhen. Nais pa niyang tawaging Fray Botod kaysa Pari Ana.
Siya ay taga-Aragon at ang mga magulang niya ay di niya kilala. Siya ay
natagpuan ng isang mangingisda sa ilog ng Ebro malapit sa simbahan ng Our
Lady of Pillar – nang sumapit sa ika-14 na taon tumakas at nagpunta sa
Villadolid sa kumbento ng mga Agustino.
Siya ay 21, nang maatasang magtungo sa Pilipinas at isa pa rin sa mga
ugali niya ay ang pagiging magaslaw. Siya ay nag-anyong mahiyain ngunit
pagkaraan ng ilang taong pagkain ng saging, papaya at pagkatapos na maging
paroko sa bayan nila ay naging mapagmalaki na at napakayaman. Malaking tao
na siya ngayon, di kapani-paniwala. Pandak, bilugang mukha na parang buwan,
bilugang pisngi, makapal na labi, maliit na mga mata, mapulang ilong, na malaki
ang butas na kay daling makaamoy. Mamula-mulang buhok, bilugan ang ulo
tulad ng baso ng niyog. Kunot ang noo at matalas tumingin. Napakalaking tiyang
nakausli. Maikli ang leeg – iyan si Padre Botod.
Ang buong katauhan ay kuha kay Don Quijote at katawa-tawang si
Sancho Laza.
Pag-uugali
Mas matakaw kaysa Heliogabalus, usurero, masahol sa hudyong
nagpapahiram ng pera, mahilig sa babae katulad ng isang sultan. Sa katapusan,
ibig din niya ng magagarang regalo.
Sa pagbubuo – kung ilalarawan siya si Zola, ay humigit kumulang sa mga
sumusunod:
Si Padre Botod ay patabaing baboy na kumakain, umiinom, natutulog at
walang iniisip kundi ang malamang (apetite) sarap.
Ayan, lumabas na naman na may kasunod na batang babaing umiiyak.
Nilalambing siya ni Padre Botod, dinadamayan. Ang paghikbi ay
napipigilan ng takot at sumusunod siya ayon sa ipinag-uutos ng prayle.
Maraming kabataang babae na magaganda at may magagarang
pananamit ang nakakasama niya, sila'y lalabas at kakain sa labas ng bayan. Sila
ang mga canding – canding she kids, bataan o bata iyan.
Silay tinatawag na bataan – galing sa mahihirap na pamilya at
pinangakuang papag-aralin, tuturuan ng Doctrina Cristiana at catesismo,
magbasa, sumulat at mga bagay na makapagpahintulot sa mga magulang.
Maaring ito'y sapilitan o lubos na pagbibigay.
Wala bang gurong babae rito?
Mayroon, ngunit kaisa ni Padre Botod.
Itinulad ang mga babae sa mananayaw na taga-India.
Isa sa kanilang diyosa at nakipagtalik sa isang mortal na naakit sa mga
awitin niya. Nanganak ng isang babae na di maaaring mabuhay sa langit dahil sa
ama kaya ibinigay sa mga Brahman na siyang nagpaaral sa kanya sa loob ng
pagoda at nagsasayaw sa harap ng Diyosa.
Sa kanyang pag-ibig ay nagkaroon siya ng 7 anak na babae na
mananayaw sa templo at 3 lalaki na naging musikero.
Ang mga mananayaw ay di nagpakasal, naglilingkod lamang sila sa mga
Diyosa. Itinutulad ang mga mananayaw sa mga canding-canding. May
nagkakagulo at nang tingnan nila ay 5 batang lalaki ang ibig bumugbog kay Fr.
Botod. Mabuti ngunit kaawa-awa sila sapagkat mapupunta lang sila sa
bilangguan.
Magbabayad kaya balang araw.
Bumaba ka, duwag, baboy, malaswa. Bumaba ka at magbuntalan tayo.
Tumakbo siya sa kumbento at noong hapon ay natakot siya at nagkaroon ng
pananakit ng tiyan. Di siya nakatulog nang magdamag. Madaling araw pa ay
nagpunta na siya sa Kapitolyo at nagsumbong tungkol sa pag-aaklas, ngunit di
binganggit ang katotohanan ng mga pangyayari.
Sinermunan pa ang mga magulang tungkol sa pagdadala ng anak sa
Maynila.
Paano niya inaaliw ang sarili?
Halos araw-araw ay nagsusugal siya maliban kung araw ng linggo pagkat
nagsasabong siya.
Kung siya'y naglalaro at may mangungumpisal na mamamatay na ay
itinataboy niya ang kumakaon at sinasabing magdasal na lamang ng
“Sumasampalataya” at doon na niya ibibigay ang kanyang bendisyon.
Nang mamatay ang taong yaon:
Humiling ng 3 ang pari.
Tama na ang isa na lang at ang bayad ay ₱150 segunda klase. Hinanap
ng tao si Pari Marcelino at sa kanyaraw ay ₱50-tatlong pari pa. Wala ponh pera
ang namatayan.
Magdelihensiya kayo kundi ay di malilibing iyan.
Naglasing si Padre Marcelino nang malaman ito at nang ibalita sa kanya
ito ay ipinasara ang kumbento.
Baba ka riyan Botod kung talagang matapang ka, nakakahiyang pari, ulol,
baba ka at pipilipiton ko ang leeg mo. Wala kang kahihiyan!
Nanahimik si Pari Botod at pagkatapos ng 3 araw ay ipinatawag niya sa
obispo si Pari Marcelino at ipinakulong sa seminaryo.
Paano nagpipista ng patron sa bayan?
Ipasasabi biya sa sakristan na sabihin sa mga mamamayang ginang na
magbigay ng iba't ibang pagkain para sa bisita niya. Ang kanyang paroko ay
gagasta ng marangya sa pista.
Paano siya napapakalakal?
Isa siyang userero.
Pag humihiram ng 300 ay di lamang niya pababayaran ng 600 kundi
bibilhin niya ang palay ng mura at ipagbibili niya nang mahal kapag tag-araw.
Gigipitin niya ang magsasaka.
Sasabihin pa nang lahat para sa mahal na birhen.
Paano siya nagiging pulitiko?
Masahol pa siya sa Canovas o Lagasta.
Pag may pupunta para mag-ayos ng daan – sasabihin niya na gawin
muna ang kusina ng simbahan niya.
Paano siya nagsisinungaling?
Mayaman kami sa Espanya – lumalayo kami sa pinto.
Pumupunta kami rito para maging sibilisado ang mga Indio.
Ayaw niyang ipaturo ang Kastila. Baka labanan daw siya ng mga Indio.
Paano siya kumain?
Sa umaga, malaking tasang tsokolate – 4 na hiwang bibingkang kanin.
Sa tanghali alak – 15 duke.
Siesta – lagi siyang may syesta sa tanghali.
Kuwarto – Paglalarawan
Resurreccion ni Hidalgo
Asawa ni Putifar (halfnude)
Kama – yari sa kamagong – Greco Romano – Tsina
Kama – may seldong jusi
Larawan nakakaaliw
May malalaki at malalambot na unan sa tabi. Sa tabi, may mesang marble
na may sinturon at pangkamot na maabot ng kamay.
Ang sinturon ay pamalo sa mga kabataang babae na matigas ang ulo o
lumalaban.
I. INTRODUKSYON
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896),
kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon
ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay
Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong
1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La
Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang
“Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.
II. TALAMBUHAY
Isa itong nobela kung saan ipinahayag ni Marcelo H. del Pilar ang
kahalagahan ng kalayaan. Nag-lalaman ito ng mga huling habilin sa
mamamayang Pilipino tungkol sa kalayaan na buot nyang ipabatid.
Ang tauo ang hindi gayon. Sakaling gawin sa ibabaw ng lupa, mabuti o
masama ay talo ng kasunod ang karapatan ang karapatan o kasalanan;
ang gauang mabuti ay ikanararapat sa Dios at sa sariling concensia; ang
gauang masama ay ikinasasawi at dahil dito’y bumubukal pala sa ating
pusi ang kahihiyan, isang pighating sumisisi sa sarili, palibhasa’y nasa
kamay natin ang kalayaang sukat ikailag sa ikasasawi.
Linikha ng Dios and tauo, sinankapan niya ang isip at loob at kalakip ang
buhay na ipinagkaloob sa kanya ang ganap na kalayaan.
Dupluhan
Palatuntunan
Ang Tanda
“Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming
Fraile, sa manga bangkay namin, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte,
at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.“
Pagsisisi
“Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at
sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa
ko sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic
kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling
mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla
nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa
ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa
akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na pasyion at pangangalakal
mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.”
III.VII.I PAGSUSURI
Ito’y isang akdang nakakatawa dahil ipinapakita dito kung paano sobrang
kaiba o kabaliktaran ang ginagawi ng mga prayle noon sa kanilang mga sinasabi
sa mga Pilipino. Kitang-kita dito ang matinding kabalintunaan ng pagiging “banal”
ng mga prayle noon sa Pilipinas. Subalit sa isang banda, nakakalungkot din ang
akda at kung mababasa mo ito’t ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayang
panlipunan noon sa Pilipinas, masasabi mong nakakapukaw ito ng isipan at
damdaming mapanghimagsik dahil binigyang diin sa akdang ito ang mga
panlilinlang at pagsasamantalang ginagawa noon ng mga prayle sa mga Pilipino.
Kung dati ay naisulat ni Del pilar ang mga parody na ito dahil sa mga di
kanais-nais na karanasan niya sa mga prayle noon, sa kasalukuyang panahon,
nagkaroon ito ng mga bagong bersyon na nagpapatungkol naman sa katiwalian
at pagkadismaya ng mga mamamayan sa mga pangulong nanunungkulan sa
Pilipinas.
III.IX.I PAGSUSURI
Ang akdang ito ay kinikilala din sa tawag na Pasyong Genesis. Sa tulang ito,
gumamit si Del Pilar ng mga taktiks na siya ding ginamit ng mga misyonaryong
dumayo dito sa Pilipinas noong ika-16 na siglo. Ang unang walong taludtod ay
inialay ni Del Pilar sa mga prayle dahil sa pagkakatugma ng kanilang mga
karumal-dumal na pinaggagawa sa mga karakter na may mga hindi kapata-
patawad na kalasanan sa akdang Pasyon. Ang huling walong taludtod ay bilang
pambukas-mata sa mga prayle para sa kaapihang naidudulot nila sa mga
mamamayang Pilipino. Sa makatuwid, ang tulang ito ay nagsilbing protesto laban
sa pamumuno noong panahon ng kolonyalismo dito sa Pilipinas.
III.X.I PAGSUSURI
Ang tulang “Sagot Nang Espanya sa Hibik Nang Filipinas” ay masasabi nating
isang mahabang pagtuligsa sa pang-aabuso ng mga prayle at Kastila sa mga
Pilipino noong mga kapanahunan ni Marcelo H. del Pilar. Kilala naman natin si
del Pilar bilang isang magaling na abogado, ,manunulat at naging patnugot din
siya ng pahayagan ng mga propagandista noon, ang La Solidaridad. At dahil
likas sa kanya ang angking talino sa iba’t ibang larangan, naging mahusay siya
sa panunudyo o panunuya sa kasamaan ng mga prayle sa Pilipinas.
Bilang isang persona ng Inang Espanya, inilahad naman ni del Pilar ang
kasaysayan ng Pilipinas mula taludtod 3-8, ang pagdating ng iba’t ibang lahi ng
mga tao mula taludtod 9-10, hanggang sa pananakop ng mga Kastila na
ipinalalagay ni del Pilar isang pagtupad sa itinakda ng Diyos sa taludtod 12.