Professional Documents
Culture Documents
Confil Report
Confil Report
Confil Report
ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?”
Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang Filipino?”
Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o
gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang
pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating
wika at kultura.
Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-
aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-
aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag
ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa
maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin,
at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan
dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay
sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?
Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman
kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay.
Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na
matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa
kanyang pakikipagtalastasan sa iba.
Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan
sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong
paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit
niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa
oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi
naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili
Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa
kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral,
naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO
naman siya ng kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo
niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa
simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang
ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng
manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting
pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa
kanya.
Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga
Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng
Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang
magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila
rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat
lamang na matutuhan nila ito.
Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at di-dayuhan,
ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang
bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak,
isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan
at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang — isang simbolo. Nangangailangan ng
kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan kaysa
sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang kabuluhan kung wala roon ang
damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga palatandaan ay maaaring
palitan, gawing makabago kung kailangan. Sa papel na ito, inihambing ang kaso ng
Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya sa kaso ng
Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay nagbibigay sa atin ng isang kakaibang
larawan upang muling suriin ang wika bilang mahalagang bahagi ng pagbubuo ng ating
kakanyahan.
Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na
ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay "dapat magtaglay ng wikang sinasalita
at nauunawaan ng lahat".
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang batas komonwelt blg.570 noong 7 hunyo 1940 na kunikilala sa
Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapiy ng 4 hulyo 1946.
Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na
ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay "dapat magtaglay ng wikang sinasalita
at nauunawaan ng lahat".
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang batas komonwelt blg.570 noong 7 hunyo 1940 na kunikilala sa
Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapiy ng 4 hulyo 1946.
Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na
ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay "dapat magtaglay ng wikang sinasalita
at nauunawaan ng lahat".
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang batas komonwelt blg.570 noong 7 hunyo 1940 na kunikilala sa
Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapiy ng 4 hulyo 1946.
Napakahalaga sa isang bansa na tulad natin na isang kapuluan at bawat rehiyon ay may ibat-ibang wikang
sinasalita na mayroong wikang pambansa, na bahagi ng ating kurikulum upang mapagkaisa ang bawat
mamamayan. Kung tutuusin ang wika ang nagbubuklod upang magkaisa ang bawat mamamayan. Pansinin
natin ang maraming bansa sa mundo na iisa ang wika at bahagi ng kanilang kurikulum sila’y pawang
mauunlad. Ang Japan na gumagamit ng Niponggo, Ang Estados Unidos, Canada at Britanya sa wikang
Ingles, Germany sa wikang German, France sa French, China sa lengguwaheng Fokien at Mandarin, Spain sa
wikang Spanish at iba pang bansa. Nagpapatunay lamang ito na kung nagmamahal tayo sa sariling atin,
makakamit din natin ang kaunlaran sa hinaharap.
Posisyong Papel
Kahulugan - Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang
isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga
posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo. Nagbibigay daan ang mga
posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang
eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat.
Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang
ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Layunin at Gamit - Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng
kamalian na hindi tanggap ng karamihan.