Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Mataas na Paaralang

Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Pananaw ng Baitang-10 Pangkat STEP Sylianco tungkol sa pag-

aaral ng El Filibusterismo

nina:

Caunan, Andrei John Hendrick M.

Malucong, Jayson H.

Mendoza, Karlo Mateo C.

Mendoza, Mark Cedrick V.

Punongbayan, Carlos Miguel V.

Salanguit, Ron Riley Val S.

Ramos, Prince George B.

Venzon, Jairus M.

Verroya, Patrick James G.

Caguimbal, Angela Marie

Caraig, Abigail R.

Fernandez, Marie Coralyn C.

GACC Page 1
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Fernando, Elmj Mhark Coleen M.

Gonzales, Andrea M.

Hernandez, Dea Sandra V.

Indenible, Daniela Marie G.

Macalalad, Dianne V.

Mendoza, Allysa A.

Perez, Lyn C.

Recitas, Shara C.

Sangalang, Gecelle D.

BAITANG 10- STEP SYLIANCO

Lucsuhin National High School

Calatagan, Batangas

2019

GACC Page 2
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang isang bahagi ng mga kakailanganin sa pagkumpleto sa Asignaturang


Filipino Baitang 10- Pangkat STEP Sylianco

Ang papel na ito ay pinamagatang :

Pananaw ng Baitang-10 Pangkat STEP Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El

Filibusterismo

ay inihanda nina :

Caunan, Andrei John Hendrick M., Malucong, Jayson H., Mendoza, Karlo

Mateo C., Mendoza, Mark Cedrick V., Punongbayan, Carlos Miguel V.,

Salanguit, Ron Riley Val S., Ramos, Prince George B., Venzon, Jairus M.,

Verroya, Patrick James G., Caguimbal, Angela Marie, Caraig, Abigail R.,

Fernandez, Marie Coralyn C., Fernando, Elmj Mhark Coleen M., Gonzales,

Andrea M., Hernandez, Dea Sandra V., Indenible, Daniela Marie G., Macalalad,

Dianne V., Mendoza, Allysa A., Perez, Lyn C., Recitas, Shara C., Sangalang,

Gecelle D.

Inihanda kay :

G. Ariel C. Carcabuso

GACC Page 3
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Pasasalamat at Pagpapakilala

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa

pagbibigay ng lakas at sa Kaniyang palaging paggabay, ang pag-aaral na ito ay

hindi maisasakatuparan kung wala ang tulong niya.

Kay G. Ariel C. Carcabuso, guro sa Filipino, sa kaniyang suporta at

pagpapalakas ng loob, sa kaniyang mga komento na lalong naghikayat sa mga

mananaliksik upang maayos na maisakatuparan ang pagsasagawa ng pag-aaral

na ito.

Sa kanilang kaibigan, kamag-aral at pamilya, sa suportang moral at sa

malawak na pag-unawa.

At sa mga taong tumulong na hindi nabanggit ang pangalan, maraming

salamat !

GACC Page 4
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay………………………………………………………………3

Pagpapasalamat at Pagkilala………………………………………………………..4

I. Introduksiyon………………………………………………………………………7

Panimula………………………………………………………………………………7

Konseptuwal na Balangkas………………………………………………………10

Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………………12

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………13

Saklaw at Limitasyon………………………………………………………………14

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral…………………………………………14

Katuturan sa Katawagan……………………………………………………………20

II. Metodolohiya……………………………………………………………………….22

Disenyo ng Pag- aaral……………………………………………………………….22

Kalahok sa Pag- aaral at Proseso ng Pagpili ng Kalahok……………………23

Instrumentasyon……………………………………………………………………24

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos……………………………………………24

Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos…………………………………………25

III. Paglalahad ng Interpretasyon ng

Kinalabasan ng Pag-aaral…………………………………………………………27

GACC Page 5
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

IV. Konklusyon………………………………………………………………………32

Rekomendasyon……………………………………………………………………34

Sanggunian……………………………………………………………………………35

GACC Page 6
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

I. INTRODUKSIYON

PANIMULA

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang

pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose

Rizal, na kanyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala

sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong ng Noli

Me Tangere kung saa’y bumalik ang pangunahing karaketer na si Ibarra sa

katauhan ni Simoun na isang mag-aalahas. Siya ay bumalik upang maghiganti

sa mga taong umapi sa kanya at sa pamahalaang lumapastangan sa kanilang

bayan.

Ang El Filibusterismo ay ang sumunod na libro pagkatapos ng Noli me

Tangere. Ito ay isang nobela na nagpapakita ng kalagayan ng Pilipinas sa

panahon ng mga Kastila. Ito ang ikalawang nobela na sinulat ni Jose Rizal, ang

ating pambansang bayani. Ang nobelang ito ay nagtatalakay sa mga problema

ng mga Pilipino sa nakaraan tulad ng pang-aabuso at diskriminasyon sa kamay

ng mga Kastila. Nais ipakita ni Rizal sa kanyang nobela ang matinding sakit sa

lipunan at bakit nangangailangan ng pagbabago ang bansa. Sa ganitong paraan

nagsindi siya ng apoy sa puso ng bawat Pilipino at tumulong sa pag-aangat ng

bansang Pilipinas.

GACC Page 7
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama ang

mga problema ng lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng

maraming taon dahil ang mga problema noon ay nakikita pa rin sa kasalukuyan.

Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at katiwalian ay laganap pa rin sa

lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura bilang Pilipino.

Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang bayan. Dapat basahin ang El

Filibusterismo para matutunan natin kung paano nakamit ng Pilipinas ng

kapayapan. Ang paniniwala ni Jose Rizal ay ang kabataan ay ang makakagawa

ng solusyon upang ipabuti ang bansa. Dapat basahin ito ng kabataan dahil sila

ang pag-asa ng bayan. Sila ang mga magiging bagong pinuno ng Pilipinas.

Ang kahalagahan ng pag-aaral ng akda ni Rizal partikular na ang El

Filibusterismo ay upang bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani.

Bigyang pansin ang kagitingang kanyang ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa

atin ng mga mananakop.

Una sa lahat, ang nobela ni Rizal ang unang gumising sa mga natutulog na

isipan ng mga Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung

ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin. Pangalawa, ang El

Filibusterismo ay parte ng ating makulay na kahapon, isa ang akdang ito sa

nagpatingkad ng ating kasaysayan. Ito ang nagsilbing inspirasyon at lakas sa

ilan pa nating magigiting na bayani upang ipaglaban ang anuman na dapat ay

para sa atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa buhay ng bawat isang

Pilipino, ang mga aral na mapupulot dito ay maaari nating magamit hindi lamang

GACC Page 8
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

ngayon ngunit hanggang wakas ng ating buhay na maaari pa nating maipasa sa

mga susunod na henerasyon pang daraan. Napakaraming aral ang maaari

nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa nobela niyang El

Filibusterismo, bagamat bunyag na sa titulo ang nais o patutunguhan ng kwento

ay may masasalamin pa rin tayong aral dito. Sa nobela nagbalik si Crisostomo

Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng

Kapital Heneral. Ang aral na nangingibabaw sa nobela ay ‘sa kabila ng mga

kasalanan na ating nagawa sa katapus-tapusan ng araw ay babalik pa rin ang

loob natin sa Poong Lumikha’ napakaganda ng bawat tagpo sa nobela kung

hihimayin ang bawat paksa dito.

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga pananaw ng baitang 10-

pangkat STEP Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El Filibusterismo.

GACC Page 9
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng baitang

10- pangkat STEP Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El Filibusterismo.

Makikita sa batayan ang pagkakalilanlan ng mga respondente, salik na

maaaring makaapekto sa pag-aaral ng El Filibusterismo at epekto nito sa mag-

aaral.

Makikita sa proseso ang isasagawang sarbey na talatanungan sa baitang

10- pangkat STEP Sylianco.

Makikita sa kinalabasan ang mga pananaw , salik na nakaapekto at

epekto ng pag-aaral ng baitang 10- STEP Sylianco tungkol sa pag-aaral ng El

filibusterismo. Mga gawaing kailangan pang pagyabungin ng mga guro upang

mas maging epektibo ang kanilang pagtuturo.

GACC Page 10
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Batayan
Pagkakakilanlan ng mga estudyante – edad at kasarian

Salik na maaaring makaapekto sa pag-aaral ng El Filibusterismo .

Epekto ng pag-aaral ng El Filibusterismo sa mag-aaral.

Pagsagot sa sarbey na talatanungan ng mga napiling respondente


Proseso

Salik na nakaapekto sa pag-aaralKinalabasan


ng El Filibusterismo.

Epekto ng pag-aaral ng El filibusterismo.

Mga gawaing kailangan pang pagyabungin ng mga guro upang mas maging

epektibo ang kanilang pagtuturo.

Pigyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

GACC Page 11
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na masagot at maipaliwanag ang

mga katanungan tungkol sa pananaw ng baitang 10- pangkat STEP Sylianco

tungkol sa pag-aaral ng El Filibusterismo.

Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod ayon sa :

1. Ang pagkakakilanlan ng mga respondante ayon sa :

1.1 edad ;

1.2 kasarian ;

2. Salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng El Filibusterismo ayon sa mga

sumusunod :

2.1 guro;

2.2 kagamitan;

2.3 pamamaraan;

2.4 iskedyul o oras ng pag-aaral

3. Epekto ng pag-aaral ng El Filibusterismo sa mga mag-aaral.

GACC Page 12
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa guro, mag-aaral at sa

mga mananaliksik.

 Guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro upang

malaman nila ang salik at epekto ng pag-aaral ng El Filibusterismo.

Dito sila makakakuha ng ideya upang mas mapabuti o mas

maging maayos ang pamamaraan nila ng pagtuturo.

 Mag-aaral. Makakatulong ito sa mga mag-aaral sapagkat

nabubuksan nila ang kanilang mga isip sa mga bagay na maaaring

makaapekto sa kanilang pamumuhay. Naiuugnay din nila ang mga

pangyayari dito sa pangkasalukuyang kaganapan sa ating lipunan.

 Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa

mga susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral na

ito.

GACC Page 13
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

SAKLAW AT LIMITASYON O ISKOP AT DELIMITASYON

Nakatuon ang pag-aaral na sa ibat-ibang pananaw ng Baitang-10

pangkat Sylianco sa pag-aaral ng El Filibusterismo.

Ang pag-aaral na ito ay limitado sa mga estudyante sa nabanggit na

pangkat. Naniniwala ang mga mananalisik na malaki ang magiging epekto ng

pananaliksik na ito upang mas maging produktibo ang pagtuturo ng mga guro

hinggil sa nobleng El Filibusterismo.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Pambansa

ng Lucsuhin sa taong panuruan 2018-2019.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito nakalahad ang mga literatura at pag-aaral na nahanap ng

mga mananaliksik gamit ang mga paraan tulad ng internet na may kaugnayan sa

napiling paksa ng pananaliksik.

Ayon sa Wikipediang Tagalog (2017), ang nobelang El

filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay

ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na

si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na

lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang

karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng

hírap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan

GACC Page 14
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina

sa Calamba.

Ayon sa https://makabayangblogger.wordpress.com/2016/05/05/first-blog-

post/ (2016), nilalaman ng El Filibusterismo ang mga ideolohiya ni Jose Rizal

kasama ang mga problema ng lipunan. May kahalagahan pa ito kahit pagkalipas

ng maraming taon dahil ang mga problema noon ay nakikita pa rin sa

kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at katiwalian ay laganap

pa rin sa lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura bilang

Pilipino. Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang bayan. Dapat basahin

ang El Filibusterismo para matuto natin kung paano nakamit ng Pilipinas ng

kapayapan. Ang paniniwala ni Jose Rizal ay ang kabataan ay ang makakagawa

ng solusyon upang ipabuti ang bansa. Dapat basahin ito ng kabataan dahil sila

ang pag-asa ng bayan. Sila ang mga magiging bagong pinuno ng Pilipinas.

Ayon sa https://etan14.wordpress.com/2013/07/11/ilang-mga-pananaw/

(2013), sa buhay, mayroong iba’t ibang problema na kailangang harapin. Paano

lumutas ng problema ay depende sa ating sarili. Ang mga kabanata 1-10 ay

nagpakita sa akin na naiiba ang paningin ng isang tao sa ibang tao. Si Basilio ay

kontedo lamang na kalimutan ang kanyang nakaraan. Si Simoun naman ay

nagtago ng matinding galit na tumagal ng mahabang panahon. Sa tingin nila na

ang mga ginagawa nila ang tama. Ano rin sa tingin ko ay tama ay maaring hindi

tama para sa iba.

Inilahad ni Edo (2011), ang epekto nito (mga nobela ni Rizal) sa imahe ng

GACC Page 15
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

bansa ay nakakadulot ng posititbong motibasyon lalo na sa mga kapwa Pilipino

na nasa ibang bansa. Noong nagpunta si Rizal sa Madrid upang mag-aral ng

medisina ay nakilala siya ng mga Pilipinong magaaral sa Unibersidad ng Madrid

na mga determinadong magtrabaho para sa ikauunlad ng Pilipinas. Si Rizal sa

kanyang edukasyon at katalinuhan mula sa buong mundo ay gusto ng reporma

at pantay na pagtrato mula sa Espanya. Ito ay isa sa dahilan kung bakit kilala

ang mga Pilipino bilang demokratiko o gusto ng isang maayos at malayang

pamamahala.

Mula sa Artikulong, Pilosopiyang Pang-edukasyon ni Rizal: Isang

Pilosopiyang Pilipino sa Edukasyon Guillermo Q. Roman, Jr., Wensley M. Reyes,

Minda C. Valencia, at Nerissa S. Tantengco, kung babalikan ang mga akda

tungkol sa pambansang bayani, hindi maitatanggi ang dami ng mga aklat na

tumatalakay sa kanyang buhay. Ngunit sa maraming talambuhay na naisulat,

ang ilang mga akda ang mga depenitibo: tuwiran, malinaw at tiyakan.

Ayon kay Belvez (2000), ang mga guro ang pangunahing salik sa kahit

anumang sitwasyon ng pagtuturo at pagkatuto. Ang mga guro ay malaki ang

magiging impluwensya sa kanilang mga mag-aaral, kaugnay nito, ang

epektibong pagtuturo at paggaganyak ng mga ay makakatulong sa mabilis na

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Higit pa dito, dapat maganyak ng mga guro ang kanilang mga mag-aral,

mapanatili ang atensyon nito sa talakayan at maiwaasang ibaling ang tuon nito

sa ibang mga bagay.Ayon kay Leume (2002), ang atensyon ang

GACC Page 16
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

pinakamahalagang sangkap ng impormasyon. Ito ang nagdudulot sa utak upang

ihanda ang pagproproseso ng mga impormasyon.Pinapawalang bisa ang kahit

anumang pamamaraan ng pagtuturo kung hindi niya mapupukaw ang atensyon

ng kaniyang mga mag-aaral. Nawawalan ng motibasyon ang mga mag-aaral

upang ipagpatuloy ang kanilang pagkatuto.

May mga paniniwalang ang atensyon ng isang bata o mag-aaral ay

tumatagal lamang ng 10 hanggang 15 minuto lamang. Gaunpaman, sinabi nina

Wilson at Korn (2007) sa kanilang pag-aaral na walang sapat na patunay ang

paniniwalang ito. Gamit ang mga kilos at katangian ng mga bataang paniniwalng

ito ay batay lamang sa mga hindi tiyak na pag-aaral.

Sa pananaw naman ni Acero (2007), malaki ang epekto ng pisikal na

kaanyuan sa pagpukaw ng atensyon ng mga mag-aaral. Malaki ang magiging

epekto sa mga mag-aaralng ayos ng silid aralan, ang lawak at laki nito, lokasyon,

bentilasyon, mga ilaw, mga kagamitang pampagturo, ayos ng mga upuan

maging mga probisyon ukol sa kaayusan ng silid-aralan. Makakatulong din ang

mga radio at telebisyon, mga pangkatang gawain maging mga komiks upang

makatulong maiwasan ang pagkabagot sa mga talakayan.Sa pamamagitan nito,

hindi agarang mawawala ang atensyon ng mga mag-aaral. Nababaling ang

atensyon ng mga mag-aaral mula sa mga distraksyon sa paligid.

Sa pag-aaral ni Mapa (2014), mananatiling pinakamahalagang bahagi ng

pagtuturo at pag-aaral ang pagkatuto. Ngunit, ang pagkatuto ay nakabatay sa

kung paano at anong paraaan ang gagagmitin ngmga guro sa pagtuturo. Ang

GACC Page 17
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

mga pamamaraang gagagmitin ng mga guro ay nakabatay din sa ninanais

niyang resulta na makamit ngmga mag-aaaral, maging sa paksa ng kanyang

araling kanyang ituturo.

Malaki ang maitutulong ng mga makabagong estratehiyang gagamitin sa

pagtuturo. Magdudulot ito ng aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral sa loob at

pananatilihin ang interes ng mga mag-aaral sa talakayan,Ponce (2000).

Nakasalalay sa guro ang interes ng mga mag-aaral. Kung gagamit ang mga guro

ng motibasyon at paggaganyak magiging madali ang pagkakapukaw ng interes

ng mga mag-aaral,Slovin (2000).

Pagsang-ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Agbay et.al. (2002), na

napatunayan na nakapagdudulot ng ibayong interes sa mga kasanayan at

kaalaman ukol sa partikular na asignatura ang mga mag-aaral kung ang isang

guro ay gumagamit ng iba’t ibang estratihiya na gagamitin sa larangan ng

pagtuturo. Kung ang estratihiyang ginagamit ay matagumpay, ang mga mag-

aaral ay mawiwili at magkakaroon ng interes sa pag-aaral ukol sa mga aralin sa

paaralan at iba pang mga bagay-bagay. Gayundin, maaaring magpakita pa ang

mga mag-aaral ng pagpupursige na matuto at mapataaas ang kani-kanilang mga

marka kung ang nasabing mga estratihiya ay matiwasay na nasagawa. Sa

makatuwid, mananatiling nasa kamay ng mga guro ang pag-unlad ng kanilang

mga mag-aaral gayundin ang pagkuha ng kanilang mga interes.

Ang kakayahan ng isang guro sa pagtuturo ay may malaking

impluwensaya sa gagawin at tutunguhin ng isang mag-aaral, ito ay ayon sapag-

GACC Page 18
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

aaral ni Flores (2002). Nangangahulugan ang mga guro ay mag-sisilbing mga

gabay ng bawat mag-aaral sa mga desisyon na kanilang gagawin gayundin sa

daang kanilang tatahakin. Ang kasanayan ng mga gurosa pagtuturo ay ang

mabisang pamamaraan sa pagtuturo. Magdudulot ng maayos ang kabisaan ng

isang guro sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral. Bunsod nito, magiging

madali ang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Kasabay nito ay maaari pang

masiyahan ang mga mag-aaral sa oras ng talakayan ng mga guro,Cueto et.al.

(2002). Ayon naman kay Alday (2004), ang papel ng isang guro ay makabuo at

mapanatili ang interes ng isang mag-aaral. Dapat na maging malikhain upang

mahikayat ang mag mag-aaral na mag-karoon ng interest sa pagkatuto sa isang

paksa o leksyon. Ang mga guro ay hindi lamang nagbibigay ng motibasyonal na

gawain ngunit maging sila mismo at ang kanilang ipinakikitang kabutihan o

dedikasyon sa pagtuturo ay maaaring maging motibasyon sa mga mag-aaral

upang mahikayat ang interes ng matuto hindi lamang sa kanilang asignatura

ngunit maging sa iba pang asignatura ng ibang mga guro.

KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

GACC Page 19
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Mag-aaral- Ang mag-aaral o estudyante (student sa Ingles) ay siyang taong nag-

aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-

aaral at makadiskubre ng mga bagay

Guro- Ang isang guro o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa

mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na

isinasagawa sa isang paaralan o ibang lugar ng edukasyong pormal.

Mananaliksik- Ang mananaliksik o researcher sa ingles ay isang tao kumakalap

at naghahanap ng mga impormasyon at mahahalagang detalye patungkol sa

isang paksa.

Salik- Ang salik ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring

magkaroon ng impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa. Ang

mga salik sa iba’t ibang anyo nito ay nagagawang baguhin ang direksyon ng

maraming bagay.

Epekto- Ang epekto ay ang bunga, resulta o kinalabasan ng isang bagay o

sitwasyon.

Pananaw- Ang pananaw o paningin ay tumutukoy sa paniniwala o

pagkakaunawa o personal na perspektibo ng isang tao sa mga bagay bagay.

GACC Page 20
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Halimbawa, lahat tayo ay may iba't ibang pananaw pagdating sa mga usaping

politikal.

II. METODOLOHIYA

GACC Page 21
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral

upang malaman ang pananaw ng baitang 10- pangkat STEP Sylianco tungkol sa

pag-aaral ng El Filibusterismo. Nakapaloob dito ang disenyo ng pag-aaral,

kalahok sa pag-aaral, proseso sa pagpili ng kalahok, at instrumentasyon.

DISENYO NG PAG- AARAL

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng

mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na

gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga

datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan,

ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng

sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga

mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring magsagawa ng

pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos

at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananalisksik.

GACC Page 22
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

KALAHOK SA PAG-AARAL AT PROSESO NG PAGPILI NG KALAHOK

Ang prosesong ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng respondente ay

random sampling. Ang random sampling ay ang pagpili ng mga respondenteng

kailangan para sa pananaliksik na gaganapin. Ginamit rin ang Slovin’s Formula

upang makuha ang sapat na bilang ng mga respondente na kakailanganin sa

pananaliksik na kung saan sampung porsyento ang marginal error. Ang mga

napiling respondente sa pagsusuring ito ay tatlumpu’t-limang (35) mag-aaral sa

baitang-10 pangkat Sylianco.

Talahanayan 1.

Pangkat Bilang ng mga


Kabuuang Populasyon
respondente
Sylianco 53 35

INSTRUMENTASYON

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey


GACC Page 23
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat :

ang profile at ang survey ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang survey ay

nagbigay ng iba‘t-ibang pananaw sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan

makakatulong ang pag-aaral ng El Filibusterismo sa kanilang pag-aaral at pang

araw-araw na buhay.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang

matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng datos upang ma mapadali

sa mga mananaliksik maging sa mga taga sagot. Ang maniniliksik ay nagsagawa

ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at sinuguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahai ng

talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

Ang kabuuang pag-aral ay nagsimula noong Marso 20 hanggang ika-21

ng Marso taong 2019. Ang pagkolekta ng datos ay isinagawa ng isang araw.

GACC Page 24
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Gagamit ang mga mananaliksik ng istatistikal na pamamaraan sa pagkuha ng

frequency mean ng mga respondente sa mga sagot sa inilaan na talatanungan.

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga sumusunod na statistikal na

pamamaraan:

Frequency- upang makita ang dami ng mga mag-aaral.

Percentage at Ranking- upang malaman at maikumpara ang mga sagot ng

respondente.

P=∑f

Weighted mean- upang malaman ang mga salik ng pagkatuto ng pagbuo ng

papel pananaliksik.

Pormula:

x=∑fx

GACC Page 25
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Likert scale- isang uri ng psychometric scale na kadalasang ginagamit sa

mga questionnaires sa sikolohiya.

Talahanayan 2

Likert Scale

Lawak Interpretasyon

4.5-5.0 Lubos na Sumasang-ayon

3.5-4.4 Sumasang-ayon

2.5-3.4 Hindi tiyak

1.5-2.4 Hindi Sumasang-ayon

0.0-1.4 Lubos na Hindi Sumasang-ayon

III. Paglalahad ng Interpretasyon ng Kinalabasan ng Pag-

aaral

Ang mga mananaliksik ay naglalayong malaman ang mga salik na

nakakaapekto sa mga mag-aaral at ang epekto ng pag-aaral ng El

Filibusterismo.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng presentasyon, analisis at resulta

GACC Page 26
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

ng mga sagot na nakalap.

1. Pagkakakilanlan ng mga respondente

1.1 Edad

Edad Bilang Bahagdan


14-15 5 14%
16-17 30 86%
18 pataas 0 0%
Kabuuan 35 100%

1.2 Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan


Babae 20 57%
Lalaki 15 43%
Kabuuan 35 100%

2. Salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng El Filibusterismo ayon sa mga

sumusunod :

2.1 Guro;

Pahayag Mean Rank Interpretasyon

GACC Page 27
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Magaling magturo ang guro 5 1 Lubos na sumasang-ayon


Maayos magpaliwanag ang 4.03 4 Sumasang-ayon
guro
May pantay na pagtingin ang 3.14 5 Hindi tiyak
guro sa mag-aaral
Masayang magturo ang guro 4.11 3 Sumasang-ayon
Marunong makisalamuha 4.17 2 Sumasang-ayon
ang guro s mag-aaral

2.2 Kagamitan;

Pahayag Mean Rank Interpretasyon


Gumagamit ng aklat 4.9 1 Lubos na sumasang-ayon
Gumagamit ng Projector 3.97 3 Sumasang-ayon
Gumagamit ng Monitor 3.97 3 Sumasang-ayon
Gumagamit ng Pisara 4.8 2 Lubos na sumasang-ayon
Gumagamit ng Visual aids 3.91 4 Sumasang-ayon

2.3 Pamamaraan;

Pahayag Mean Rank Interpretasyon


Nagpapanood ng mga palabas 4.97 2 Lubos na sumasang-ayon
ng bawat kabanata
Nagsasagawa ng pangkatang 4.97 2 Lubos na sumasang-ayon
gawain
Pagpapagamit ng cellphone sa
bawat isang mag-aaral upang
mas maging madali ang 5 1 Lubos na sumasang-ayon
pagdidiskusyon ng bawat
kabanata ng El Filibusterismo

GACC Page 28
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Pagbibigay ng mga takdang-


aralin sa mga estudyante na 4.8 3 Lubos na sumasang-ayon
may kinalaman sa mga
kabanata ng El Filibusterismo
Pagpapagawa ng repleksiyon
tungkol sa bawat kabanata
upang mas malaman kung 4.78 4 Lubos na sumasang-ayon
anu-anong kaalaman ang
nakuha ng mga estudyante
mula dito

2.4 Iskedyul o oras ng pag-aaral

Pahayag Bilang Bahagdan


6 :00- 8 :00 ng umaga 0 0%
8 :00-10 :00 ng umaga 35 100%
10 :00- 12 : 00 ng tanghali 0 0%
12 : 00 ng tanghali hanggang

hapon 0 0%
Kabuuan 35 100%

3. Epekto ng pag-aaral ng El Filibusterismo sa mga mag-aaral.

Pahayag Mean Rank Interpretasyon


Mas naingganyo ako na pag-
aralan lalo ang mga nangyari
noong nakaraang 4.91 2 Lubos na sumasang-ayon
panahon/kasaysayan
Naisabuhay ko ang
mahahalagang aspekto mula
sa nobela sa 4.17 4 Sumasang-ayon
pangkasalukuyang
pamumuhay
Natutunan ko na ang bawat
nobelang may kinalaman sa
kasaysayan gaya ng El 4.17 4 Sumasang-ayon

GACC Page 29
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Filibusterismo ay may
katuturan sa reyalidad na
pamumuhay.
Natuto akong bigyan ng
pansin at pagpapahalaga
ang mga kaganapang 4.29 3 Sumasang-ayon
pangkasaysayan
Namulat ako sa
katotohanang napakalaki ng
pagkakaiba ng takbo ng 5 1 Lubos na sumasang-ayon
pamumuhay noon at ngayon

GACC Page 30
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Konklusyon

Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng mga sumusunod na konklusyon

ayon sa layunin ng pag-aaral:

1. Ang Guro ay isang salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng El

Filibusterismo. Batay sa mga datos na nakalap gamit ang survey

questionnaire lumabas na ang guro sa filipino ng baitang 10 STEP

Sylianco ay magaling magturo, maayos magpaliwanag, may pantay na

pagtingin sa mga mag-aaral at mayroon din itong kakaibang

estratehiya ng pagtuturo kung saan mas nahihikayat ang mga mag-

aaral na pag-aralan ang nobelang El Filibusterismo.

2. Ang kagamitan ay isa ring salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral. May sapat na kagamitan na na gagamit ang mga mag-

aaral na nagiging daan upang mas maunawaan ang bawat kabanata

ng nobela katulad na lamang ng mga aklat,monitor, visual aids at iba

pang mga kagamitan.

3. Maraming pamamaraan ang ginamit ng guro sa Filipino upang mas

maging epektibo ang kaniyang pagtuturo tulad ng pagpapanood ng

mga palabas ng bawat kabanata ng nobela, pagsasagawa ng mga

pangkatang gawain, pagbibigay ng takdang-aralin, pagpapagawa ng

GACC Page 31
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

repleksiyon upang malaman kung naintindihan ng bawat isa ang

nobela.

4. Batay sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik,

nakakaapekto ang iskedyul o oras ng pag-aaral sa pagkatuto ng mga

mag-aaral. Napatunayan na kapag umaga ang iskedyul ng pag-aaral

mas aktibo ang mga mag-aaral at tuwing hapon naman ay may

posibilidad na mawalan na ng gana ang mga estudyante na mag-aral.

5. Ayon sa nakalap na impormasyon, ang pag-aaral ng El Filibusterismo

ay may magagandang epekto sa bawat mag-aaral.

GACC Page 32
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Rekomendasyon

Sa bahaging ito ay makikita ang mga mungkahing magbibigay pa ng

karagdagang pananaliksik sa isinagawang pag-aaral.

1. Sa mga guro, nararapat lamang na magkaroon sila ng iba pang

estratehiya upang mas lalo pang mapaunawa ang bawat kabanata ng

nobelang El Filibusterismo.

2. Sa mag-aaral na may pag-aalala sa nobelang El Filibusterismo, tangkilikin

at pag-aralan ng lubusan ang nobelang El Filibusterismo upang makita

ang paghihirap ng mga pilipino noon at upang hindi na natin ito danasin

pang muli.

3. Sa mga susunod na mananaliksik, maaari itong maging gabay para sa

mga susunod na mananaliksik, ang pagpapalawak pa sa pag-aaral na ito

ay isang magandang pagpapayo. Ang pagtuklas sa higit pang

mahahalagang datos o impormasyon ay maaaring makatulong upang

lumawak pa ang kaalaman tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

nobelang El Filibusterismo.

GACC Page 33
Mataas na Paaralang
Pambansa ng Lucsuhin
School ID: 301111

Talasanggunian

https://makabayangblogger.wordpress.com/2016/05/05/first-blog-post/

https://etan14.wordpress.com/2013/07/11/ilang-mga-pananaw/

https://varsitarian.net/filipino/20180226/paigtingin-ang-pag-aaral-ng-lokal-na-

kasaysayan-mga-historyador

https://tl.wikipedia.org/wiki/El_filibusterismo

https://hiraishi-plush.livejournal.com/5933.html

https://www.academia.edu/31927351/SALIK_NA_NAKAAAPEKTO_SA_PAGKA

TUTO_NG_PAGBUO_NG_PAPEL_PANANALIKSIK_NG_BAITANG_11_SA_MA

TAASNAKAHOY_SENIOR_HIGH_SCHOOL

GACC Page 34

You might also like