Ang Sektor ng Industriya ay napakahalaga at napakalaki ng papel na
ginagampanan sa ekonomiya. Ito ang gumagawa ng mga hilaw na bagay/materyal at ginagawang mga produktong pwede nang magamit ng mga tao. Ito rin ang lumilikha ng produkto at serbisyo na kailangan ng pamahalaan lalong lalo na ng mga mamamayan. Ang Sektor ng Industriya ang isa sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ekonomiya ng isang bansa, pero kahit gaano man kaganda ang mga benepisyo nito ay ganon naman kapanget ang mga kahinaan nito.
Ang Policy Inconsistency ay isa lamang sa mga kahinaan na meron ang
Sektor ng Industriya. Ito ay ang pabago-bago ng mga patakaran o ang paraan ng pagpapatupad nito at ang pagpapalit-palit rin ng mga namumuno ng isang bansa. Katulad na lamang ng Pilipinas, ang pangulo ay may isang ‘term’ lamang na tumatagal ng apat hanggang anim na taon dahil dito may posibilidad na ang susunod na pangulo ay hindi ipapatuloy ang patakaran na sinimulan nang huling pangulo.
Isa sa mga halimbawa rin ng Policy Inconsistency ay ang pag-i-invest
ng ibang bansa sa Pilipinas o pagtatayo ng gusali. Paano nalamang kung umabot na sa panahon na ibang tao na ang mamumuno, may posibilidad na hindi ipagpapatuloy ng bagong pangulo ang nasimulan nang ‘investment’ o ang pagtatayo ng gusali at dahil dito maaaring humina ang ‘growth’ ng Pilipinas. Hindi nanaman masusulusyonan ang matagal ng problema dahil sa hindi pagkakapareho ng mga patakaran at dahil pabago-bago ito.