Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cecille E.

Aldueza II
BSPSYII
REPLEKSYON
(Air Buddies)

Ang totoong kakampi natin sa buhay ay sariling pamilya. Iba’t ibang klaseng
pagsubok ang nararanasan ng bawat pamilya. Nagtutulungan at nagmamahalan na
pamilya ay walang sinuman ang makakatibag nito. Sa isang magandang pundasyon ng
isang pamilya, pagsubok o problema ay hindi mahirap malampasan sapagkat
naniniwala sila sa kaya nilang lagpasan lahat ng ito.
Ang isang pelikulang nagpatawa, nagpa-iyak at nagpaantig ng aking damdamin.
Ito ay ang Air Buddies. Ito ay isang 2006 na comedy film. Ang mga karakter ay mga
magagaling at matatalinong aso na tinatawag na “Golden retriever.” Ito ay mga nilalang
na may damdamin at kaisipan na tulad nating mga tao. Sa simula ng kwento ay may
mag-anak na Golden Retriever na may ama, ina, at limang anak (puppies). Malilikot at
napakagaganda sa paningin ng mga ito, nakakawala ng pagod, ngunit may
nagtatangkang kumuha sa magulang ng Golden retriever puppies, sa una ang nakuha
ay mga puppies mula sa bitag ng masasamang loob. Nalaman ng mga magulang nito,
kaya tinulungan sila. Kaya sa huli ang mag-asawang Golden retriever ang nakuha.
Hindi hinayaan ng mga puppies ang kanilang mga magulang, kaya gumawa sila ng
paraan upang makuha ang kanilang pinakamamahal na mga magulang. Nakaligtas
naman ang lahat. Sa pagtatapos ng pelikula, nagtagumpay ang pamilyang Golden
Retriever na mga aso laban sa masasamang loob. Napakahuhusay ng mga gumanap
sa pelikulang ito.
Sa napanood ko na pelikula ay marami akong natutunan. Maraming pagsubok
na kinakaharap at haharapin pa sa ating buhay, na kailangang paglabanan, pagtuunan
ng pansin, at solusyonan sa lalong madaling panahon na magpapaluwag ng ating
isipan sa mga oras na tayo ay dumaraan sa mga problema. Likas na sa atin ang
magkaroon ng problema sa isang pamilya, maliit man yan o malaki. Pag may
pagmamahalan at pagtutulungan ay agarang maaayos ang mga kinakaharap na
problema. Hindi pwedeng isang miyembro lang ang kikilos, babagsak ang pundasyon
ng isang maayos na pamilya. Lahat kikilos, lahat mag-iisip ng solusyon, at lahat
makikisama.
Ang mga aso ay nilalang din sa mundong ito. Kapareho lang ng mga tao, may
puso, may isip, may damdamin, at kayang magmahalan bilang isang masayang pamilya
na may pinagdadaanan din sa buhay. Sila ang mga aso na Golden Retriever.
Nagkakaisa sa paglaban sa buhay na puno ng pagsubok. Mapatao man o hayop,
talagang may sinasabing pamilya, ano man ang mangyari babalik at babalik pa rin sa
pinanggalingan. Hindi maiikaila ang nararamdaman habang pinapanood ko ang
pelikulang na ito. Tunay ngang mahalaga ang pamilya, sila ang tutulong pagnasabingit
ng kamatayan. Masaya man o malungkot, bigo man o tagumapay, hindi nang iiwan ang
sariling pamilya.

You might also like