Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nang matapos ko basahin ang mga akdang Pangulong Paquito at Sumama si

Maya ay mahihinuha ko na ang parehong akda ay tumatalakay sa kung anong


klaseng lipunan mayroon ang Pilipinas. Sumasaloob dito ang tungkol sa mga
paniniwala, kultura, tradisyon, responsibilidad at mga nais gawing pagbabago ng
mga Pilipino sa bansang Pilipinas.

A. Ambisyon

Sa aspetong Ambisyon, sa kwentong Pangulong Paquito, ang karakter na si


Paquito ay nais maging pangulo ng bansang Pilipinas. Nangako siya sa mga
mamamayan ng Pilipinas upang siya ay luklukin sa pagiging pangulo.
Samantalang sa kwentong Sasama si Maya, ang karakter na si Maya ay nais
sumama at magkaroon ng gagampanan sa pag-aalsa kasama ang kaniyang
pamilya kung kaya’t tinanong niya ang bawat miyembro ng kaniyang pamilya
kung saan siya maaaring sumama. Samakatuwid, ang mga karakter sa mga akda
ay nais magkaroon ng ambag sa lipunan.

B. Tradisyon

Sa aspetong Tradisyon, ipinakita sa kwentong ang pagkakaroon ng pagpili ng


mga tao ng pangulo upang mamuno sa bansang Pilipinas at ang kanilang mga
pangako na isinasambit upang sila ay ihalal, maging ang mga paniniwala sa mga
diyos at diyosa ng mga tao. Sa kwentong Sumama si Maya, ipinakita ang
pagkakaroon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa tuwing sumasapit ang uno ng
Mayo at ang mga paghahanda na ginagawa ng mga mamamayan sa
isasagawang pag-aalsa. Samakatuwid, ang parehong akda ay nagpapakita ng uri
ng lipunan mayroon tayo maging ang mga tradisyon na ating isinasagawa.

Matapos ang aking pag-aanalisa, dito ko nalaman na tama ang aking unang
banggit. Pagkatapos ng aking pagbabasa at pag-aanalisa ay nahinuha ko na ang
parehong akda ay tumatalakay sa kung anong klaseng lipunan mayroon ang
bansang Pilipinas. Mga paniniwala, kultura, tradisyon, responsibilidad at mga
nais gawing pagbabago ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas.

You might also like