EXAM Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Petsa:

Section / Strands:
UNIT TEST
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Panuto: Suriin kung saan nabibilang at nauugnay ang mga sumusunod na pahayag.

ANTAS SA PAGBASA:
A. Primarya C. Analitikal
B. Inspeksiyonal D. Sintopikal
_____1. Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi ang
kabuuang interpretasyon nito.
_____2. hindi rin nauunawaan ang metapora, imahen at iba pang simbolismong ginamit sa
akda.
_____3. Nauunawaan ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng hinuha dito.
_____4. Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang
teksto.
_____5. Pagtukoy ng tiyak na datos at ispesipikasyon (petsa, lugar, o mga tauhan).
_____6. Ang pinagmulan nitong salita ay nangangahulugang “koleksyon ng mga paksa”.
_____7. Pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at katotohanan ng akda.
_____8. Paghahanda sa mas malaliman pang pag-unawa at pananaliksik
_____9. Paghahambing ng mga teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.
_____10. Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu (Skimming).

PAGSURI NG TEKSTO:
Suriin kung ang mga salitang sumusunod ay nabibilang o maiuugnay sa tekstong:
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Prosidyural
_______11. Alamin ang mga Hakbang
_______12. Makulay na Paglalarawan
_______13. Para sa iyong kaalaman
_______14. Ano ang nangyari?
_______15. Paano kita Mahihikayat?
_______16. Masining na pahayag.
_______17. Paano naganap?

KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA:


A. Bago Magbasa
B. Habang Nagbabasa
C. Pagkatapos Magbasa
________18. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa pamamagitan ng pag-
uugnay sa iba pang impormasyon ibinibigay ng teksto.
________19. Pagbuo ng biswal na imahen
________20. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa layunin ng
pagbasa.
________21. Paghihinuha
________22. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.
________23. Muling pagbasa sa mga hindi nauunawaang bahagi.
________24. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.
________25. Pagtantiya ng bilis ng pagbasa.
________26. Pagbuo ng matalinong prediksiyon kung tungkol saan ang teksto.
________27. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat

Panuto: basahin ang mga pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____28. “Dinadala siya ng pagbabasa sa bagong daigdig at ipinakikilala sa mga nilalang na
kagila-gilalas ang naging buhay”.
A. GUSTAVE FLAUBERT B. ROALD DAHL (Matilda)
C. CARL JUNG D. JAMES MARCIA
_____29. “Naramdaman ko ang halong lungkot at saya sa aing nabasa.” - ano naman ang sinuri
ng mambabasa sa tekstong kanyang binasa?
A. Pananaw B. Layunin
C. Damdamin D. Pamaraan
_____30. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at
iba pa.

A. Deskriptibo B. Impormatibo
C. Persweysib D. Naratibo.
____ 31. Tekstong Deskriptibo - kadalasang sinasagot ang batayang tanong na ano, kailan,
saan , sino at paano.
A. Tama B. Mali
____32. Ano uri ng pamamaraan ng narasyon na kung saan ay tahasang pagbabago sa
direksiyon o inaasahang kalalabasan ng isang kuwento?
A. Ellipsis B. Plot Twist
C. Foreshadowing D. Diyalogo
____33. Gusto kong makuha lamang ang buod ng teksto, ano ang tawag sa kakayahang nais
kong makamit?
A. Intensibo B. Skimming
C. Extensibo D. Scanning
____34. Sa pag-aaral na “Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading” nina Richard Day
at Julian Bamford (2002), Alin sa mga sumusunod ang katangian ng matagunpay na programa sa
ekstensibong pagbasa?
A. Mabilis ang pagbasa
B. Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin
C. Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa iba’t ibang paksa.
D. Lahat ng nabangit.
____35. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa proseso ng pagbasa ayon kay Wixson et.
al?
A. Interaksyon ng imbak na kahulugan
B. Pagsuri ng panandang diskurso
C. Impormasyong ibinigay ng tekstong binasa
D. Konteksto ng kalagayan sa pababasa
____36. Anong teksto ang kailangang may kredibilidad upang maging kapani-paniwala sa nais
hikayatin?
A. Deskriptibo B. Impormatibo
C. Persweysib D. Naratibo
____37. Sino ang nagbigay ng kahulugan ng sumusunod na pagpapakahulugan sa pagbasa: Isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto?
A. Wixson et al. B. Anderson et al.
C. Gustave Flaubert D. Matilda
____38. Ano uri ng pamamaraan ng narasyon na kung saan ay gumagamit ng pag-uusap ng mga
tauhan upang isaysay ang pangyayari?
A. Ellipsis B. Plot Twist
C. Foreshadowing D. Diyalogo
____39 . Ekstensibo pagbasa- pangkalahatang pag-unawa sa maraming teksto.
A. Stephen Krashen
B. Long at Richards
C. Douglas Brown
D. Intensibo
___40. Ito ay may layuning magsalaysay o magkwento batay sa tiyak na pangyayari.
A. Deskriptibo B. Impormatibo
C. Persweysib D. Naratibo

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod na pahayag.


41-42 Mga uri ng Tekstong Impormatibo
41.
42.
43-44 Dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa
43.
44.
45-47 Ibigay ang tatlong paraan ng panghihikayat ayon akay Pilosopo Aristotle.
45.
46.
47.
48-50 Magbigay ng tatlong nilalaman ng Tekstong Prosidyural
48.
49.
50.

You might also like