Ernani Cuenco

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ernani Joson Cuenco (10 Mayo 1936 - 11 Hunyo 1988)

Si Ernani Joson Cuenco ay kinilalang Pambansang


Alagad ng Sining sa Musika noong 1999. Isa siyang
kompositor at propesor ng musika, at naging tanyag at
premyado sa kaniyang mga komposisyon para sa pelikula.
Ang kaniyang mga magulang na sina Felix Cuenco
ng Calumpit, Bulacan at si Maria Joson ng Tikay, Malolos,
Bulacan ay kapuwa mga guro sa pampublikong paaralan.
Maagang nalantad si Cuenco sa musika dahil isang
mahusay na biyolinista ang kaniyang ama. Nagsimula
siyang magaral ng musika noong anim na taong gulang pa
lamang siya. Pumasok siya sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Santo
Tomas at nagtapos ng Batsilyer sa Musika (1956), medyor sa piyano at biyolin. Nakamit
niya ang digring masteral sa edukasyon sa musika sa Kolehiyo ng Santa Isabel. Nakilala
niya sa UST si Magdalena Marcial, isa ring musiko, na kaniyang naging kabiyak.
Biniyayaan sila ng dalawang anak.
Bahagi na ng kasaysayan ng musikang Filipino at ng popular at kolektibong
kamalayan ang marami sa kaniyang mga piyesa. Kabilang dito ang “Bato sa Buhangin”
(1976); “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa” (1975); “Ang Bakya Mo Neneng”
(1977); “Ang Babaeng Pinagtaksilan ng Panahon” (1980), “Gaano Ko ikaw Kamahal”
(1979). Ang mga awiting ito ay kinilala ng mga samahang pampelikula gaya ng Filipino
Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) at ng Urian.
Napatanyag din si Cuenco sa daigdig ng pelikula. Ang unang gawad na nakamit
niya para sa musical scoring sa pelikulang El Vibora noong 1972 ay nasundan ng
marami pang pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival, FAMAS, Urian, at Aliw.
Batikang manunugtog din si Cuenco.
Mula 1960 hanggang 1968 ay naging biyolonselista siya ng Manila Symphony
Orchestra sa baton ni Dr. Herbert Zipper, at mula 1966 hanggang 1970, ng Manila
Chamber Soloist na inorganisa nina Prop. Oscar Yatco at Basilio Manalo. Nagtanghal
din siya sa mga konsiyerto sa Estados Unidos at Japan.
Batikang manunugtog din si Cuenco. Mula 1960 hanggang 1968 ay naging
biyolonselista siya ng Manila Symphony Orchestra sa baton ni Dr. Herbert Zipper, at
mula 1966 hanggang 1970, ng Manila Chamber Soloist na inorganisa nina Prop. Oscar
Yatco at Basilio Manalo. Nagtanghal din siya sa mga konsiyerto sa Estados Unidos at
Japan.

ERNANI JOSON CUENCO:


NATIONAL ARTIST OF THE
PHILIPPINES 1999
Nanatiling propesor sa Konserbatoryo ng Musika ng UST si Cuenco nang may
tatlong dekada hanggang bawian siya ng buhay noong 1988. Habang siya ay nagtuturo
sa UST, naging direktor siya para sa musika sa kolehiyo ng Santa Isabel, Holy Spirit, at
San Beda.
Ang mga parangal na kanyang nakamit:
FAMAS Awards:

 Best Music (1976), Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw Na Lupa(1975)


 Best Theme Song (1977), Bato sa Buhangin (1976)
 Best Music (1978), Bakya Mo Neneng (1977)
MMFF Awards:

 Festival Prize (1980), Best Music, Ang Panday (1980)


 Festival Prize (1982), Best Music, Ang Panday: Ikatlong Yugto (1982)
Gawad Urian Awards:

 Best Music; Aliw-Iw (1979)


 Nominee for Best Music; Tahan Na, Empoy, Tahan (1977)
FAP Awards:

 Best Musical Score (1982), Pedring Taruc


 Best Musical Score (1983), Isang Bala Ka Lang!
 Best Original Song (1984), Desperado
Other Awards:

 CCP Centennial Honors for the Arts, 1999;


 Gawad Siglo ng Aliw, mula sa Aliw Awards Foundation, Inc; Ika-12 Aliw
Awards Gallery of Distinction, 1988;
 Outstanding Tomasian Awardee, 1986; at
 Outstanding Bulakenyo Award, 1980. (RVR)

ERNANI JOSON CUENCO:


NATIONAL ARTIST OF THE
PHILIPPINES 1999

You might also like