Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ONG, MATTHEW CHRISTOPHER S.

2015736171
Retorikang Pilipino
Ikalawang Semestre, 2019-20
Midterm Takda 1

Pilipino’y Maaaring Kilanlin sa Pamamagitan ng Kanyang Pagkain ni Doreen Fernandez (1978)

Nakasaad ng may akda ang mga pagkaing kinagisnan ng mga Pilipino sa kanilang hapag-
kainin at papaano ito naimpluwensiyahan ng mga mananakop noong unang panahon. Dahil nga
sa mga banyaga ay naging mayaman ang kultura ng pagkaing Pilipino na kinuha mula sa mga
Tsino, Espanyol, at Amerikano na kung saan ay inangkin na nito ang mga putaheng natutunan
rito. Binigyan na ng mga Pilipino ng kanilang mga sariling bersyon ang mga putahe nila na
kanilang nakasanayan batay sa kanilang pamumuhay dahil nga hindi ganoon kaganda ang
pamumuhay noong hawak pa tayo ng mga mananakop. Naging maabilidad din ang mga Pilipino
dahil nga sa kahirapan ay kung anong yamang lupa ang kanilang makita ay kinakain na nila ito
told ng mga eksotik na pagkain na hindi mo minsan kayang sikmurain at maduduwal ka nalang
dahil sa panlasa nito. Bawat rehiyon ng ating bansa ay may mga pagkaing pinagmamalaki
depende kung anong mga sangkap ang mayaman sa kanilang lugar tulad na lamang sa rehiyon
ng Bicol na mayaman sa puno ng niyog kaya halos lahat na kanilang mga putahe ay may halong
gata na napakasarap naman kung iyong iisipin. Talagang namang mamangha ka, kung papaano
pinatiling ipagpasa-pasa ang mga putaheng iyan ngayon sa panahong ito, dahil sa iba’t-ibang
kultura na ating napagyaman sa bawat henerasyon at sana sa hinaharap ay itong makilala sa
buong mundo. Masasabi mo walang tutulad sa putahe ng mga Pilipino kung ito ay niluto ng
iyong ina na may kasamang kanin sa sinandomeng na isinangag sa umaga, talagang kumpleto
na iyong agahan tapos may sinigang sa baboy sa pananghalian, at sa gabi nama’y adobong
manok na may kasamang nilagang itlog. Ang mga putaheng ito ay sumasagisag sa buhay ng
Pilipino sa araw-araw na buhay na ang sarap balik-balikan noong ikaw nasa edad kung saan ay
problema mo lamang papaano makakatakas sa pagtulog sa tanghali. Ang pansining na
nilalaman sa teksto ay deskriptibo dahil nilarawan niya kung ano ang mga pagkain ng Pilipino na
halos iba’t-ibang kultura dahil sa nangyaring pananakop. Isinasaad din dito kung gaano kagaling

1 ng 3
ang mga Pilipino pagdating sa mga pag-aangkin ng mg putahe batay sa kanyang kakayanan sa
buhay.

Maraming mga probinsya ng bansa ay may sari-sariling mga putahe na kanilang


maipagmamalaki dahil ito ay mayaman sa mga rekados na kailangan sa isang putahe o ito ay
naipagsalinsalin na sa iba’t-ibang henerasyon sa bawat pamilya. Meron din namang mga putahe
na parehas sa bawat probinsiya ngunit ang iba sa kanila hindi parehas ang mga rekados na
ginagamit o dinagdagan ng iba. Sa tingin ko ang putahe na maipagmamalaki ko dito sa Batangas
ay ang sinaing na tulingan dahil sobrang sarap nito at habang tumatagal lalo siyang sumasarap
tapos saka mo siya ipiprito, sobra namang malinamnam. Itong putahe na ito ay talagang hindi
ko malilimutan dahil ito ay paborito ng aking lola kaya halos ganyan lagi ang ulam naming lalo
na kapag madaming kamyas at taba ng baboy, sadyang lalantakan mo at mapapadami ka ng
kain. Siguro naman halos lahat ng batangueno ay sadyang paborito ang pagkain nito at kung
walang tulingan ay minsan tambakol at ginagamit na isda. Ako yung tao na hindi ganoon kahilig
sa isda lalo na ng bangus dahil sobra nitong matinik at tamad ako magtanggal ng mga tinik nito,
minsan pa nga ay natitinik ako na ayokong nangyayari sa akin kasi nagkatrauma ako nung bata
malaking tinik ang nalunok ko. Pero naiba dito ang sinaing na tulingan dahil pinapalambot na
nito ang tinik habang ito ay sinasaing kaya’t hindi ka na mamomoblema kung matitinikan ka pa
dahil lumambot na ang tinik nito. Ang sinaing na tulingan din ang malimit lutuin ng aking pinsan
kaya ito ay nagiging salu-salo naming kapag kumakain, tapos kapag may natira nito ay
kinabukasan ay iaalmusal naming yun natirang tulingan at ipiprito niya ito. Kung sinaing na
tulingan ang isa sa mga paborito kung pagkain ay ang Batangas lomi naman ang aking
paboritong merienda dahil sa sobrang dami nitong toppings. Ang lomi ng Batangas ay walang
ganoon lasa at ito ay sobrang lapot pero ang nagpapasarap dito ay ang mga toppings niyang
atay, bola-bola, kikiam at chicharon na durog-durog tapos lalagyan mo ng pinaghalong
toyomansi na madaming sili. Talaga naman na pagpapawisan ka habang ito ay kinain mo pa ng
mainit-init kahit mainit na ang panahon ay lalamunin mo dahil sadyang napakasarap nito. Akin
pang naaalala, nung ako pa lamang ay nasa hayskul malimit naming itong merienda ng aking
mga kaklase pagkatapos ng aming klase a didiretso na kami sa paborito naming lomi haus kung

2 ng 3
saan masarap silang gumawa ng lomi at sobra talaga silang maglagay ng mga toppings kaya sa
isang bowl na malaki ay madami na kaming naghahati nito dahil mabigat rin ito sa tiyan.

Sa aking palagay kung bakit marami paring Pilipino ang naghihikahos sa buhay dahil ang
ibang mga tao ay aasa lang gobyerno tulad nga nung programa ng gobyerno na 4P’s kung saan
makakatanggap ang pamilya ng pera buwan-buwan at hindi na sila kumakayod para
magtrabaho. Isa rin sa problema ang extended family ang mga Pilipino kaya sa isang bahay
minsan dalawang pamilya ang nakatira tapos yung ibang mga kamag-anak ay naasa lang dun sa
mga nagtatrabaho nilang mga kamag-anak kaya kapag nagkaroon nag kagipitan ay sila-sila rin
ang nag-aaway.

3 ng 3

You might also like