Editorial

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sigaw ng pusong manlalaro, nawa’y pakinggan mo

Sa katatapos na 2017 Southeast Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia, umani ang
Pilipinas ng sumatotal na 111 ng mga medalya sa naturang paligsahan. Mahina kumpara sa mga
naiuwi sa nagdaang taon na umabot ng 131 mga medalya't parangal noong 2015.

Sa kabila nito ay napanatili ng Pilipinas ang ika-anim na pwesto, ang kakulangan sa pondo at mga
kagamitan ang nagiging napalaking balakid sa mga manlalarong Pinoy patungo sa tagumpay na
inaasam.

Ngunit kailan man ay hindi ito ang nagpatibag sa tiwala at lakas ng loob ng mga Pilipino na
pinatunayan nina Marco Vilog at Mervin Guarte na kapwa tubong Mindoro na bagama't kapos sa
budget at hikahos sa mga kagamitan, hindi ito ang naging hadlang sa pagkamit ng tagumpay na
matagal ng pinapangarap.

Di lamang sa ibang bansa nakikibaka sina Vilog at Guarte kontra sa mga banyagang katunggali
upang mabigyang karangalan ang tinubuang lupa, sapagkat kapwa ring mga lingkod ng bayan ang
dalawa, buong tapang na isinasakatuparan ang tungkuling iniaatang ng gobyerno bilang kasapi ng
sandatahang lakas ng Pilipinas, alinsabay nito ang pagbibigay karangalan sa pamamagitan ng
pagtakbo.

Tunay ngang bayaning atletang maituturing ang mga Pilipino na syang ipinakita nina Vilog at
Guarte sa kabila ng matagal na pagkakawalay sa mga mahal sa buhay na naiwan sa probinsya ng
Mindoro dahil sa masinsinang pag-eensayo upang mabigyang karangalan ang bayang
pinaglilikuran ay walang pag-aalinlangang ipinapagpatuloy ang paglalaro at pag bandera ng
watawat ng Pilipinas. Dahil dito, lalago at makikilala pa ang ating bansa sa ngalan ng pagiging
atleta.

Datapwat napakalaki ang magiging kontribusyon ng gobyerno sa pag-usad ng pwesto sa


pangkalahatang pagraranggo sa susunod na Southeast Asian Games kung pupunan ang
pangangailangan ng mga manlalaro higit sa mga kagamitan.

Ngunit umaaksyon ba ang pamahalaan sa pagsusumamong natatanggap? O patuloy parin sa pag


bibingi-bingihan ang mga ito? Mga katanungang ilang taon nang gumugulo sa isipan ng bawat isa.
Pero ano nga ba ang katotohanan? May pagdinig ba? Kulang pa ba ang hirap ng bawat manlalaro
sa pag eensayo upang hindi na tayo maging uhaw at gutom sa pagkuha ng mga karangalan?

Sana’y dinggin ng gobyerno ang sigaw ng mga pambansang manlalaro nang makilala di lamang
sa Asya kundi sa buong mundo.

You might also like