Sumatra Modyul PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA PANANALIKSIK

_________________________________________________________

Bilang Parsyal na katuparan sa

Pangangailangan ng Asignatura sa

Filipino

________________________________

Yprille Kaye H. Sumatra

March 30, 2020


DAHON NG PASASALAMAT

Ako ay lubos na nag papasalamat sa mga taong sumuporta, nag tiwala


gumabay saakin at sa taong nag bigay ng blessing at gumabay saakin sa araw
araw.

Una sa lahat ako ay nag papasalamat saaking mga magulang na si Rommel


O. Sumatra na ang aking ama at si Mary Grace H. Sumatra na ang aking ina sa
mga walang sawamg sumusuporta saakin at sa aking pangarap at nag titiwala
saakin. Binibigay at gina gawa nila ang lahat para lang mapaaral kaming
magkakapatid.

At higid sa lahat nais kong mag pasalamat sa panginoon na gumabay saakin sa


araw araw at walang sawang pagmamahal satin lahat.

Maraming salamat sainyo lahat.

Nag mamahal,

Yprille
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PASASALAMAT i
TALAAN NG NILALAMAN ii

ARALIN 1 TEKSTONG DESKRIPTIBO

Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo 1

Katangian ng Tekstong Deskriptibo 2

Kalagayan ng Kababaihan sa Pakistan 4

Pagsusulit 5

ARALIN 2 TEKSTONG PERSUWEYSIB

Kahulugan ng Tekstong Persuweysib 7

Halimbawa ng Tekstong Persuweysib 9

Pagsusulit 10

ARALIN 3 TEKSTONG NARATIBO

Kahulugan ng Naratibo 11

Katangian ng Naratibo 12

Halimbawa ng Tekstong Naratibo 12

Pagsulat ng Creative Non-Fiction 14

Pagsusulit 15

ARALIN 4 TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Kahulugan ng Argumentatibo 16

Mga Elemento ng Pangangatwiran 17


Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo 18

Pagsusulit 19

Bibliyograpiya 20

(Saliksikin ang mga hinahanap sa itaas,, siguraduhing sumunod sa format,

gumawa ng sariling Pagsusulit batay sa sinaliksik. Ang mga format ay ang mga

sumusunod: Arial 12, 1.5 Spacing, Justify)


ARALIN 1: TEKSTONG DESKRIPTIBO

Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo

 Ang tekstong deskriptibo ito ay uri ng tekstong naglalarawan.


Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang
pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay ang mga tekstong
deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa mga
katangian.
 Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa
katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay
laging sumasagot sa tanong na “Ano“.
 Tekstong Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang
larawan gamit ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan
ng mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang buhay sa
imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw
o kilos,karaniwang gumagamit ang may akda ng pang-uri at pang abay.
 Gumagamit din ng manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng
panggalan, pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao at iba pa. Ang
tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto,
partikular sa tekstong naratibo.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
Ang mga katangian ng tekstong deskriptibo ay:
a. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mambabasa
b. Maaring obhetibo o suhetibo
Obhetibo – direktong paglalarawan ng katangiang makatotohanan at di-
mapapasubalian.
Suhetibo – kapalooban ng matataling hagng paglalarawan at naglalaman
ng personal na persepsyon o kung ano ang nararandaman ng manunulat
ang inilalarawan.
c. Mahalagang maging espisipiko at naglaman / maglaman ng konkretong
detalye.
Kalagayan ng Kababaihan sa Pakistan
Sa Pakistan, ang kwento ng pag – agaw sa karapatan ng babae ay nagsisimula
hindi pa man siya ipinanganak. Sa bansang ito, karamihan ng babaeng sanggol
sa sinapupunan pa lamang ay pinapatay na. Ang mga sinusuwerteng mabuhay ay
karaniwang “hindi pinapaburan” sa mga anak. Ang kanilang buhay ay
pakikipagsapalaran ng patuloy na pagsunod at pagpapasupil.
Habang bata, idinidikta sa kanya ng mga magulang, lolo at lola, nakatatandang
lalaki at babae kamag – anak, at mga lalaking kapatid, maging kung paano mag –
iisip at mamimili. Karamihan sa kababaihan sa Pakistan ay walang karapatang
mamili mula sa pagkaing kakainin hanggang sa lalaking pakakasalan.
Bagp pa man ang pag – aasawa, mahigpit nang binabantayan ang kanilang
mga ikinikilos lalo na sa pagpasok sa paaralan kung saan pinagbabawalan maging
ang pagngiti nila sa mga kaklaseng lalaki. Pamilya rin ang nag – aareglo sa
pagpapakasal ng kababaihan.
Pagkatapos ng kasal, ang kanyang asawaat mga kamag – anak ang
magdedesisyon para sa kanya; halimbawa ay kung magbubuntis ba kada taon, o
kaya’y kung manganganak siya ng puro lalaki lamang, o kung maari
siyangmagtrabaho at iba pa. maging sa kanyang pagtanda, paghina at
pagkamatay ng kanyang asawa, ang mga anak niyang lalaki ang magdedesisyon
sa kahihinatnan ng mga nalalabing araw niya. Hindi pa ito sapat, dahil ang buong
lipunan ay humuhubog sa kanyang maging sunod – sunuran.
Samakatuwid, ang salitang “babae” sa Pakistan ay nangangahulugang
“pagtitiis.” Pinupuwersa siyang tanggapin ang mga katotohanan ng buhay habang
lumalaki. Sa kalsada o maging sa mga restawran, kailangan ang alertong
pagsunod ng mga babae. Hindi niya kailangang mag – isip at magsuri, dahil
sinasabi na ang bawat hakbang na dapat niyang gawin. Ayon kay Hina Jilani,
abogado at tagapagsulong ng karapatang pantao, “ang karapatang mabuhay ng
kababaihan sa Pakistan ay nakabatay s akanilang pagsunod sa mga panlipunang
paniniwala at tradisyon.
Dagdag pa rito, kinakaharap ng mga kababaihan ng Pakistan ang iba’t ibang
malulubhang karahasan sa kamay ng mga lalaking salarin, kamag – anak, at mga
ahente ng estado. Ang iba’t ibang porma ng karahasan ay panggagahasa,
domestikong pang – aabuso hanggang sa tuluyang pagpatay ng asawa,
mutilisasyon, pagsunog at pagsira sa mukha sa pamamagitan ng pagbuhos ng
asido, pambubugbog, ritwal ng marangal na pagpatay (honor killings) at iba pa.
Ayon sa ulat ng Amnesty International. Libu – libong babae ang namamatay
kada kada taon dahil sa ideya ng marangal na pagpatay (honor killing) sa Pakistan,
sa kalagayang walang ginagawa ang pamahalaan hinggil dito. Ang paraktis ng
marangal na pagpatay ay karaniwang ginagawa sa mga babaeng
pinaghihinalaang may ibang relasyon labas sa tunay na asawa. Ito ang tinatawag
na “Karo Kari” sa Sindh at Balochistan, na ayon sa ulat ay nangyayari sa iba’t ibang
bahagi ng bansa. Ang mga Kari ( babaeng pinaghihinalaang nagtataksil sa asawa),
ay tinatanggalan ng karangalan hanggang sa kanilang kamatayan. Ang kanilang
mga katawan ay itinatapon sa mga ilog o kaya’y sa mga libingan ng Kari na
ginagawa para sa kanila. Walang nagluluksa o nagbibigay – parangal sa kanilang
alaala. Sa kabilang banda, ang mga Karo (lalaking pinaghihinalaang nagtataksil sa
asawa) ay inililibing sa libingan ng komunidad. Nangako ang ang punong
ehekutibo ng bansa noong Abril 2000 na lahat ng marangal na pagpatay ay
ituturing na krimen, ngunit mabuway ang pagpapatupad hanggang sa
kasalukuyan.
Marami ring kinakaharap na balakid ang mga babae na nagsusumbong na
sila’y nagahasa o biktima ng sekswal na pagsasamantala. Kasama rito ang mga
pulis na tumututol sa pagsasampa nila ng kaso at madalas na mali ang ulat na
ginagawa batay sa kanilang pahayag, o kaya’y mga doctor na ang mas inaalam at
ang istatus nila ng pagkabirhen at may kakulangan sa kakayahang magsagawa ng
sapat na eksaminasyon. Dagdag pa rito, ang mga babaeng nagsasampa ng kaso,
sa halip na makakuha ng hustisya ay may mas may posibilidad pang maparusahan
ng illegal na pakikipagtalik kung hindi nila mapatunayang ginahasa sila. Ito ay
nakasaad sa 1979 Hudood Ordinance na nagpaparusa sa pangangalunya at
pakikipagtalik nang hindi kasal. Sa kabuuan, kapag ang mga biktimang babae ay
umasa sa Sistema ng hudikatura, mas malamang na lalo pa siyang abusuhin at
maging biktima. Mababa rin ang bilang ng naitalang kaso ng domestikong pang –
aabuso dahil tinatangggap ito ng panlipunang kaugalian at itinuturing na pribadong
usapin ng pamilya.
Dagdag pa, maraming kaso ng panggagahasa sa pamilya kung saan ang
Bradary (Konseho ng Kamag – anakan), Punchait (Lupong Tagahatol ng
Komunidad), at Jirga (Konseho ng Tribo) ay nagdedesisyong pagkasunduin na
lang ang mag – asawa at manahimik ang ang babae ngunit kung ang biktima ay
hindi sumunod sa kasunduan, ito ay makukulong siya sa ilalim ng Zina Ordinance.
Kung susumahin ang kalagayan ng babae sa Pakistan, wala silang karapatan
sa kanilang sariling katawan at lalaki angmay tradisyonal na control sa lahat ng
aspekto ng kanilang buhay maging sa pagpapahayag at pagkilos. Ang pagtitiis ay
bahagi ng kismet (kapalaran) ng mga babae. Ang pagsuway rito ay
nangangahulugang paglapastangan sa karangalan ng lalaki, pamilya, at ng
komunidad.
Ang ilang rekomendasyon upang unti – unting magbago ang kalagayan ng
kababaihan ay: Una, kailangang magkaroon ng pagbabago sa paraan ng pag –
iisip ng lalaki hinggil sa kasalukuyang nosyon ng awtoridad, momo;polyo, at
kapangyarihan; ikalawa, ang mahalaga sa kasalukuyan ay hindi upang bigyang –
kapangyarihan ang isang kasarian laban sa isa, kundi magkaroon ng balnse sa
pagitan ng dalawa upang magkaisa sa layunin tungo sa mas mabuting lipunan at
mas maayos na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon na may
pagmamalaki sa kanilang tradisyon at kultura: ikatlo, ang dalawang paraan upang
magawa ito ay sa tulong ng media, na may kakayahang humulma ng
pampublikong opinion, at ng pamahalaan na kailangang magkaroon ng walang
kondisyong suporta sa kababaihan; at ikaapat ay ang proseso ng ebolusyon kung
saan ang mga ina na kailangang maging malaya mula sa relihiyon at sistemang
caste, ay magmumulat sa kanilang mga anak sa simula pa lamang na ang kapuwa
kasarian a dapat ikarangal at may mahalagang tungkulin sa lipunan. Magiging
posible ito kung mabibigyan ng mapagpalayang edukasyon ang kababaihan sa
tulong ng pamahalaan.
PAGSUSULIT
PANUTO: bilugan ang tamang titik na sagot.
1. nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar,
bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na
“Ano“.
a) Tekstong naglalarawan
b) Tekstong impormatibo
c) Tekstong deskriptibo
2. Ano ang dalawang katangian ng tekstonh deskriptibo?
a) Obhetibo at Latibo
b) Obhetibo at Suhetibo
c) Obhitibo at Suhetibo
3. direktong paglalarawan ng katangiang makatotohanan at di-
mapapasubalian.
a) Obhetibo
b) Suhetibo
c) Obhitibo
4. kapalooban ng matataling hagng paglalarawan at naglalaman ng personal
na persepsyon o kung ano ang nararandaman ng manunulat ang
inilalarawan.
a) Obhetibo
b) Suhetibo
c) Obhitibo
5. Ano ang ibig sabihin ng honor killing
a) Ginagawa sa babaeng pinaghihinalaang may ibang relasyon labas
sa tunay na asawa
b) Pagpapatay sa mga makasasala
c) Ginagawa sa mga kalalakihan
ARALIN 2: TEKSTONG PERSWEYSIV

Tekstong persweysiv
 Mga pahayag na maka-aakit sa damdamin at isipan ng mambabasa
 Mga pangangatwirang hahantong sa isang lojikal na konklusyon
 Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na
maging kapanipaniwala at may kredibilidad ang paglalahad.
 Ang layunin nito ay makapaglalahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong
datos upang makumbisi ng mga mambabasa na pumanig sa manunulat.
 - isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.

Naglalaman ng:

a. Malalim na pananalisik
b. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa
c. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ong isyu.
Halimbawa ng tekstong persweysiv

Talumpati ng pulitiko

Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Rod Cruz, tumatakbong kapitan ng


ating barangay - ang barangay San Nicolas. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis
sa barangay na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong
aking mga kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato.
Kapag ako ang nanalo ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas
ang aking opisina para sa inyong mga mungkahi. Ang patubig na laging
ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang
kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng
badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay
ang aking pangalan, Rod Cruz po bilang inyong kapitan. Iboto po ninyo ako bilang
bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong
mga hinaing. Ako po ang bahala sa inyo. Maraming salamat.

: brainly.ph/question/465794

Halimbawa ng Tekstong Persweysiv

-iskrip sa patalastas

-propaganda sa eleksyon

-Pliers ng produkto

-brochures na nanghihikayat

-networking (Open Minded Ka Ba? HAHAHAH)

– kahit anong panghihikayat


PASUSULIT

PANUTO: Isulat ang tama kung ang pahayag ay nag papaliwag ng tama tungkol
sa tekstong perweysiv at kung hindi naman isulat ang mali

1) Ito ay maka-aakit sa damdamin at isipan ng mambabasa.


2) makapaglalahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at
maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang
makumbisi ng mga mambabasa na pumanig sa manunulat.
3) Ito ay piksyonal na pagsulat upang ma bighani ang mambabasa
4) Ito ay gina gamit sa pag gawa ng mga iskrip sa patalastas
5) Ito ay isang opinion upang makumbinsi ang mambabasa.

PANUTO: Pag gawa ng sanaysay (5) puntos

1. Para saiyo ano ang tekstong persweysiv


ARALIN 3: TEKSTONG NARATIBO

Ano ang kahulugan ng tekstong naratibo?

 Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalayong


magsalaysay ng kwento o pangyayari. Ang pagsulat nito ay maaring
batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maari din namang ito ay
nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaring hinango sa
totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon).
 Ang tekstong naratibo ay tekstong may maayos na pagkakasunod-
sunod ng paglalahad ng impormasyon o pangyayari tungkol sa isang
bagay o tao, totoo man o hindi. Ginagamit ang tekstong naratibo upang
magbigay leksiyon sa mga bata sapagkat nagkakaroon ng moral lesson
o matibay na konklusyon sa huling bahagi ng naratibo. Halimbawa ng
tekstong naratibo ay ang maikling kuwento, alamat at nobela kung saan
isinasalaysay ng maayos ang mga pangyayari.

Mga bahagi ng tekstong naratibo

1. impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan ng naratibo (exposition)

2. mga komplikasyon o pangyayari - dito nakikita ang maayos na


pagkakasunod-sunod ng pangyayari ng kuwento hanggang huli (chain of events)

3. katapusan o huling bahagi ng naratibo kung saan ang tauhan ay maaaring


nagbago o may napulot na aral mula sa pangyayari (resolution)
Mga katangian ng tekstong naratibo

 Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya kanyang taglay ng katagian
subalit ang mambabasa mo sa ibabaay pangkalahatang katangiang taglay
ng bawat uri ng tekston naratibo.
 Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay timutukoy sa tekstong naglalahad
ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap,
nagaganap o magaganap pa lamang.
 Ang tekstong naratibo ay laraniwang kronolohikal o nakabatay sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, bagamat sa tekstong literi,
madalas naman ang paggamit ng flashback
 Ang tekstong naratibo ay ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga
aktibidad ng isang kumoanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang
krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor,
puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad
nito.
Mga paksa sa pagbuo ng naratibong komposisyon
1) Sariling karanasan
2) Nasaksihan o napanood
3) Napakinggan o nabalitaan
4) Nabasa
5) Likhang-isipan

Ibat ibang uri ng punto de vista

Unang panauhan – nagsasalaysay ng mga bagay na kanyan nararanasa, naalala,


o naririnig kay gumamagit ng panghalip na “ako”

Ikalawang panauhan – ito ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kayat


gumagamit siya ng panghalip na “ka” o “ikaw” subalit bihira lang magamit.

Ikatlong panauhan – tagapagsalaysay at tagapag-obserba lang at nasal abas ng


mga pangyayari.

Kombinasyong pananaw – hindi lang iisa abf tagapagsalaysay kayat iba- iba ang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Katangian ng isang mahusay ng tekstong naratibo

 Sumusuporta sa isang pangunahing punto. Ang punto o ang pangunahing


ideya ay karaniwang matatagpuan sa unang talata. Maaring Makita ito sa
una, gitna o huling pangungusap ng talata. Lahat ng detalye sa tkstong
Naratibo ay sumusopurta sa pangunahing idea o punto.
 Nagbibigay ng detalyadong obserbasyon ng mga tao, lugar p pangyayari.
Sa isang mahabang Tekstong Naratibo, kailangan ito upang lubos na
maunawaan ang konteksto ng mga pangayayari.
 Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod. Ang isang
tekstong naratibo ay tungkol sa personal na karanasan ng may akda
(personal na narativ) ay may banghay. Tumutkoy ito sa istruktura ng aksyon
na maaring binubuo ng simulang aksyon,kumpliksyon,sukdulan at
katapusan.

Mga katangian ng isang mabisang naratibong komposisyon

1. May mabuting PAMAGAT


-gumising sa kawilihan ng mambabasa o makikinig
A. Orihinal
B. Kapanapanabik
C. Maikli
2. Mahalaga ang PAKSA o diwa
-Pinakagusto mong sabihin sa mga mambabasa o tagapakinig
3. Maayos na BALANGKAS ng mga pangyayari
 Nagiging pangunahing batayan ng isang naratibo ay ang pag
babalangkas o pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
4. Isang kaakit akit na PANIMULA
-ang kawili wiling ay nagpapanatili ng kapanabikan ng bumabasa o nakikinig.
 Noong unang panahan
5. PAGWAWAKAS – mahalaga upang may maiwang impreyon sa bumabasa
at tagapakinig na magbubunga ng pagkilos na siyang layunin ng sinulat.
Halimbawa ng tekstong naratibo

Si Loida ay nag-iisang anak ng mayamang negosyante sa kanilang lugar. Siya ay


walong taong gulang at biniyayaan ng magandang mukha kaya marami ang nais
na makipagkaibigan sa kanya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kanyang mga
magulang lalo na ang mga laruan. Marami silang katulong sa bahay.

Isang araw, kaarawan ng kanyang mommy at nagkataong wala silang pasok.


Pumunta sa kanilang bahay ang kanyang mga pinsan na halos mga kaedad din
niya. Dinala niya ang mga ito sa kanyang kuwarto at sila ay naglaro habang ang
kanyang mga magulang ay abala sa kanilang mga bisita. Isa sa mga pinsan niya
ay nakakita ng isang batang nakasilip sa kanila sa pintuan ng kuwarto. Lumabas
siya.“Sino ka?”, tanong ni Ruth, ang pinsan ni Loida. “Ako si Dan. Anak ako ng
isnag katulong dito”. “Halika sa loob, sumali ka sa aming laro”, anyaya ni Ruth.
Narinig ito ni Loida sumabat siya. “Naku Ruth, huwag! Ayokong makipaglaro sa
anak ng katulong. Baka may nakawin pa siya sa loob ng kuwarto ko”. Malungkot
na tumalikod si Dan. Nakita niya ang mommy ni Loida sa kanyang harapan.
Nandoon pala ito sapagkat may kinuha sa kuwarto nila na katabi lang ng kuwarto
ni Loida. Narinig ng kanyang mommy ang usapan ng mga bata. “Loida, hindi
masamang tao si Dan. Anak siya ng ating katulong na pinagkakatiwalaan namin
ng daddy mo at wala pang kahit anong nawala rito sa bahay. Sila ang nag-iingat
ng ating mga gamit kapag wala tayo. Naniniwala akong pinalaki ng maayos ni Aling
Nena ang kanyang mga anak kaya sana makipagkaibigan ka kay Dan”, sabi ng
mommy ni Loida. “Sige po mommy, kakaibiganin na po namin si Dan. Halika Dan,
pasok ka, sori kung pinagdudahan kita”. Ngumiti si Dan sabay sabing “ayos lang”at
masaya silang naglaro sa loob ng kuwarto kasama ang iba pang mga batang bisita.
Pag sulat ng creative non-fiction

Ang Creative Non-Fiction ay isang paraan ng pagsusulat na ginagamitan ng mga


pangyayaring mula sa katotohanan. Hindi ito dulot ng kathang isip lamang. Ang
pagsusulat ng creative non- fiction ay nangangailangan ng eksenang mula sa
tunay na buhay hindi imbento lamang. Dapat ito ay sinusuportahan ng mga
detalyeng makatotohanan. Sa pagsusulat ng Creative Non Fiction, dapat nating
isaalang alang na dapat ito ay may wika na wasto at mabisa. Mayroong mahusay
na istilo ng paglalahad ng ideya, malinaw at hindi madamot o matipid sa
pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa at nakakahikayat ng
mambabasa na paulit ulit itong basahin. Ang blogging ay isa pang halimbawa ng
Creative Non-Fiction dahil ang pinakang dahilan ng pagkakaroon ng isang blog ay
ang pagbabahagi sa marami ng nangyari sa iyo sa buong araw mo. Ito ay hango
sa tunay mong karanasan at dapat hindi imbento lang. Marami ang nalilito sa
pagkakaiba ng Creative Essay sa iba pang uri ng mga literary works. Katulad na
lamang ng pagkakaiba ng isang Critical Essay sa Creative Essay. Dapat lamang
nating ilagay sa isip na kapag sinabing Critical essay, ito ay nagbabanggit ng
konklusyon sa huling bahagi nito samantalang ang Creative essay ay simpleng
pagpapahayag lamang sa isang bagay na isinasalaysay sa paraang mabulaklak
at masasabing walang mali o tama dahil pawing opinyon ang pinaguusapan. Ang
Talambuhay ay isa ring klase ng pagsusulat ng sanaysay sapagkat ito ay
naglalaman ng mga impormasyong mula sa tunay na buhay. Ito ay hinugot sa
tunay na impormasyon ng isang tao. Sa modernong panahon, naging iba-iba na
ang tema ng mga sanaysay na lumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na
pambalitaan, tulad ng kay Barbara Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si
Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang
mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay nagsulat
tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay
lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mga akdang pang-
talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kontemporaryong isyu, tulad ng HIV-
AIDS. Dahil nagbabagong panahon, umunlad ang pagsulat ng sanaysay bunga na
rin ng pagdami ng pwedeng maging paksain.
PAGSUSULIT

PANUTO: Ilagay ang tamang sagot bago ang numero

1. Tekstong nagsasalaysay tungkol sa karanasan at pangyayari sa


isang tao, bagay o lugar.
2. Pinakagusto mong sabihin sa mga mambabasa o tagapakinig
3. gumising sa kawilihan ng mambabasa o makikinig.
4. Nagiging pangunahing batayan ng isang naratibo ay ang
pagbabalangkas nito.
5. ang kawili wiling ay nagpapanatili ng kapanabikan ng bumabasa o
nakikinig.
6. mahalaga upang may maiwang impreyon sa bumabasa at
tagapakinig na magbubunga ng pagkilos na siyang layunin ng
sinulat.

Enumerasyon

7-11.Mga katangina ng mabuting tekstong naratibo.

12-15. ibat ibang uri ng punto de vista


ARALIN 4: TEKSTONG ARGUMENTIBO

ano ang kahulugan ng tekstong argumentibo?

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang
maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan
ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede
niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at
resulta ng empirikal na pananaliksik. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay
nangangailangan ng masusi at maingat na pagkalap ng mga datos o ebidensya.
Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ay obligado nang
panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang magsimulang magsulat ng
malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa pamamagitan ng detalyadong
pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng mananaliksik ang iba’t-ibang
punto de bista na maaring matalakay sa diskurso. Dahil may sapat na rin siyang
kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para sa kanya ang pumili ng
posisyon o papanigan. Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay
nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay
magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.
Mga elemento ng pangangatuwiran

Proposisyon

Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang


proposisyon ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay
dapat mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng
dalawang panig. Kung walang itatakdang proposisyon, magiging mahirap ang
pangangatwiran sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang
panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng proposisyon.

 Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan
 Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa
sa bilingual education
 Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para mabawasan ang
kriminalidad sa bansa
Argumento
Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang
pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran
ng isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa
proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

1. Mahalaga at napapanahon ang paksa

Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot


ang buong diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba
ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan sa lipunan.

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng


teksto

Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong konteksto


ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin sa
bahaging ito ang kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ng
mambabasa sa nasabing isyu.

3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang


nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung
walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi makasunod ang
mambabasa sa argumento at hindi maging epektibo ang kabuuan ng teksto.

4. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga


ebidensya ng argumento

Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya


lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto.

5. Matibay na ebidensya para sa argumento

Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at


napapanahon ang impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya,
masisigurado ng manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.
PAGSUSULIT

PANUTO: bilugan ang tamang letra ng iyong sagot (dalawang putos kada numero)

1. Nakatuon sa layuning maghikayat sa pamamagitan pangangatwiran batay


sa katotohanan o lohika.
a) Tekstong argumentibo
b) Tekstong naratibo
2. Anong katangian ng tekstong argumentibo ito “ay napakahalaga dahil dito
iikot ang buong diskusyon”?

a) Mahalaga at napapanahon ang paksa

b) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

3. Anong katangian ng tekstong argumentibo ito “ay kinakailangang maging


detalyado, tumpak at napapanahon ang impormasyon”

a) Matibay na ebidensya para sa argumento

b) Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng


mga ebidensya ng argumento

4. Anong katangian ng tekstong argumentibo ito “Ang nilalaman ng bawat


talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang
magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto”

a) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

b) Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng


mga ebidensya ng argumento

5. ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran

a) Proposistion
b) argumento
BIBLIYOGRAPIYA

Tekstong Deskriptibo

www.academia.edu/35948913/Ang_Tekstong_Deskriptibo_o_Deskriptiv

www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

Marlon Orienza, published on dec 1, 2016 in education

: brainly.ph/question/465794

Kalagayan ng kababaihan sa Pakistan

www.scribd.com/document/407231735/Kalagayan-ng-Kababaihan-sa-Pakistan-
docx

Dhealine Jusayan Date uploaded on Apr 23, 2019

Tekstong persweysiv

slideshare.net/NikkiHutalla/tekstong-persweysiv
Nikki Hutall, Student at MPNAG Published on Jan 25, 2018

brainly.ph/question/465794

Tekstong naratibo

www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-naratibo Published on Jan 29,


2017

Published in: Education

Pag sulat ng creative non-fiction

Adventures ni kulot, Huwebes, Marso 2, 2017, adventurerpalasikulot.blogspot.com

Tekstong Argumentibo

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store May 21st, 2019
pinoynewbie.com

You might also like