Documented Report Ge13

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DOCUMENTED REPORT TTH: 12:00PM-1:30PM

G.E. 13 CONFUCIANISM & TAOISM

Ang Confucianism at Taoism ay nagmula sa Silangang Asya.


Ang Confucianismo ay nagsimula sa Tsina, ang lugar kung saan ipinanganak si
Confucius. Lumaganap ito hanggang Korea, Japan, Vietnam at iba ang bahagi ng
Silangang Asya. Sa ngayon, ang South Korea ang may pinakamaraming mga
tagasunod.
Walang makakapagsabi ng eksaktong petsa ng pagkakatatag nito pero alam
natin na ito'y nagsimula noong 6th century B.C sa Tsina.

Ang Confucianismo ay isang pilosopiyang ideolohiya na may mahigit anim na


milyong tagasunod. Hinahangad nito ang pagkakaroon ng moral na kalakasan upang
magawa ang tama bilang isang indibidwal ng hindi pagkakaroon ng mga striktong batas
na pangrelihiyon.
Ang Confucianismo ay batay sa mga turo ni Confucius (Aka. K'ung-Fu Tze) na
nangangahulugang “MASTER KUNG”. Siya ay isang Tsinong pilosopo at guro na
tumira sa Tsina noong 551 B.C hanggang 478 B.C)

Ang katangian ng Confucianism ay nakatuon sa pagkakaroon ng tamang asal,


moralidad at pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Isa pang aspeto ng Confucianismo ay ang pagbibigay respeto sa kanyang mga
guro at mga ancestors.
Ang pangunahing prinsipyo ng Confucianismo ay ang "ren"(benevolence).
Ipinapakita nito ang mabuting karakter na nakaayon sa "li" (property). "zhong" (loyalty to
one's true nature), "shu" (reciprocity), at "xiao" ("filial property")

Ang Limang klase ng pakikitungo na dapat ay nakaayon sa "li":

1. Pinuno at Alipin
2. Ama at Anak
3. Esposo at Esposa (mag-asawa)
4. Matandang anak na lalaki at ng mga mas nakakabatang kapatid
5.Mga Nakakatanda at ng mga bata (kaibigan)
Ang Relihiyong Confucianismo ay walang mga ritwal o mga pagdiriwang maliban
sa mga prinsipyo nito.
Ang pinakabanal na sulat sa relihiyong Confucianismo ay ang Lun-yu
(Annalects). Nakapaloob sa Lun-yu ang mga salita ni Confucius

Meron ring sinasabing "Confucian Cannon" na nakaloob ay ang "Five Classics at Four
Books" at dito sa aklat nakapaloob ang mga turo ni Confucius.
5 Classics:
1. Shu Jing (History)
2. Shi Jing (Poetry)
3. Yi Jing (Changes)
4. Li Chi (Rites)
5. Chun Chiu (Spring and Autumn Annals)

4 Books:
1. Lun-Yu (Annalects)
2. Chun Yung (Doctrine of the Mean)
3. Ta Hsueh (Great Learning)
4. Meng Tzu (Mencius isang Confucian Philosopher)

Isa pang akdang pampanitikan nakaimpluwensya sa buong nga daigdig ay ang


“Aklat ng mga Araw ni Confucius“
Ang pangalang Taoismo ay nagmula sa dao, salitang tsino na ang
ibig sabihin “ang daan”, bagaman may ibang pambayang relihiyong tsino at
pilosopiya.
Taosimo o daismo ay isang pilosopikal, etikal at relihiyosong
tradisyon ng mga tsino kung saan tumutukoy ito sa ibat-ibang
magkakaugnay na pang pilosopiya at pang relihyon na mga tradisyon at
kaisipan.
Si LaoTzu (Lao Zi) ang kinikilalang “Ama ng taoismo” at ang
kinikilalalng nagtatag nito, na nangangahulugang “Old Master”.
Ang taoismo ay isang klaseng “Animismo” katulad ng Shinto ng
hapon.
Ayon sa maraming mga iskolar, ang Taoismo ay ang kasalungat ng
Confucianismo. Malaki ang ambag ng Taoismo sa Buddhismo sa
pagpapakilala ng maraming mga elemento.
Binibigyang ng kagandahang asal atetika ng Taoismo ang tatlong
Hiyas ng Dao: ang PAGKAHABAG, PAGTITMPI, AT KABABAANG LOOB.
Pangkalahatang nakatuon ang kaisipiang Taoista sa kalikasan,
kaisahan ng mga tao-kosmos, kalusugan, mahabang buhay, wu wei
(aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon), kalayaan, kawalang-
kamatayan at pagkakusang-loob.
Simplisidad ang tema ng taoismo. Ang taoista ay dapat maging
parang simpleng pirasong kahoy. Malimit itong kahoy at metapora sa
Taoismo. Dapat yumuko parang hinahanginang talahin. Huwag dapat pilitin
ang paraan ng kalikasan
Ang “pagbalikbalik” ay importante sa Taoismo. Ang meditasyon ay
may pinagbabalikan. Ang kalikasan ay “konstante”. Kung di alam ang
konstante ay katastrope ang magkakaroon.
Ang dao rin ay maihahaintulad sa “isang bagay na walang hugis at
porma”.

Para sa mga Taoist, ang paghahangad ng kapangyarihan at


kaalaman ay pagtatangka ng tao upang makonbtrol at mapagharian ang
kalikasan.
Naniniwala ang Taoista na pinakamahalagang mamuhay sa natural
na pamamaraan. At ang tao ay dapat umayon sa kalikasan
Ang paniniwala ng mga taoista ay maraming kaluluwa na nasa loob
ng katawan.
May eskuwela ng taoismo na naniniwalang may mga 36,000
kaluluwang diyos sa bawat katawan ng tao at ang mga ito ay mikrokosmo
na nagrereplek sa makrokosmo.
May mga anitong mabait at may anitong demonyo. Ang Qi (o tsi na
tinatagalog) ay buhay enerhiya o “hinga”.

Ang simbolo ng yin at yang ay nagpapakita ng balanse sa kalikasan


at daigdig.
Sumisimbolo ang “yin” sa aspektong pambabae: malambot at
kalmado. Kumakatawan din ito sa kadiliman. Ang “yang” naman ay
sumisimbolo sa apsektong panglalaki: matigas at masigla. Kumakatawan
ito sa kaliwanagan. Kapag nawala ang balance ng yin at yang ay
magkaroon ng kaguluhan.
MEMBERS:

 ABALOS, DONNA LIZA


 BADOL, MAE ANN OMENA
 BARZA, JASON CARLO
 COMAJES, ALJAY
 GALLEOS, DANISE
 LIBRON, FRANKLIN
 MANTAHINAY, RANIER
 OXIMAS, VINCE
 ROSAURO, MC IVAN
 VILLAUEVA, GEOFFREY
 ZARANDIN, NICOLE

You might also like