Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PITONG LIHIM NG KARUNUNGAN

Ito pinakamataas na antas sa lihim na karunungan sa pamamagitan ng alintuntunin at kaparaanan na


Dapat Sundin UPANG makagawa ng kababalaghan sa PAGMAMALIKMATA. PAMAMALANI.
PAGPAPASUNUD SA LAHAT NG IYUNG KAGUSTUHAN MAKAPAGLALAKAD SA IBABAW NG TUBIG na Hindi
ka lulubog na ikagugulat ng madla..

Ang karunnungang lihim na siyang nag uulat na kung papaano Maaring mapalusog ang mga
kapangyarihang angking sangkap sa katawan nating ito na di naiino ng ating sarili, ang paggamit sa
kapangyarihan ng pagiisip sa pagpapalaks ng diwa at kalooban at sa pagtitipon ng pag iisip na upang ang
lahat ng lakas ay mapagsama, at madaling mapanuto sa Dapat na kalagyan ay kailangang gawin sa
Tuwing magpapatiim ng isip, ang katawan ay matuwid na hihinga sangayon sa alintuntunin ng mga yugi
ng sa gayun ang lahat ng lakas ay manuluyan agad sa gulugod ng likod. Kaparaanan sa pagtuklas ng
kagingawahang masunod ang Bawat ibigin natin sa pamamagitan ng dalisay na paghinga.. Ng RAHA
YOGA.

ipitin ang ilong ng mga daliring hinlalaki at hintururo at palabasin ang hangin sa bibig kung magawa ito
ay tatakpan naman ang isa sa mga butas ng ilong at bayaang makapasok sa Isang butas ang hangin,
PAGKATAPOS Ito naman ang pasisinghapin ng hangin, kung puno na ang baga Pigilin ang hangin
pumasok saka sarhan ang butas na ito ng ilong at hayaang makalabas sa isa na inipit, sa makatuwid ay
halinhinan ang dalawang butas ng ilong sa pagpapapasok at pagpapalabas at ganun din sa paglanghap at
pagpapalabas,

Ang Ibig sabihin ay ganito kung kung sa kanan butas ng ilong pinapasok ang hangin ang kaliwang butas
ay tatakpan sa pagpapalabas ang pagganap ay gawin ng Lima o anim na ulit sa Tuwing magsisimula ang
paghingang ganito ay Dapat namang gawin sa apat na beses maghapon.. Bukang liwayway tanghaling
tapat takip silim at hatinggabi kelangan pumili ng pook na Kung San makaksinghot ng malinis na hangin
ang pook na marumi at maalikabok ay di dapat pagdausan ng ng pagsasanay na ito. Pumili ng pook na
mahalaman walang usok at alikabok ng Lupa. Kung itoy magagawa at masunod ang panahong itinakda
ay makakaasa na makakarating sa dambana ng kapangyarihan upang masunod ang Bawat ibigin. UPANG
magkaroon ng sigla at lakas ng kapangyarihang lubos sa ating damdamin at pag iisip ay sa pamamagitan
ng Raja yoga na matutunghayan ninyo sa MAHIWAGANG AKLAT NG KABABALAGHAN.

upang masupil ang pagiisip sa Isang kalagayan ng huwag maging pabaling baling na nakakawala at
naaalipin ng Isang bagay na makpagpapahamak at magpirmi ng isip at lakas ng loob, sa pagawa ng
ganitong pagsasanay ay ang kabaitan at kalinisan ng hangarin. Hayaan sa simulang panahon ng
pagsasagawa na ang ating pag iisip ay maglalaro sa kanyang kalagayan angkin hangang sa unti unting
makapagpahinga saka ititig sa Isang bagay lamang ngunit kelangang panghawakang Mabuti ang
kalooban ng maging malakas at matatag ng huwag mapahamak.

Pagsasanay sa paghingang bumubuhay at nagpapalakas o nagpupuno ng sigla sa ulo sa pamamagitan ng


ganitong paraan ng RAHA YOGA. nakatayo o Nakaupo huminga ng may sukat na panahon ng mga Lima
hangang sampong minuto at sa buong singkad na panahon na Ginawa ito ay Isipin ang pagpapaliwanag
ng mga pang unawa SENTIDO o Malay maging sa mga

Panglabas at pangloob na mga bagay at ganito natatamo ang kapangyarihan na malaman ang lahat ng
lihim na karunungan. Sa pagsasanay na ito ay Dapat ding ipagpilitang gawin ang pag papabaya sa isip
lamang, na anumang idadaos na hangarin alalaong BAGAY, walang gagalaw sa bagay na ito Kundi ang
kapangyarihan ng pag iisip lamang.

ANG PAGPAPATALINO SA KAISIPAN NG ISANG TAO. pagkakaroon ng kapangyarihan sa pagiisip ay Dapat


tumungo muna, na siyang una sa lahat sa pagtanggap ng pagkaunawa ng mga magiging dahilan o bagay
na pinagmulan ng mga damdaming Panglabas at pangloob natin. Sampo ng ikinikilos at PAGKATAPOS sa
pagpapalakas upang upang siyay makapngyari sa sarili. Kung matamo na at mapagkilala ang mga
pinagmulan luwal ng Bawat damdamin ay makakaasa na matatamo rin naman ang kapangyarihan
mapapakinabangan sa lahat ng buhay at kaanyuang binubuo ng marurupok na hibla ng laman na nag
kakaugnay sa katawan natin.

Kung matamo naman na magpakilala ang Bawat kilos pangloob ng ating diwa ay matatamo rin natin at
maaabot ang pagsupil sa lahat ng iginagalaw ng pag iisip maging ang sa sarili at sa iba. Hangang sa pati
pa ang bago pa lamang babalangkasin ng lakas at pagsisikap ng tao Kung ang EGO ay may KAYA na
upang tumanggap ng pagpapalakas ng pagiisip sa ibat iba niyang bahagi, ng sa ganon matatamo niyA ang
pagkaunawa sa Alin mang karunungan, sapagkat ang Alin mang pagiisip na mahina ay tumatalas at
tumitibay sanhi lamang ng pagpapalakas kung kayat Di Dapat pang gilalasan .na ang Alin mang simula na
ikapangyayari ng pag iisip ay Nasa pamimihasa lamang at tunay na pagsupil.

IKALAWANG KAPANGYARIHAN ANO ANG SANTA CABALA...

ang SANCTA CABALA ay isang aklat na kinalululanan ng maraming kalihimang dunong ng mga Hebrew,
dito ay ipinakikilala ang sampong pangalan ng dios na ang mga ito ay siyang Nagbibigay ng Swerte o
kapalaran na isinusulat o iniuukit sa mga anting anting; ito ay ang mga sumusunod EL. ELOHA
.ELOHIM .JEVE .SABAOTH .JAH .EHIEH ADONAY .JEHOVA .SHADAY .ang Bawat titik ng sa mga ngalang ito
o mantrams na banal ay may nilalaman o taglay na lakas na nagpapasigla na ang Bawat titik; A. E. I. O. U.
na nasasalit sa Bawat bigkas ay nagpapasigla o magpapagalaw sa Bawat gitnang gatilan, ng ating
katawan at ang 72. Ngalan ng banal na kabala ay mga mantrams na panglunas sa anumang karamdaman
ng katawan natin.. Ito ay ang mga sumusunod;

72; NGALAN NG BANAL NA KABALA;

VEH NIAH, JEL EIL, SIT AEL, ELEM IAH, MEHAS IAH, LEH AHEL, ACH AIAH, CAH ATEL, HAZ IEL, ALAD IAH,
LAN VIAH, HAB AIAH, JAZ ALEL, LEN VIAH PAH ALIAH, MELC HAEL, JEC AIEL, MEL EHEL, HAHI MAK, NITH
HEICH, HAA IAH, JER ATHEL, SEE IAL, REI EIL, OM AEL, LEC ABEL, AM EIL, HAAM IAH, REH AHEL, JEI AZEL,
HAHA HEL, MIK AHEL, VEHU ALIAH, PO EIL, NEMA MIAH, JEI ALEL, NAZ AEL, MIZ RAEL, UM EBEL, JAH
HEL, AN ANEL, MEH IEL, DAM ABIAH, MA NAKEL, EJ AEL, MEH AHEL, HAR IEL, HAKA MIAH, LAN OIAH,
KAL IEL, VASAN IAH, JOM IAH, LEHA IAH, CHAV AKIAH, MEN ADEL, DAN IEL, HAHA SIAN, IMAM IAH, NAN
AEL, ABAC AM, ELOY RIN, ITAR AM, ON ELA, UC TAM, DEMIS RAEL, ESS AEL, NIT BAEL, NAB UHAH, RO
CHEL, JAB AMIAH, JA IAEL, MIU MIAH,..... ang mga pangalan na ito ay maaaring ipanggamot sang ayon sa
pag bibigay tunog sa Bawat titik na I, E, O, U, A. Katulad ng ACHIAH ay may dalawang A, at Isang I. ang A.
ay ukol sa mga baga ang I. ay sa ulo, kung itoy binibigkas na may tuno ay nakapagpapagaling sa may sakit
na TISIS o sakit sa dibdib o sangkap sa paghinga. kung kayat inyung tatandaan na ang pagbibigay ng
indayug sa pagbigkas ng Bawat titik I.E.O.U.A ay isunod sa Tagal ng salita at uri ng sakit na ginagamot ng
magkaroon ng bisa ang Bawat MANTRAMS.

ang maalam At matalino sa pagbigkas ng mantrams ay Maaring makipag USap sa DIYOS. ang mantrams
na PHTAH o HAPHTAH na pulos na A, ay siyang ginamit ni Jesus upang papagsalitain ang piping bingi na
kanyang ginamot narito ang banal na oracion.. narito ang banal na oracion upang maligtas o malayu ang
Isang tao sa panganib... AGLA, AUM, AUM, AUM, ito ay isang mantrams na ginamit ng mga inisyado sa
karunungan ng OCCULTISMO, na upang kung ang Isang tao ay nasa kagipitan o kapahamakan ay bigkasin
lamang ang salitang ito UPANG maligtas ,,ang AGLA ay salitang kinuha sa ATEHH GIBOR LEOLAM
ADONAY, na nangangahulugan ng “ikaw ”ang makapangyarihan sa lahat sa buong panahon iligtas mopo
ako Katulad din ng AUM MANI PADME HUM SALVAME...

ngayun ano naman ang Ibig sabihin ng MANTRAMS, ang mantrams ay mga bigkas na lihim na may
kimkim na kabanalan at kapangyarihan na kapag kapag winika ay maaaring mapagalaw ang daigdig at
masunod ang Bawat ibigin ang mantrams ay Syang tunay ng kaisipan ng EGO na pangloob at lihim sa
paggawa ng paghinga. Hindi Dapat ipagwalang bahala na kailangang kailangan na sa paggamit ng
mantrams ay katambal ang ng paghingang YOGI upang magkaroon ng bisa o sidhi..

Ang mantrams Kung gamitin sa padin pasimula ay binibigkas ng sampong ulit sa buong lakas ng tinig na
ginagawa sa ilang o Parang pagkatapos ay pitong ulit na mahina ang pagbigkas marahan na may “
indayug o tono” sa kahuli hulihan ay tatlo na bahagyang ibubuka ang bibig,o kaya ay sa isip lamang.. ang
AUM ay isang mantrams ito ay ginagamit sa pag angkin ng kalakasan ng katawan isip at
katalinuhan,katambal ang pagsasanay o pag sasagawa ng paghinga May kinalaman sa pag angkin ng
kapangyarihan na ang hanging malinis paratingin hangang puson at pagkatapos palabasin sa bibig pitong
ulit na gagawin. sa pagpapalabas ng hangin sa bibig ay Isipin ng mataimtim ang pag sasama sa hanging
ito na iniluluwal ang lahat ng sama kahinaan, sakit ,kamangmangan, at kasawian, at pag Tigil sambitin
ng my Tono ang. AUM. > AUUUUUUUUUUUUUUMMMMMM. O AAAAAAAAAUUMMMMMMMM,..

ang pagbangit nito ay Dapat gawin sa ganitong paraan ang A. at mahina at mahabang Tono ang M. Ay
kasing Haba ng A. ang pagbigkas nito kahit Isang salita lamang ay sapat na upang maligtas sa panganib.

Gayun din ang mantrams na INUAM, kapag itoy binanggit ng may sakit ng ulo dibdib o baga at ibapa ay
gumagaling, pakapilitin,idiin ang pagbigkas sa mga letra, Katulad na kung ang ulo ang Masakit at ito ay
ibig pagalingin ay idiin o Bigyan ng halaga ang letrang I. kung tiyan ang Masakit ay Idiin ang U. at kapag
sa baga ang Masakit ay A. sangkap lamang sa paghinga ang palawigin at isaisip na ang A, ay naka tuon sa
Puso o baga, ang I ay itimo sa ulo at ang U, ay sa tiyan. bitiwang madali ang ibang letra na di kelangan.

Ang mantrams na INUM, kapag itoy pinamahay sa isip at itutuun sa maselang bahagi ng tao, sa mga
babae halimbawa ay magiging lunas sa karamdaman nila sa punong katawan o MATRIS, at ibapa nilang
karamdaman...

Ang E, sa pagpapagaling at ang O ay nangangahulugan ng kalahatan ang pag Ibig pagmamalasakit at


IBPA.

IKATLONG KAPANGYARIHAN

ANO ANG HATHA YOGA? at hatha yoga at karunungan nagtuuturo ng pagsupil sa katawan at sa pag iisip
upang matuklasan ang pag papaigi ng katawan upang malayo sa pagkakasakit.

Ang karunnungang yoga at tinatawag na INA ng mga karunungan sa pamamalikmata o mahiya, ay


siyang karunungang pinakamataas na antas ng pamamalani ang wikang yoga at wikang SANKRITO ang
kahulugan ay ang karunungan ng pagkakaroon ng isang kabuhayang pinakatangi sa iba at nagiingat ng
mga lalong matatayog na lihim na kaalaman. Dapat malaman ng sinoman na ang paghingang ganap at
maayos ay siyang kaligtasan at gamot o LUNAS na pangdaigdig sa alinmang pagkakasakit ng katawan.

Mga alintuntunin sa pagsanghap ng hangin sa ilong ay masasanghap ang simula ng kabuhayan “PRANA ”
na siyang tunay na nagpapabuti ng lakad ng lakas sa katawan, sampo sampo ng dugo at gatilan ng
panglusaw sa Tiyan at ng buong lakas ng pag iisip o diwa ng tao.

Ang“ PRANA ” ang kahulugan ay lakas at sigla natatamo ang tamang simulaing pangsigla sa buhay.
NESHEMENT —ang paghingang pinupuno ng hangin ang baga HANGIN [LIKAS ] pagkakaroon ng
kinalaman ng lakas ng isip sa buong gulugod sa likod ng tao, sa gulugod ng mga Buto sa likod ng tao ay
may bagting o gatil na totoong mahalaga na doon magagamit sa lalong matataas na hangarin ng tao sa
anumang ibigin niyang ikapagwawagi. ang gatil na ito na bagting sa likod o gulugod ng tao ay totoong
makabuluhan. Walang munti mang ugat sa lalong pinakamaliit na laman na di niyA pinakikilos at
tumatanggap sa kanya ng sigla. Siya ang tanging gatil NERVIO na gumagalaw lamang Kung tayuy
natutulog. Siya ang makapangyarihan namamahala sa buong pang damdam natin. Hindi lamang siya ang
nagpapasigla sa ating mga ugat sa lamad na dinadaluyan ng dugo Kung tayuy nagpapahinga. Kundi siya
parin ang nag papawalang kabuluhan sa lahat ng mga katas natin sa loob ng katawan na kapagkakasakit
ng huwag tayung mamatay sa sarili nating LASON sa ating katawan. Siya rin ang nagpapapeklat Kung
tayuy masugatan..

Sa HATHA YOGA — sa pamamagitan ng mahinusay na paghinga na ang dalawang baga ay nagpupuno ng


malinis na hanging likas ng katagalan, ay natutuklasang ang pagbibigay sigla sa gatil na ito na siya ang
landasin ng pagtuklas ng simula ng kabuhayan o“ PRANA ”

kaparaanan ng pagsasanay sa paghingang ganap sa sa pamamagitan ng HATHA YOGA.

1.nakatayu o Nakaupo matuwid ang katawan pati ulo, lalanghap sa ilong ng marahan ng hanging walang
patlang hanggang mapuno ang lahat ng kasulok sulukan ng baga. Ang ganitong paghinga ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagpapataas at pag papahupa ng sikmura. Sa pagtaas ng dibdib sa pagpapahindig at
pagpapalaki ng tiyan ay unti unting Di kikilos ang katawan ,ang hanging sininghot o sininghap, sa ilong ng
paunti unti ay Pigilin sa baga ng ilang sandali hangang Hindi na mapaglabanan, pagkatapos palabasin ng
marahan ang hangin sa ilong din, na ang dibdib ay naka taliyad at inililiit ng paunti unti ang sikmura. Ang
pagsasanay na ito ay hindi totoong kabigatang gawin at sa ilang araw na isasagawa. Kapag nasanay ay
magiging Parang walang anuman.

sa paghingang ito ay ipinagbibilin na pagpilitang gawin na huwag bigla biglang pagpapapasok ng hangin
sa loob ng baga Kundi pabai baitang na babahaginin sa tatlo. sa pinaka ibaba, kalahatian at itaas ng
dibdib. Ang kapakinabangan sa ganitong paghinga ay nalalayu ang gagawa nito sa pag kakasakit na
BRONCHITIS AT PULMUNIA, SAKIT SA PUNO NG LALAMUNAN, AT PAMAMAGA NG BAGA AT TISIS O TB...

Ang mga sakit na anemia CEREBRAL, o pagkukulang ng dugo sa ulo NEURASTENIA, O PAGKABALIW, ang
kahinaan ng katawan o pagka maka kabahin, ang HESTERESMO, ang EPELIPSIYA, at iba PA ay nawawala
sa pagsasanay na ito ng paghingang ganap, na ang buong sangkap sa paghinga ng ating katawan ay
nagkakaroon ng lakas at sigla.
Pamamaraan ng lumusog ang dibdib NG MAILAG SA LAHAT NG SAKIT SA DIBDIB AT PUSO; gawin ang
mga sumusunod na pagsasanay;

1.tumayo ng tuwid suminghap sa ilong ng hangin .pigilin ang paghinga, iunat ang mga kamay sa harap,
na ang mga daliri ay nakatikom, ibalik at idipa, pagkatapos ibaba at ulitin, ang pag Unat at pagdipa,
palabasin ang hangin sa bibig at muling suminghap sa ilong ng hanging malinis, punuin ang mga baga,

2.lumakad ng mahinay ang ulo matuwid, iliyad ang dibdib, ang mga bisig ay isalikod na naka ladlad ng
matuwid, suminghap ng hanging malinis hanggang sa walong bilang at walong hakbang, pagkaraan nito
Itigil ang pagsanghap, huwag titigil sa paglalakad ng mahinay sa Tagal din ng Unang pagsasanay.

mga kaparaanan ng pagsasanay ng pagpapalakas sa paghingang dumadalisay sa mga baga ay gawin


doon sa mga pook na sinisimuyan ng hanging wagas at sariwa na walang Ano mang amoy na masama,
malayo sa mga labak, sa mga baunan ng mga patay at lagakan ng mga bulok na dahon ng kahoy at iba
pang sinisingawan ng masasamang amoy.

Ang pook na lalong Mabuti ay ang tuktuk ng mga bundok na walang mga dahon ng kahoy na nabubulok.

1.sasanghap ng hangin sa ilong sa dalawang baga at pagkatapos ay palabasin sa bibig ng paunti unti na
Parang tinatakal, na ititikum ito sa pagpigil, ngunit Di palalakihin ang pisngi, iyan ang daan ng kabuhayan
sa pagpapalayo at pagiingat sa katawan o sa sarili sa madlang pagkakasakit at ito kaparaanan sa
pagpapasigla ng baga.

A; paraan sa pag Unat ng tadyang;

KAYA ito gingawa ay para mawala ang Hindi Maayus na anyo ng katawan, pag aanyung laan lamang ng
mga natutuyo at namamayat,

ganito ang paggawa; tumayo ng tuwid Ilagay ang hinlalaki sa kili kili at ang mga kamay ay sa dalawang
tagiliran ng katawan, lumanghap ng hanging malinis, pigilin and hanging pinapasok sa ilong ng dalawang
Segundo, bahagyang impitin ang dibdib,

sa paglabas ng hangin ay Dapat gawin ng maingat ang pagsasanay na ito.

B; PAMARAAN SA PAGPAPASIGLA NG BAGA NG MALAYO SA TISIS;

ganito ang pagganap;

tumayo ng tuwid pati ulo, ang mga bisig at kamay ay Nasa likod ng bewang huminga ng paunti unti
hanggang mapuno ng hanging malinis ang mga baga na pipigilin ang hangin hanggang mangyayari, at
pagkuway katugin ang dibdib ng mga dulo ng daliri ng PA KRUS

at papasukin sa ilong ang hangin, ang pagsasanay nato ay Dapat gawin ng dalawa o tatlong ulit at Kung
nahihirapan

Ay Itigil muna ang pagsasanay at lumakad ng kaunti at ituloy na ulit ang pagsasanay.
C; PAMARAAN SA PAGPAPASIGLA NG TAKBO NG DUGO;

tumayo ng tuwid suminghap ng hanging malinis at Pigilin sa mga baga Habang gingawa ang pagyukod na
wariy May dadamputin, sabay ang dalawang kamay at pagkuway titindig na pabigla at muling iunat ang
katawan at saka bibitiwan ng unti unti ang hanging sininghap. Gawin ito ng anim hanggang walong ulit.

D; PARAAN UPANG PALAKASIN ANG GATIL;

tumayu ng tuwid suminghap ng hangin, punuin ang mga baga at Pigilin, iunat ang kamay na tungo sa
harapan Hindi padipa saka ibaluktot na upang ang daliring nakatikom ay sumayad sa parehong balikat
Kaliwat kanan at ipitin ang mga bisig paitaas, iunat ulit Gaya ng nauna na ilagi ang katawan o tayo sa
dating kalagayan na tuwid.at saka mo pa Lang palalabasin ang hangin sa bibig na sinanghap MO kanina
na may kalakasan... Ang punong pinagmulan ng lakas ng isip o kabuhayan ay sumisigla sa pagsasanay na
ito...

PANG APAT NA KAPANGYARIHAN;

KAPARAANAN NG PAGPAPALAKAS NG KAPANGYARIHAN SA PAG IISIP;

upang masunod ang pagpapalakas ng isipan ng Isang tao ay kailangang isagawa araw araw o bago
matulog at pagkagising narito po ang mga sumusunod na pagsasanay.;

1.bumasa ng isang aklat at pagkaraan ng ilang sandali ay pag nilay nilayin ang binasa at PAGKATAPOS ulit
uliting pamuli na babasahin at iisipan. Sa ganito pagsasanay ay mapapalakas MO ang iyung isip. Lalong
Mabuti Kung gagawin ng kalahating Oras ngunit sa pagsisimula ay Dapat gawin ng labing limang minuto
lamang.

2.pumunta sa isang pook na di maligalig pagkatapos na bumilang ng isa o hangang sampo na di tatangap
ang pag iisip ng ibang bagay na gagawin,o alalahanin, kung itoy magawa ay makaasa na ang iyung pag
iisip ay Maaring makitalan ng anumang iibigin MO at pagkatapos gawin itong sumusunod na siyang isilid
lamang sa isip na tipunin...

“ ANG PAG IISIP KOT ALAALA AY GUMAGALING SA DATI, TUMATALAS AT SUMISIGLA,, ”ulit ulitin ito na
Parang dasal sa Tagal na kalahating Oras.. sa Tuwing gagawin kung maari ay dalawa beses sa isang araw,
pag kagising at bago matulog na walang iisiping iba Kundi ito lamang.

3.kung nagpahinga sa silid na tinutulugan ay tipunin sa isip hangang sa makatulugan ang paghahangad
ng mga sumusunod; NASA ULO KO NA ANG ANUMANG IBIGIN KO,, NASA AKIN ANG KAPANGYARIHAN
NG PAG IISIP ”AKO ANG PANGINOON NG ISIP KOT KALOOBAN ANO MANG ISIPIN KOT ALALAHANIN AY
SUMASAAKIN AGAD.

4.gumuhit ng Isang pabilog na papel at sa gitna ay lagyan ng itim na tuldok na kasing laki ng limang
sentimo o bente singko. Pagkatapos ay Itapal o Ikabit sa dingding sa layung maabot ng tingin. titigan ito
ng Matagal at Kung mawala sa pagkakatitig ay makakaasa ka na ikay may kapangyarihan na sa pag iisip.
Sa paggawa ay walang iba iisipan Kundi ang magkaroon ng kapangyarihan sa diwa Kung ang mga
sumusunod na pagsasanay ay masunod sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng Isang kataka
Taka kasiglahan na siyang magdudulot ng kapalaran sa may angkin.

PANGLIMANG KAPANGYARIHAN KAPARAANAN SA PAGKAKAROON NG MALAKAS NA KALOOBAN;

ano ang kalooban ?

ang kalooban ay siyang buntunan o pinagpipisanan ng tamang kapangyarihan at ganap sa kaisipan ng


tao, at siya ang lakas na namamatnugot at namamahala sa bait at isip. May kinalaman sa ibat ibang
kapangyarihan ng pag iisip at sumasaklaw sa lahat na nasa kanyang paligid, ang kanyang kapangyarihan
ay utang sa ibat ibang kapangyarihan ng diwa, ang kalakhan ng lakas ng kalooban ay nasusukat sa
kaalamang mamahala at patnugutan ang mga isip ng mga nalalapit sa kanya. Madalas na nangyayari na
pinagtatakhan ang pangarap ng Isang taong may Isang lakas at tiyak na kalooban. Hindi nangangailangan
magsalita, Kundi Pakita lamang at sukat na upang makpanginig, sapagkat may Isang bagay na siyang
nagpapagalaw sa kanya higit sa lahat na maibubuka ng kanyang bibig. Maaring maangkin ng sinuman
ang magkaroon ng kapangyarihan ng kalooban kailanmat magkaroon ng Isang mahigpit na pagnanasa.
Dapat maunawaan ng lahat na ang Mata ay siyang bintana ng kaluluwa o ng bait at isip. ang
kapangyarihan ng kalooban ay naipapahayag ng mga Mata at ang kakulangan ng pagtitiwala sa kanyang
ginagawa o paniniwala ay di maaaring magkaroon ng lakas ng kalooban sa kanyang minimithi ,pagkat
ang kalooban na Dapat magamit at makatulong ay lalong pinapanghina ang pabiniwalang ito sa tulong
ng lakas ng loob ay siyang maghahatid sa hangganan ng mga mithiin.

Ang pagsasanay na Dapat gawin ay matatagpuan sa MAHIWAGANG aklat ng kababalaghan ,ang Kung
masunod ang pagsasanay nato sa buong kataimtiman at pagsasakit mga giliw na kaibigan sa Isang
pagmimithing walang bahid na dungis sa iyung sariling ikabubuti, Hindi Dapat pagalinlanlanganan, na
ang kalooban ay lalakas Parang sa panaginip nagdaan ang pagwawagi mong lubos sa lahat mong
ninanasang mapasa iyung kamay.

PANG ANIM NA KAPANGYARIHAN;

KAPARAANAN SA PAGPAPALAKAS NG MATITIG NA TINGIN NG MGA MATA NG ISANG TAO;

ang Mata ay siyang bintana o Salamin ng kaluluwa at ang mga kinapal na may sadyang damdaming
dumamdam na mula sa Isang kalooban o diwa at sinanay sa pagpapalakas ay nababasa ang pag iisip ng
iba sa pamamagitan ng Mata at nasusupil ang mga may kalooban at pagiisip ng Isang tao.

Kung kayoy lalapit kahit Kanino tingnan sya ng patuwid, titigan mo siya sa puno ng kanyang ilong sa
pagitan ng dalawang kilay Habang siyay inyung kinakausap, Kung ang iyung kausap ay sya namang
nagsasalita ay iwaglit ang iyung tingin sa ibang pook o titigan nyu syA sa dibdib, tiyan, o Paa, ngunit
huwag sa mga Mata kung siyay nagsasalita, ngunit sa pagsasalita ninyu ay pagpilitang gawin sa buong
pitagan at katiwasayan, ngunit ang mga mata ay ititig sa Mata ng kausap na Parang ipinapako sa
balintataw ang sinasabi o ipinakikiusap. Ang tinig ng pananalita ay pagpilitang marinig ng kausap sa
buong liwanag, at ang iyung mga Matay ilalagi sa Mata ng iyung kausap. ang sanhi Kung Hindi Dapat ialis
sa kanya ang iyung mga Mata Habang ikaw ay nagsasalita ay para huwag niyang makuha ang
makapagkait sa pagtugun sa inyu ng oo”o pagsang Ayun sa iyung hinihingi.

isa ring mabuting paraan na bago pumaroon sa taong pagsasadyain o hihingan ng anumang biyaya o
Kakausapin upang makunan ng Isang tulong ay pakatitigan muna ang larawan ng taong sasadyain ,na sa
pagtitig na ito ay tipuning sa isip ang BAGAY na sasabihin at pakikinggan nito.

PANG ANIM NA KAPANGYARIHAN; KAPARAANAN SA PAGSASANAY UPANG MAGKAROON ANG IYUNG


MATA NG PANG AKIT SA KAPWA.

kumuha ng Isang Salamin at Ilagay sa inyung harapan Isabit sa dingding o ipatong sa lamesa o pasimano,
pagkatapos ay tumayo sa harapan nito na ang layo sa Salamin ay tatlong dangkal lamang, bago lumapit
ang puno ng inyung ilong sa pagitan ng dalawang kilay o Mata ay lagyan ng Isang tuldok o tandang
pabilog na itim,, ang tandang ito ay pakatitigan ng dalawang Mata na huwag kukurap o pipikit o
pagalawin ang pilik Mata sa Tagal ng limang minuto

Huwag din gagalaw Habang pinakakatitigan ang tuldok na itim Kung sakalit napapagal ipinid ang mga
mata ngunit ulitin man lamang ng makalawa o makatatlo, kailangang gawin ito araw araw ng magkaroon
ng kapakinabangan.

Lalong Mabuti sa simula ng pagsasanay na ito sa dalawang minuto, at padag dag ng padagdag ng Isang
minuto sa Bawat araw, ang lalong mainam na panahon, upang isagawa ang pagsasanay na ito ay sa
umaga, kung ang ulo ay walang iniisip, panatag, at nakahanda, at ang katawan ay nagpapahinga at ang
mga damdamin ay natatahimik, kung masunod ito sa loob ng apat o limang minuto na sunod sunod sa
pagsasanay, napaghahalata ng nag aaral nito na ang sino man ay di makakatagal ng pakikipagtitigan sa
kanya kapag tinitigan ninyu sila sa pagitan ng dalawang kilay o puno ng ilong. Ang pagtitig sa pagitan ng
dalawang kilay ay Nagbibigay ng lakas sa mga nasain upang ang niloloob ay mapapasok sa damdamin ng
kausap at kagiliwan at Sundin ang lahat ng iyung kagustuhan.

PANGPITONG KAPANGYARIHAN;

KAPANGYARIHAN SA PAGPAPALAKAS SA MGA GATIL DALUYAN SA LAKAS NG DIWA.

sa kaparaanang ito ay nakagagawa ng Bawat ibigin upang mapasunod o maakit ang sino Man,
kinagagaanan ng loob ng lahat.

Narito ang mga alintuntunin;

1. kumain ng pulos na gulay na walang halong anumang katas ng isda o karne.

2. Kumain ng malinis na pagkain.

3. Ang pagttitipid sa gawang kamunduhan..

4.maayus na pamumuhay at maging sa katawan.


5. Palusugin ang isip at kalooban sa matatayog na hangarin ay mananaig sa iba sa kapangyarihan ng
pagdidiwa at ang lahat ay maakit na animoy Parang bato balani na nahahatak ang lahat ng malapit sa
kanya...

6.huwag pagiisipan gawan ng masama ang sinuman ,sapagkat sa kanyang isipan ay walang ipinagagawa
Kundi ang Pawang kabutihan lamang.

KAPARAANAN NG PAGSASANAY SA PAGPAPALUSOG NG MGA GATIL NA DALUYAN NG LAKAS NG DIWA;

sa pamamagitan ng paghinga sa Tuwing umaga pagkabangon, buksan ang mga bintana ng bahay upang
pumasok ang hanging malamig. Kung itoy magawa tumayu sa dakong sinisikatan ng araw, iladlad ang
mga kamay sa hinava Haba ng katawan, at pagkatapos ay sumanghap ng hangin, singhutin sa ilong
hanggang mapuno ang baga, kung puno na, Pigilin sumandali na huwag huminga, saka palabasin sa
bibig na lahat marahan lamang.. Ingatan hwag makalabas sa ilong ang hangin.. Sa pagsanghap o
pagpapapasok ng hangin sa ilong na naturan ay pagpumilitan na ang kasuloksulukan ng mga baga ay
masidlan ng hangin. Ang patlang ng paggawa ay sa Tuwing ika 10.minuto,pagpumilitan na sa pagawa
nito ay nakaunat ang katawan, at samantalang nagpapapasok sa ilong ng hangin upang mapuno ang
baga ay unti unting ililiyad ang dibdib sa Tagal na limang minuto. Itoy dapat gawin sa umaga at gabi o
minsan man lamang sa Isang araw doon sa pook na ang hanging dadaan ay malinis walang alikabok. Sa
pagpapapasok ng hangin ay dapat itikum na Mabuti ang bibig at Kung palalabsin ay Dapat namang
pindutin ang ilong ng huwag makalabas sa dalawang butas ang hanging sininghot....

—Waka's —

You might also like