Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KONTEMPORARYONG PANITIKAN

PAGPILI NG TAMANG SAGOT


Piliin ang titik ng sagot na angkop ipampuno sa ipinahahayag ng pangungusap.

1.Isang anyo ng panitikang nasusulat sa taludturan o saknong na may sukat, tugma, talinghaga at kagandahang-
diwa.
A.maikling kwento B.tula C.dula D.sanaysay

2.Anyo ng panitikang tuluyan na nagsasalaysay ng isang natatanging pangyayari sa buhay ng pangunahing


tauhan
A.epiko B.balad C.maikling kwento D.komedya

3.Salik ng dula na naglalarawan ng lugal na kinaganapan ng mga pangyayari


A.tauhan B.tanghal C.tagpuan D.tanghal

4.Isang uri ng tula na naglalahad ng damdamin ng makata


A.patanghal B.liriko C.patnigan D.pasalaysay

5.Isang tuluyang anyo ng panitikang binubuo ng maraming kwentong nahahati sa mga kabanata
A. kwentong-bayan B.dula C.nobela D.balagtasan

6.Isang mahabang tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tao o bansa


A.epiko B.dula C.kasaysayn D.komposo

7.”Sa Pula, Sa Puti” ay halimbawa ng


A.maikling kwento B.tula C.dula D.sanaysay

8.”Aloha” ni Deogracias Rosario ay isang halimbawa ng


A.maikling kwento B.tula C.dula D.sanaysay

9.uri ng tulang nagtatalo, kabilang dito ang duplo at balagtasan


A.liriko B.pasalaysay C.patanghal D.patnigan

10.Isinusulat upang itanghal sa entablado


A.tula B.sanaysay C.talumpati D.dula

11.Elemento ng dula na nagpapakita ng paglabas-masok ng mga tauhan


A.tanghal B.tagpo C.yugto D.tauhan

12.Uri ng dula na may magaang tema at nagtatapos sa masaya


A.komedya B.trahedya C.melodrama D.trahekomedya

13.Ito ang gumaganap sa entablado, ang sentro ng mga pangyayari sa dula


A.tauhan B.tagpuan C.pagtatanghal D.awitan

14.Kung uriin ang kwento ni Lam-ang ng Ilocos, ito ay nabibilang sa _____?


A.kwentong-bayan B.epiko C.dula D.alamat

15.Isang tulang patnigan na humalili sa duplo


A.karagatan B.balagtasan C.ensilada D.loa
16.Pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig
A.panitikan B.kasaysayan C.pelikula D.awit

17.Ang mga bugtong, salawikain,, at awit ay mga halimbawa ng panitikang ______?


A.patula B..tuluyan C.patanghal D.paelektroniko

18.Ang liriko, epiko, kundiman ay mga uri ng panitikang nasa anyong _____?
A.tuluyan B.patanghal C.patula D.pasalaysay

19.Ang mga maikling kwento, nobela, at talambuhay ay inuuri namang?


A.tuluyan B.patanghal C.patula D.pasanaysay

20.Ang maikling salaysay na ang pangunahing tauhan ay mga hayop na pinakikilos at nagsasalita na parang tao
ay?
A.kwentong-bayan B.parabola C.pabula D.alamat

21.Ang kwento hinggil sa pinagmulan ng tao, bagay, o pangyayari at ang mga tauhan ay mga diyos o diyosa ay
inuuring?
A.kwentong-bayan B.parabola C.pabula D.alamat

22.Ang mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga tao at hindi na nakikilala kumatha nito ay?
A.pabula B.kwentong-bayan C.alamat D.pabula

23.Kung si Jose Corazon de Jesus ay tinaguriang Makata ng Pag-ibig, si Amado V. Hernandez nama’y Makata
ng?
A.Buhay B.Bayan C.Dulaan D.Paggawa

24.Alin sa mga tulang ito ang naisulat sa loob ng bilangguan ni Amado V. Hernandez?
A.Katauhang Lagalag B.Valediction sa Hillcrest C.Ang Matatanda D.Isang Dipang Langit

25.Sino sa mga ito ang tungko sa pagbabagong-anyo ng panulaang Filipino?


A.Amado V. Hernandez B.Rolando Tinio C.Jose Lacaba D.Alejandro Abadilla

26.Isang tuluyang nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang lahi, lugal, bagay o pangyayari


A.alamat B.kwentong-bayan C.pabula D.tula

27.Ang mga kwentong ang mga tauhan ay mga hayop na pinag-iisip at pinakikilos na parang tao
A.awit B.dula C.pabula D.sanaysay

28.Sa sangkap na ito nakasalalay ang tradisyunal na maikling kwento


A.panimula B.tunggalian C.saglit na kasiglahan D.kasukdulan

29.Ang aklat ng mga tulang nagpamulat sa mga kabataan sa mga suliraning kinakaharap ng bansa bago
inilunsad ang Batas-Militar sa Pilipinas.
A.Dalit kay Sarhento Gaming
B..Manlilikha: Mga Piling Tula 1963-67
C.Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula
D.Mga Liham ng Pinay at Iba Pang Tula

30.Ang karakter na ito ay itinuturing na ang isang paa ay nasa hukay dahil sa uri ng trabaho niya
A.bilanggo B.lagalag C.manunulat D.minero
31.Sinisimbolo ng tulang ito ang simula ng pagbabagong-anyo ng panulaan.
A.Three O’Clock in the morning
B.Valediction sa Hillcrest
C.Ako ang Daigdig
D.Isang Dipang langit

32.Ang taunang patimpalak na ito ay naging dahilan sa pagpapasigla ng pagsulat ng sanaysay


A.Panunuring Pampanitikan
B.Gantimpalang Collantes
C.Gawad Surian sa Pagsulat ng Sanaysay
D.Carlos Palanca Memorial Awards for Literature

33.Isang mapiling paglalarawan ng mga pangyayaring umiiral sa daigdig ng tao ang pananalig na?
A.feminismo B.formalismo C.realismo D.romantisismo

34.Samantalang ang pananalig na ito ay gagamitin naman sa pagpapalitaw sa pormal na katangian ng isang
akda at malinaw na pagpapakita ng anyo nito.
A. Imahismo B.formalismo C.klasisismo D.naturalismo

35.Kung paano ipinakita ng tauhan ang kagandahang-asal, ang kanyang mabuting pag-uugali sa akda ay
pagsusuri sa bisa sa?
A.kaasalan B.kaisipan C.damdamin D.istilo

36.Ang panitikang tuluyang ito ay naglalahad ng kuro-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat sa anumang
paksa
A.talumpati B.talambuhay C.sanaysay D.Kwento

37.Siya ang tinaguriang Makata ng Paggawa


A.Deogracias Roasario B.Rogelio Sikat C.Lope K. Santos D.Amado V. Hernandez

38.Ang panitikang Filipino ay punong manggang tumubo, nagkabunga at kinalugdan ng lahat. Ang pahayag ay
isang halimbawa ng tayutay na?
A.Simile B.Metapora C.Sinekdoke D.Metonimi

TALASALITAAN
39.Malayo ang tingin ni Carlo. Wari’y hindi niya pansin ang matuling paglayo ng araw.
A.Mabillis na pagsikat ng araw
B.Mabilis na pagkawala ng init nng araw
C.Mabilis na paglipas ng mga araw
D.Mabilis na pagpalit ng tag-araw at tag-ulan

40.Nitong mga nakaraang araw ay hindi mawala sa kanyang isip ang magandang mukha ni Rizza. Nakadaupang
palad niya ito nang isama ng kapatid niyang si Perla sa isang parti.
A.Nakilala B.Nakasama C.Nakabalitaan D.Napansin

41.Nauumid ang kanyang mga labi sa tuwing makikita niya ang magandang mukha ni Rizza.
A.Natitigilan sa pagsasalita
B.Natatakot magsalita
C.Nahihiyang magsalita
D.Hindi makapagsalita
42.Waring nagbago ang dati-rati’y hungkag na buhay ni Carlo sa lalawigan nang makilala niya ang dalaga.
A.buhay na kasiya-siya
B.buhay na walang kahulugan
C.maunlad na buhay
D.makulay na pagtingin sa buhay

43.Ngunit may isang di magandang ugali si Rizza na di pa alam ni Carlo. Kinakasangkapan niya ang kanyang
kagandahan upang masunod ang layaw at luhong kanyang kinagisnan sa Maynila.
A.sinusubok B.ginagamit C.ipinagyayabang D.inilalantad

44.Sa edad na 18 ay kapansin-pansin ang maagang pagwasak niya sa makalumang paniniwala.


A.Pagsuway sa mga kinagisnang ugali
B.Pagtalikod sa pangaral ng magulang
C.Pagsira sa magandang halimbawa
D.Paghamak sa kulturang pambansa

45.Binusog siya sa mga pangaral ng kanyang magulang ngunit naging higit na matibay ang impluwensiya ng
kanyang mga kaibigan.
A.laging sinusumbatan
B.laging sinisigawan
C.laging pinapangaralan
D.malimit mapagsalitaan

46.Ibang-iba na ngayon si carlo. Dati-rati’y tungo ang ulong tinutupad niya ang pangaral ng kanyang mga
magulang.
A.Sinusunod ang pangaral nang masama sa loob
B.Sinusunod ang pangaral na may kaunting pagtutol
C.Sinusunod ang pangaral nang hindi iniisip ang magiging bunga
D.Sinusunod ang pangaral nang walang pagtutol

47.Sa matiyagang panliligaw, sila ni Rizza ay naging kasintahan. Isang engrandeng kasalan ang hinihiling ng
dalaga.
A.maluho B.madalian C.praktikal D.simple

48.Dahil sa kahirapan ay hiniling ng binata na gawing simple ang kanilang kasalan. Ngunit paghamak at pag-
ayaw ang naging tugon ni Rizza kay Carlo. Sa ngayon ay poot ang naghahari sa puso ng nabigong binata.
A.May nalalabing pag-ibig
B.Labis na nagmamahal
C.May nakatagong labis na galit
D.May magkahalong galit at pag-ibig

49.Tunay na masaklap ang unang pag-ibig ni Carlo.


A.mapalad B.matagumpay C.makatotohanan D.malungkot

50.Mahirap malimutan si Rizza ngunit unti-unti nang bumabalik ang dati niyang sigla. Sa katunayan,
nabibigyan na niya ng pansin ang nakatambak niyang gawain sa opisina.
A.nakalatag B.nakaayos C.nakabunton D.nakatago

You might also like