Filipino 3 - Panauhan NG Panghalip Panao - 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

 

FILIPINO   3   WORKSHEET  
PANAUHAN  NG  PANGHALIP  PAARI  
   

Panuto: Bilugan ang panghalip paaari sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay nasa Una, Ikalawa, o Ikatlong panauhan.
Halimbawa:
Una Nawala ang aking paboritong lapis.

_______________ 1. Julie, nagustuhan mo ba ang baon mo? Si Nanay ang naghanda nito kaninang umaga.

_______________ 2. Rina, Hillary, at Nelia, matataas ba ang marka ninyo sa pagsusulit kanina? Medyo mahirap kasi

ang pagsusulit.

_______________ 3. Ako at ang aking mga kaklase ay pumunta sa kantina. Bumili kami ng meryenda namin.

_______________ 4. Ginawa ng Diyos ang mga puno at halaman para sa lahat ng tao. Huwag natin sayangin ang mga
biyayang ibinigay Niya sa atin.
_______________ 5. Ang mga batang nasa kalsada ay nangongolekta ng mga basyo ng tubig, papel, at mga lata.
Ibinebenta nila ang kanilang mga nakulekta upang magkaroon ng kaunting pera.
_______________ 6. Asul ang paborito kong kulay. Lahat ng gamit ko sa paaralan ay kulay asul.

_______________ 7. Mahilig kami magtanim ng aking nanay. Tuwing hapon ay dinidiligan namin ang aming mga tanim
na gulay at mga namumulaklak na halaman.
_______________ 8. Kevin, kapag natapos na ang ating proyekto, dalhin na natin ito kaagad sa mesa ng guro.

_______________ 9. Harold at Luis, sa inyo ba ang mga maruruming damit na ito? Maaari bang ilagay ninyo ito sa

tamang lalagyan?

_______________ 10. Nalungkot si Ella dahil nasira ang manika niya. Ibinigay pa ito ng kanyang tatay noong ito ay

umuwi galing ng Dubai.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
 

You might also like