Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.  May katutubong


kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.  Sa kanilang
kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung
makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang
magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan.  Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng
datu ang mag-asawa.  Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na
kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging


pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan.  Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng
konseho, natuto ring umibig ang datu.  Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili
ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.  Dahil sa wala
siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya
pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata


at napakalambing.  Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.
Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin
niya.  Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan
upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito,


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.  Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait
si Farida ngunit kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang
mga puting buhok ng datu.  Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang
matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay


ang datu.  Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di
kaagad siya nag-asawa.  Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang
minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.


Ang Talon ng Maria Cristina

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa lalawigan ng Iligan sa


Mindanao. Ito rin ay tinatawag na “twin falls” sapagkat ang daloy ng tubig ay
hinati ng isang bato sa bingit ng talon. Ito ay matatagpuan sa Iligan na
tinatawag din na “City of Majestic Falls” dahil masisilayan din dito ang 20
talon. Bukod sa ganda na makikita dito, may malaki ring tulong ang talon sa
pamumuhay ng mga tao sa bayan ng Iligan. Ang talon ay pinagmumulan ng
enerhiya na magagamit sa pangkabuhayan ng mga tao. Dahil sa pagbibigay
nito ng enerhiya na tumutulong sa pangkabuhayan ng mga tao, nagbibigay
ito ng malaking tulong upang umunlad ang bayan. Tumutulong rin ito
sapagkat maraming turista ang nagpupunta dito upang masilayan ang
kagandahan ng talon. Hindi masasayang ang lahat ng gastos at pagod
sapagkat bukod sa Maria Cristina Falls, marami pang maaring puntahan dito
katulad ng iba’t ibang talon at ang malinis at magandang Bucana Beach.

Sa sobrang laki ng naitutulong ng Talon ng Maria Cristina sa


pamumuhay at turismo ng Iligan, dapat ay panatilihin natin itong malinis at
maganda. Dapat ay iwasan natin ang polusyon sa tubig sapagkat
maapektuhan ang ating magagandang tanawin at pag naapektuhan ang
ating mga tanawain, mauubusan rin tayo ng pagkukuwaan ng ating mga
kailangan at mababawasan ang kita na maari nating kitain upang umunlad
ang ating bayan. Ang Turismo din natin ay baba sapagkat kakaunti na
lamang ang turista na maaring dumayo sa ating bansa. Dapat magkaroon
tayo ng disiplina sa pagtatapon ng ating mga basura sapagkat kung wala
tayong disiplina sa pagtatapon, maaring maging madumi ang ating mga
magagandang tanawin sa ating bansa. Kung magtutulungan tayong
panatilihing malinis ang ating kalikasan, siguradong magiging maunlad ang
ating bansa sapagkat maraming turista ang dadayo sa ating bansa upang
makita ang iba’t ibang magagandang tanawin.

1. BATAY SA BINASA, ANO-ANO ANG MGA MAGPAPATUNAY NA


MAHALAGA ANG TALON NG MARIA CRISTINA SA MGA TALAGA
ILIGAN?
2. ANONG EBIDENSYA MULA SA BINASA ANG NARARAPAT GAWIN
UPANG LALONG MAKILALA ANG TALON NG MARIA CRISTINA?
3. ANO-ANO ANG MGA PATUNAY ANG NAGLALARAWAN SA TALON NG
MARIA CRISTINA?

You might also like