“Ano ang gagawin ko sa mga gintong ito?” tanong ni
Basilio sa kayang sarili. Dalawang araw niyang dala-dala ang kahon na may ginto at patuloy na iniisip kung ano ang gagawin sa kayamanang ito. Palakad-lakad siya sa gubat na walang kinakain at iniinom. Muntik na siyang sumuko hanggang may nakita siyang isang magandang mansyon.Napahanga siya sa kariktan nito ngunit dahil sa pagod at gutom, siya’y nawalan ng malay. Ilang oras ang nagdaan at bumalik ang kanyang malay. “Sino po kayo? Nasaan ako?” tanong ni Basilio sa magandang babae na may-ari ng mansyon. “Ako si Donya Juliana at nakita kitang nakahandusay sa pintuan ko. Ano ba ang nangyari sa iyo?” Sinabi ni Basilio ang pinagdaanan niya.Tinanong din niya kung ano ang pwedeng gawin sa mga ginto.Tinanong ni Donya Juliana kung ano ang pangarap niya at sinabi ni Basilio na nais niyang maging abogado. May matalinong naisip ang Donya. “Huwag kang mag-alala Basilio, sa susunod na linggo’y paaaralin kita sa Ateneo ng Manila gamit ang mga gintong ito.” Laking pasasalamat ni Basilio nang marinig ito at nangako siyang mag-aaral nang mabuti.Makalipas ang ilang araw ay hinatid siya ni Donya Juliana sa Maynila para mag-aral.