Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Uri ng Anyong Lupa

1. Kapatagan – ay isang malawak, mababa at patag na anyong lupa.


- dito karaniwang naninirahan ang mga tao.
- ginagawang taniman at sakahan. –palay, tubo, mais, asukal at gulay.
* Gitnang Luzon - ang pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas
- Rice Bowl of the Philippines dahil ditto nagmumula ang halos lahat
ng suplay ng bigas sa bansa.
*Panay, Cotobato at Negros - mga kapatagan din

2. Bundok – ay isang mataas at patulis na anyong lupa.


- makikita ang makakapal na kagubatan at mga kuweba.
- tirahan ito ng ilang natatanging halaman at hayop sa bansa.
- mayaman din ito sa mga mahahalagang bato at mineral.
*Mount Apo – pinakamataas na bundok sa Pilipinas
- matatagpuan sa Mindanao.
- Pambansang Liwasan
*Mount Pulag – pangalawa sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas
- matatagpuan sa Nueva Vizcaya
*Mount Arayat – matatagpuan sa Gitnang Luzon
3. Burol – ay isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa ito sa bundok.
- maaari itong pagtaniman ng mga halaman at gulay.
- mainam ding pagpastulan ng mga hayop ang mga burol na sagana sa mga
damo.
*Chocolate Hills – mahigit na 1,268 na burol
- pinakakilalang burol sa Pilipinas
- matatagpuan sa Carmen, Bohol
- kulaya tsokolate ang mga burol na ito sa panahon ng tag-araw at
kulay luntian o berde naman ang kulay sa panahon ng tag-ulan.

4. Bulubundukin – ay hanay ng magkakarugtong na mga bundok.


- maaari nitong bagtasin at hatiin ang ilang lalawigan dahil sa haba nito.
- tulad din ng bundok, matatagpuan din ditto ang iba’t ibanguri ng mga
hayop at halaman at tahanan din ng mga nagtataasang punong -
kahoy.
- mahalaga ang bulubundukin upang pigilin o pahinain ang bagyong
papasok sa ating bansa.
*Sierra Madre – ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.
- binabagtas nito ang mga lalawigan sa Cagayan sa hilaga at Quezon sa
timog.
*Cordillera Mountain Range
*Caraballo Mountains – nasa hilagang Luzon

5. Bulkan – ay isang anyong lupa na may lagusan sa tuktok mula sa ilalim ng lupa na
crater.
- naglalabas ito ng mainit na lusaw na bato o lava at usok
*Mayon Volcano – tanyag sa buong mundo dahil sa perpektong hugis kono
- matatagpuan sa Albay. may taas na 2,462 metro
*Taal Volcano – pinakamaliit na aktibong bulkan sa buong daigdig.
- matatagpuan sa Taal, Batangas
6. Talampas – ay isang mataas na anyong lupa na may patag na tuktok o ibabaw.
- malamig ang klima rito at mainam pagtaniman ng mga madadahong gulay
tulad ng letsugas, repolyo, cauliflower at mga prutas tulad ng strawberry
at pinya
*Malaybalay – matatagpuan sa Bukidnon
- matatagpuan ang malawak na taniman ng pinya
*Baguio City – Summer Capital ng Pilipinas –dahil sa malaming nitong klima.

7. Lambak - ay isang kapatagan na napapagitnaan o napapalibutan ng mga bundok o


burol.
- kadalasan mayroong ilog na dumadaloy rito mula sa kabundukan.
*Cagayan Valley – Cagayan
*Trinidan Valley – Benguet
*Compostella Valley - Mindanao

You might also like