3rd Summative Test in AP 10 2019-2020

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________ Iskor: _______________

Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na mga batas ang nagbibigay ng proteksiyon ng batas sa mga kababaihan at kanilang mga anak.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act B. Republic Act 9710
C. Magna Carta of Women D. Prinsipyo ng Yogyakarta
2. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at
kasalukuyan o dating asawang babae.
3. Tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang
mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod,
magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
A. Women in Especially Difficult Circumstances B. Primary duty bearer
C. Marginalized Women D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
4. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan. D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa
siya ay maikasal
5. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D. Sex Trafficking
6. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in
Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
7. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang
kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang
asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang maaaring maging konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
8. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-
karapatan sa pagboto ng kababaihan. Anong ideya ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa kanilang karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga mamamayan bata man o matanda dahil sa
pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas.
9. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang
mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero. Bakit ganon na lang ang ginawang pagpapakita ng
kabayanihan ng ilang kababaihan sa panahon na dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D. Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
10. Ang pagkakaroon ng lotus feet ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Anong
karapatan ng mga kababaihan ang ipinapakita sa paraan ng foot binding?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga paligsahan at patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil sa kanilang sitwasyon ay hindi nila ito naranasan.
C. Mainam ang ganitong sitwasyon sa kanilang seguridad.
D. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
11. Paano nakatutulong ang media sa pagsulong ng pagtanggap sa mga LGBT?
A. Binibigyan nito ng limitadong pagkakataon ang mga LGBT na makapagpahayag ng kani-kanilang sariling opinion.
B. Ipinapakilala nito ang kahusayan ng mga LGBT sa industriya ng pelikula, telebisyon, at fashion.
C. Ipinapakita nito ang mga raly at demonstrasyon ng mga pangkat ng LGBT.
D. Pinapalawak nito ang pagtingin ng mga tao sa mga LGBT.
12. Paano nakatulong ang mga grupo tulad ng ANG LADLAD sa pakikipaglaban ng mga LGBT para sa kanilang mga karapatan?
A. Namuno ito sa mga kilos-protesta ng mga LGBT. B. Nagsilbi itong boses ng mga LGBT sa pamahalaan.
C. Naisabatas nito ang mga ipinaglalabang karapatan ng mga LGBT. D. Lumalabas ang mga miyembro nito sa media upang
ipagtanggol ang mga LGBT.
13. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. gender C. transgender D. sex
14. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. bi-sexual C. gender D. transgender
15. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
16. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makasama ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual
17. Siya ay isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang
Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
A. Danton Remoto B. Anderson Cooper C. Parker Gundersen D. Tim Cook
18. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na pagkakakilanlan, samantalang ____
ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit
sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual
19. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng
parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang
kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
20. Siya ang kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang
pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa Kongreso.
A. Geraldine Roman B. Charo Santos Concio C. Charice Pempengco D. Danton Remoto
21. Si Tim Cook ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Sa anong oryentasyong sekswal
siya kabilang?
A. Bisexual B. Gay C. Transgender D. Lalaki
22. Ano ang tawag sa mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian?
A. Transgender B. Heterosexual C. Homosexual D. Asexual
23. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa B. Uganda C. Pakistan D. United Arab Emirates
24. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad
A. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito.
B. Ang kasarian ay epekto ng kultura samangtalang ang seksuwalidad ay biyolohikal.
C. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang seksuwalidad ay kultural.
D. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling mapalitan ng sinuman.
25. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
A. Sexual orientation B. Gender Identity C. Transgender D. wala sa nabanggit
26. Tumutukoy sa pakiramdam na mayroong potensiyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig
patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian, at biyolohikal na kasarian.
A. Homosexual B. Asexual C. Pansexual D. Heterosexual
27. Ito ay ang tawag sa mga taong walang nararamdamang atraksiyon sekswal sa anumang kasarian.
A. Homosexual B. Asexual C. Pansexual D. Heterosexual
28. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi
nagkatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan na maaring mauwi
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamut o iba
pang paraan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.
A. Sexual orientation B. Gender Identity C. Transgender D. wala sa nabanggit
29. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________ _________ for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action.
A. Because Women B. Believed in Women C. Binding Women D. Broadcast about Women
30. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa ng Breast Ironing ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang:
maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. Paano maaaring ilarawan ang
lipunang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat
sa maling paniniwala.
B. Lipunan ay naglalarawan ng di pantay na pagtrato sa kababaihan at nagdudulot ng kasakiman sa tungkulin ng mga kalalakihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan at ang lipunan ang naging sandigan nila upang
makaahon sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kaya’t ang lipunang kanilang ginagalawan ay apektado.
31. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. VAWC B. CEDAW C. GABRIELA D. Magna Carta of Women

You might also like