Filipino Iv Carlene Kate

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO IV - OMSC

I. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay panaganong pawatas o pautos. Gawing gabay ang mga
may salungguhit na salita sa bawat numero. Isulat sa patlang ang sagot.
__________________________ 1. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa.
__________________________ 2. Ang magsabi ng totoo ay tungkulin ng tao.
__________________________ 3. Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
__________________________ 4. Igalang ang karapatan ng isa’t isa.
__________________________ 5. Ang nanay ko ay bumili ng gulay at prutas.
__________________________ 6. Ang mga bata ay hindi dapat maglaro sa tabi ng ilog.
__________________________ 7. Ipagdasal mo rin ang kaligtasan ng bawat isa.
__________________________ 8. Ang mga tao ay gumagawa ng paraan upang mabuhay.
__________________________9. Ang magnanakaw ay sanay magtago.
__________________________ 10. Ugaliing maghugas ng kamay.
II. Kilalanin kung pawatas, pautos, paturol o pasakali ang mga pandiwang panaganong may
salungguhit.
__________________________ 1. Kung ikaw ay dumating agad, sana’y naabutan mo si Martha.
__________________________ 2. Si Kapitan nga ang tumutulong sa amin.
__________________________ 3. Ang mag-aaral ay nagsabi ng totoo sa guro.
__________________________ 4. Matulog ka na.
__________________________ 5. Malamang sumigaw ka rin kung nandito ka.
__________________________ 6. Igagawa kita ng sarili mong lalagyan.
__________________________ 7. Nabili na ang tinda niyang sapatos.
__________________________ 8. Magtanong ka sa eksperto.
__________________________ 9. Ikaw ay maghihirap kung hindi ka magtitipid.
__________________________ 10. Magsasaya ang daigdig sa araw ng Pasko.
III. Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na
inilalarawan nito.
1. Maingat na binalik ni Leah ang alahas sa lalagyan nito.
2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.
3. Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.
4. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.
5. Ang mag-anak ay tahimik na namumuhay sa probinsya.
6. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.
7. Ang mga apo ni Ginang Sanchez ay magalang na nakikipag-usap sa mga panauhin.
8. Hinugasan niya ang kanyang kamay nang mabuti upang matanggal ang mga dumi nito.
9. Sinuot niya nang maayos ang kanyang face mask.
10. Inalay niya nang buong loo bang kanyang buhay para sa kanyang anak.
IV. Pantigin ang mga sumusunod na salita. Gumamit ng gitling upang ihiwalayang mga pantig.

Halimbawa: kawayan – ka-wa-yan

1. teorya
2. iskawt
3. enerhiya
4. sitwasyon
5. alingawngaw
6. preskripsiyon
7. responsibilidad
8. kapangyarihan
9. pangangailangan
10. establisimyento

You might also like