Editoryal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Basahin at unawain ang Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H.

Del Pilar

1.1. Isa-isahin ang mga maling gawain ng mga prayle ayon sa nilalaman ng mga dasal

1.1.1 Tanda ng Cara-i-Cruz na kung saan ay isang parodiya ng ‘sign of the cross’.
Ang cara-i-cruz ay isang laro na ginagamitan ng barya, nakabase sa swete kung
mabubuhay ka o hindi. Ginagamit nila ang sugal upang mangamkam ng pera o
kayamanan. Ginagamit ang konsepto ng cara-i-cruz upang paglaruan ang buhay ng mga
pillipino noon. Mula rin mismo sa may akda, umaastang isnag panginoon ang mga Prayle.
Banal na mga mukang pera.

1.1.2 Panginoon Kong Fraile naman ay parodiya ng “The Act of Contrition” kung
saan ay sarkastiko ang bawat pagbanggit ng panginoon sa mga prayle. Sinasaad dito na
isang berdugo ang mga prayle na kayang magmanipula pumatay ng kung sino mang
haharang sa kanilang daan.

1.1.3 . Sa mga salitang “ Amain namin, sumasaconvento ca, sumpain ang ngalan
mo, malayo sa amain ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa
langit.” Ang dasal na para sa Diyos Ama ay ginawa niyang dasal para sa “Amaing Fraile.”
Kitang kita ang masidhing muhi ni Del Pilar at ng mga Pilipino sa mga paring kastila nuon
dahil sa panliliit nito sa mga Pilipino at pang-aalipusta.

1.1.4 Minulat ni Del Pilar ang mga Pilipinong alipin ng simbahan at bulag sa
katotohanan sa akdang Ang Mga Utos ng Fraile. Na ang bawat gawa, sakripisyo at bigay
ay hindi na napupunta sa Diyos at sinasamsam na ito ng mga Prayleng kastila.

1.2 Editoryal

Sa pananakop ng Bansang Espanya, ginamit nila ang relihiyon upang makumbinsi tayong
magpasailalim sa kanilang pamumuno sa pangunguna ng mga Prayle. Ang mga ito ay pinag-
aralan ang ating wika upang mabilis nilang masakop ang bansa at mauto tayo sa kanilang
matatamis na salita. Ngunit pagkalipas ng panahon, ang mga prayleng ito ay nangunguna upang
pahirapan at tratuhin ng di makatao ang mga pinoy. Kaya naman, sa pamamagitan din ng wika
at panitikan, nagsipag-alsa ang mga Pilipino at sumagawa ng isang propaganda laban sa Kastila
at mga Prayle. Isa na rito ang “Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. Del Pilar na hawig sa
katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona. Koleksyon ito ng mga
akdang nagpaparodiya o gumagagad sa mga dasal at katekismong itinuro ng mga prayle na
kung saan ay repleksyon ng matinding kalupitan, panlilinlang at kasakiman. Dahil dito’y tinawag
siyang “Pilibustero.” Kahanga-hanga ang himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.
Ang mga bahagi nito ay Ang Tanda ng Cara-i-Cruz, Pagsisisi, Ang Amain Namin, Aba Guinoong
Baria, Aba Po Santa Baria, at Ang Manga Utos ng Fraile.

Ang akdang ito ay karapat-dapat lang ipa-mukha sa mga kastila nuon. Ang mapang-insultong
salita ay dapat lang sa mapang-insultong nilalang at epektibong pamulat sa mga iniinsulto nuon
gaya ng mga Pilipino. Sa kalaliman nito ay tiyak na malalim rin ang epekto nito sa mga Pilipino
lalong lalo na sa mga nakaranasan ng kasakiman ng mga prayle, tila ang akdang ito ay ganti na
lamang nila.

You might also like