Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabatana V:

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon ng mga

mananaliksik na nakabatay sa resulta ng pananaliksik na isinagawa, hinggil sa mga salik na

nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng Paco Catholic School,

Akademikong taon 2019-2020. Ito ay naglalaman ng kabuuang resulta ng pananaliksik at ang

naging resulta ng kabanata IV. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng rekomendasyon ayon sa

kanilang karanasan sa mga natatanging tao.

Lagom

Ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang baon o allowance na ibinibigay ng magulang.

Ang pagbibigay ng pera ay maaaring araw-araw, linggo-linggo o buwan-buwan. Ito ay batay sa

statehiya ng magulang. Mayoong mga iba’t ibang salik na nakakapapekto sa paggastos ng bawat

mag-aaral. Maaaring ito ay napupunta sa pansariling kagustuhan, sa mga pangangailan sa pag-

aaral o iba pa. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nagkaroon ng tatlong layunin ang mga

mananaliksik na nakapokus sa mga salik na nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral sa ika-

11 baitang. Nagkaroon ang pag-aaral na ito ng isang daan at dalawampu’t dalawang (122)

respondente na sumagot sa ipinalaot na talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik.

Unang layunin ng pananaliksik ay ang matukoy kung ano ano ang mga salik na

nakakaapekto sa mga mag-aaral. Sa unang parte ng talatanungan, nagkaroon ito ng close-ended

qestions kung saan naglahad ng mga salik ang mga mananaliksik na nakakaapekto sa kanilang

paggastos at lalagyan ng tsek kung ito ba ay 4- LN (Lubos na Nakaka-apekto), 3- N

(Nakakaapekto), 2-HN (Hindi Nakakaapekto), at 1- LHN (Lubos na Hindi Nakakaapekto).


Ikalawang layunin ng pananaliksik ay malaman ang epekto ng mga nasabing salik. Sa ikalawang

parte ng talatanungan ay binubuo ito ng open-ended question. Naglahad ng isang tanong ang

mga mananaliksik na sumagot sa pagalawang layunin ng pananaliksik. At ang ikatlong layunin

ng pananaliksik ay makapagbigay ng rekomendasyon ukol sa paggastos ng mga mag-aaral.

Naging batayan ng mga mananaliksik ang naging resulta ng pag-aaral sa pagbibigay ng

rekomendasyon sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito natukoy ng mga mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa

paggastos ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang Paco Catholic School. Ang pagpapalaot ng

mga talatanungan ay naganap lamang sa loob ng Paco Catholic School sa ika-4 na palapag ng

Jaime Cardinal Sin Building. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pamamaraan ay natukoy ng mga

mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa paggastos ng mga mag aaral ng ika-11 baitang.

Higit na napatunayan mula sa kabuuan ng sagot ng mga respondente sa mga salik sa

talatanungan, ito ay Nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

Sa kabuuan, mahihinuha mula sa datos na nakalap kung ano ang lubos na nakakaapekto at hindi

gaanong nakakaapekto sa kanilang paggastos. Batay sa mga mag-aaral ng ika-labing isang

baitang, ang lubos na nakakaapekto sa kanilang paggastos ay ang Pagbili ng mga pangunahing

pagkain na may awf na 3.74, Mga bayarin sa loob ng paaralan na mayroong awf na 3.71 at huli

ay ang Pagbili ng kagamitan sa pag-aaral na mayroong awf na 3.35.


Konklusyon

Mula sa mga datos na nakuha ng mga mananaliksik sa talatanungan na ginawa upang

malaman ang mga salik na nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng

Paco Catholic School. Ayon sa mga mag-aaral, ang pangunahing dahilan ng paggastos nila ay

ang pagbili ng mga pangunahing pagkain na nagkaroon ng bilang na pitompu’t siyam (79) na

respondente na mayroon itong average na 3.74 na katumbas ng lubos na nakakaapekto.

Mahihinuha mula rito na karamihan sa mga mag-aaral ay sumasang-ayon na lubos na

nakakaapekto ang paggastos ng pangunahing pagkain, inaasahan ng mga mananaliksik na ito ang

pangunahing dahilan kung bakit gumagastos ang isang mag-aaral, dahil sa pangangailangan ng

katawan ng isang tao, kailangan ng mga mag-aaral kumain ng sapat sa pang-araw-araw.

Sumunod naman dito ay ang paggawa o pagbuo ng proyekto, mayroon itong bilang na

animnapu’t tatlo (63) ang sumagot ng lubos na nakakaapekto mayroon itong average na 3.55 na

katumbas ng lubos na nakakaapekto, bilang isang mag-aaral kailangang matugunan ng mga mag-

aaral ang mga gampaning kailangan sa paaralan, ang paggawa ng proyekto ay isa rin talaga sa

mga pinagkakagastusan ng mga mag-aaral, hinding-hindi ito maiiwasan dahil kailangan ng mga

mag-aaral ng kontribusyon sa paggawa ng mga proyekto. Hindi talaga maiiwasan bilang isang

mag-aaral ang magbayad ng iba pang pangangailangan sa ng paaralan. Pasok naman sa ikatlong

bilang ang mga bayarin sa loob ng paaralan na may bilang na animnapu’t isa (61) na mag-aaral

ang sumang-ayon na lubos itong nakakaapekto, mayroon itong average na 3.71 na katumbas din

ng Lubos na Nakakaapekto. Ang paglalaan naman para sa sarili ay pumang-apat sa listahan ng

mga nakaka-apekto sa paggastos ng mga mag-aaral, may limampu’t dalawa (52) ang sumagot na

lubos na nakakaapekto ang paglalaan ng pera para sa kanilang sarili, ito ay mayroong average na

3.20. Bawat mag-aaral ay may dahilan kung bakit sila nagiipon o naglalaan ng pera para sa
kanilnag sarili, kung para ba ito sa pangsariling luho o sa iba pang mas importanteng bagay o

para sa pangsariling ipon sa banko. Isa sa mga nakakaapekto ay ang pagbili ng kagamitan sa pag-

aaral o yung mga requirements sa bawat asignatura, mayroong limampu’t isa (51) ang sumagot

na Lubos na Nakakaapekto na mayroong average na 3.12. Pangsariling kagustuhan naman ang

sumunod sa listahan ng paggastos ng mga mag-aaral, para sa mga mag-aaral ito ay isa sa mga

nakakaapekto sa paggastos, ito ay may apatnapu’t walong (48) respondente na sumasang-ayon

na ito'y isa sa mga pangunahing dahilan ng paggastos ito ay mayroon ding average na 3.12. Ang

pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ay bahagi din ng paggastos ng mga mag-aaral,

dalawampu’t dalawa (22) sa Hindi Nakakaapekto at ito ay katumbas ng average na 3.14, may

mga mag-aaral kasing malayo ang mga bahay sa papunta sa paaralan, ngunit ang iba nama'y nais

pa ding maglakad upang makatipid sa pamasahe at makaiwas sa masikip na trapiko. Maraming

nagsasabing hindi gaanong nakakaapekto sa mag-aaral paggastos ang pagbili ng mga kagamitang

panlibangan ito ay ang pangwalong nakakaapekto sa mga mag-aaral sa paggastos, tatlompu (30)

ang sumagot na lubos na nkakaapekto na may katumbas na average na 2.81. Pang siyam sa

listahan ang pagsabay sa karamihan ng mga mag-aaral, ito ay may dalawampu’t lima (25) ang

sumagot ng lubos na nakakaapekto nagkaroon ng 2.67 na average, ang pagbili nila ng gamit

upang makasabay lamang sa uso. Ang panghuli naman sa listahan ay ang boluntaryong donasyon

sa paaralan, labing-isa (11) ang pumili ng Lubos na Nakakaapekto, ito ay katumbas ng average

na 2.55 dahil ito ay boluntaryo, nasa mag-aaral kung magbibigay ba sila ng donasyon o hindi.

Mula sa mga datos na ito mahihinuha na ang mga mag-aaral ay napupunan ang kani-kaniyang

mga kailangan para sa sarili, at sa paaralan. Batay sa mga datos na nabanggit ng mga

mananaliksik, narito ang listahan ng pagkakasunod-sunod na mga salik na nakakaapekto sa

paggastos ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Paco Catholic School:


— Pagbili para sa pangunahing pagkain

— Paggawa o pagbuo ng proyekto

— Mga bayarin sa loob ng paaralan

— Paglalaan ng pera para sa sarili (savings)

— Pagbili ng kagamitan sa pag-aaral

— Pagbili ng mga pansariling kagustuhan

— Pagsakay sa pampublikong sasakyan

— Pagbili ng mga kagamitang panlibangan

— Pagsabay sa kagustuhan ng karamihan

— Boluntaryong donasyon sa paaralan

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay buong mapagkumbabang maglalahad ng mga rekomendasyon

tungkol sa pag-aaral na ito upang magsilbing gabay at mas mapatibay ang susunod na

pananaliksik. Ito ang mga sumusunod na rekomendasyon:

Para sa Mag-aaral

- Matutong magbadyet ng allowance at huwag gastusin sa mga bagay na hindi mahalaga.

Itago ang natira sa allowance upang ito ay muling mapakinabangan sa kakailanganing

proyekto sa paaralan. Mahalagang pagtibayin ang pagkontrol sa sarili lalo na sa

paggastos at nirerekomenda ang paglilista ng mga gastusin upang maplano ng mabuti

kung paano ibabadyet ang pera.


Para sa mga Guro

- Sa mga tuntunin ng paggastos ng pera, sikapin na maipasok ang kahalagahan ng

pagtitipid sa aralin upang makapagbigay ng kaalaman sa mga magaaral kung paano

mapapamahalaan ang pera ng mabuti.

Para sa mga Magulang

- Maging isang mabuti halimbawa para sa mga anak kung paano maiiwasan ang paggastos

sa hindi mahahalagang bagay. Simulan ang pagiging halimbawa sa simpleng pagpatay ng

mga kagamitan sa bahay na hindi na ginagamit.

Para sa Administrasyon ng Paaralan

- Maaaring isama sa mga asignatura sa pag-aaral ang kahalagahan ng pera at tamang

paraan ng paggastos nito. Mahalaga itong matutunan ng mga mag-aaral upang sila ay

maturuan ng tamang paghahawak o paggastos ng pera habang sila ay bata pa lamang.

Maari rin magsagawa ng seminar ukol sa tamang paghawak ng kanilang pera upang

mabuksan at mas malawakan ang kanilang pag-iisip sa tamang paghawak ng pera.

. Para sa susunod na Mananaliksik

- Inirerekomenda ng mga mananaliksik ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito

tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relebant ng mga datos o impormasyon

maaring makatulong sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng pananaliksik na ito.

Suriin ng mabuti ang mga kasagutan ng mga respondente at isaayos ang mga resulta

upang ito ay maintindihan ng mga mambabasa.

You might also like