Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabatana V:

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon ng mga

mananaliksik na naka batay sa resulta ng pananaliksik na isinagawa, hingil sa mga salik na

nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng Paco Catholic School,

Akademikong taon 2019-2020. Ito ay naglalaman ng kabuoang resulta ng pananaliksik at ang

naging resulta ng kabanata IV. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng rekomendasyon ayon sa

kanilang karanasan sa mga natatanging tao.

Lagom

Ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang baon o allowance na ibinibigay ng magulang.

Ang pagbibigay ay mamaaring araw-araw, lingo-lingo o buwan-buwan, ito ay naka-depende sa

statehiya ng pagbibigay ng magulang. Mayoong mga iba’t ibang salik na nakakapapekto sa mag-

gastos ng mga bawal mag-aaral, Maaring ito ay napupunta sa pansariling interes, sa

mangangailang sa pag-aaral o iba pa. Sa pagsasagawa ng pananaliksik nagkaroong ng tatlong

layunin ang mga mananaliksik na nakapokus sa mga salik nanakakaapekto sa pag-gastong ng

ika-11 baitang ng Paco Catholic School, Akademikong taon 2019-2020. Nagkaroong ng

isangdaan at dawampu’t dalawang (122) respondent ang mga mananaliksik kung saan sila’y

sumagot ng ipinalaot na talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik.

Unang layunin ng oppananaliksik ay ang Matukoy kung ano-ano ang mga salik na

nakakaapekto sa mga mag-aaral. Sa unang parte ng talatanungan ay nagbigay ng mga salik ang

mga mananaliksik na nakakaapekto sa kanilang pag-gastos at lalagyan ng tsek kung ito ba ay 4-

LN (Lubos na Nakaka-apekto), 3- N (Nakakaapekto), 2-HN (Hindi Nakakaapekto), at 1- LHN


(Lubos na Hindi Nakakaapekto). Ikalawang layunin ng pagnanaliksik ay Malaman kung ano ang

epekto ng mga nasabing salik. Sa ikalawang parte ng talatanungan ay binubuo ito ng open-ended

question. Naglahad ng isang tanong ang mga mananaliksik na sumagot sa pagalawang layunin ng

pananaliksik. At sa ika-tatlong layunin ng pananaliksik ay Makapagbigay ng rekomendasyon

ukol sa paggastos ng mga mag-aaral. Naging basihan ng mga mananaliksik ang naging resulta ng

pag-aaral sa pagbibigay ng rekomendasyon sa mga mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito natukoy ng mga mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa

paggastos ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang Paco Catholic School. Ang pagpapalaot ng

mga talatanungan ay naganap lamang sa loob ng Paco Catholic School sa ika-4 na palapag ng

Jaime Cardinal Sin Building. Sa pamamagitan ng kwalitatibong pamamaraan ay natukoy ng mga

mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa paggastos ng mga mag aaral ng ika-11 baitang.

Higit na napatunayan na, sa kabuuan ng sagot ng mga respondente sa mga salik sa

talatanungan, ito ay Nakakaapekto sa paggasatos ng mga mag-aaral sa ika-labing isang

baitang.Sa kabuuan, mahihinuha mula sa datos na nakalap kung ano ang pinakanakakaapekto at

hindi gaanong nakakaapekto sa kanilang paggastos. Batay sa mga mag-aaral ng ika-labing isang

baitang, ang pinaka-nakakaapekto ay ang Pagbili ng mga pangunahing pagkain na may awf na

3.74, Mga bayarin sa loob ng paaralan na 3.71 naman ang awf at Pagbili ng kagamitan sa pag-

aaral na mayroong awf na 3.35.


Konklusyon

Mula sa mga datos na nakuha ng mga mananaliksik sa survey na ginawa upang malaman

ng mga salik na nakakaapekto sa paggastos ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng Paco

Catholic School. Ayon sa mga mag-aaral, ang pangunahing dahilan ng paggastos ng mga mag-

aaral ay ang pagbili ng mga pangunahing pagkain na nagkaroon ng 79 na respondente na

mayroon itong average na 3.74 na katumbas ng lubos na nakakaapekto. Mahihinuha mula rito na

karamihan sa mga mag-aaral ay sumasang-ayon na lubos na nakakaapekto ang paggastos ng

pangunahing pagkain, inaasahan ng mga mananaliksik na ito ang pangunahing dahilan kung

bakit gumagastos ang isang mag-aaral, dahil sa pangangailangan ng katawan ng isang tao,

kailangan ng mga mag-aaral kumain ng sapat sa pangaraw-araw. Sumunod naman dito ay ang

paggawa o pagbuo ng proyekto,mayroong bilang na animnapu’t tatlo (63) ang sumagot ng lubos

na nakakaapekto mayroon itong average na 3.55 na katumbas ng lubos na nakakaapekto, bilang

isang mag-aaral kailangang matugunan ng mga mag-aaral ang mga gampaning kailangan sa

paaralan, ang paggawa ng proyekto ay isa rin talaga sa mga pinagkakagastusan ng mga mag-

aaral, hinding-hindi ito maiiwasan dahil kailangan ng mga mag-aaral ng kontribusyon sa

paggawa ng mga proyekto. Hindi talaga maiiwasan bilang isang mag-aaral ang magbayad ng iba

pang pangangailangan sa ng paaralan. Pasok naman sa ikatlong bilang ang mga bayarin sa loob

ng paaralan na may bilang na animnapu’t isa (61) na mag-aaral ang sumang-ayon na lubos itong

nakakaapekto, mayroon itong average na 3.71 na katumbas din ng Lubos na Nakakaapekto. Ang

paglalaan naman para sa sarili ay pumang-apat sa listahan ng mga nakaka-apekto sa paggastos ng

mga mag-aaral, may limampu’t dalawa (52) ang sumagot na lubos na nakakaapekto ang

paglalaan ng pera para sa kanilang sarili, ito ay mayroong average na 3.20 Bawat mag-aaral ay

may dahilan kung bakit sila nagiipon o naglalaan ng pera para sa kanilnag sarili, kung para ba ito
sa pangsariling luho o sa iba pang mas importanteng bagay o para sa pangsariling ipon sa banko.

Isa sa mga nakakaapekto ay ang pagbili ng kagamitan sa pag-aaral o yung mga requirements sa

bawat asignatura, mayroong limampu’t isa (51) ang sumagot na Lubos na Nakakaapekto na

mayroong average na 3.12. Pangsariling kagustuhan naman ang sumunod sa listahan ng

paggastos ng mga mag-aaral, para sa mga mag-aaral ito ay isa sa mga nakakaapekto sa

paggastos, ito ay may apatnapu’t walong (48) respondente na sumasang-ayon na ito'y isa sa mga

pangunahing dahilan ng paggastos ito ay mayroon ding average na 3.12. Ang pagsakay sa mga

pampublikong transportasyon ay bahagi din ng paggastos ng mga mag-aaral, dalawampu’t

dalawa (22) sa Hindi Nakakaapekto at ito ay katumbas ng average na 3.14, may mga mag-aaral

kasing malayo ang mga bahay sa papunta sa paaralan, ngunit ang iba nama'y nais pa ding

maglakad upang makatipid sa pamasahe at makaiwas sa masikip na trapiko. Maraming

nagsasabing hindi gaanong nakakaapekto sa mag-aaral paggastos ang pagbili ng mga kagamitang

panlibangan ito ay ang pangwalong nakakaapekto sa mga mag-aaral sa paggastos, tatlompu (30)

ang sumagot na lubos na nkakaapekto na may katumbas na average na 2.81. Pang siyam sa

listahan ang pagsabay sa karamihan ng mga mag-aaral, ito ay may dalawampu’t lima (25) ang

sumagot ng lubos na nakakaapekto nagkaroon ng 2.67 na average, ang pagbili nila ng gamit

upang makasabay lamang sa uso. Ang panghuli naman sa listahan ay ang boluntaryong donasyon

sa paaralan, labing-isa (11) ang pumili ng Lubos na Nakakaapekto, ito ay katumbas ng average

na 2.55 dahil ito ay boluntaryo, nasa mag-aaral kung magbibigay ba sila ng donasyon o hindi.

Mula sa mga datos na ito mahihinuha na ang mga mag-aaral ay napupunan ang kani-kaniyang

mga kailangan para sa sarili, at sa paaralan. Batay sa mga datos na nabanggit ng mga

mananaliksik, narito ang listahan ng pagkakasunod-sunod na mga salik na nakakaapekto sa

paggastos ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Paco Catholic School :


— Pagbili para sa pangunahing pagkain

— Paggawa o pagbuo ng proyekto

— Mga bayarin sa loob ng paaralan

— Paglalaan ng pera para sa sarili (savings)

— Pagbili ng kagamitan sa pag-aaral

— Pagbili ng mga pansariling kagustuhan

— Pagsakay sa pampublikong sasakyan

— Pagbili ng mga kagamitang panlibangan

— Pagsabay sa kagustuhan ng karamihan

— Boluntaryong donasyon sa paaralan

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay buong pagpapakumbabang maglalahad ng mga

rekomendasyon na patungkol sa pag-aaral na ito upang magsilbing gabay at mas mapatibay ang

susunod na pananaliksik. Ito ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Para sa Magaaral- Matutong magbadyet ng “allowance” at huwag ito gastusin sa mga

bagay na hindi mahalaga.Itago ang natira sa “allowance” upang ito ay muling

mapakinabangan sa kakailanganing proyekto sa paaralan. Mahalagang pagtibayin ang

pagkontrol sa sarili lalo na sa paggastos at nirerekomenda ang paglilista ng mga gastusin

upang maplano ng mabuti kung paano ibabadyet ang pera.

2. Para sa mga guro- Sa mga tuntunin ng paggastos ng pera sikapin na maipasok ang

kahalagahan ng pagtitipid sa aralin upang makapagbigay kaalaman sa mga magaaral

kung paano mapapamahalaan ang pera ng mabuti.


3. Para sa mga magulang- Maging isang mabuti halimbawa para sa mga anak kung paano

maiiwasan ang paggastos sa hindi mahahalagang bagay. Simulan ang pagiging

halimbawa sa simpleng pagpatay ng mga kagamitan sa bahay na hindi na ginagamit.

4. Para sa administrasyon- Maaaring isama sa mga asignatura sa pag-aaral ang

kahalagahan ng pera at tamang paraan ng paggastos nito. Mahalaga itong matutunan ng

mga mag-aaral upang sila ay maturuan ng tamang paghahawak o paggastos ng pera

habang sila ay bata pa lamang.

5. Para sa mga susunod na mananaliksik- inirerekomenda ng mga mananaliksik na

makakatulong sa pagsasaliksik ang paggamit ng talatanungan bilang metodo sa pagkuha

ng datos ngunit maaari ring gamitin ang "interview" upang marinig ang mga opinyon ng

mga respondente. Kung kakayanin ay mas maganda kung mapalawak ang dami ng

respondente na mapagkukuhaan ng datos upang masuri ang kanilang mga sagot at mas

mapalawak ang pananaw sa makukuha na datos mula sakanila. Nararapat na suriin ng

mabuti ang mga kasagutan ng mga respondente at isaayos ang mga resulta upang ito ay

maintindihan ng mga mambabasa.

You might also like