Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Ang ating mga ninuno ay may sarili nang

panitikan bago pa man dumating ang mga Kastila


dito sa Pilipnas. Nagtataglay ang panitikang ito ng
kasaysayan ng ating lahi, mga kwentong-bayan,
alamat, epiko, kantahing bayan, salawikain,
kasabihan, bugtong, palaisipan at iba pa.
Nag-aangkin din ang ating mga ninuno ng
sariling baybayin o alpabeto na kaiba sa
kasalukuyang alpabetong Romanong dala rito
ng mga Kastila.
Noong unang mga kapanahunan, mayroon nang
panitikan sa Pilipinas na buhat sa sari-saring mga
lipon at pangkat ng mga taong dumating sa
kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na
dumating sa Pilipinas ang mga Negrito, mga
Indones, at mga Malay.
Ang baybayin ang naging sistema ng pagsulat at
pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man
dumating ang mga dayuhan mula kanlurang bahagi
ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na
panitikang katha ng sinaunang mga Pilipino ang
sinunog ng mga Kastila. Nagngabulok at natunaw
naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng
mga balat ng punong-kahoy at mga dahon ng mga
halaman.
➢ 1521 – dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.
Ang layunin nila’y hindi lamang pananakop bagkos
mapalaganap ang kristiyanismo sa mga unang
Pilipino
➢ Ginamit ng mga Kastila sa panulat ang
alpabetong Romano bilang kapalit ng Alibata o
baybayin
➢ Limbagan ng Pamantasan ng
Santo Tomas – kinilalang kauna-
unahang limbagan sa Pilipinas
Tatlong anyo ng panitikan ang lumaganap noong
panahon ng Kastila. Ito’y ang mga sumusunod:
Patula – berso, awiting-bayan, dalit, dasal, pasyon,
awit at korido
Tuluyan –nobena o talambuhay ng mga santo,
mahahabang salaysay at kuwento
Dula – (a) dulang panlansangan
(b) dulang pantanghalan o entablado
(c) dulang pantahanan
➢ Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino
ay nabihisan ng kulturang kastila at paksaing
panrelihiyon.

➢ Mahigpit na gumapos ito sa puso’t diwa ng mga


Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso
sa kapangyarihan ang mga nandayuhan
➢ Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong may
isip at mulat sa katotohanan ay hindi matanggap
ang kawalan ng karapatan at Kalayaan ng
kaniyang mga lahi.

➢ Gumamit ang mga Pilipino ng panulat bilang


sandata upang maipahatid sa kapwa Pilipino ang
tunay na kalagayan ng bansa.
➢ Ang mga ito’y isinulat sa wikang Espanyol sa
pagnanais na mabaho nila ang Kastila.

➢ Ang ilang halimbawa sa mga pahayagang


pampropaganda ay ang Diariong Tagalog na
tinatag ni Marcelo H. Del Pilar at ang La
Solidaridad.
➢ Ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose
Burgos at Jacinto Zamora ay pinabitay ng mga
Kastila sa pamamagitan ng ‘garote’ sa salang
pamumuno sa mga propagandista at paglabag sa
batas ng mga Kastila.

➢ Sumiklab ang politkal at literaturang


paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang
tinuligsa ang mga Kastila.
Nanatili ang mga anyo ng panitikan mula sa patula
hanggang sa tuluyan sa panahon ng propaganda at
himagsikan. Ang tanging nagbago sa panitikan sa
panahong nabanggit ay ang layunin ng mga
manunulat sa pagbubuo ng bawat akdang
pampanitikan at mga paksaing ginagamit nila.
Mamulat ang mga Pilipino sa:

• Katotohanan
• Kaabusuhang ginagawa ng mga dayuhan
• Maling paniniwala sa relihiyon at mga
namumuno nito
Naguna sa pagsulat ng Makabayang
Panitikan:
• JOSE P. RIZAL - gumamit ng sagisag-
panulat na Laong-laan (Amor Patrio);
Dimasalang ( Masonry); at Agno -
itinatag niya ang LA LIGA FILIPINA.
• MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng
iba’t ibang sagisag-panulat tulad ng
PLARIDEL; PUPDOH; PIPING DILAT; at
DOLORES MANAPAT
•GRACIANO LOPEZ-JAENA - kinilalang
manunulat at mananalumpati sa
“Gintong Panahon ng Panitikan at
Pananalumpati”. Itinatag niya ang
kauna-unahang magasin, ang LA
SOLIDARIDAD na naging opisyal na bibig
ng “Asociation Hispano Filipina.”
• ANTONIO LUNA - isang parmasyotikong
dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa
Espanya. Sumanib sa kilusang
PROPAGANDA. Ang paksa ng kanyang mga
isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang
Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa
pamamalakad ng mga Kastila. Ginamit
niyang sagisag-panulat ay TAGA-ILOG.
MARIANO PONCE - naging tagapamahalang
patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda. Mga sagisag-panulat na
ginamit- TIKBALANG; KALIPULAKO at NANING.
Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang
karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay.
Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga
banyaga at ang karaingan ng bayan.
PEDRO PATERNO - isang iskolar, dramaturgo,
mananaliksik at nobelista sa Kilusang
Propaganda. Sumapi sa Kapatiran ng mga
Mason at sa Asociation Hispano-Filipino.
Unang manunulat na nakalaya sa sensura sa
panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng
Kastila.
JOSE MA. PANGANIBAN - itinago ang tunay na
pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA.
Kilala sa pagkakaroon ng “MEMORIA
FOTOGRAFICA”.
PASCUAL POBLETE - Kabilang siya sa dalawang
panahon ng Panitikang Pilipino: Kastila at Amerikano.
Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at
mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang
pahayagang “EL RESUMEN”. Sa panahon ng
Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL GRITO
DEL PUEBLO” at “ANG TINIG NG BAYAN”. Siya ang
kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng
Noli Me Tangere ni Jose Rizal

You might also like