Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tulang Patnigan (Joustic Poetry)

Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang


mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang tinitignan ito bilang
isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa
karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan.

Mayroong apat na uri ng tulang patnigan ang kinikilala: ang Balagtasan,


Karagatan, Duplo, at ang kontemporaryong FlipTop Battle o Battle Rap.

Balagtasan
Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Ito ay isang uri ng pagtatalo
ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa. Magsasalitan ng pagsagot ang
bawat panig na pinagigitnaan ng isang lakandula o lakambini.

Karagatan
Ito ay isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na
libangang tanghalan. Nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula.

Duplo
Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong patula. Hango ito sa
Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.

Fliptop o Battle Rap


Isang modernong uri ng Balagtasan ang FlipTop kung saan nagsasagutan din ang
dalawang panig patungkol sa isang paksa. Kailangan din itong may tugma na
binibigkas lamang nang mas mabilis.

Tulang Pantanghalan o Padula


Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong
binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw
sa mga manonood.

You might also like