Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sanaysay Tungkol Sa Wikang Mapagbago

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga
ninuno. Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkaka unawaan at tulay sa
magandang ugnayan. Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas at matatag na
Pilipino ang ating sariling wika ay regalong dapat pakaingatan para na rin sa mga susunod
pang mga henerasyon. Ugaliin itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo makarating.
Laging pakatandaan na ang wika ang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.Ano ba ang
napapansin mo sa ating sariling wika? marami na bang mga nagbago? ano ba ng
naidudulot sayo ng ating wikang Filipino? Ang pagbabago ay kailanman hindi natin
maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot ng positibong resulta.

Mapapansin natin sa ating kapaligaran na bawat araw ay napakaraming mga pagbabagong


nagaganap maging sa ating mga sarili merong mga pagbabagong nangyayari. Ang
pagbabago ay hindi masamang bagay marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang
resulta pero kadalasan naman ay maganda ang kinalalabasan.Kagaya ng ating sariling
wika and wikang Filipino ito ay sinasabing wikang mapagbago na kung saan maraming mga
magagandang naidudulot sa bawat isa sa atin kagaya na lamang ng mas nauunawaan
natin ang ating mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti ang ating mga
nararamdaman at gustong sabihin sa ating kapwa. Iilan lamang yan sa mga mabuting
epekto ng palaging pagamit ng ating wika. 

Laging ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay at huwag itong abusin. Dahilan na rin ng mabilis na paglipas
ng panahon marami ng mga pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at mga
salitang hango sa wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto upang maging maunlad ang isang bansa at ito
ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan. Gamitin ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa sa ating
mga Pilipino.

You might also like