Ang Sikolohiyang Filipino Ay Isang Makaagham Na Pag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KULTURANG POPULAR- ANG SIKOLOHIYANG FILIPINO

Ang Sikolohiyang Filipino ay isang makaagham na pag-aaral sa sikolohiya batay sa mga


karanasan, kaisipan at oryentasyong kultural ng mga Pilipino. Si Virgilio Enriquez ang
tinaguriang ama ng Sikolohiyang Pilipino. Ipinakilala ni Enriquez noong 1974 ang mga
pormal na mga katutubong sikolohiya:

1. Kamalayan o consciousness- batay sa pandandamin at pangkabatirang karanasan


2. Ulirat o awareness- batay sa kinagisnang kapaligiran
3. Isip- batay sa kaalaman at pang-unawa
4. Diwa- mula sa mga ugali at mga nakasanayan
5. Kalooban- batay sa emosyon o damdamin
6. Kaluluwa o psyche – batay sa esperitwal na aspekto ng tao

Ang sikolohiyang Filipino ay nagpasimula bilang isang pagkilos mula sa sikolohiya at


kaugnay na disiplina noong 1970 na nakatuon sa mga sumusunod na tema: (a) pantayong
pananaw at pambansang kamulatan, (b) pambansang ulirat at pakikisangkot, (c) pambansa at
etnikong kultura at wika kasama ang pag-aaral sa katutubong sikolohiya, (d) batayan at
paglalapat ng katutubong sikolohiya sa kalusugan, praktika, agrikultura, sining at mass
midya, at maging sa relihiyon .

Ang pagkilos na ito ay nag-udyok ng mga pangunahing protesta. Una, ang sikolohiya
ay isang pagbabagong-isip, isang uri ng sikolohiyang kumalaban sa sikolohiyang makaluma
ng kolonyal na mentalidad at nag-aadya ng sikilohiyang Filipino para sa dekolonisasyon ng
isip. Isa itong hakbang sa kaunlaran ng pambansang kamalayan. Pangalawa, sikolohiyang
Malaya o liberated psychology, isang uri ng pagkilos na kumakalaban sa importasyon at
pagtatakda ng sikolohiyang buhat sa maunlad at industriyalisadaong bansa. Pangatlo,
sikolohiyang mapaglaya o liberating pscychology, isang pagkilos na nakatuon sa paglaban
sa eksploytasyon ng masa.

Bilang isang anyo ng katutubong sikolohiyang tradisyon, angsikolohiyang Pilipino ay


nabuo mula sa mga batayang kaalaman na buhat sa : (a) kultura; (b) katutubong gawi; (c)
batay sa katutubong balangkas at sanggunian; (d) kalabasan ng mga paniniwala.

Ang sikolohiyang Pilipino ay umusbong sa dalawang mahahalagang proseso:


indigenization from without (paglalangkap) at indigenization from within (pagnilay). Ang

Inihanda ni: Justfer John D. Aguilar

Sanggunian: https://www.researchgate.net/publication/316081561
KULTURANG POPULAR- ANG SIKOLOHIYANG FILIPINO

unang proseso ay nakatuon sa isang komon na lapit ng paggamit ng kaalaman at paglilipat ng


teknolohiya. Ito ay isang lapit batay sa pag-alam ng mga katutubong katumbas ng mga
unibersal na sikolohiyang konsepto o sa kontektuwalisasyon ng mga imported na
pamamaraan at teknik, kasangkapan at instrument. Ang isa sa maaaring halimbawa nito ay
ang balidasyong kultural, isang uri ng praktika ng pagpapatotoo mula sa sistematikong
replikasyon ng iba’t ibang kultura. Ang ikalawang proseso naman ay pagsasakatutubo mula
sa pagnilay ng mga tanging sikolohiya. Ito ay proseso ng pagsasapormal ng mag natatanging
sikolohiyang dulog, kaalaman, pamamaraan, praktika na umusbong mula sa batayang
katutubong kultura o sanggunian. Ang halimbawa naman nito ay ang kultura na rebalidasyon.

Upang mabalangkas ang sikolohiyang ito, mahalagang malaman ang mga sinubok na
paraan:

1. Makabuo ng mga konsepto at batayang katutubong sikolohiya


2. Mag-adapt, magpaunlad, at gumamit ng angkop na kasangkapan o instrumento

Katutubong konsepto at Pagdudulog

1. Kapwa- isang pagkilala sa ibinahaging pagkakakilanlan at tagong sarili na ibinahagi


sa iba. Ang pagkilalang ito ay nagmumula sa sarili at hindi sa iba.
2. Pakikiramdam- o shared inner perception ay isang pananaw na masasabing
mahalagang interpersonal na halagahan na tumutukoy sa naiugnay na mga halagahan
tulad ng pagmamahal at kagandahang loob. Ipinaliwanang ni Enriquez (2002) na
maaring ang pakiramdam ay isang mataas na anyo ng halagahan. Dagdag pa ni
Mataragnon (1987) ang pakikiramdam ay isang tentatibo, mapanuri, at mapag-bagong
ugali na batay sap ag-iisip upang hindi makapanakit sa kapwa.
3. Nakikitang halagahan- tulad ng hiya, utang na loob at pakikisama. May dalawang
katangian: akomodatibo at prangka.
4. Kagandahang loob- mapag-ugnay na sosyo-personal na halagahan. Isang
predisposiyon na nakatuon sa ugali sa gitna ng malawak na pag-uugali. Ang
kagandahang loob ay maaring maging karangalan, katarungan at kalayaan.

Inihanda ni: Justfer John D. Aguilar

Sanggunian: https://www.researchgate.net/publication/316081561
KULTURANG POPULAR- ANG SIKOLOHIYANG FILIPINO

Antas at moda ng interaksyong sosyal:

A. Kategorya ng ibang tao (outsiders


1. Pakikitungo- o civility na nakatuon sa pakikiayon ng tao sa iba
2. Pakikisalamuha- ay akto ng paghahalo mula sa ibang tao
3. Pakikilahok- akto ng paglalahok
4. Pakikibagay- akto ng pagsang-ayon
5. Pakikisama- akto ng pakikiisa

B. Kategorya ng hindi ibang tao (one of us)


1. Pakikipagpalagayang-loob- akto ng pakikipalagayang tiwala
2. Pakikisangkot- ang akto ng pagsma sa iba
3. Pakikipagkaisa- ang akto ng pagiging kaisa sa iba

Ang mga antas na nabanggit ay hindi lamang magkaugnay na moda ngunit nakaayos mula sa
babaw o surface – lalim o depth na antas ng pakikipag-ugnayan.

Paggamit ng katutubong pamamaraan ng pananaliksik

Inihanda ni: Justfer John D. Aguilar

Sanggunian: https://www.researchgate.net/publication/316081561

You might also like