Handouts Rehiyon 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Rehiyon I

 Ang Rehiyon I ay makikita sa Hilagang- Kanluranng Luzon. Ito ay napapaligiran ng Bangui Bay
sa gawing Hilaga ng bulubunduking Cordillera sa may silangan ng Central Luzon sa may
Timog; at ng South China Sea sa bandang Kanluran.
 Ang Rehiyon I ay maituturing ay may pinakamahabang baybaying dagat at at matatarik na
bangin.
 Ang Rehiyon I ay nagsisilbing lagusan ng dalawampu’t siyam na ilog na ang tubig ay
dumadaloy patungong dagat Timog Tsina.
 Ang mga mamamayan ng Rehiyon I ay nagtatanim ng Tabako at Palay
 Nag aalaga rin sila ng mga Hayop tulad ng kalabaw,baka,kambing,manok,at mga kabayo.
 Gumagawa rin sila ng mga basket, sandok, tapayan, palayok, mga upuan etc.

Ilocos Norte
 Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa
silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayoa, at sa timog ay ang mga lalawigan ng
Abra at Ilocos Sur.
 Bagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ng Romano Katoliko,
ang karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac
na si Gregorio Aglipay. Ilocos Norte ay my kabuohang land area na 3,400 sq.km at ito ay may
22 na mga lugsod at 477 na baranggay. Lugar na pinanganak si Former Philippines President
Ferdinan Marcos.
 Mga magagandang Tanawin sa Ilocos Norte tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng
Ilocos Norte Simbahan ng Paoay Church (St. Augustine Church) - Napabiliang sa UNESCO
World Heritage Site noong 1993
 Pagudpud ay isang bayan sa tabi ng dalampasigan sa hilagang dulo ng Luzon na kilala bilang
bakasyunan.
 Sand Dunes ito ay matatagpuan sa lungsod ng Currimao
 Sinking Bell Tower ito ay matatagpuan sa Laoag City, tanyag sa Ilocos Norte
 Mga kapistahan sa Ilocos Norte o Ang "Tan-ok ni Ilocano: The festival of festivals" ay ang
pinakamalaking pagtitipon sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan bawat lungsod at
lalawigan nito ay magtatanghal ng isang sayaw na maglalarawan ng kanilang kultura at
industriya. o Karaniwang ipapalabas dito ay ang interpretasyon ng kani-kanilang pistang
ipinagdiriwang taon-taon bilang larawan ng kanilang sariling pagkakakilanlan tulad ng
kanilang kultura, kabuhayan, produkto, relihiyon, at kasaysayan.
 Ilan sa mga pistang ipinagdiriwang sa Ilocos Norte na siyang basehan ng itatanghal nilang
mga sayaw ay ang kilalang Empanada Festival ng lalawigan ng Batac, Panag-buos sa bayan ng
Banna, Tadek festival ng Nueva Era, Guling-Guling ng Paoay, Dinaklisan ng Currimao, Amian
Festial ng Bangui, Pamulinawen festival ng Lungsod ng Laoag
mga produkto
 Agrikultura- palay, mais, bawang, halamang ugat,tabako at iba pang prutas at gulay 
 Palaisdaan- Isda, alagang hayop- baboy , kambing at baka,  paggawa ng pagkain- asin,
bagoong, basi, suka, karne, chicharon at bukayo
Mga hanapbuhay
paggawa ng tabako, paghahabi, paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko at kasangkapang
gawa sa bakal. pangingisda paggawa ng asin, patis at bagoong pah minima, pag-aalaga ng hayop
ILOCOS SUR
  Ang Ilocos Sur (Filipino:Timog Ilocos) ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos.
Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay nahahati sa 2 lungsod. Mga Lungsod Lungsod ng Vigan
Lungsod ng Candon Matatagpuan ang lalawigan ng Ilocos Sur sa kanlurang baybayin ng
Hilagang Luzon.
 Naghahanggan ang ito sa Ilocos Norte sa Hilaga, sa Abra sa hilagang silangan, sa Mountain
Province sa silangan, sa Benguet sa timog silangan, sa La Union sa timog, at sa Dagat Tsina sa
silangan. May sukat itong 2,579.58 kilometro parisukat na sumasakop sa 20.11 % ng
kabuuang area ng Rehiyong 1
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
Vigan
Wind Mill Tirad Pass
Santa Maria Falls
mga Kapistahan sa Ilocos Sur
longganisa Festival sa Vigan
 Ang longganisang Vigan na hango sa bersiyon na Mexican salami ay naging paborito nang
ulam sa anumang okasyon, mula pa noong panahon ng mga Kastila. Dahil sa kakaibang
sangkap na inihahalo sa giniling na karne na gaya ng suka na mula sa tubo at native garlic,
naging pangunahing livelihood ito ng mga Bigueño at ginawang kanilang One Town One
Product (OTOP).
 Kinikilala na rin ngayon ang Vigan bilang top producer ng longganisa. Nakadiskubre pa ng
iba’t ibang putahe na ang sahog ay longganisa, kaya lalo itong naging mabili.Tuwing ikatlong
linggo ng Enero ay ipinagdiriwang ng Vigan ang kanilang pista na kumikilala sa kanilang
patron na si Saint Paul The Apostle
 Mga Produkto sa Ilocos Sur
 Mayaman ang Ilocos Sur sa mga produktong gulay tulad ng kamatis, mais, talong, okra at
dito nanggagaling ang pinakamaraming tabako.
Mga hanapbuhay sa Ilocos Sur
 Ang mga tao sa Ilocos Sur ay nabubuhay sa pagsasaka. Ang kadalasang itinatanim nilang
mga pagkain ay bigas, gulay, root crops, at mga prutas. Ang mga itinatanim naman nilang
hindi nakakaing halaman ay tabako, bulak at tigergrass.
LA UNiON
La Union Kabisera: San Fernando
 Ang La Union ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon.
Ang kabisera nito ay ang lungsod ng San Fernando. Pinalilibutan ito ng Ilocos Sur sa hilaga,
Benguet sa silangan, at Pangasinansa timog. Sa kanluran ng La Union ay ang Dagat Timog
Tsina.
 Mga produkto Agrikultura- palay, mais, bawang, halamang ugat,tabako at iba pang prutas
atgulay •Palaisdaan- Isda •Alagang hayop- baboy , kambing at baka •Paggawa ng pagkain-
asin, bagoong, basi, suka, karne, chicharon at bukayo
 Industriya •paggawa ng tabako •paghahabi •paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko at
kasangkapang gawa sa bakal. •pangingisda •paggawa ng asin, patis at bagoong •pagmimina
•pag-aalaga ng hayop
 Wika Ilokano ang karaniwang wika dito. Ang mga naninirahan sa barangay ng Santo Tomas at
Rosario ay nakapagsasalita din ng Pangasinense habang ang mga nakatira sa hangganan ng
Cordillera ay nagsasalita ng Ibaloi o Kankanay.
 Ingles at Filipino ang batayan na ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan dito.
 Magagandang tanawin, Pagoda Hill
 Ukkalong Falls, St. Catherine Parish
 Pindangan Festival
 3Pindangan ang unang pangalan ng siyudad, mula sa salitang “Pindang“ na ang ibig sabihin
ay ang tradisyunal na pagpapatuyo ng isda na noon ay siyang pangunahing pinagkakakitaan
ng mga mamamayan nito. Binuo ang pangalang Pindangan noong 1759 at ang nasabing
pangalan ay pinalitan ng San Fernando noong 1850. Noong Pebrero13, 1998, ang bayang ito
ay naging component city ng lalawigan ng La Union.

pangasinan
Pangasinan Kabisera: Lingayen
 Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang
lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa mayGolpo ng Lingayen at Timog Dagat
Tsina. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa
Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mgaIloko,
Bolinao at mga Tagalog.
 Wika Ingles at Filipino ang kadalasang wika dito at ang ginagamit sa pagtuturo sa
paaralan.Pangasinense ang ang wikang ginagamit ng mga taong naniniraha
 sa gitnang bahagi ng Pangasinan at Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi
ng lalawigan.
 Industriya Agrikultura ang pangunahing industriya ng lalawigan. Ang iba pang prominenteng
industriya ay paggawa ng bagoong, mga produktong likhang kamay at paggawa ng mga
gamit-pambahay.
 Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon
upang di na magbalik kailanman.
 Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may
isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw
ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil ni loob ito ng Panginoon na
gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik natagapangalaga rito upang di-
pagnasaang pupulin lamang ng sinuman
Produkto
 bigas bagoong, daing fresh bangus, mais, gulay.
 Festivals
 Bagoong Festival, Manaog Church, Tara Falls
Panitikan na isinasanay sa Pangasinan
Mga Kaugalian sa Pag-aasawa
Kasunduan sa pag-aasawa • Panunuyo • Pagkatapos ng Kasal • Regalo sa magandang kapalaran
paniniwala sa Burol • Pagasabog ng Bigas o Asin
Tinikling(Sayaw sa Bangko)
ALAMAT NG BAYAMBANG
(Pangasinan) Kapapadpad pa lamang ng mga kastila dito sa ating Bansa. Sinasabi ring wala pang
mga pangalan ang iba’t ibang lupain sa Pilipinas. Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang
naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punong kahoy. Karamihan sa mga ito ay
ang puno na nagngangalang “alibangbang”. Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay
maagang naulila. Natuklaw ng ahas angkanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal
sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias namamuhay na nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang
iknabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy at kinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang
kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitong paraan nabuhay si Elias. Noon ay
panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalabas ng bahay.
Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. Tanging ang batang si Elias lamang ang
araw- araw umaalis ng bahay. Isang araw sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong
alibangbang ay may mga kastilang dumaraan.. Katanghalian noon kaya’t ang mga dayuhan ay
sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman ang mga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan
kung kaya’t tinanong nila ang pangalan ng puno. “Alibangbang,” ang sagot ni Elias. Sa
kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi ang
alibangbang,sa halip ay “Bayambang”. Simula noon, ang maliit na bayan ay tinawag na “nayon ng
Bayambang.”

Prepared by: Myla C.Jeducos BEED IV-A

You might also like