Professional Documents
Culture Documents
El Filibusterismo Script (27-29)
El Filibusterismo Script (27-29)
Mga tauhan:
Padre Fernandez – Maloles (Costume: Formal)
Isagani – Lasao (Costume: Formal)
Narrator: Alcantara
P. Fernandez: Alam mo, Isagani, hanga ako sa mga kabataang malayang nagpapahayag
ng kanilang saloobin kahit na magkasalungat ang aming saloobin sa isa’t isa. Nabalitaan
kong nagkatipon raw kayo sa pansiterya kagabi. Hindi ka ba humingi ng paumanhin?
Isagani: Simple lamang, Padre Fernandez. Hangad naming tumupad sana kayo sa mga
obligasyon.
P. Fernandez: Bakit, hindi ba kami tumutupad sa aming mga obligasyon? Ano ang mga
dapat naming gawin?
Isagani: Obligasyon ninyong itaguyod ang edukasyon, paularin ang kabataan sa mga
larangang pisikal, intelektuwal at moral, akayin kami upang marating ang tagumpay.
Narrator: Hindi agad nakapagsalita ang pari at ipinagisipan ang pahayag ng binatang si
Isagani.
P. Fernandez: Sa amin isinisisi ang mga pagkakamali dahil kami ang nakikita ninyo nang
malapitan. Kami ay umaalinsunod lamang sa utos, at sapagkat pamahalaan ang may
utos natural na parang tupa kaming susunod.
Mga tauhan:
Padre Irene – Loreño (Costume: formal)
Kapitan Tiago – Edaño (Costume: pangbahay)
Placido Penitente – Pinca (costume: formal)
Bise Rektor ng Unibersidad – Soriano (costume: formal)
Kapitan Heneral – Lasao (Costume: formal)
Extra 1 – Valdez (Costume: simple pero presentable na pang-alis)
Extra 2 – Jocson (Costume: simple pero presentable na pang-alis)
Extra 3 – Ebas or Alcantara (Costume: simple pero presentable na pang-alis)
Narrator: Maloles
1st Scene
Bise Rektor ng Unibersidad: May ilang dapat ipiit sa kulungan. Mayroon ding
dapat barilin para maging duguan ang mga lansangan. Pag nangyari ito, matatakot
ang mga kabataan at matatagpuan na sila.
Padre Irene: Dapat munang pagalitan lamang ang mga kabataan. Kapag may
lalaban saka ipakita sa madla na hindi maari ang ganoon. Ang gwardia sibil ang
magpapakita sa kanila kung paano talaga ang labanan.
2nd Scene
3rd Scene
Tauhan 1: Huwag kayo magsalita ng malakas baka isiping tayo ay kasabwat, kaya
sinunog ko ang aklat na pinahiram nya sakin.
Tauhan 2: Eh kasi luko-luko yang si Isagani, hindi naman sana mahuli kung ‘di
nagprisinta, mabuti nga sa kanya!
Mga tauhan:
Padre Irene – Loreño (Costume: formal)
Kapitan Tinong – Maloles (Costume: formal)
Donya Victorina – Alcantara (Costume: formal na feminine siguro dress)
Mananahi – Soriano (Costume: simple)
Don Primitivo – Valdez (Costume: formal)
Aristorenas – Pinca (Costume: formal)
Narrator: Ebas or Lasao
1st Scene
Narrator: Sinabi ng kura paroko kay Padre Irene na hindi man lang nakapangumpisal si
Kapitan Tiyago. Sinagot naman ni Padre Irene na kahit ganoon, hindi dapat ipagkait sa
matanda ang bendisyon at misa de requiem dahil kahit mga Instik ay binibigyan nito,
siya pa kaya na makakas mag-abuloy sa simbahan.
Narrator: Magardbo ang paghahanda sa kamatayan ni Kapitan Tiyago. Tulad din ng mga
karangyaang hilig niya nang buhay pa, ganito rin sa pagkamatay niya. Pinagbaha-bahagi
ng mga iba’t ibang sangay ng simbahan ang kanyang naiwang yaman.
Padre Irene: Sa akin inihabilin ni Kapitan Tiyago ang mga paghahati-hati ng kanyang ari-
arian. Sa Santa Clara, sa papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga prayle at ang
dalawampung piso ay iniwan niya sa matrikula ng mahihirap na mag-aaral. Ipinawalang
bias nya ang dalawampu’t-limang piso para kay basilio dahil sa masamang inasal nito.
2nd Scene
Narrator: Bilang parangal sa pumanaw na kaibigan, si Padre Irene ang umawit ng Diyos
Irae na sa halip raw makalugod sam ga naroong nakikiramay ay lalo pang
nakapagpasakit ng ulo. Hindi mapatid-patid ang lita niya ng dasal. Ang usap-usapan
naman ng mga nakikiramay, ang kaluluwa raw ni Kapitan Tiyago ay malaki kaya tatlo ang
dapat magmisa para matiyak ang pagpasok ni Tiyago sa kalangitan, may nakakita ng
kaniyang kaluluwa, mga bisyong kinatutuwaan niya, ang mga nangyayari sa kalangitan
sa pagkikita nina Kapitan Tiyago at San Pedro.
Kapitan Tinong: Handa akong ialay sa kanya ang lumang damit pransiskano. Mahalaga
sa akin iyon ngunit alang-alang sa aking kaibigan na hindi ko man lamang nasilip
hanggang sa maghingalo ay handa akong ibigay.
Mananahi: Prak na lamang ang ipaleot dahil nakaprak ito ng magpakita ang kaluluwa.
Padre Irene: Lumang damit ang ipasoot sa kanya dahil hindi naman tumitingin sa damit
ang diyos.
Donya Victorina: Parang nais ko din sumakabilang buhay, hihiyitan ko ang karingkan ng
libing na yaon.
Padre Irene: Ito ay tunay nalibing! Ito ang kaalaman kung paano mamatay!
3rd Scene
Narrator: Bukod pa roon ay tinukoy pari nang mga bahagi ng nobena, ang mga aklat ng
mga himala, ang kaanyuan ng langit, at iba pang mga bagay na ukol din doon. Ang
pilosopong si Don Primitivo ay parang langit noon na bumabanggit sam ga haka-haka ng
mga teologo at tila alam ang mga sinasabi na nakikipag talo sa isang manunugal na si
Aristorenas.
Aristorenas: Ngunit dapat may manalo ang isa, nariyan lamang ang sarap ng pagsusugal!