Kanayunan, Kabataan!

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

VIENN: Hay, nako. Bagong araw nanaman!

‘Yan nanaman si Ser, biglaan nalang sisigaw sa


amin, tapos dami-rami pa ng mga schoolworks! Grabi naman. Saglit, check ko lang nga sa
phone ko kung ano’ng meron sa Facebook ko.

VIENN: Anu ginagawgaw nito? Puro nalang memes ni Catriona, amo.


VIENN: O, heto pang isa! Ano’ng m’eron sa coronavirus sa Tsina?
VIENN: GRABE! Sumabog din pala ang Taal, tapos muntikan pang nangyari ang World War
III!
VIENN: Ayda, balamo migkasabe-sabe lareng marok keng yatung ayni.
VIENN: Sana na lang nga ibalik nalang ako sa old times, buti pa n’on, maayos ‘yung mga
panah-

[biglaang lilindol]

VIENN: SAGLIT! LUMILINDOL NA! LORD, TEKA LANG ‘DI PA AKO HANDA! WEYT!

[biglaang matutumba si Vienn]

[lalabas si David]

DAVID: ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!


DAVID: NGAYON AY LUMALABAN, ANG TAO, ANG BAY- Aba, sino ‘to? [tatapikin si Vienn]
Pst, hoy, bata, ano’ng ginagawa mo d’yan? Hindi ka naman mukhang manggagawa o
magsasaka, pero nasagsag ka sa lupa! Ano’ng gingawa mo d’yan? Ahem!

[nagising si Vienn]

VIENN: H-hoy! S-sino ka! Nasaan ako?! Ba’t nandito ako? N-nasa langit na ba ako? Lord,
ikaw ba ‘yan?!

DAVID: Ha?
VIENN: Hakdog! Ano’ng nangyayari?!
DAVID: Ano’ng hakdog? Ano ‘yun? Ano’ng pinagsasabi mo?! O, sige, para maluwag ‘yang
damdamin mo: January 22, 1987. Mukha mo’y parang galing sa ibang planeta, jusko.
VIENN: 1987?! ANO?! ‘DI BA’T 2020 NA?! NASAAN AKO?!
DAVID: 2020? 2020 mo ‘yang pagmumukha mo, kung hindi ka babarilin ng mga militar ni
Marcos, aabot ka siguro ng 2020. Ngayon? Ewan ko lang. Napano ka ba?

VIENN: Saglit lang: HA? Naging totoo nga ‘yung sinasabi ko, nalipat ako sa old times. Hala!
Parusa ata sa’kin ‘to! Awit! Hays!

DAVID: Alam mo, mukha kang astig pero ‘di ko alam ‘yang mga binibigkas mo. Sumama ka
na sa akin at may pupunta pa ako sa Mendiola.

VIENN: A-ah, okay, sige.


DAVID: Heto, malapit na rin naman ako. [binigyan ng pagkain]
VIENN: Para s’an ‘to?
DAVID: Para ‘di ka magutom. Mukha kang nagugutuman, eh.
VIENN: Order nalang tayo ng pizza sa Grab kaya? Ayaw ko ng Skyflakes!
DAVID: Ha? A-ano? Grab? Order? Ano ‘yun?
VIENN: Ay, joke. 1987 pala.
DAVID: Dadalhin na ata kita sa Bulacan at magpagamot ka sa kaisipan mo.
VIENN: Hindi po! Totoo, lumilindol tapos biglaan nalang nandito ako sa old t-
DAVID: Pabayaan mo na, basta. Nandito na rin tayo sa Mendiola.
VIENN: Check ko ulit phone ko, kung ano’ng oras na.
DAVID: Ano’ng phone? Ano ‘yun?

[nilabas ni Vienn ang phone niya]

DAVID: ANO ‘YAN?! BAKIT UMIILAW?! HA? SAANG PLANETA KA GALING? WALANG
HIYA ANO ‘YAN?!
VIENN: ‘Wag kang matakot, ‘wag! Selpon ‘to! Selpon!
DAVID: Cell… phone..? ‘Di ba telepono? Bakit ‘yan umiilaw tapos walang pampindot?
VIENN: Basta, maiintindihan mo rin.

DAVID: Hmm, sige. Tara nga, nandito na kolektib ko. Pero bilang mga tibak, dapat tulungan
ka rin naming mamulat.

VIENN: Kolektib? Tibak? Ano ‘yun?

DAVID: Gusto mo ba malaman ang nangyayari ngayon sa bayan natin?


VIENN: I mean, ‘kaw ba’la, p’re.

[kakanta si David at si Vienn]

DAVID:
Ang mga ibon sa Kanayunan, kumakanta
Ang mga ibon sa Kanyunan, kumakanta

O, ang himig ng hamog na pagsapit ng ilaw


Parang tunog ng lira sa tula ni Halaw
Ang isang pagdiwang na kay tahimik ng araw
Digmaang gilas gamit ang pahapyaw na tanaw.

DAVID:
Ang mga ibon sa Kanayunan, kumakanta
Ang mga ibon sa Kanyunan, kumakanta

"Magandang umaga!" sa bawat sigaw, ako'y nananalig


Sa lupaing báhid ang dugo't labas sa bibig
Dikit-dikitang luya sa pagtanim ng bala sa sahig
Ang bukambibig na ibon? Umapaw na, mula sa tubig.

DAVID:
Ang mga ibon sa Kanayunan, kumakanta
Ang mga ibon sa Kanyunan, kumakanta

VIENN:
O, ang sariwang hangin na saklop ang kemikal
Bawat singhap ay may amoy ng ospital
Bawat dahas sa dikit-dikitang mga nanluluyang paa
Ang pintuan ng bukás-búkas, tila'y sumasara.

DAVID:
Ang mga ibon sa Kanayunan, kumakanta
Ang mga ibon sa Kanyunan, kumakanta

Magandang umaga, ang Inang Lupang tinanghal


Sa entablado ng mundo'y sumasayaw, sa araw
Giit ng sambuod ng aklatang halip ay sinakal
Gamit ang lubid sa kamay na tumutuklaw.

DAVID:
Ang mga ibon sa Kanayunan, kumakanta
Ang mga ibon sa Kanyunan, kumakant-

DAVID: MILITAR! MILITAR! MGA LEKS, LABANAN NA SILA! MAKISULONG SA DIGMANG


BAYAN! TARA NA, TARA NA!
VIENN: Ano’ng nangyayari?! Ha?

DAVID: MAGTAGO KA, SINUKAMAN. LUMIKAS KA NA RITO! HAYAAN MO KAMING


LABANAN. BILANG MASA, SUMULONG KA AT MAGING LIGTAS!

VIENN: HA?! AALIS NA AKO, AALIS NA!

DAVID: ALIS, A- [mababaril si David]

VIENN: HALA?! KUYA?! KUYA!


VIENN: [mahihimatay at magigising sa 2020]

VIENN: A-ano’n nangyari? Ano’ng klaseng panaginip ‘yon?


VIENN: Hay, nakatulog ako sa klase. Saglit, check ko nga phone ko.
VIENN: “Iginiit ng iba’t-ibang progressive groups and Mendiola Massacre”
VIENN: Tama nga, tama nga.
VIENN: Hindi siya panaginip.

VIENN: Lagi namang mangyayari ‘yon, paano na kaya ngayon?

VIENN: Hay, kawawa naman.

VIENN: Ang mga ibon sa Kanayunan, ay laging:

VIENN: Kumakanta.
Angeles University Foundation
Angeles City
INTEGRATED SCHOOL
Santa Barbara Campus, Angeles City 2009

ISKRIPTO PARA SA TANGHALAN SA FILIPINO X


(Ang Ibon ay Kumakanta Pa Rin)

Isinumite nina:
GUMILET, Vienn Railly
PAVICO, David Daniel
Mag-aaral ng 10 - St. Augustine

Isinumite kay:
Bb. Emee Q. Sunga
Maestra, Filipino X

You might also like